Filipino Sa Piling Larangan w3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

FILIPINO SA PILING LARANG ( AKADEMIK )

UNANG MARKAHAN-IKATLONG LINGGO


Gawain Bilang 1.7

Paksa: Ang Akademikong Sulatin


Kompetensi: Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan at katangian ng iba’t ibang uri ng
akademikong sulatin. (CSF11/12EP-Oa-c-39)
Layunin: Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan at katangian ng napiling akademikong sulatin
Sanggunian: Julian, Ailene B. et.al. 2016 . Pinagyamang Pluma- Filipino sa Piling Larang (Akademik ) pahina 14-15
Copyright: ( For Classroom use ONLY ) Pending for Permission

PAGSASANAY:
Panuto: Magsagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan at katangian ng napiling dalawang
uri ng akademikong sulatin sa tulong ng graphic organizer:

Uri ng Akademikong Sulatin

Nasaliksik

Kahulugan:

Katangian:

Sanggunian:

Uri ng Akademikong Sulatin

Nasaliksik

Kahulugan:

Katangian:

Sanggunian:
FILIPINO SA PILING LARANG ( AKADEMIK0)
UNANG MARKAHAN-IKATLONG LINGGO
Gawain Bilang 1.8

Paksa: Pagsulat ng iba’t ibang Uri ng Lagom (Abstrak )


Kompetensi: Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa layunin, gamit, katangian at anyo
CS-FA11/12PN-Oa-c-90)
Layunin: Natutukoy ang pagkakaiba ng deskriptibong abstrak at impormatibong abstrak
Sanggunian: Julian, Ailene B. et.al. 2016 . Pinagyamang Pluma- Filipino sa Piling Larang ( Akademik ) pahina 19-26
Constantino,Pamela C. et.al.2016.Filipino sa Piling Larangan (Akademik) pahina 80-81
Copyright: ( For Classroom use ONLY ) Pending for Permission

KONSEPTO:

Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad
ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report. Ito ay isang bahagi ng tesis o disertasyon na makikita sa
unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Ito ang naglalaman ng pinakabuod ng akdang
akademiko o ulat.
Sa mga tesis, disertasyon, at mga akademikong journal, naibibigay na ang abstrak ang kabuoang ideya sa
isang paksa. Sa mga pandaigdig na komperensya, ang isinusumiteng abstrak ay sapat na upang matanggap o di-matanggap
ang paksa at basahin ang papel sa naturang okasyon.
Inilalahad ng abstrak ang masalimuot na mga datos sa pananaliksik at pangunahing mga metodolohiya at
resulta sa pamamagitan ng paksang pangungusap o kaya’y isa hanggang tatlong pangungusap sa bawat bahagi.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng abstrak:


1. Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel
2. Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak.
3. Gumamit ng mg simple, malinaw, at direktang mga pangungusap.
4. Maging obhetibo sa pagsulat.
5. Gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo.

Mga hakbang sa pagsulat ng abstrak:


Ang abstrak ang bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit kadalasang unang binabasa
ng mga propesor o mga eksaminer ng panel. Kaya, napakahalagang maging maingat sa pagsulat nito. Narito ang mga
hakbang na maaaring gamitin sa pagsulat ng abstrak.

1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak.


2. Hanapin ang isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksiyon,
kaugnay na literature, metodolohiya, resulta, at kongklusyon.
3. Buoin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin.
4. Iwasang maglagay ng ilustrasyon, graph, table, at iba pa maliban na lamang kung sadyang kinakailngan.
5. Basahin muli ang ginawang abstrak.Suriin kung may nakaligtaang mahahalagang kaisipang dapat isama rito.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.
Kalikasan at Bahagi ng Abstrak

Sa kabila ng kaiksian ng abstrak, kailangang makapagbigay pa rin ito ng sapat na deskripsiyon o impormasyon
tungkol sa laman ng papel. Ang mga sumusunod ay mga karaniwang bahagi na bumubuo sa deskriptibo at
impormatibong abstrak.
Deskriptibong Abstrak Impormatibong Abstrak
* Inilalarawan nito sa mambabasa ang mga * Ipinahahayag nito sa mga mambabasa ang
pangunahing ideya ng papel. mahahalagang ideya ng papel.
* Nakapaloob dito ang kaligiran, layunin, at tuon ng * Binubuod dito ang kaligiran, layunin, tuon,
papel o artikulo. metodolohiya, resulta, at kongklusyon ng papel.
* Kung ito ay papel-pananaliksik, hindi na isinasama * Maikli ito, karaniwang 10% ng haba ng buong
ang pamamaraang ginagamit, kinalabasan ng pag- papel at isang talata lamang.
aaral, at kongklusyon.
* Mas karaniwan itong ginagamit sa larangan ng
* Mas karaniwan itong ginagamit sa mga papel sa agham at inhinyeriya o sa ulat ng mga pag-aaral sa
humanidades at agham panlipunan, at sa mga sikolohiya.
sanaysay sa sikolohiya.
Halimbawa ng Abstrak:
FILIPINO
Ang awiting bayan ay laganap sa bawat SA PILING
pangkat- LARANG
etniko (AKADEMIK)
sa buong Pilipinas. Sa kanilang mga awiting bayan
nasasalamin ang kanilang kultura’t tradisyon. Isa ang mga Gaddang sa mga pangkat etniko sa Lambak ng
Cagayan na may mayama ng awiting - bayan. Ang mga katutubong ito ay namamalagi sa mga bayan ng
Bayombong, Bagabag at Solano sa lalawigan ng Nueva Vizcaya (Journal of Northern Luzon, 1986). Sa
patuloy na pag- unlad ng mga nasabing bayan at dahil na rin sa pagpasok ng mga makabagong teknolohiya sa
larangan ng musika, unti- unting hindi naririnig at inaawit ang mga awiting bayang ng mga katutubong Gaddang
ng Brgy. Roxas. Nag ing layunin ng pag-aaral na ito at ang pagtukoy sa antas ng kaalaman ng mga katutubong
Gaddang ng Brgy. Roxas sa kanilang mga awiting bayan. Sinukat nito ang kaalaman ng mga katutubo sa mga
awiting bayan. Ginamit sa pagtukoy sa antas ng kaalaman ang edad, kasarian at bilang ng taong naninirahan sa
lugar bilang variables upang tukuyin kung may kinalaman ang mga ito sa antas ng kanilang kaalaman. Lumabas
sa pag- aaral na ito na ang edad ay isang salik sa kanilang kaalaman na kung saan mas matanda, mas mataas ang
antas ng kaalaman hinggil sa kanilang awiting bayan. Mas bata, mas kakaunti ang nalalaman hinggil sa
kanilang awiting bayan. Natukoy din ng pag- aaral na ang kasarian ay walang kinalaman sa pagtukoy ng antas
ng kaalaman. Ang taon ng paninirahan ay isang salik din sa pagtukoy ng antas ng kaalaman. Kapag mas
mahabang paninirahan sa lugar, mas mataas ang antas ng kaalaman hinggil sa mga awiting bayang Gaddang.
Mas maikling paninirahan sa lugar, mas mababa ang nalalaman hinggil sa awiting- bayang Gaddang. Dahil dito,
nangangailan laman na magkaroon ng mga paraan at gawain na magpapataas sa antas ng kaalaman hinggil
sa mga awiting bayan upang mapaunlad pa ang mga ito.

