Week 1: Kahulugan NG Teknikal-Bokasyonal Na Pagsulat: Learning Activity Sheet Pagsulat Sa Filipino Sa Piling Larang - TVL

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Name: Year Level:

Track: Strand/Specialization:
Teacher: Date:

LEARNING ACTIVITY SHEET


PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG - TVL
Week 1:
Kahulugan ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat

Learning Competency (MELC)

1. Nabibigyang-kahulugan ang teknikal at bokasyunal na sulatin.


(CS_FTV11/12PB-0a-c-105)

UNANG PAGSUBOK:

Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang ukol sa teknikal-bokasyonal na


pagsulat. Punan ang patlang ng angkop na salita (HINDI TITIK) upang
makumpleto ang kaisipan ng mga ito. Isulat ang buong pangungusap sa papel.
1. Ang _________ ay isa sa mga kasanayan ng pagsasatitik ng mga isipan ng mag-
aaral at sumusukat ng kahusayan nito sa paggamit ng wika.
A. pagsulat B. pakikinig C. pagbasa D. panonood
2. Ang teknikal-bokasyonal na sulatin ay gumagamit ng kumbensyonal na _________ at
may sinusunod na anyo.
A. istilo B. pananda C. pagsulat D. pamaraan
3. Huhubugin ng pagsulat ng mga teknikal-bokasyonal na sulatin ang ating mabisang
pakikipag-ugnayan sa lipunang Pilipino sa pamamagitan ng mga panulat gamit ang
wikang __________.
A. Filipino B. Opisyal C. Kumbensyonal D. Pambansa
4. Ang teknikal-bokasyonal na sulatin ay may angkop na mga terminolohiya sa pagsulat
sa bawat tiyak na gawain at ang pagpapahayag ng impormasyon ay __________ at
hindi maligoy.
A. tuwiran B. masining C. makatuwiran D. mabulaklak
5. Ang sulating teknikal-bokasyonal ay nagpapahayag sa isang paksa na
nangangailangan ng direksyon, pagtuturo at __________ sa mabisang paraan.
A. paggamit C. pagdedemonstreyt
B. pagpapaliwanag D. paghahalimbawa
6. Anumang uri ng propesyonal na gawain ang ginagawa mo, maaaring ito ay
nangangailangan ng mga gawaing pagsulat at marami rito ay likas na __________.
A. teknikal B. malikhain C. matalinghaga D. mapang-aliw
7. Ang teknikal-bokasyonal na sulatin ay nagpapahayag sa isang __________ na
pananalita.
A. tuwiran B. makatuwiran C. maligoy D. mabulaklak
8. Ang teknikal na salita ay ukol sa sining pang-industriya at agham samantalang ang
bokasyonal ay hinggil naman sa ___________ at hanapbuhay.
A. mekaniko B. larangan C. teknolohiya D. sulatin
9. Sa ___________, karaniwan itong nagtatampok ng mga teknikal na terminolohiya,
formula, o pagsusuri ng mga konsepto na kaugnay sa isang espesipikong larangan.
A. Bokasyonal na sulatin C. Teknikal na sulatin
B. Teknikal bokasyonal na sulatin D. Tama lahat
10. Ang ___________ naman ay tumutukoy sa pagsusulat na may kinalaman sa isang
tiyak na propesyon o trabaho.
A. Bokasyonal na sulatin C. Teknikal na sulatin
B. Teknikal bokasyonal na sulatin D. Tama lahat

pg. 1
Pagpapakilala ng Aralin

Ang pagsulat ay kabilang sa mga kasanayan ng komunikasyon. Ang mga


kaisipang mahirap bigkasin ay maaaring ipahayag sa pamamagitan ng pagsulat. Subalit
ang kasanayang ito ay hindi madaling matutuhan, kailangang may pormal na pagsasanay
ang sinuman sa loob ng paaralan.

