Modules Filipino Sa Larangan NG Akademik

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 75

FILIPINO 2

PAGSULAT SA FILIPINO SA
PILING LARANGAN
WESBAY COLLEGE
LEARNING MODULE FOR 1ST SEMESTER SCHOOL YEAR 2021-2022
GRADE 11 FILIPINO 2: PAGSULAT sa FILIPINO sa PILING LARANGAN ( AKADEMIK )

STUDENT’S NAME: STRAND/SECTION


TIME COVERAGE
WEEK NO.1 DAY 1
I: YUNIT 1 : SULATING AKADEMIK: PAGLINANG SA KAHANDAANG PANSARILI AT PAMPROPESYONAL
Aralin 1 : Mga Batayang Kaalaman sa Akademikong Pagsulat ( Kahulugan , Kaalaman at Layunin)
Mga Kasanayan Pampagkatuto
 Nabibigyang – kahulugan ang akademikong pagsulat
 Natutukoy ang katangian at ang layunin ng akademikong pagsulat na ginagamit sa iba’t ibang
larangan.
II. PALAWAKIN ang TALASALITAAN

Abstrak - Isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng
tesis, papel na siyentipiko at mga report at iba pa.
Akademiko - Samahan/institusyon na kinabibilangan ng mga iskolar,artista at siyentista.
Datos - Nagsisilbing ebidensiya o patunay na kung saan ito ay nag-uugnay sa paksa.
Istruktura - Ang komposisyon ng mga parte ng isang bagay.
Kritikal - makatwiran ,malinaw at masusing pag-iisip sa isang bagay.
Output - Isang bagay na gawa ng tao o ng isang grupo na magsisilbing ebidensiya o bunga ng hinarapang
gawain.
Plagiarismo- Ito ay isang paraan ng pagnanakaw , nakung saan ang isang tao ay gumamit ng ideya ng iba na
hindi binibigyang pagkilala.
Teksto - Tumutukoy sa inaakdang salita o naililimbag na gawa.

II: TALAKAYIN NATIN

Isa sa pinakamahalagang output ng mga mag-aaral ang gawaing may kaugnayan sa AKADEMIKONG
PAGSULAT. Ano nga ba ang akademikong pagsulat?Masasabi natin ,na ang isang sulatin ay isang uri ng
akademikong pagsulat kung ang tekstong ay nagagamit sa pag-aaral, na magsisilbing gabay sa karagdagang
kaalaman sa mga mambabasa.

Kahulugan ng Akademikong Pagsulat


Ang AKADEMIKONG PAGSULAT ay isinasagwa sa isang institusyon na kung saan nangangailanagn ng masinop
at sistematikong pagsulat tungkol sa isang karanasang panlipunan , na maaring maging gabay sa marami pang
pag- aaral.Ito ay nangangailanagn ng pangunahing paksa na siyang magsisilbing gabay sa bawat mensahe nais
iparating sa mga mambabasa.
Ito rin ay nangangailangan ng masmataas na antas sa pagsulat upang makapagbigay ng mahahalagang
impormasyon upang mahubong ang kaalaman ng mga mag-aaral.
Halimbawa ng Akademikong Sulatin:
 Abstrak
 Sanaysay
 Talumpati
 Panukalang Proyekto
 Tesis
 Libro at iba pa.

1|Page
Ayon kay ( Arrogante et al. 2007 ) ang pagbuo ng AKADEMIKONG PAGSULAT ay nakadepende sa kritikal na
pagbasa ng isang indibidwal .May kakayahan siyang mangalap ng mahahalagang datos, mag-organisa ng mga
ideya, lohikal mag-isip ,mahusay magsuri at marunong magpahalaga sa orihinal na gawa.

KATANGIAN ng AKADEMIKONG PAGSULAT

PORMAL

Hindi ginagamitan ng mga balbal na salita


OBHETIBO .

Binibigyang diin dito ang impormasyong nais ibigay na siyang susuporta sa paksa.

MAY PANININDIGAN

Dapat idinudulog ,dinedepensahan at binibigyang katwiran ang mahalagang pag-aaral.

MAY PANANAGUTAN

Pagkilala sa mga sanguniang pinaghanguan ng impormasyon upang hindi kasuhan ng plagiarism.

