Komunikasyon Mod10

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Filipino
Ikalawang Markahan—
Modyul 10: Kakayahang Komunikatibo
ng mga Filipino
Pambungad sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan–Modyul10: Kakayahang Komunikatibo ng mga Filipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gámit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ruben S. Montoya
Editor: Jonathan F. Bernabe
Tagasuri: Elisa N. Lajera
Perlita E. Dela Cruz
Tagaguhit: Romdel F. Partoza
Tagalapat: Leonila L. Custodio
Tagapamahala: Arnaldo O. Estareja, EPS
Ma. Criscel R. Negosa, EPS In-Charge of LRMS
Laura O. Garcia, CID Chief
Editha M. Atendido, Schools Division Superintendent
Daisy Z. Miranda, Schools Division Superintendent
Elaine T. Balaogan, Regional ADM Coordinator
Fe M. Ong-ongowan, Regional Librarian
Job S. Zape Jr., CLMD Chief
Wilfredo E. Cabral, Regional Director

InilimbagsaPilipinas ng ________________________
Department of Education – RegionIV-A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro


Cainta, Rizal 1800
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: [email protected]
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Filipino
Ikalawang Markahan—
Modyul 10: Kakayahang
Komunikatibo ng mga Filipino
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Filipino para sa baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang, at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bílang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Talâ para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong, o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bílang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
italâ ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino sa Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksiyon, at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay, táyo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bílang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitóng matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksiyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bágong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukás
na suliranin, gawain, o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksiyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitóng
matulungan kang maunawaan ang bágong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gámit ang susi sa
pagwawasto sa hulíng bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung ano’ng
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bágong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng búhay.

Tayáhin Ito ay gawain na naglalayong matása o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi saPagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling mahirapan ka sa pagsagot sa mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin

iv
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sinuman sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Káya mo ito!

v
Alamin

Ang iyong isasagawang pag-aaral gámit ang modyul na ito ay tutugon sa


dapat mong malaman at matutuhang kasanayan. Ito ay batay sa
sumusunod:

Kasanayang Pampagkatuto:

 Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nitó sa


mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag- uusapan, lugar,
panahon, layunin, at grupong kinabibilangan F11PS-IIe-90

Layunin:

 Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nitó sa


mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar,
panahon, layunin at grupong kinabibilangan
 Napapahalagahan ang paggamit ng rehistro ng wika sa lipunan
 Nakabubuo ng pangungusap gámit ang mga angkop na salita batay
sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong
kinabibilangan

1
Subukin

Tukuyin ang gámit at paraan sa paggamit ng mga salita batay sa kausap,


pinag- uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan nito.

1. Ang mga magsasaka ay maagang lumulusong sa bukid upang hindi


gaanong mainit ang kanilang pagtatrabaho, samantalang ang mga
manggagawa sa Maynila ay lumulusong rin sa baha bago makarating
sa opisina.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan

2. Gabi na kami nakauwi kahapon dahil nagkaroon pa ng flag retreat,


kayâ hindi ko na naabutan ang gabi sa sinigang ni nanay.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan

3. “Nagtataka ang Mudra ko kagabi kung bakit hindi na naman ako


kumakain sa bahay, paano kasi hindi kaagad pumayag ang nanay mo
na umalis kami nang hindi kumakain. Ang sarap n’ya palang magluto,
isa s’ya talagang huwarang ina ng tahanan”.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. grupong kinabibilangan

4. Simple lang ang aming balay, hindi tulad ng bahay n’yo na mala-
mansiyon.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. grupong kinabibilangan

2
5. Hayan, malamig na naman ang kape mo, kasinlamig ng pag-ibig mo sa
kaniya.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa layunin
D. batay sa kausap

6. Ang init sa magdamag ay kusang naglalaho kapag ang init ng ulo ang
pumalit bunga ng pagpapaalala mo sa inyong nakaraan ng iyong ex.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa layunin
D. batay sa pinag-uusapan

7. Bitiwan mo na siya kung hindi ka na masaya at bitiwan mo na rin ang


patalim bakâ tuluyang maisaksak mo ’yan sa sarili mo.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa layunin
D. batay sa pinag-uusapan