Ang Teknikal-Bokasyonal na Sulatin

Ang salitang teknikal ay mula sa salitang tecnical ng mga Español, katumbas nito
ang salitang technical ng Ingles na di naiiba ang kahulugan. Sa Filipino, binibigkas natin
ito na teknikal. Ayon sa UP Diksiyonaryong Pilipino, ang teknikal ay: (1) ukol sa o
kaugnay sa sining pang-industriya, mekaniko, at aplikadong agham, (2) ukol sa o
ginagamit sa partikular na agham, sining, at iba pa, (3) ukol sa o nagpapakita ng
pamamaraan.

Habang ang bokasyonal ay nahihinggil sa hanapbuhay. Sa madaling sabi, sa


pagsulat, ang teknikal-bokasyonal na sulatin ay naglalaman ng mga kaalaman at teknika
ng mga kasanayang may kinalaman sa anumang larangan o espesyalidad at
hanapbuhay. Para kay Almario (2016), sinasaklaw nito ang lahat ng praktikal at
siyentipikong pagsulat, mula sa mga tekstong pankemistri hanggang pagrereseta ng
gamot at aklat sa pagluluto. Dagdag pa niya, pangunahing kailangan nito ng mga datos
at impormasyon, sa anumang anyo, na magiging saligan ng ipaliliwanag nitong konsepto
o pamamaraan.

Sa aklat ni Villanueva at Bandril (2016) na Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangang


(Isports at Teknikal Bokasyonal), inisa-isa nila ang anyo, layunin, gamit at katangian
ng pagsulat ng teknikal-bokasyonal. Ayon sa kanila, karamihan sa mga teknikal na
pagsulat ay tiyak at tumpak lalo na sa pagbibigay ng panuto. Ito ay payak dahil ang
hangarin nito ay makalikha ng tekstong mauunawaan at maisasagawa ng karaniwang
tao. Mahalaga na ang bawat hakbang ay mailarawan nang malinaw, maunawaan at
kumpleto ang ibinibigay na impormasyon. Dagdag pa rito, mahalaga rin ang katumpakan,
pagiging walang kamaliang gramatikal, walang pagkakamali sa bantas, at may angkop
na pamantayang kayarian. Ang teknikal na pagsulat ay naglalayong magbahagi ng
impormasyon at manghikayat sa mambabasa.

Kung gayon, ang pagsulat, at ang sulating teknikal-bokasyonal ay nakaugnay sa


anumang larangang may kinalaman sa larangan at hanapbuhay na kanilang
kinabibilangan na may pagsasaalang-alang sa tiyak na pangkat ng mga mambabasa.

Karaniwang nagbibigay na kaalaman o nagtuturo ng kasanayan ang sulating


teknikal. Sinasaklaw nito ang lahat ng praktikal at siyentipikong pagsulat, mula sa mga
tekstong pangkemistri hanggang pagrereseta ng gamot at aklat sa pagluluto (Almario,
2016).

Ang teknikal bokasyunal na sulatin ay isang uri ng pagsulat na naglalaman ng


impormasyon o kaalaman ukol sa isang tiyak na larangan o bokasyon. Ito ay may
layuning magbigay ng detalyadong impormasyon hinggil sa isang partikular na aspeto ng
isang larangan o trabaho.
Sa teknikal na sulatin, karaniwan itong nagtatampok ng mga teknikal na
terminolohiya, formula, o pagsusuri ng mga konsepto na kaugnay sa isang espesipikong
larangan. Ang bokasyunal na sulatin naman ay tumutukoy sa pagsusulat na may
kinalaman sa isang tiyak na propesyon o bokasyon.

pg. 2
Ang pangunahing layunin ng teknikal bokasyunal na sulatin ay magbigay-linaw,
magbigay-gabay, o magbahagi ng impormasyon na makakatulong sa mga nagbabasa
na maunawaan at maisagawa ang isang tiyak na gawain o konsepto sa larangan ng
kanilang propesyon o bokasyon.
Iba ang anyo ng teknikal bokasyunal na sulatin sa iba't ibang larangan, subalit ang
pangunahing layunin nito ay mapadali ang pag-unawa at paggamit ng teknikal na
kaalaman sa isang tiyak na larangan o propesyon.