MAY KALINAWAN

Malinaw ang pagsulat ng impormasyon na may direktibo at sistematikong pagpapahayag .

Mga Layunin ng Pagsulat


1. Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon at malikhaing pagsasagawa ng ulat.
2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagsasagawa pagbasa sa pagsusuri ng ibat ibang uri ng teksto na
magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat.
3. Natatalakay ang mga pananaw ng may-akda kasabay rin ang pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa.
4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay sa paksa ng mga naisagawang
pag-aaral.
5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng ibat ibang anyo ng akademikong pagsulatin.
6. Matukoy na ang akademikong pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging inobatibo ng mga mag-aaral.
7. Napapahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng paggawa ng portfolio.
IV. PAGSASANAY/GAWAIN
PAGYAMANIN ang KAISIPAN
A. Sagutan ang mga mga katanungan ipinapahayag sa ibaba. 5 puntos bawat isa
1. Bakit kinakailangang pag-aralan ang kasanayan sa akademikong pagsulat?

2. Bakit mahalagang mabatid at maunawaan ng mga mag-aaral na tulad mo ang mga layunin ng Akademikong
Pagsulat?

3. Sa iyong palagay, bakit hindi mabuti ang plagiarism o ang pangongopya ng ideya ng iba lalo na sa pangangalap ng
matibay na impormasyon sa pananaliksik?

B. Ano ano ang katangiang dapat mong taglayayin upang magkaroon ng kasanayan sa akademikong pagsulat?
Magtala ng limang katangian at ipaliwanag.5 puntos bawat isa
1.

2.

3.

4.
5.

V. PAGSUSULIT
LIKHAIN MO
Gumupit ng isang pangulong tudling mula sa kinahihiligan mong pahayagan. Pagkatapos, idikit ito sa kahon.
Suriin at ipaliwanag ito ayon sa sumusunod na mga pamantayan. 20 PUNTOS
1. Uri ng mambabasa na kinauukulan ng teksto
2. Organisasyon ng sulatin
3. Katangian ng sulatin at wikang ginamit
4. Layunin ng sulatin
5. Mensahe ng sulatin para sa iyo
VI. TANDAAN NATIN

 Ayon kay ( ARROGANTE ET.AL ) ang AKADEMIKONG PAGSULAT ay nakadepende sa kritikal


na pagbasa ng isang indibidwal.
 AKADEMIKONG PAGSULAT ay may limang (5) Katangian PORMAL,OBHETIBO, MAY
PANININDIGAN, MAY PANANAGUTAN at MAY KALINAWAN.
 PORMAL ito ay hindi gumagamit ng mga balbal na salita.
 OBHETIBO binibigyang diin dito ang impormasyong gustong ibigay sa pagsuporta ng paksa.
 MAY PANININDIGAN dinedepensahan at binibigyang katwiran ang mahahalagang pag-aaral.
 MAY PANANAGUTAN pagkilala sa mga sanguniang pinagkuhaan ng mga impormasyon.
 MAY KALINAWAN kailangan malinaw ang pagkakasulat ng mga imprmasyon , direktibo
at sistematiko ang pagpapahayag ng impormasyon.

VII. SANGGUNIAN
 BATAYANG KAALAMAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT
SIBS PUBLISHING HOUSE (FILIPINO SA PILING LARANGAN AKADEMIK
TIME COVERAGE
WEEK 1 DAY 2
I. ARALIN 2 : ANG PROSESO NG PAAGSULAT
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO
 Nalalaman ang mahahalagang proseso ng pagsulat.
 Nagagamit ang mga proseso ng pagsulat sa pagbuo ng maikling sanaysay.
 Nauunawaan ang estilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.
II. PALAWAKIN ang TALASALITAAN
BRAINSTORMING – isang paraan ng pagbuo ng ideya upang paglinangin ang kritikal na pag-iisip.
REPLEKSYON - ito ang iyong naintindihan at natutunan tungkol sa paksa at karanasan.
RESIPROKAL - tumuturo sa mga artikulong mayroong magkakatulad na pangalan.
TEKNIKAL - ito ay komunikasyon sa larangan ng espesyalisadong bokabularyo tulad ng agham ,
inhenyero ,teknolohiya at agham pangkalusugan.
TEKSTO - bagay na maaring basahin,at tumutukoy sa orihinal na impormasyon na nilalaman ng
isang pirasong sulat.
UMIINOG - umiikot sa iisang bagay.
III. TALAKAYIN NATIN
Bakit nga ba ang mga mag-aaral ay takot magsulat ng isang posisyon? Ano nga ba ang mahirap ang magsulat
o ang magsalita? Sa pagsasalita minsan hindi natin binibigyang pansin kung may kawastuhan ba ang ginagamit
nating salita at gramaitika sa pagbuo ng isang pahayag,sa paraang ito wala siyang masyadong pananagutan
sapagkat ito ay kaagad na lumilipas.Ngunit ang pagsasalita ay hindi katulad ng pagsulat, bakit? Sapagkat ang
pagsulat ay nangangailangan ng datos , kailangan ng sapat na kaalaman sa paksang gagamitin at may kahusayan
sa paggamit ng wika.
Napakalaki ang maitutulong ng pagsulat sa paghubog ng damdamin at kaalaman ng manunulat sapagkat
mithiin nitong magkaroon ng komunikasyon o ugnayan sa mambabasa nito.

