FilipinoGr 11 LAS Tekstong Persweysib

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE CITY


San Ignacio St., Poblacion, City of San Jose del Monte 3023
11
LEARNING
ACTIVITY SHEETS
(LAS)
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Kwarter 3 – Modyul :3
Tekstong Persweysib
( F11PS-IIIb)

Panimulang Pagtataya
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
1. Ang layunin ng tekstong ito na manghikayat o mangumbinsi.
a. Argumentatibo b. Persuweysib c. Prosidyural d. Impormatibo
2. Ito ay paraan ng panghihikayat na tumutukoy sa gamit ng emosyon o damdamin
upang makahikayat ng mga mambabasa.
a. Ethos b. Pathos c. Logos d. Kredibilidad
3. Ito ay paraan ng pangungumbinsi na tumutukoy sa kredibilidad ng isang
manunulat upang makapangumbinsi.
a. Ethos b. Pathos c. Logos d. Kredibilidad
4. Ito ay paraan ng pangungumbinsi na tumutukoy sa paggamit ng lohika upang
makumbinsi ang mambabasa.
a. Ethos b. Pathos c. Logos d. Kredibilidad
5. Ito ay ginagamit ng ilang mga eksperto sa panghihikayat na bumili ng isang
produkto o iboto ang isang kandidato upang mapansin o makapukaw ng atensiyon
na may masusing pag-iisip.
a. Tekstong Deskriptibo c. Propaganda Devise
b. Tekstong Persweysib d. Paraan ng Panghihikayat
6. Siya ay isang griyegong pilosopo na nagpakilala ng tatlong paraan ng
panghihikayat.
a. Aristotle b. Gleason c. Eugene d. Hymes
7. Ang propaganda device na nagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang
produkto o tao upang hindi tangkilikin.
a.Gliterring Generalities c. Name Transfer
b. Name Calling d. Testimonial8
8. Gumagamit ng magaganda at nakakasilaw na pahayag sa produkto na
tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.
a. Bandwagon c. Gliterring Generalities
b. Card Stalking d. Transfer
9. “Ang softdrinks na ito ay nakapapawi ng uhaw sa mainit na panahon”. Anong uri
ng propaganda device ang ginamit sa pahayag?
a. Transfer b. Card Stalking c. Bandwagon d.Name Calling
10. Pag-endorso ni Senator Manny Pacquio sa Alaxan bilang pantanggal ng sakit
ng katawan..Anong uri ito ng propaganda device?
a. Transfer b. Plain Folks c. Bandwagon d. Testimonial
B. Lagyan ng tsek ( / ) kung ang pahayag ay nagpapamalas ng kalikasan ng
Tekstong Persweysib at ( X ) kung hindi.
11. Naglalayong mangumbinsi o manghikayat

2
12. May obhetibong tono
13. Taglay nito ang personal na opinyon ng may-akda.
14. Isinusulat ang tekstong ito upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa o
makumbinsi sa punto ng manunulat.
15. Inilalarawan ng tekstong ito ang mga bagay at pangyayari na nakapaloob sa
isang akda.

Mga Layunin
1. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa.
F11PS-IIIb.

Sa learning activity sheet na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:


a. Natutukoy ang kahulugan ng tekstong persweysib.
b. Naiisa-isa ang mga katangian at kalikasan nito; at
c. Nakabubuo ng tekstong persweysib sa ng campaign ad at poster.

Mga Pangunahing mga Konsepto


Ang Tekstong Persuweysib
Layunin ng tekstong persuweysib ang manghikayat o mangumbinsi sa
babasa ng teksto. Hinihikayat din nito ang mambabasang tanggapin ang
posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto. Ito rin ay may subhetibong
tono sapagkat malayang ipinahahayag ng manunulat ang kanang paniniwala at
pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig. Taglay nito ang personal na
opinyon at paniniwala ng may akda ginagamit din ito sa mga iskrip para sa
patalastas propaganda para sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang samahan
o networking.
Inilarawan ang Griyegong pilosopo na si Aristotle ang tatlong paraan
ng panghihikayat o pangungumbinsi. Ito ay ang sumusunod:
1.Ethos- Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat. Dapat
makumbinsi ng isang manunulat ang mambabasa na siya ay may malawak na
kaalaman at karanasan tungkol sa kanyang isinusulat,kung hindi ay baka hindi
sila makahikayat rito. Halimbawa, ang isang taong nanghihikayat ng mga turista
upang bisitahin ang isang isla sa Pilipinas gayong hindi pa siya nakakapunta rito
ay maaaring maging kaduda-duda. Gayunman, may iba pang paraan upang
magkaroon ng kredibilidad. Ang istilo ng pagsulat ay mahalaga upang
magkaroon ng kredibilidad. Dapat na maisulat nang malinaw at wasto ang teksto
upang lumabas
2.Pathos -tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang
makahikayat. Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay madaling
madala ng kanilang emosyon. Halimbawa: ang pagsasalaysay ng isang