Narito ang ilang mga mahahalagang aspekto tungkol sa teknikal bokasyunal na


sulatin:

Layunin:

Ano ang layunin ng sulatin? Siguruhing malinaw ang layunin ng sulating teknikal
bokasyunal. Ito ay maaaring magsilbing gabay sa pagsulat at magtutok sa
pangangailangan ng mambabasa.

Audience (Tagapakinig o Mambabasa):

Sino ang target na mambabasa? Alamin kung sino ang inaasahan mong magsusuri ng
iyong sulatin. Ang teknikal bokasyunal na sulatin ay dapat na makatugon sa
pangangailangan ng iyong audience.

Estilo ng Pagsulat:

Ano ang tono at estilo ng pagsulat? Ang pagsulat ng teknikal na sulatin ay kadalasang
nangangailangan ng masusing pagsusuri at malinaw na pagsasaalang-alang sa teknikal
na aspeto ng wika.

Estruktura:

Paano dapat maayos ang estruktura ng sulatin? Isalaysay ang impormasyon nang
maayos at sistematik. Karaniwan, may introduksyon, katawan, at kongklusyon ang mga
teknikal na sulatin.

Wika at Pananaw:

Ano ang wastong wika na dapat gamitin? Siguruhing ang wika ay naaayon sa
pangangailangan ng mambabasa. Iwasan ang jargon o teknikal na terminolohiya na
maaaring hindi maintindihan ng karaniwang tao.

Pamamahagi ng Datos:

Paano maipaparating ang datos? Ang mga teknikal na sulatin ay kadalasang


naglalaman ng datos at estadistika. Siguruhing maayos ang presentasyon ng mga ito.

Rebisyon at Pagsusuri:

Gaano kahalaga ang pagsusuri at pagrerebisa? Iwasan ang mga pagkakamali sa


gramatika at teknikal na detalye. Ang pagsusuri at pagrerebisa ay mahalaga para sa
kahusayan ng sulating teknikal bokasyunal.

Paggamit ng Teknikal na Bokabularyo:

Paano dapat gamitin ang teknikal na bokabularyo? Ang paggamit ng tamang teknikal na
bokabularyo ay nagbibigay-linaw at nagpapadali ng pag-unawa ng mambabasa.

pg. 3
Sa pamamagitan ng maingat na pagsusuri at pagsasanay, maaari mong
masiguro na ang iyong teknikal bokasyunal na sulatin ay makakatugon sa layunin nito
at magiging epektibo sa iyong audience.

Mga Mahahalagang Salita na Maiugnay sa Teknikal Bokasyonal

1. May espesyalisado
2. Komunikasyong pagsulat
3. Aplikasyon ng mga produkto
4. Mahalagang bahagi ng industriya

TEKNIKAL BOKASYONAL NA PAGSULAT

➢ Paraan ng pagsulat at komunikasyon para sa propesyonal na pagsulat


tulad ng ulat panglaboratoryo, mga proyekto, mga panuto, at mga
dayagram.

➢ Bahagi ng industriya dahil dito ay nagbibigay ng mahalagang


dokumentasyon sa gamit at aplikasyon ng mga produkto at paglilingkod
sa bawat industriya. Malki rin ang naitutulong sa paghahanda ng mga
teknikal na dokumento para sa kaunlaran ng teknolohiya upang
mapabatid ito nang mas mabilis, episyente, at produktibo.

Batayang Simulain ng Mahusay na Sulating Teknikal Bokasyonal

1. Pag-unawa sa mambabasa. Ang ulat ay dapat iangkop sa pangangailangan ng


mambabasa ng ulat at kung paano niya magagamit ang ulat.
2. Pag-alam sa layunin ng bawat artikulo o ulat
3. Pag-alam sa paksang-aralin
4. Paggamit ng tamang estruktura
5. Obhetibong pagsulat. Nararapat na nailalahad at naipapaliwanag ang paksang-
aralin sa malinaw, obhetibo, tumpak, at di-emosyonal na paraan.
6. Paggamit ng etikal na pamantayan

GAWAIN 1: Basahin ang halimbawa ng isang sulating Teknikal Bokasyonal nang may
pag-unawa o pag-intindi. At pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba
sa papel.