ANO BA ANG PAGSULAT?


Ang PAGSULAT ay umiinog sa paksa, o mga tanong na nagbibigay ng kasagutan depende sa interes at
pananaw ng mambabasa. Bukod dito ang pagsulat ay kabilang sa tinatawag na makrong kasanayan ito ang :
PAKIKINIG , PAGSASALITA , PAGBASA AT PAGSULAT . Isa ito sa mahalagang kasanayan na dapat linangin ng
isang indibidwal,sapagkat sapamamagitan nito, dito na ipapahayag ang sariling saloobin ,damdamin at
opinyon ukol sa isang paksa, upang magsilbing komunikasyon sa manunulat at mambabasa.
Ang PAGBASA at ang PAGSULAT AY resiprokal na proseso sa pagbuo ng kahulugan,
pag-aanalisa,pagbibigay interpretasyon at pagtatalastasan ng ideya. Sa pagsulat ito ay na ngangailangan
ng karanasan,kaalaman , sariling paniniwala at saloobin ng mga mag-aaral ,sapagkat binibigyang kasagutan
nito ang kaligiran, interes at pananaw ng mambabasa.

KAHULUGAN NG PAGSULAT AYON SA IBA’T IBANG TAO


Ayon kay (BERNALES,ET AL, 2001)
“Ang pagsulat at pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita,simbolo at ilustrasyon ng isang tao.”
Ayon kay ( XING AT JIN )
“Ito ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng talasalitaan,
pagbuo ng kaisipan, retorika,at iba pang mga elemento.”
Ayon kay ( BADAYOS )
“Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa
nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.

Ayon kay ( PECK at BUCKINGHAM )


“Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang
pakikinig,pagsasalita at pagbabasa.”

TATLONG PARAAN AT AYOS NG PAGSULAT


1. Pasulat o sulatkamay na kasama rito ang liham,tala ng leksyon sa klase talaarawan at iba pa;
2. Limbag tulad ng nababasa sa jornal.magasin,aklat, at ensayklopidya.
3. Elektroniko na ginagamit sa pagsulat ng liham o kaya’y magsulat/magmakinilya sa kompyuter ng mga
artikula,balita ,dokumento,pananaliksik na ginagawa at iba pa.

PROSESO NG PAGSULAT

BAGO SUMULAT
( Prewriting )

HABANG SUMUSULAT PAGKATAPOS SUMULAT


( Actual Writing ) ( Post Writing )

MGA PROSESO NG PAGSULAT


1. BAGO SUMULAT
Ang mga mag-aaral ay dumaraan muna sa brainstorming. Malaya silang mag-isip o magtala ng kaisipan,
karanasan ayon sa paksa.Nakakapagpasya sila sa kung ano ang susulatin , layunin at estilo na kanilang gagamitin sa
pagsulat ng isang teksto.
2. HABANG SUMUSULAT
Sa bahaging ito , nakapagsusulat ng unang borador at nagkakaroon ng interaksyon upang talakayin o suriin
ang isinasagawang teksto ng isang manunulat.
3. PAGKATAPOS SUMULAT
Sa prosesong ito, ginagawa ang pagbabago sapamamagitan ng pagdaragdag, pagkakaltas at paglilipat-lipat ng
mga salita,pangungusap o tala. Sa medaling salita itong proseso na ito ay maaaring tawaging Editing Process.