8. “Ma’m, sir, heto po ang upuan umupo po kayo at medyo malayo pa po


ang ating lalakbayin,” ito ang madalas na maririnig mo kay Kuya Nato
tuwing umaga dahil halos mga empleado ang kaniyang pasahero.
Subalit pagsapit ng hápon at mga estudyante ang kaniyang sakay ay
ito ang maririnig mo sa kaniya, “ kaunting isud-isod, maluwag pa sa
gitna” na meron pang kaunting pasigaw.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa layunin
D. batay sa pinag-uusapan

9. Tukuyin kung saan nakarehistro/register ang mga salitang may


salungguhit. Mukhang nangangailangan ng malaking pondo ang
pagpapatayo ng gusali na magiging bahay-tuluyan ng mga tao sa
tuwing may kalamidad.
A. Midya
B. Medisina
C. Edukasyon
D. Inhenyeriya

3
10. Iwasan mo na ang pagpa-foul, mapapaaga ang pag-graduate mo n’yan.
A. Medisina
B. Edukasyon
C. Palakasan
D. Inhenyeriya

11. “O, ayan… sa susunod na sem hindi na ako ang guro n’yo…eh di
tuwang-tuwa na kayo. Sana man lang may maalaala kayo sa mga
pinagsasabi ko na wala sa libro.”
A. Medisina
B. Edukasyon
C. Palakasan
D. Inhenyeriya

12. Huwag mong kalilimutan na dalhin ang reseta ng doktor sa tuwing


bibili ka ng gamot sa botika, mahigpit na sila ngayon lalo na kung
antibiotic ang bibilhin mo.
A. Midya
B. Medisina
C. Palakasan
D. Edukasyon

13. Si Noli De Castro ay nagsimula bílang isang mamamahayag sa radyo


at telebisyon bago pa siya naging pangalawang pangulo ng republika,
patunay lamang ito na malayo ang mararating mo kung matiyaga ka
sa ginagawa mo.
A. Midya
B. Palakasan
C. Kalusugan
D. Inhenyeriya

14. Buo ang loob ng testigo sa pagharap sa imbestigasyon kanina, hindi


man lámang siya natinag sa mga katanungan ng abogado.
A. Hustisya
B. Kalakalan
C. Social Media
D. Lagay ng Panahon

15. Nakadudurog-puso ang sinapit ng mga táong ito nang mawasak ang
bangka nila matapos banggain at iwanan sa gitna ng laot.
A. Hustisya
B. Kalakalan
C. Pangingisda
D. Lagay ng Panahon

4
Aralin
Kakayahang Komunikatibo
10 ng mga Filipino

Mahalagang magkaroon ka ng kaalaman at kasanayan sa pagpili ng


angkop na mga salita at paraan ng paggamit nitó sa mga usapan o
talakayan batay sa kausap, pinag- uusapan, lugar, panahon, layunin, at
grupong kinabibilangan.

Balikan

Tukuyin ang mga salita batay sa gamit at grupong kinabibilangan nitó.


Ihanay ang mga salita batay sa rehistro nito.

facebook pataba pasukan pagsusulit

bigas COVID 19 mais like basher

mobile legends alcohol social distancing bigas isda

guro brigada eskuwela face mask tik-tok distance-learning

Kalusugan Edukasyon

Register

Agrikultura Social Media

5
Tuklasin

Bumuo o dugtungan ang mga pahayag sa pamamagitan ng pagpili ng


angkop na salita at paraan ng paggamit nitó sa mga usapan batay sa
kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong
kinabibilangan.

1. Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit ng Salita Batay sa Kausap

Sitwasyon 1: Pakikipag-usap ni Gng. Reyes sa kapuwa niya guro

Pangungusap 1: “Hoy mare, mahirap pala ang sitwasyon natin


ngayong new normal, aba eh hindi ka na makasaglit sa mall
para mag-milk tea”

Sitwasyon 2: Pakikipag-usap ni Gng. Reyes sa kanyiang punong-guro.