Halimbawa ng Sulating Teknikal-Bokasyonal

Taga-Marikina, mahalaga ka sa pagpigil ng pagkalat ng COVID-19. Kaya


mahalagang may alam ka!

Una. Ang COVID-19 virus ay naisasalin sa pamamagitan ng droplets na mula sa


laway, sipon, o plema. Kaya mag-ingat sa pagbahing, pag-ubo, at pagsasalita, lalol kung
walang suot na mask.

Ikalawa. Sa bahay ka muna. Kailangang tiisin ang inip. Lumabas lamang kung
nakatoka sa pagbili ng pagkain o gamot. Kung lalabas, siguruhin ang social distancing
at pagsuot ng mask.

Ikatlo. Dapat, virus-free ang tahanan. Laging maghugas ng kamay gamit ang
sabon o mag-sanitize gamit ang alkohol. Kung galing sa labas ng bahay, i-sanitiza muna
ang mga gamit na suot o na-expose sa labas (damit, sapatos, cellphone, atbp.) at
dumiretso sa banyo upang maligo. I-disinfect din ang lahat ng bagay na nahawakan tulad
ng doorknob, gate, atbp.

pg. 4
Ikaapat. Palakasin ang immune system. Mag-ehersisyo, magpaaraw, uminom ng
Vitamin C at iwasan muna ang pagpupuyat at mga bisyo (paninigarilyo, at pag-inom ng
alak).

Ikalima. Kung mayroong exposure sa mga nagpositibo sa COVID-19 o mayroong


sintomas ng infection, magpakonsulta sa mga doktor (pwede sa mga online cosultation
ng DOH at ng ating health office) at kung pupunta sa ospital/clinic, ipaalam ang potensyal
na infection sa virus.

Kailangan nating pigilan ang pagkalat ng COVID-19. At kapag responsable ka,


malapit na uling maging ligtas at masaya ang Marikina.

"Sama-sama. Tulong tulong. Walang maiiwang Pilipino." Mayor Marcy Teodoro...


Isang Paalala mula sa Pamahalaang Lungsod ng Marikina

Pasasalamat sa boluntaryong paggawa ng video ni Direk Kent Limbaga, taga


Marikina!

Pag-unawa sa Binasa:

1. Anu-anong salita ang mahirap unawain sa binasa?


2. Ano ang mahalagang paalala na binanggit sa binasa?
3. Bilang taga-Butuan, sa paanong paraan ka noon nakakatulong upang hindi na
dumami pa ang kaso ng Covid-19 sa ating lugar?
4. Ano sa tingin mo ang katangian ng tekstong binasa?
5. Sa tingin mo. ang akda ba ay kabilang sa halimbawa ng teknikal-bokasyonal na
sulatin? Bakit?

GAWAIN 2:

Panuto: Mula sa salitang SULATIN, bigyan ng pagpapakahulugan ang bawat titik sa


pamamagitan ng pag-alala sa mga natutuhang kahulugan ng teknikal-
bokasyonal na sulatin.
S- ______________________________________________
U- ______________________________________________
L- ______________________________________________
A- __________________________________________
T- ______________________________________________
I - ______________________________________________
N- ______________________________________________

PANGHULING PAGTATAYA

1. Isang uri ng sulating napakahalaga sa paraan ng pagsulat at komunikasyon para sa


propesyonal na pagsulat tulad ng ulat panglaboratoryo, mga proyekto, mga panuto,
at mga dayagram.
A. Akademikong sulatin C. Teknikal-bokasyonal na sulatin
B. Teknikal na sulatin D. Bokasyonal na sulatin
2. Ang teknikal na pagsulat ay naglalayong magbahagi ng impormasyon at __________
sa mambabasa.
A. Maglarawan B. Mangatuwiran C. Maglahad D. Manghikayat
3. Ikaw ay naatasan ng iyong guro na sumulat ng isang teknikal-bokasyonal na sulatin
ukol sa isang negosyong maaari mong pasimulan sa maliit na puhunan at resorses
na mayroon ka, gayundin batay sa kakayahan mo. Anu-ano ang dapat mong
isaalang-alang sa pagsulat?