BAHAGI NG TEKSTO
1. PANIMULA
Dapat ang bahaging ito ay bigyan ng ng pansin ,sapagkat nararapat na maging kawili-wili ang simula ng
isang teksto upang mahikayat ang interes at tapusing basahin ng mambabasa ang teksto.
2. KATAWAN
Sa bahaging ito , matatagpuan ang wastong paglalahad ng mga delatye at kaisipang nais ipahayag sa
akda.Mahalaga na magkaroon ng ugnayan ang bawat kaisipan sa papahayag ng impormasyon sapagkat ito
ang pinakamalaking bahagi ng teksto, dahil dito nakapaloob ang nilalaman ng isang sulatin.

3. WAKAS
Dapat isaalang –alang ng manunulat ang pagsulat ng nbahagig ito upang makapag-iwan ng isang
kakintalan sa isipan ng mambabasa na maaaring magbigay ng buod sa paksang tinatalakay o mag-iiwan ng
isang makabuluhang pag-iisip at repleksyon.

IV. PAGSASANAY/GAWAIN
A. Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Limang (5) puntos
1. Bakit nagsusulat ang isang tao?

2. Ano ano sa tingin mo ang nag-uudyok sa tao upang magsulat?

3. Ilahad sa sariling pangungusap kung ano ang kahulugan ng pagsulat?

4. Bakit mahalagang mabatid ang mga proseso ng pagsulat?

B. Ilahad ang iyong karanasan ukol sa pandemiyang lumalaganap ngayong kasalukuyan.Sumulat ng maikling
sanaysay hinggil dito. Sundin ang tinalakay na proseso ng pagsulat at mga bahagi ng isang teksto. 15 puntos.
V. PAGSUSULIT
LIKHAIN MO
Mag-isip ng isang isyung napapanahon ukol sa lumalaganap sa ating kasalukuyang lipunan.Bumuo ng sulatin
at ilathala sa isang ( BLOGSITE kung ikaw ay naka online class) at kung home schooling naman,kumuha ng malinis
na papel at idikit sa inilaang kahon sa ibaba .Sundin ang tinalakay na proseso ng pagsulat at mga bahagi ng
teksto sa loob lamang ng 100 salita. 20 puntos

VI. TANDAAN NATIN

 Ang PAGBASA at ang PAGSULAT ay resiprokal na proseso sa pagbuo ng kahulugan,pag-aanalisa


pagbibigay interpretasyon at pagtatalastasan ng mga ideya.
 BAGO SUMULAT ang mga mag-aaral ay dumaraan sa brainstorming
 HABANG SUMUSULAT tatalakayin ang mga mungkahing pagbabago o mga puna.
 PAGKATAPOS SUMULAT ditto ginagawa ang pagbabago sa pamamagitan ng pagkakaltas , pagdaragdag
ng isang tala.
 PANIMULA nararapat diti na maging kawili-wili upang sa simula lamang ay mahikayat ang mambabasa.
 KATAWAN ay mahalagang bahagi ng teksto sapagkat ditto makikita ang nilalaman ng teksto.
 WAKAS magiiwan ng kakintalan sa isipan ng mambabasa.

IV. SANGGUNIAN
 BATAYANG KAALAMAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT
SIBS PUBLISHING HOUSE (FILIPINO SA PILING LARANGAN AKADEMIK
https://www.slideshare .net
TIME COVERAGE
WEEK 2 DAY 1
I. ARALIN 3 : PAGSULAT ng ABSTRAK
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO
 Nabibigyang lahulugan ang abstrak
 Nalalaman ng isang pag-aaral mula sa abstrak
 Natutukoy ang katangian at uri ng abstrak.

II. PALAWAKIN ang TALASALITAAN


KONGKLUSYON – tumutukoy sa pangkalahatang pananaw ng isang manunulat patungo sa isang paksa.
SIKOLOHIYA - pag-aaral ng isip ,diwa at asalng tao at hayop.
INTRODUKSYON - ito ang panimulang salita o pahayagng isang sulatin.
REKOMENDASYON- ito ay mungkahi ng mga tao ayon sa nakikita,nababasa o na obserbahan upang mas
mapangalagaan ang isang bagay issue at unawain.
III. TALAKAYIN NATIN
Saan nga ba nagmula ang salitang abstrak (abstract ) at ano nga ba ang ibig sabihin nito?