Pangungusap 2:__________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit ng Salita Batay sa Pinag-


uusapan

Sitwasyon 1: Paggamit sa salitang kanser bílang mahina o pabuhat sa


larong ML

Pangungusap 1: Nakakayamot ka naman, pare, isa kang kanser, talo


tuloy táyo sa laro.

Sitwasyon 2: Paggamit sa pangungusap ng salitang kanser na


tumutukoy sa isang karamdaman.

Pangungusap 2:____________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

6
3. Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit ng Salita Batay sa Lugar

Sitwasyon 1: Ang salitang diin sa Visayas ay may kahulugang “saan”.

Pangungusap 1: Diin ka man makagtu?

Sitwasyon 2: Gamitin ang diin sa sitwasyong nagbibigay ng


karagdagang lakas upang lumapat ang dalawang bagay

Pangungusap 2:______________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

4. Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit ng Salita Batay sa Panahon

Sitwasyon: Paggamit sa salitang ketong noon at unti-unting hindi na


ginagamit sapagkat nawala na ang ganitong sakít.

Pangungusap 1: Ang sakít na ketong ay isa sa kinakatakutang sakít na


nag-umpisa pa noong 1873 at lumaganap sa bansa hanggang 1980’s.

Sitwasyon: Gamitin sa pangungusap ang salitang COVID 19 dahil gamt


na gamít ang salitang ito ngayon.

Pangungusap 2:_______________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

5. Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit ng Salita Batay sa Layunin

Sitwasyon: Gagamitin sa pangungusap ang salitang “umuwi ka na”


bílang pagtaboy.

Pangungusap 1: Umuwi ka na, kanina ka pa inom nang inom, daig mo


pa ang mauubusan ng alak.

Sitwasyon: Gagamitin ang salitang “umuwi ka na” na mayroong


layuning humikayat na umuwi.

7
Pangungusap 2 :_____________________________________________________
_________________________________________________________________
___________________________________________________________________

6. Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit ng Salita Batay sa Grupong


Kinabibilangan

Sitwasyon: Gagamitin ang salitang embotido ng mga beki

Pangungusap: Agang-aga embotido na naman s’ya.

Sitwasyon: Gamitin ang embotido sa pangungusap bílang masarap na


pagkain

Pangungusap 2: ______________________________________________________
_______________________________________________________________________

8
Suriin

Ang tekstong ito ay nagpapakita ng angkop na salita at paraan ng


paggamit ng salita batay sa pinag-uusapan. Unawain ang nilalaman ng
teksto upang masagutan ang mga katanungan sa ibaba.

Nagsimula na ang tag-ulan, pagdedeklara ng State Weather


Bureau na Philippine Atmospheric, Geophysical, and
Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Martes.

Sa isang statement, sinabi ng PAGASA na ang naitalang


buhos ng ulan nitong nakaraang limang araw ang indikasyon na
nag-umpisa na ang panahon ng tag-ulan.

Makararanas ang Metro Manila at ang kanlurang bahagi ng


bansa ng panaka-naka hanggang tuloy-tuloy na buhos ng ulan
kaugnay ng southwest monsoon.

Maaari namang makaranas ng higit sa normal na pag-ulan


sa susunod na dalawang buwan ng Hunyo at Hulyo.

Inaasahang magiging mas maulan ang rainy season


ngayong taon kompara sa nakaraang dalawang taon, kung
kailan nakaranas ang bansa ng El Niño.

Maaring 19 hanggang 20 bagyo ang pumasok ngayong taon


saPhilippine area of responsibility.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-ingat ngayong


tag-ulan.

Mula sa: May 20, 2017 10:15am, Kim Atienza, ABS-CBN News

1. Itala ang mga salitang may salungguhit. Ibigay ang kahulugan nito.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

9
2. Ano ang paksa ng tekstong binasa? Tungkol saan ang nilalaman nito?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Sino ang nagsasalita sa teksto? Para kanino ang nilalaman ng teksto?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

4. Saan nakarehistro ang mga salitang may salungguhit sa teksto?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Batay sa iyong kasagutan sa mga naunang katanungan, Ano ang tinatawag na


rehistro ng wika?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

10
Pagyamanin

Nagagamit sa komiks iskrip ang angkop na mga salita at paraan ng


paggamit nitó sa mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-
uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan.