pg. 5
A. Malalim na pag-iisip
B. Malawak na pagsasanay
C. Masusing paghahanda at pananaliksik
D. Paggamit ng mabubulaklak na pananalita upang makakumbinsi

4. Ikaw ay maglalahad sa harap ng klase sa pamamagitan ng Zoom Meeting ng isang


sulating teknikal-bokasyonal na isinulat mo ukol sa isang usapin sa larangan ng
Automotive, Agri-Crop o Cookery. Alin sa mga katangian ng sulatin ang HINDI
angkop sa nilikha mo?
A. May angkop na pananalita.
B. Nagpapalawak ng imahinasyon.
C. Ito ay nagpapahayag nang tuwiran.
D. Nagpapaliwanag sa pinakamadali at epektibong paraan ng pagtuturo at paano
maisasagawa ang gawain.
5. Ang pokus ng teknikal-bokasyonal na pagsulat ay ang introdaksyon ng mag-aaral sa
iba’t ibang uri ng pagsulat na kailangan sa mga gawaing may teknikal na
oryentasyon. Sa ganitong kalagayan, ano ang nararapat na laging isinasaisip para sa
mabisang pagpapahayag?
A. pananaliksik C. pagbabalangkas
B. pag-iisip D. pagsusulat
6. Susulat ka sa inyong kapitan ng barangay upang humiling ng tulong para sa iyong
kapitbahay na napuna mong ilang araw ng nilalagnat. Anong partikular na katangian
ng sulating teknikal-bokasyonal ang dapat mong isaisip?
A. Batay sa katotohanan C. Punong-puno ng impormasyon
B. Mapaglaro na imahinasyon D. May sariling istilo ng pagpapahayag
7. Nais mong maging mahusay na Chef/Welder/Florist balang araw. Kinakailangan
mong magsanay sa pagsulat ng mga teknikal-bokasyonal na sulating may
kaugnayan sa pinagpapakadalunhasaan mo. Anong uri ng detalye ang dapat mong
isaisip ukol sa pagsulat ng mga teknikal-bokasyonal na sulating ito?
A. makatuwiran C. obhetibo
B. batay sa opinyon D. matalinghaga
8. Ano ang pangunahing tunguhin mo sa pagsulat ng teknikal-bokasyonal na sulatin?
A. Pagsulat na nag-uulat.
B. Pagsulat na nanlilibang.
C. Pagsulat na nagpapagalaw ng imahinasyon.
D. Pagsulat na nakapagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa.
9. Habang mas marami ang alam mo ukol sa batayang kasanayan sa teknikal na
pagsulat, mas mahusay na pagsulat ang magagawa mo sapagkat
A. naranasan mo na ito.
B. walang makapipigil sa iyong kahusayan at kabisaan.
C. alam mo ang mga tiyak na istilong dapat gamitin sa pagsulat.
D. mataas ang tiwala mo sa sarili na kaya mo ang gawain.
10. Nais mong aralin at hasain ang kakayahan mo bilang nagpapakadalubhasa sa
larangang iyong pinili. Kaya naman sulat ka nang sulat ng iba’t ibang teknikal-
bokasyonal na sulatin kaugnay ng iyong larangan. Dahil diyan, ano ang malilinang
sa iyong sarili?
A. Magiging matalino ka.
B. Makabubuo ka ng sarili mong istilo.
C. Magiging mahusay kang Chef.
D. Mapapataas mo ang antas ng iyong tiwala sa sarili.

pg. 6
PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO:

Panuto: Mula sa iyong natutuhan ukol sa Teknikal-bokasyonal na Pagsulat, ano ang


maitutulong nito sa iyong pagkatao at sa iyong pakikipamuhay sa lipunang
ginagalawan mo at sa iyong pinag-aaralang larangan? Isulat ang sagot sa
kwaderno sa pamamagitan ng paggamit ng unang linyang…

Napag-isip-isip kong _______________________________________________


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_______________.

References for learners:

Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc) Alternative Delivery Mode – Sangay ng Paaralang


Lungsod- Manila
Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc) - #ETUlayLevelUp

pg. 7

You might also like