Ang abstrak ay mula sa salitang Latin na ABSTRACTUS na nangangahulugang (drawn away o extract)
from HARPER 2016 ).Ito ay ginagamit bilang pagbubuod ng isang akademikong sulatin nakadalasang
makikita sa panimula o introduksyon ng pag-aaral.
KAHULUGAN ng ABSTRAK
Ang ABSTRAK ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel
tulad ng tesis papel na siyentipiko, at teknikal lektyur , at mga report.Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o
disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat . Naglalaman
din ito ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat.
Kilala ang ABSTRAK bilang buod ng mga artikulo o ulat na ininilalagay bago ang intoduksiyon ng isang
pananaliksik. Ipinababatid nito sa mga mambabasa ang paksa na aasahan nila sa pagbasa ng isinulat na artikulo
o ulat.
Ayon kay PHILIP KOOPMAN (1997) , bagamat ang abstrak ay maikli lamang ,tinatalakay ang
mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng Introduksyon,mga kaugnayan na literature
metodolohiya.resulta at konklusyon.
Nilalaman Nito:
 Rationale – Nakapaloob dito ang layunin at suliranin ng pag-aaral
 Saklaw at Delimitasyon
 Resulta at Konklusyon
2 URI NG ABSTRAK

Impormatibo
Deskriptibo
Ipinapahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang ideya ng
Inilalarawan sa mga
mambabasa ang
pangunahing ideya ng

papel.200-250 na salita papel.


Gumagamit ng simpleng
pangungusap

Katangian ng Abstrak

Madaling nauunawaan ng mambabasa Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak


Hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.
Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong
pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak.
Gumamit ng mga malinaw at direktang mga pangungusap.
Huwag maging maligoy sa pagsulat
nito. Maging obhetibo sa pagsulat.
Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito.
Higit sa lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa ang
pangkalahatang.
IV. PAGSASANAY/GAWAIN
PAGYAMANIN ANG KAISIPAN
A. Basahin at unawain ang papel- pananaliksik, pagkatapos suriin at iulat ang mga detalye tungkol dito ayon
sa balangkas . 10 PUNTOS
KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK
ABSTRAK
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdaan ng mga batang
ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik
ay sumailalim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga
respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondent ay tatlumpo’t
lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa
Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag
grinupo sa antas ng huling pagpasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung
ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at
sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.

Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015
PAMAGAT ng PAKSA:

MANANALIKSIK:

INSTITUSYON:

MAHALAGANG IMPORMASYON NG PAG-AARAL:

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL:

B. Bumuo ng sariling pagpapakahulugan ng abstrak batay sa sariling pagkakaunawa.

V. PAGSUSULIT
A. Sagutan ang mga kung ano ang ipinapahayag sa ibaba: 10 puntos
1. Ano ang dalawang uri ng abstrak at paano ito nagkakaiba?
2. Bakit kailangang basahing mabuti ang buong papel-pananaliksik bago isulat ang abstrak?

B. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita at ipaliwanag ito batay sa sariling pagkakaunawa. 20 puntos

1. IMPOMATIBO -

2. DESKRIPTIBO -

3. TEKSTO -

4. MANANALIKSIK -

VI. Tandaan Natin

 Ang Abstrak ay mula sa salitang Latin na Abstractus na nangangahulugang


drawn away o extract from (Harper2016).
 Abstrak- naglalaman ng kaligiran ng pag-aaral, saklaw, pamamaraang ginamit
resulta at konglusyon
 Deskriptibo- inilalarawan nito sa mga mambabasa ang mga pangunahing ideya
ng teksto.
 Impormatibo- ipinahahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang punto ng
teksto, binubuo ditto ang kaligiran, layunin, paksa, metadolohiya at kongklusyon.