3
kuwentong makaaantig ng galit o awa ay isang mabisang paraan upang
mahikayat silang pumanig sa manunulat.
3. Logos - tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi
ang mambabasa. Kailangang mapatunayan ng manunulat sa mga
mambabasa na batay sa mga impormasyon at datos ng kanyang inilatag ang
kaniyang pananaw o punto ang siyang dapat paniwalaan.Halimbawa:Kung ano
ang puno ay sya ring bunga.

2. ALAMIN NATIN!
Ang Propaganda Devices
May pitong propaganda devices na ginagamit ng ilang mga eksperto sa
panghihikayat na bumili ng isang produkto o iboto ang isang kandidato upang
mapansin o makapukaw ng atensiyon na may masusing pag-iisip.
1. Name-Calling - pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o
katunggaling politiko.
Halimbawa: pekeng sabon o bagitong kandidato.
2. Glittering Generalities - magaganda at nakasisilaw na pahayag ukol sa
isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng
mambabasa.
Halimbawa: Mas makatitipid sa bagong ____. Ang inyong damit ay mas
magiging sa _______.
3. Transfer - paggamit ng sikat ng personalidad upang mailipat sa isang produkto o
tao ang kasikatan.
Halimbawa: Ipagpapatuloy ko ang sinimulan ni FPJ. -Grace Poe.
4. Testimonial - kapag ang sikat na personalidad ay tuwirang nag endorso ng isang
tao o produkto.
Halimbawa: Pag endorso ni Governonor Vilma Santos sa produktong Bear
Brand.
5. Plain Folks - ginagamit ito sa kampanya o komersyal kung saaan ang mga
kilalang o tanyag na tao ipinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto o
serbisyo.
Halimbawa: Si Susan Roces para sa Rite Med.
6. Card Stacking - Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto
ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian.
Halimbawa: Ang instant noodles na ito ay nakapagbubuklod ng
pamilya,nakatitipid sa oras ,mura na masarap pa.(Ngunit hindi nito sinasabing

4
kakaunti lang ang sustansyang taglay,maraming tagong asin at kung araw-araw
itong kakainin ay maaaring magdulot ng sakit.)
7. Bandwagon - panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang
produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na.
Halimbawa: ABS CBN TV Plus ni Sarah Geronim
(Sinipi mula sa aklat ni Alma M. Dayag, PLUMA)

GAWAIN 1. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa


sagutang papel.
A. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita:
1. persuweysib _______________________________________
2. endorso _______________________________________
3. kredibilidad ________________________________________
4. eksperto ________________________________________
5. subhetibo ________________________________________

B. Pag-unawa sa binasang teksto.


1. Ayon sa binasa, ano ang tekstong persweysib?
2. Ibigay ang layunin mga ng tekstong persuweysib?
3. Saan madalas gamitin ang tekstong persuweysib?
4. Ibigay ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng tekstong persuweysib?
B. Gamit ang sarining opinyon sagutin ang sumusunod:

5
GAWAIN 2. Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang sumusunod na tanong sa
sagutang papel
Filipino, ang Pambansang Wika Dapat pang Ipaglaban 

6
ni Antonio Contreras

(Bahagi lamang)