11
Isaisip

Narito ang paliwanang ukol sa pagpili ng angkop na mga salita at paraan


ng paggamit nitó sa mga usapan o talakayan batay sa:

1. kausap
Paliwanag: Nag-iiba ang gámit at paraan o estilo ng paggamit ng wika
depende sa kausap.

Halimbawa: Iba ang estilo o pananalita maging salitang ginagamit ng


isang guro kapag ang kausap ay punong-guro. Iba rin estilo sa
pagsasalita at gámit na salita kapag kapuwa n’ya guro ang kausap.
Lalong iba ang estilo at gamit na salita kapag estudyante ang kausap.

2. batay sa pinag-uusapan
Sitwasyon: Nag-iiba ang kahulugan ng salita depende sa pinag-
uusapan.

Halimbawa: Ang kahulugan ng “travel” ay lakbay o paglalakbay kung


ang pinag-uusapan n’yo ay paglalakbay o bakasyon, subalit kapag ang
pinag-uusapan ninyo ay basketbol, ang “travel” ay tumutukoy sa isang
paglabag o violation.

3. lugar
Sitwasyon: Ang salitang banas sa Quezon ay nangangahulugan ng inis
o iyamot, subalit sa mga karatig lugar nito ang banas ay nagpapahayag
ng mainit na panahon.

4. panahon
Ang mga salitang ito ay sumibol at laging bukambibig noong panahon
na ginagamit ito.

Sitwasyon: Noong 80’s hanggang 90’s laging ginagamit ang luksong-


tinik, tumbang-preso at siyatong ng mga batang naglalaro,
samantalang ngayon bukambibig ang ML at online games.

12
5. layunin

Bawat grupong kinabibilangan ay may sariling paraan o estilo sa


paggamit ng wika.

Sitwasyon: Ang pagbibilang ng isang guro sa loob ng klase ang may


layuning pabilisin ang ginagawa o pagpása ng papel. Ang layunin n’ya
sa isa, dalawa, tatlo ay hindi para magbiláng o wala naman talaga
siyang binibílang, kundi ito ay panuto.

Sitwasyon: Ang mga doktor ay may sariling estilo o paraan sa


pagsasalita at paggamit ng salita. Ang mga mangingisda ay mga
salitang sila lang marahil ang nakauunawa. Maging ang mga bakla ay
iba ang paraan sa paggamit wika o kayâ naman ay may sarili silang
wika.

Halimbawa:

1. Bibigyan kita ng reseta para sa sakít mo.


Mahihinuhang salita ito ng doktor para sa kanyang pasyente
2. Lagyan mo ng páin ang kawil para meron kang mahúli.
Mahihinuhang salita ito ng isang mangingisda para sa kaniyang
bágong kasama.
3. Ay Gardo Versoza ang umbre.
Mahihinuhang sinasabi ng isang bakla sa kanyang kausap na may
poging lalaki.

Ang estilo o pamamaraan sa paggamit ng salita ay tinatawag na


register.

13
Isagawa

Lagyan ng tsek (√) ang kahon na nagsasaad ng iyong saloobin at


damdamin tungkol sa pahayag.
Pahayag oo hindi
1. Natutukoy mo ba kung ano ang nais
sabihin sa iyo ng iyong kausap batay
lamang sa tono nito?
2. Mas mainam bang pasalita ang
gagawing komunikasyon upang mas
mapadali ang pagbibigay ng
impormasyon sa mga tagapakinig?
3. Mahalaga ba na alam mo ang layunin
ng isang nagsasalita para
maintindihan mo ang
kanilangipinapaliwanag?
4. Nagagamit mo ba mga rehistro ng wika
sa tuwing ikaw ay makikipag-usap?
5. Dapat isaalang-alang ang
kinabibilangan ng táong iyong kausap.

14
Tayáhin

Tukuyin ang gámit at paraan sa paggamit ng mga salita batay sa kausap,


pinag- uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan nito.