Keywords: Antas ng Kaalaman, Gaddang, Awiting Bayan

PAGSASANAY:

Panuto: Sagutin ang mga tanong:

1. Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng abstrak?


2. Paghambingin ang pagkakaiba ng deskriptibong abstrak sa impormatibong abstrak
3. Tungkol saan ang abstrak na binasa?
UNANG MARKAHAN-IKATLONG LINGGO
Gawain Bilang 1.9

Paksa: Pagsulat ng iba’t ibang Uri


FILIPINO SAngPILING
Lagom (Sinopsis/Buod )
LARANG (AKADEMIK)
Kompetensi: Nakikilala ang iba’t ibang akdemikong sulatin ayon sa layunin, gamit, katangian at anyo
( CS-FA11/12PN-Oa-c-90)
Layunin: Nasusuri ang buod sa binasang akda.
Sanggunian: Julian, Ailene B. et.al. 2016 . Pinagyamang Pluma- Filipino sa Piling Larang (Akademik ) pahina 26-30
Copyright: ( For Classroom use Only ) Pending for Permission

KONSEPTO:

Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad
ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabola, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan. Ang buod ay maaaring buoin ng
isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang.
Ang buod ay hindi isang sulating orihinal. Nangangahulugan ito na wala kang isasamang sarili mong opinyon o
pananaw ukol sa paksa. Kailangang panatilihin mo ang mga binanggit na katotohanan o puntong binibigyang diin ng may-
akda. Gumamit ng sariling pananalita.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng sinopsis:


1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.
2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito.
3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin at mga
suliraning kanilang kinaharap.
4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong binubuod lalo na kung ang
sinopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.
5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbaybay , at mga bantas na ginamit sa pagsulat.
6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng SInopsis/ Buod


1. Basahin ang buong seleksiyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa
nito.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
3. Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang isinusulat.
5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapaikli pa ito nang nang hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong
magiging mabisa ang isinulat na buod.

PAGSASANAY 1:
Panuto: Basahin at suriin ang halimbawang buod na makikita sa ibaba.

BUOD NG “ALIBUGHANG ANAK”

Mayroong isang matanda na may dalawang anak. Maykaya sa buhay ang matanda kaya naman
naibigay din nito ang magandang buhay para sa dalawang anak.

Gayunman, isang araw ay napagpasiyahan ng bunsong anak na kunin na ang kaniyang mamanahin sa
ama. Ipinagkaloob naman ito ng ama sa kaniyang bunso. Matapos na matanggap ang pera at ari-arian
ay umalis ito sa puder ng ama.
Walang ginawa ang bunsong anak kung hindi ang magpasarap sa buhay. Ginastos nito ang perang
ipinama sa paraang nais niya. Madalas siyang pumunta sa mga kasiyahan. Sinubukan din nitong
magsugal.
Dahil sa kapabayaan, naubos agad ng bunso ang kaniyang mana. Nabaon ito sa utang at hindi na
nakabangon pa. Nagdesisyon ito na bumalik sa kaniyang ama. Nag-aalinlangan man ay wala na siyang
ibang matatakbuhan. Mabuti ang puso ng kanilang ama kaya naman tinanggap niya nang buong puso
ang bunso. Pinakain at binihisang muli.

Nagtataka naman ang panganay dahil matapos umalis ng bunsong kapatid at waldasin ang pera ay
nagawa pa rin itong tanggapin ng ama. Kinausap niya ang ama dahil dito.
Sinabi naman ng ama na ang kaniyang pagtanggap sa anak ay ang tunay na diwa ng pamilya. Lahat naman daw
tayo ay nagkakamali at nangangailangan ng pagpapatawad. Ang mahalaga raw ay natututuhan natin ang ating
leksiyon.
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

Gabay tanong:

1. Ilahad sa sariling salita/pangungusap ang buod ng nabasang akda.


2. Ano-ano ang mga kaisipang nakuha mula sa binasa?
3. Masasabi mo bang sapat ang buod ng iyong binasa upang makita ang pangkalahatang ideya? Ipaliwanag ang
sagot.

You might also like