PilingLarang IkatlongLinggo

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 31

Filipino

sa piling
Larangan
MODYUL 3 - IKATLONG LINGGO
Layunin:
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin (BIONOTE)
batay sa katangian, layunin, gamit, at anyo.
Nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan
ng akademikong sulatin.
Pagkilala sa mga sumusunod na tauhan at pagtukoy kung
saang akda sila matatagpuan.

SINO AKO? SAAN AKO?


1. Shasta The Great Gatsby
2. Ophelia Hamlet
3. Esther Greenwood Pride and Prejudice
4. Charles Bingley Anna Karenina
5. Count Alexei Vronsky The Chronicles of Narnia
6. Daisy Buchanan The Bell Jar
Ano ang isang mahalagang salik
na isinasaalang-alang sa
pagpili ng akdang babasahin?
Bakit mahalaga ang pagkilala sa
mga manunulat ng anumang akdang
binabasa?
AWTOR
Tanong:
Alin sa dalawa ang
nakikitang nakasulat sa
mga akdang naililimbag?
BIONOTE
Si Fanny A. Garcia ay nagtapos ng PhD Malikhaing
Pagsulat sa University of the Philippines(UP) Diliman. Ang
kanyang librong creative nonfiction na Erick Slumbook:
Paglalakbay Kasama ang Anak Kong Autistic ay nagkamit ng 2005
Natinal Book Award (Biography/Autobiography Cathegory) mula sa
Manila Critics Circle, gayundin ng 2005 St. Miguel Febres
Cordero Research Award (Outstanding Book/Monograph Award in
Filipino) mula sa De La Salle University-Manila. May salin sa
Ingles ang nasabing libro: Journeys with My Autistic Son
(2009).
Isa siyang premyadong manunulat sa Carlos Palanca
Memorial Awards for Literature sa mga kategoryang maikling
kuwento, sanaysay, iskrip, at kuwentong pambata. Awtor siya ng
mahigit 10 libro sa larangan ng fiction, iskrip, sanaysay,
pananaliksik at pagsasalin. Ang Sandaang Damit: 16 na Maikling
Kuwento ay pinarangalan na isa sa 100 katangi-tanging librong
inilathala ng University of the Philippines Press nang
ipagdiwang ang ika-100 taon nito. Pinagkalooban din siya ng
2011 Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (Katha sa Filipino)
mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas.
Naging finalist sa Catholic Mass Media Awards ang
kaniyang librong Buhay-Pinoy:Mga Piling Interbyu’t Artikulo
(2007). Finalist din sa National Book Award (Creative
Nonfiction Category) ng Manila Critics Circle ang kanyang
librong Pamilya, Migrasyon, Disintegrasyon (2012). Nagsulat
din siya sa pelikula, telebisyon, magasin, at diyaryo. Nagturo
siya sa UP Diliman at kasalukuyang nagtuturo sa Departamento
ng Filipino sa DLSU-Manila.
ISANG ANYO NG SULATINNA PUMAPAKSA SA
SARILIO SA IBANG TAO

MAIKLI LAMANG AT KARANIWANG MAY


TONONG PORMAL.

NAGLALAMAN NG BUOD NG ACADEMIC CAREER NG


ISANG AWTOR (DUENAS AT SANZ, ACADEMIC
BIONOTE
WRITING FOR HEALTH SCIENCES, 2012)

MADALAS NA MABABASASA BAHAGING “TUNGKOLSA IYONG


SARILI” NA MAKIKITASA MGA SOCIAL NETWORK O DIGITAL
COMMUNICATION SITES.

PARA SA ISANG PROPESYUNAL NA LAYUNIN, ITO AY TALA SA BUHAY NG ISANG TAO


NA NA MADALAS AY MAKIKITA O MABABASA SA MGA JOURNAL, AKLAT, ABSTRAK NG
MGA SULATING PAPEL, WEB SITES AT IBA PA.
MAY-AKDA NG ISANG AKLAT O ARTIKULO SA
ISANG JOURNAL

NATATANGING INDIBIDWAL SA ISANG AKLAT NA KINAKAILANGAN


PANG-GENERAL REFERENCE TULAD NG
ENCYCLOPEDIA
ITO PARA
TAGAPAGSALITA SA ISANG KUMPERENSYA O
IPAKILALA ANG:
SEMINAR

PANAUHING-PANDANGAL SA ISANG PORMALNA PAGTITIPON

NATATANGING INDIBIDWAL NA BIBIGYAN NG PARANGAL


EDUKASYONG NATAMO AT PAARALANG
PINAGTAPUSAN

MGA NAISULAT O NALIKHA


IMPORMASYONG MAY
KINALAMAN SA
MGA PATIMPALAK NA SINALIHAN AWTOR KATULAD
MGA SEMINAR NA DINALUHAN
NG:

MGA NATAMONG KARANGALAN

MGA APILYASYON O ORGANISASYONG KINABIBILANGAN


MGA BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT
NG BIONOTE:

Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung ito ay


gagamitin sa resumé kailangang maisulat ito gamit ang 200
salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa networking site,
sikaping maisulat ito sa loob ng 5 hanggang 6 na
pangungusap
MGA BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT
NG BIONOTE:

Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon


o detalye tungkol sa iyong buhay. Maglagay rin ng mga
detalye tungkol sa iyong mga interes. Itala rin ang iyong mga
tagumpay na nakamit, gayunman, kung ito ay marami, piliin
lamang ang 2 o 3 na pinakamahalaga.
MGA BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT
NG BIONOTE:

Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw


na obhetibo ang pagkakasulat nito
MGA BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT
NG BIONOTE:

Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga


payak na salita upang madali itong maunawaan at makamit
ang totoong layunin nitong maipakilala ang iyong sarili sa iba
sa maikli at tuwirang paraan. May ibang gumagamit ng
kaunting pagpapatawa para higit na maging kawili-wili ito sa
mga babasa, gayunman iwasang maging labis sa paggamit
nito. Tandaan na ito ang mismong maglalarawan kung ano
at sino ka.
MGA BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT
NG BIONOTE:

Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong


bionote. Maaaring ipabasa muna ito sa iba bago tuluyan
itong gamitin upang matiyak ang katumpakan at kaayusan
nito.
Paano gawin:
Basahin ang dalawang halimbawa ng bionote.
Paghambingin ang dalawa ayon sa pagkakasunod-
sunod ng nilalamang datos. Gamitin ang talahanayan
ng paghahambing pagkatapos ng mga halimbawa.
BIONOTE 1:
Si Dr. PaquitoB. Badayos ay may mahabanang karanasan sa pagtuturo at
paghahanda ng mga aklat saFilipino. Nasa larangansiya ng paglinang ng kurikulum,
pagtuturo ng wika atpanitikan, pagsasanay ng guro, pagpaplanong pangwika at
pagsasalin.
Kasalukuyan siyang puno ng Kagawaran ng Filipino sa Pamantasang Normal ng
Pilipinas. Konsultant din siya ng iba’t ibang gawaing pangwikang Departamento ng
Edukasyon.
Ilan sa marami niyang natanggap na gawad-pagkilala ay Grantee – Institute for
Socio- Cultural Studies (ISC) ng German Foundation for International Development
Scholarship (2002); SEAMEO Scholarship in Reading sa RELC Singapore (1990);
Fellowship Grants, Arizona State University, Arizona,USA (1992).
BIONOTE 2:
Si Crizel Sicat-De Laza ay kasalukuyang tagapagturo ng wika at panitikan sa
Kolehiyo ng Edukasyon ng Unibersidad ng Santo Tomas.Nagtapos siya ng Bachelor
of Arts major in Philippine Studies (cum laude) noong 2008 sa Unibersidad ng
Pilipinas sa Diliman at Master of Arts in Educationnoong 2010 sa Saint
LouisUniversity.
Associate Editor siya ng Hasaan Journal, ang pambansang refereed journal sa
Filipino ng Unibersidad ng Santo Tomas.Isa siya sa nagtatag at kasalukuyang
tagapamahala ng Tanggol Wika at kalihimng Sanggunian sa Filipino (SANGFIL).
PAGHAHAMBING
Dr. Paquito B. Badayos Crizel Sicat – de Laza
Paano ito makatutulong sa mga
taonggumagamit ng kanilangakda
o likha?

Dugtungan

ANG BIONOTE AY MAITUTURING NA


ISANG HALIMBAWA NG AKADEMIKONG
SULATIN SAPAGKAT
_____________________
Dugtungan

SA PAMAMAGITAN NG BIONOTE AY
NAGAGAWANG

_____________________
Aktibidad:
pa n ay a m h in g g is a
g aw a n g is a n g
1. Magsa r a n g a n .
a la s a ib a ’t ib an g la
isang t ao n g k il
a n o ng n a ka ila n g an
a w a n g m g a t
2. Gum il s a ta o n g
o n g b io n ote hin g g
upang m ak a b u
napili. p a n u n tun an
io n o te a lin s un o d s a
3.Gawin an g b
ib ib iga y n g g u ro .
na
RUBRIK:
a ng s a p a gs u lat ng
w a a ng h ak b
10 Naisasaga
Bionote m a n
a n g b a h a g i a t n ila la
10 Ku m plet o
m a in g a t , w as to ,at
a su su lat n a ng
10 Nak
g ga m it n g w ik a
angkop ang pa
Kabuuan: 30 pts.
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like