1. Si Rosa ang aming nag-iisang rosas ng aming pamilya na humaling na


humaling sa mga rosas ni Aling Rosana.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan

2. Hindi nila ramdam ang init ng araw dahil sa suot nilang vakul,
samantalang táyo ay suot ang sombrero kahit nása loob ng mall.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan

3. “Bili, bili na po kayo d’yan, sariwa, malalaki, mataba at bágong hango


ang aming tilapya”, subalit habang naririnig ang mga katagang
iyan na isinisigaw ng aking ina ay sariwa pa rin ang sugat sa aking
damdamin at hindi ko pa rin matanggap ang nagyari sa kaniya.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan

4. “Ang haba naman ng bitin na iyan,” ang wika ni Roger na isang


Bikolano na ang tinutukoy ay ang ahas. “ Sa palagay ko’y bitin
ang taling ito para mahúli natin ang ahas na iyan,” ang sambit
naman ni Alfred.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan

15
5. “Bawal ang lumiban sa kabilang ibayo” ang wika ni Batang na isang
Batanguño. Subalit sumagot si Anna sa kabilang linya at sinabing “
hindi s’ya lumiban sa klase”.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan

6. Gayak na ang lugar na pagdarausan ng salo-salo. Gayak na ang mga


abay para sa kasal.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan

7. Maliligo sana ako noon subalit walang tubig sa batalan, kayâ pumunta
pa ako sa balon bitbit ang balde at tabo. Ito ang mga alaalang natatawa
na lang ako sa tuwing bumabalik sa aking alaala kapag ako’y
nakapikit habang bumubos ang tubig gáling sa shower.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan

8. Ang bangkito ay isang maliit nasalumpuwit na inuupuan noon.


A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan

9. Bantayan mong maigi ang ading mo, naku kapag may mangyari d’yan
sa kapatid mo, lagot ka talaga.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan

16
10. “Naku, mam, mababait po ang mga batang ito. Masunurin po sila at
lagi po nilang pinanatili ang kalinisan at kaayusan sa loob ng silid-
aralan,” ang mahinahon at malambing na wika ni Gng. Delos
Reyes sa aming punong-guro. Subalit kapag kami na lamang ay
ito ang maririnig mo sa kaniya, “maglinis nga kayo ng silid at para
na itong kulungan ng baboy”.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan

11. Nag-iiba ang kahulugan ng salita depende sa pinag-uusapan.


A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan

12. Sa panahon ng new normal ang ating pag-aaral ay online para sa may
internet connection at modular para sa walang gadget sapagkat bawal
na ang face to face dahil sa COVID 19.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan

13. Hindi n’ya na nakikita ang kan’yang jowa kaya halos maging krung-
krung na siya.
A. panahon
B. lugar
C. kausap
D. grupong kinabibilangan

14. Ang mga salitang ito ay sumibol at laging bukambibig noong panahon
na ginagamit ito.
A. lugar
B. kausap
C. panahon
D. grupong kinabibilangan

17
15. Ito ay tumutukoy sa gamit at paraan o estilo sa paggamit ng wika.
A. Panghalip
B. Balbal na wika
C. Register o rehistro ng wika
D. Mga pang-ugnay o cohesive device

Binabati kita dahil natapos mo nang matagumpay ang mga pagsubok sa


modyul. Dahil diyan, gusto kong maging handa ka sa susunod na
pagsubok na iyong kahaharapin. Ngayon pa lámang ay paghandaan mo na
kung ano nga ba ang madalas na maririnig na salita sa iba’t ibang lugar
batay sa iba’t ibang sitwasyon.

18
19
Tayáhin Isagawa Subukin
1. D 1. Oo 1. A
2. A 2. Hindi 2. D
3. D 3. Oo 3. D
4. A 4. Oo 4. D
5. A 5. Oo 5. C
6. A 6. D
7. C 7. D
8. C 8. B
9. A 9. D
10. B 10. C
11. D 11. B
12. C 12. B
13. D 13. A
14. C 14. A
15. C 15. C
Susi saPagwawasto
Sanggunian
De Laza, Crizel.2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik.Rex Book Store

Jocson, Magdalena O.2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino. Vibal Group, Inc.

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like