Dahil dito, hindi dapat kinatatakutan ng mga aktibistang rehiyonalista ang


Filipino na siya raw bubura at lulusaw sa kanilang mga identidad. Ang pangambang
ito ay isang hungkag na pangamba.
Mabubura lamang ang kaakuhan kung ito ay hahayaan. At hindi
nangangahulugan na dahil ginagamit mo ang isang wika ay mawawala na ang
iyong pagkatao. Kung may malay ka dito at may control ka dito, hindi ito mabubura.
Ito dapat ang pinagkakaabalahan ng mga aktibistang rehiyonalista, ang
pagyamaninj ang kani-kanilang mga wika, kultura at kamalayan, kasabay ng
pagtangkilik sa pagpalaganap ng isang wikang pambansang sa ngayon ay
maaaring ang dominanteng hulmahan ay ang Tagalog, subalit bukas sa pagpasok
ng iba pang mga wika upang ito ay mapagyaman at mapayabong.
At ito rin ang dahilan kung bakit dapat ipagpatuloy na ipagtanggol  ang
Wikang Filipino at panatilihing buhay ang kamalayang iugnay ito sa ating paghubog
ng ating mga ba’t ibang identidad. Ito lamang ang sisiguro na hindi malulusaw ang
wika ng mga Pilipino sa mukha ng talamak na pagtangkilik sa Ingles.

Dapat pa ngang makipagtulungan ang mga aktibistang rehiyonalista sa


labang ito dahil sa iisang panig lang lahat tayo. Malinaw na kapag mawalan ng
lugar ang wikang Filipino sa pagbubuo ng kamalayang pambansa, mawawalan din
ng lugar ang mga wikang rehiyon na makapag-ambag sa kabuoan ng kamalayang
ito. Sa isang sistemang global, mawawala at lalamunin tayo sa ating pagkawatak-
watak.

              Sa kalaunan, hindi nman talaga ang Ingles ang kaaway. Hindi dahil
ginagamit ang Ingles ay mabubura na ang Filipino.

                Ang kaaway ay ang pwersang nananahan sa puso at isipan ng maraming


Pilipino, na ang iba ay may mga hawak pa nga na posisyon sa pamahalaan man o
sa pamantasan na lumilikha ng mga balakid at pumipigil sa pagpapanatili ng
Filipino sa kamalayan ng Pilipino. Ito ang mga taong pinipilit papiliin ang Pilipino na
mag-Ingles o mag-Filipino, samanatalang ang nararapat ay palawakin ang
kamalayang Filipino sa mga Pilipino upang kahit matatas tayong magsalita ng
Ingles ay mananatili tayong mataas magsalita sa Filipino at kung anumang
rehiyonal nating mga wika.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Ano ang ipinaglalaban ng may-akda?
2. Ano ang nais niyang mangyari?
3. Sino ang inaasahan niyang babasa ng teksto?
4. Anong paraan ng panghihikayat ang kanyang ginamit?Patunayan ang iyong
sagot.

7
5. Ano-anong dahilan ang kanyang inilatag upang makumbinsiang mambabasa na
ipaglaban ang wikang Pambansa?

GAWAIN 3.
A. Bumuo ng isang campaign ad na nanghihikayat naipakilala at tangkilikan ang
isang produkto na makikita o ginawa sa inyong lugar. Isulat sa bukod na papel.
B. Gumawa ng isang poster na nanghihikayat sa publiko upang sundin ang health
protocol upang maiwasan ang pagkakaroon ng Covid.