VII. SANGUNIAN:

 ABSTRAK SIBS PUBLISHING HOUSE (FILIPINO SA PILING


LARANGAN AKADEMIK
 KATANGIAN NG ABSTRAK filipinosapilinglaranggroup2.blog.com
TIME COVERAGE
WEEK 2 DAY 2

I. Aralin 4: Pagsulat ng Sintesis


Mga Kasanayang Pampagkatuto
 Nagagawa ang mga hakbang na dapat sundin sa pagsisintesis o pagbubuod.
 Natutukoy ang mahahalagang impormasyong pinakinggan upang makabuo ng sintesis
 Nakasusulat ng sariling pagbubuod
II. PALAWAKIN ang TALASALITAAN
BUOD – ang pagsasamasama ng mga mahahalagang impormasyon.
KONEKSYON - may kaugnayan,kinalaman,pagkakabit kabit sa isang bagay.
KULTURA - ito ang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng pamumuhay.
SISTEMATIKO- isa pag-aayos ng mga bagay o isang pangkat ng mga kaugnayan na bagay.

III. TALAKAYIN NATIN


Ang Pagbasa at Panonood ay malaking ambag sa bawat indibidwal. Sa pamamagitan kasi ng mga ito ang
kaalaman ng mga mambabasa at manood ay nadaragdagan, lumalawak ang pagkatuto hindi lamang sa sariling
kultura, lipunan bagkus pati na rin sa mga karatig bansa. Napakahalagang malaman ng mga mambabasa ang
kung ano ang mga mahahalagang detalying nais iparating nito, kung kaya’t kalimitan sa mga mag-aaral ay
gumagawa ng isang pagbubuod batay sa nakalap na impormasyon.

KAHULUGAN NG SINTESIS
Ang Sintesis (synthesis) ay mula sa salitang Griyego na syntithenai na ang ibig sabihin sa Ingles ay put together
o combine ayon kay (Harper 2016). Ang prosesong ito ay naisasagawa lalo na sa mga nabasang libro. Ang
nilalaman nito o ang kinukuha nito ang mga kahulugan, layunin at kongklusyon ng libro. Sa madaling sabi ang
sintesis ay ang pagsasama-sama ng mga impormasyon, mahahalagang punto, at pagbubuod ng mga mahahabang
libro, upang makabuo ng panibagong kaalaman sa sandaling panahon. Ito rin ay maaaring koneksyon sa pagitan
ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin.
Ang Sintesis o buod ay isang pamamaraan kung saan ang isang manunulat o tagapagsalita ay sinasabi ang mga
orihinal na teksto sa mas maikli ngunit kompleto at detalyadong paraan.

2 ANYO ng SINTESIS
 Explanatory Synthesis
→ Isang sulating naglalayag tulunganang mambabasa o nakikinig na lalong maunawaan ang mga bagay na
tinatalakay.
 Argumentative Synthesis
→Layuning maglahad ng pananaw ng sumusulat nito.

HAKBANG NA DAPAT SUNDIN SA PAGSULAT NG SINTESIS


1. Basahing mabuti ang kabuoang anyo at nilalaman ng teksto.
2. Gumamit ng pandama dahil maisasapuso at mailalagay nang wasto sa isipan ang mahahalagang diwa.
3. Isaalang- alang ang tatlong uri ng pagkasunod sunod ng mga delatye.
SEKWENSIYAL- Pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay na ginagamitan ng mga panandang :
una,pangalawa, pangatlo at iba pa.
KRONOLOHIKAL – pagkasunod –sunod ng mga impormasyon at mahahalagang detalye ayon sa
pangyayari.
PROSIDYURAL - pagkasunod – sunod ng mga hakbang o proseso ng pagsasagawa.
4. Maaari ding isaalang- alang ang mga bahagi ng teksto: ang una, gitna , at wakas .
5. Gamitin din ang proseso sa pagsulat para sa maayos na anyo ng teksto at sistematikong pagsulat.

IV. PAGSASANAY /GAWAIN


PAGYAMANIN ang KAISIPAN
A. SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD 10 puntos
1. Ano ang SINTESIS?

