Filipino Sa Piling Larang Week4
Filipino Sa Piling Larang Week4
Filipino Sa Piling Larang Week4
Ikaapat na Linggo
Pagsulat ng Talumpati
Pagsulat ng Posisyong Papel
Unawain Natin
Pagsulat ng Talumpati
Isaalang-alang ang uri ng wikang dapat mong gamitin na kaaya-aya sa mga tagapakinig.
Gumawa ng balangkas na dapat sundin sa isusulat na talumpati.
Iayon ang mga salita, tayutay, kasabihan, o salawikaing gagamitin sa pagpapahayag ng mga
ideya sa talumpati.
1. Paghahanda
a. Talumpating Maisusulat Pa
Ihanda ang iyong sarili na makapag-isip nang mabutri sa paksa ng talumpating iyong isusulat.
Palaging isipin na mahalagang mapukaw ang interes ng mga makikinig o manonood sa talumpati at
mauunawaan nila ang punto ng pagbigkas
b. Talumpating Hindi Maisusulat
Sa oras na malaman mo na ang punto o isyung kailangang bigyan ng talumpati, linawin ang
pag-iisip, huwag masyadong magbanggit ng maliliit na detalye bagkus ay lagumin ang nasa isip,
mahalagang magsalita nang may kabagalan upang maunawaan ng mga nakikinig ang iyong sinasabi
at makapag-isip ka rin sa proseso, at sumagot nang tuwid dahil maaaring ang pagsagot ay may oras
lamang.
Tiyaking hindi mawawala ang kawilihan o interes ng mga tagapakinig sa iyong talumpati kung
kaya’t mag-isip ng mga teknik sa pagsulat pa lamang o paghahanda sa pagbigkas nito.
3. Pagpapanatili ng Kasukdulan
1. Impromptu - ito ang uri ng talumpati na biglaan at walang ganap na paghahanda (Mangahis,
Nuncio, Javillo 2008).Karaniwang makikita ang mga ganitong uri ng pananalumpati sa mga job
interview, ilang okasyon ng question and answer, at pagkakataon ng pagpapakilala.
3. Isinaulong Talumpati - ito ang uri ng talumpati na isinusulat muna pagkatapos ay isinasaulo ng
mananalumpati (Mangahis, Nuncio, Juvilla, 2008). Masusukat dito ang husay ng pagbabalangkas ng
manunulat, kaniyang pagpapaliwanag at tibay ng kaniyang mga argumento bukod pa sa husay
niyang bumigkas.
Pumili ng paksa ayon sa iyong interes upang mapadali ang pagpapatibay ng iyong
paninindigan o posisyon. Kinakailangan ang ganito upang sa kabila ng pagiging mahirap ng pagsulat
ay hindi ka mawalan ng gana o panghinaan ng loob dahil gusto mo ang iyong paksa. Mas malawak
din ang nagagawang pananaliksik ng mga datos, opinyon, estadistika, at iba pang mga anyo ng mga
katibayan kapag nasa iyong interes ang paksa dahil nagiging mas bukas ang isipan sa mga bagong
ideya.
Ang paunang pananaliksik ay kinakailangan upang matukoy kung ang katibayan ay magagamit
upang suportahan ang iyong paninindigan. Maaaring gumamit ng mga datos mula sa Internet, ngunit
tiyaking magmumula ito sa mga mapagkakatiwalaang web site, tulad ng mga educational site (.edu)
ng mga institusyong akademiko at pampananaliksik at mga site ng gobyerno (.gov), upang mahanap
ang mga propesyonal na pag-aaral at mga estadistika. Mahalaga ring magtungo sa silid-aklatan at
gumamit ng mga nailathala nang mga pag-aaral patungkol sa iyong paksa.
Matapos matukoy na ang iyong posisyon ay makatitindig na at ang kasalungat na posisyon (sa
iyong opinyon) ay mas mahina kaysa sa iyong sariling posisyon, ikaw ay handa na sa iyong
pananaliksik. Pumunta sa aklatan at maghanap ng mas maraming mapagkukunan ng datos.
Maaari ding magsama ng opinyon ng isang dalubhasa o eksperto sa paksa (tulad ng mga
doktor, abogado, o propesor). Gayundin ng mga personal na karanasan mula sa isang kaibigan o
miyembro ng pamilya, personal na salaysay ng ibang tao, at iba pa na maaaring makaantig sa
damdamin ng mambabasa.
Narito ang isang halimbawa kung paano babalangkasin ang isang posisyong papel:
a.Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng pangkaligirang impormasyon
(background information). Gumawa ng pahayag ng tesis na iginigiit ang iyong posisyon.
c.Ipakita rin ang mga sumusuportang punto ng mga kasalungat na pananaw ng iyong posisyon.
d.Pangatwiranang pinakamahusay at.nakatatayo pa rin ang iyong posisyon sa kabila ng mga inilahad
na mga kontra-argumento.
e.Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon. Sa pagsulat ng posisyong papel,
ipahayag ang iyong opinyon nang may paninindigan at kasinupan sa impormasyon. Maging matatag
sa paninindigan, subalit panatilihin ang pagiging magalang. Iparating ang iyong mga punto at
patunayan ang mga ito gamit ang mga ebidensiya.
18 ng Mayo, 2014
Magalang at taos po sa aming puso na idinudulog sa inyong butihing tanggapan ang posisyong papel
na ito ng Kagawaran ng Filipino ng Adamson University, hinggil sa paggamit ng wikang Filipino bilang
wikang panturo sa kolehiyo, at pagkakaroon ng mga asignaturang Filipino bilang mandatory core
course sa kolehiyo. Naniniwala ang aming kagawaran na dapat gamitin ang wikang Filipino bilang
mandatory na wikang panturo sa 12 yunit sa bagong General Education Curriculum (GEC), sapagkat
ang wikang Filipino ay hindi lamang epektibong instrumento sa pakikipagtalastasan kundi mabisang
elemento sa pagpapayaman at pagpapaunlad ng mga kaalaman at kasanayan sa mga asignaturang
gumagamit ng Filipino bilang wikang panturo. Kaugnay nito, nagsisilbing buhay ng bawat Pilipino
upang lubusang makilala ang sariling pagkakakilanlan ng lahi na mapagbuklod tungo sa pagkakaisa
sa kabila ng pagkakaiba-iba at mapahahalagahan ang minanang kultura ng ating bansa.
Bilang karagdagan, naniniwala pa rin kami na mabisang gamit ang Filipino sa mabilis at mabuting
pagkatuto ng mga mag-aaral na may pagpapahalaga na mapaunlad sa kanilang sarili ang
nasyonalismo kung gagamitin ang Filipino sa mga asignatura tulad ng Agham Panlipunan,
Edukasyong Pagpapakatao, Panitikan, Humanidades, at iba pa. Ang pag-aalis ng Filipino sa
akademikong konteksto ay magbubunga ng pagkakawatak-watak sa kaisipan na lalong maging
kolonyalismo ang mentalidad ng mga mamamayang Pilipino at sisira sa mga kulturang panrehiyon at
paglabag sa itinadhana ng Konstitusyon na binigyang-halaga ni dating Pangulo Manuel L. Quezon.