BATAYAN LAGPAS SA NAKATUGON PAPALAPIT SA NANGANGAILANGAN


INAASAHAN SA INAASAHAN INAASAHAN PA NG PAGPAPABUTI
1O 8 6 4

Estilo at Tiyak ang Ang wikang Tama ang Ang mga


pagpili ng paggamit ng mga ginamit ay wika: ang pangungusap at
salita salita at maingat partikular, at estilo ay salita ay maraming
ang pagpili ng tiyak ang paiba iba. mali. Nawala ang
tonong gagamitin nagamit na Maayos ang kaayusan ng
tono pahayag pagkakasunod ng
ngunit di mga salita
orihinal
Organisasyon Ang pagdevelop Mainam ang KInakitaan Ang organisasyong
ng mga punto ay naipakitang ng nang pagpapakita
natural, at ang pagdevelop ng organisayon ng pangkatang
lahat ng mga paghatid ng bagama’t gawain ay hindi
ideya ay mensahe , may ilan kinakitaan ng
magkakaugnay sa marami ang kasapi ng maayos na daloy
isa’t isa. naganyak at grupo na
Naganyak ang kainaman ang walang
lahat ng mga mag- bilang ng naiambag sa
aaral na nahikayat na gawain
nakatunghay sa mag-aaral
ipineresentang
gawain
Nilalaman at Naimpluwesiyaha Napasang- May ilang Kakaunti ang bilang
mga ideya n ang kaisipan, ayon ang mag-aaral na ng nahikayat na
saloobin at madami sa nakumbinsi mag-aaral at hindi
damdamin, bilang ng klase at nagkaroon nabigyan linaw ang
paniniwala, , nagkaroon ng ng nilalaman at ideya
motibasyon at motibasyon at motibasyon na nais ipabatid
naisin dahil sa nakuha ang
sapat na paniniwala
ebidensya dahil sa
o katibayang nakitang mga
inilahad sa paksa patunay sa
gawain

8
Pagtataya
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
1. Ang layunin ng tekstong ito na manghikayat o mangumbinsi.
a. Argumentatibo b. Persuweysib c. Prosidyural d. Impormatibo
2. Ito ay paraan ng panghihikayat na tumutukoy sa gamit ng emosyon o damdamin
upang makahikayat ng mga mambabasa.
a. Ethos b. Pathos c. Logos d. Kredibilidad
3. Ito ay paraan ng pangungumbinsi na tumutukoy sa kredibilidad ng isang
manunulat upang makapangumbinsi.
a. Ethos b. Pathos c. Logos d. Kredibilidad
4. Ito ay paraan ng pangungumbinsi na tumutukoy sa paggamit ng lohika upang
makumbinsi ang mambabasa.
a. Ethos b. Pathos c. Logos d. Kredibilidad
5. Ito ay ginagamit ng ilang mga eksperto sa panghihikayat na bumili ng isang
produkto o iboto ang isang kandidato upang mapansin o makapukaw ng atensiyon
na may masusing pag-iisip.
a. Tekstong Deskriptibo c. Propaganda Devise
b. Tekstong Persweysib d. Paraan ng Panghihikayat
6. Siya ay isang griyegong pilosopo na nagpakilala ng tatlong paraan ng
panghihikayat.
a. Aristotle b. Gleason c. Eugene d. Hymes
7. Ang propaganda device na nagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang
produkto o tao upang hindi tangkilikin.
a.Gliterring Generalities c. Name Transfer
b. Name Calling d. Testimonial8
8. Gumagamit ng magaganda at nakakasilaw na pahayag sa produkto na
tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.
a. Bandwagon c. Gliterring Generalities
b. Card Stalking d. Transfer
9. “Ang softdrinks na ito ay nakapapawi ng uhaw sa mainit na panahon”. Anong uri
ng propaganda device ang ginamit sa pahayag?
a. Transfer b. Card Stalking c. Bandwagon d.Name Calling
10. Pag-endorso ni Senator Manny Pacquio sa Alaxan bilang pantanggal ng sakit
ng katawan..Anong uri ito ng propaganda device?
a. Transfer b. Plain Folks c. Bandwagon d. Testimonial
B. Lagyan ng tsek ( / ) kung ang pahayag ay nagpapamalas ng kalikasan ng
Tekstong Persweysib at ( X ) kung hindi.

9
11. Naglalayong mangumbinsi o manghikayat
12. May obhetibong tono
13. Taglay nito ang personal na opinyon ng may-akda.
14. Isinusulat ang tekstong ito upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa o
makumbinsi sa punto ng manunulat.
15. Inilalarawan ng tekstong ito ang mga bagay at pangyayari na nakapaloob sa
isang akda.

Sanggunian
Dayag, Alma M. at Mary Grace G. Del Rosario (2017) Quezon City.

Prepared:
Teacher-Developer: Cynthia C. San Diego

Checked:
TLE Coordinator/ MT/ HT:

LR Coordinator/Layout Evaluator: Avegril A. Arpon

Language Evaluator:

Noted:

Assistant Principal: Maria Margarita O. Joven

School Head: Engr. Danilo A. Casas

Principal IV

10
11

You might also like