2. Paano na gagamit ang tatlong uri ng pagkasunod sunod ng mga delatye sa pagbubuod?

B. Basahin at unawain ang kuwento sa ibaba,Pagkatapos ,ibuod ito ayon sa mga bahagi ng teksto.
15 PUNTOS
DESPRESYON

Ang depresyon ay isang uri ng seryosong sakit na nakaaapekto kung paano mag-isip at kumilos ang isang
tao. Ito ay maaaring magbunga hindi lamang ng pisikal na mga problema kung hindi pati na rin emosyonal
at sosyal na aspeto.
Ayon sa World Health Organization, 300 milyong tao sa buong mundo ang nagdaranas ng depresyon.
Ang mga edad na nasa pagitan ng 18 hanggang 25 taong gulang ang itinuturing na may pinakamalaking
potensyal na magkaroon nito. Dahil dito, mataas na porsyento ng mga tao ang nagpapakamatay at ito ay
ika-sampu sa pinakamataas na sanhi ng pagkamatay ng tao.
Ang depresyon ay mayroong iba’t ibang uri. Isa na rito ang tinatawag na “seasonal depression”. Ang
depresyon na ito ay mayroong “seasonal pattern”. Sa madaling salita, nararanasan ito ng isang tao kasabay ng
pagbabago ng panahon.
Ang isa pang uri ng depresyon ay tinatawag na “postpartum depression” ito ay karaniwan sa mga
kababaihan na nagdaan sa kalungkutan, o sobrang kapaguran sa kanilang panganganak nag nagbubunga ng
hindi maayos na pag-aalaga sa kanilang mga saggol o sa kanilang sarili. Isa sa pitong kababaihan ang
nagdaranas nito.
Ang paggamot sa depresyon ay isang suliranin na dapat pagtuunan ng pansin. Ito ay lubos na
nakakaapekto sa buhay ng tao at nangangailangan ng labis na atensyon sapagkat buhay na ang nakasalalay
dito.
PAMAGAT:

PANIMULA:

GITNA:

WAKAS:

V. PAGSUSULIT
LIKHAIN MO
Ibuod ang huling pelikulang iyong napanood.Gamitin ang sekwensiyal na paraan ng pagkasunod-
sunod ng mga pangyayari sa pagbubuod.25 PUNTOS
UNA:

PANGALAWA:

PANGATLO:
PANG-APAT:

PANLIMA:

VI.TANDAAN NATIN
SYNTITHENAI na ang ibig sabihin sa ingles ay PUT TOGETHER or COMBINE( HARPER 2016 )
ye.
a,pangalawa, pangatlo at iba pa. KRONOLOHIKAL pagkasunod sunod ng mga impormasyon at mahahalagang detalye. PROSIDYURAL ginaga

VII. SANGUNIAN
 PAGSULAT NG SINTESIS SIBS PUBLISHING HOUSE (FILIPINO SA PILING
LARANGAN AKADEMIK)
Novaloiz.simplesite.com
Time Coverage
I . ARALIN 5 : PAGSULAT NG BIONOTE
WEEK 3 DAY 1
Mga Kasanayang Pampagkatuto
 Nauunawan ang kahulugan ng bionote
 Naipapaliwanag ang pagkakaiba ng BIOGRAPY, BIODATA at AUTOBIOGRAPY
 Nakakasulat ng isang BIONOTE batay sa layunin at paggamit ng wika
II. PALAWAKIN ang TALASALITAAN

ANTOLOHIYA - pinagsama-samang pinaikli at piling tula na iba-iba ang may akda at iba pang mga
akda.
BALIKTAD NA TATSULOK -naglalaman ng mga di gaanong mahalagang impormasyon, mahalagang
impormasyon, pinakamahalagang impormasyon.
BIO -nangangahulugang buhay ng tao, hayop at halaman.
CURRICULUM VITAE - dito makikita ang natamong edukasyon, nakaraang trabaho, mga kasanayan at iba
pa. Karaniwang ginagamit ito sa akademiko.
INILALAKIP - kasingkahulugan ng inilaan o ibinigay.
TALA - ang katumbas nito ay listahan o nakasulat.

III. TALAKAYIN NATIN


Karamihan sa atin ang pagpapakilala sa mga tagapagsalita ay napakahaba at nakababagot na para sa mga
tagapakinig, sapagkat napakaraming impormasyong nais ipabatid , na kung saan nakauubos na ng panahon o
oras.Sa ngayon ang pinakapayak na paraan at dapat natutunan ng mga tagapagsalita ay ang pagsulat ng bionote?
Saan nga ba nagmula at paano nga ba gumawa ng bionote? Ngayon ating alamin.
Ang “bio” ay nagmula sa salitang griyego na ang ibig sabihin sa Filipino ay “buhay”. Ang “Graphia” naman
ay nagmula rin sa Griyego na ang ibig sabihin sa Filipino ay “tala” nangangahulugang nakasulat. Kung kaya’t na
buo ang salitang “biography” na isang mahabang salaysay sa buhay ng isang tao. Sa pamamagitan nito, dito
nagmula ang salitang “Bionote”
Ang Bionote ay maikling impormasyon tungkol sa may-akda, na binubuo ng dalawa hanggang tatlong
pangungusap at nakasulat sa ikatlong panauhan , ayon kay (WORD- MART , 2006) Madalas inilalakip sa isinulat na
akda. Ito ay imormatibong talata na nagpapaalam sa mga mambabasa kung sino ka o ano ano na ang mga
nagawang mo bilang propesyunal.
Ayon sa : K to 12 Senior High School Applied Subject Filipino sa Piling Larangan (2013). Ang BIONOTE ay isang
maikling tala ukol sa isang awtor , na kung saan maaring makikita sa likod ng inilathalang aklat.
Bakit nga ba nagsusulat ng BIONOTE ?Sapagkat ito ang tagging paraan upang lubusang maipakilala sa mga
mababasa ang kridibilidad at saan ka nabibilang na larangan. Kaya’t ito ay ginagamit sa :
Journal
Anotolohiya
Curriculum
Magazine
At iba pang na ngangailangan ng pagkilala
Ang AUTOBIOGRAPHY ay detalyadog isinasalaysay ang mga impormasyon hinggil sa buhay ng isang tao.
Samanatala ang curriculum vitae na tinatawag ding na BIODATA ay naglalaman ng mga personal na
impormasyon na ginagamit sa paghahanap ng trabaho.
WESBAY COLLEGE
LEARNING MODULE FOR 1ST SEMESTER SCHOOL YEAR 2020-2021
GRADE 11 FILIPINO 2: PAGSULAT sa FILIPINO sa PILING LARANGAN ( AKADEMIK )

STUDENT’S NAME: STRAND/SECTION

MGA KATANGIAAN ng MAHUSAY na BIONOTE


1. MAIKLI ang NILALAMAN – pag-maikli ang bionote masmadaling basahin at maiiwasan ng pagyayabang.
2. GUMAGAMIT ng PANGATLONG PANAUHANG PANAO - lagi gumagamit ng pangatlong panuhang pananaw sa
pagsulat ng bionote.
HALIMBAWA:
Si Juan Dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA economics sa UP- DILIMAN – siya ay kasalukyang
nagtuturo ng Macroecomimic Theory sa parehong pamantasan.
3. KINIKILALA ang MAMBABASA – target na isaalang –alang ang mambabasa sa pagsulat ng bionote.
4. GUMAGAMIT ng BALIKTAD na TATSULOK – katulad ng balita kailangang unahin ang pinakamahalagang
impormasyon.

pinakamalagang impormasyon

mahalagang impormasyon

di – gaanong mahalagang impormasyon

5. NAKATUON LAMANG sa mga ANGKOP na KASANAYAN O KATANGIAN


Mamili ng mga kasanayan o katangian ,hindi kailangang ang pagiging
negosyante o chef.
6. BINABANGGIT ang DEGREE KUNG KAILANGAN- nilalagyan ng PH sa antropolohiya , halimbawa nagsusulat ng
artikulo tungkol sa kultura ng isang bansa ,magalagang isaulat sa bionote ang
kredensiyal.
7. MAGING MATAPAT sa PAGBABAHAGI ng IMPORMASYON – siguraduhin lamang na tama o totoo ang
impormasyon para lamang bumango ang pangalan para makalamang minsan
sa kompetisyon.
IV. PAGSASANAY/GAWAIN
Gamit ang VENN DIAGRAM,ipaliwanag ang mahahalagang pagkakatulad at pagkakaiba ng BIONOTE,
AUTOBIOGRAPHY at BIODATA. Pagkatapos , bumuo ng kongklusyon mula sa ginawang paghahambing.
20 PUNTOS

BIONOTE AUTOBIOGRAPHY

19 | P a g e
BIODATA
WESBAY COLLEGE
LEARNING MODULE FOR 1ST SEMESTER SCHOOL YEAR 2020-2021
GRADE 11 FILIPINO 2: PAGSULAT sa FILIPINO sa PILING LARANGAN ( AKADEMIK )

STUDENT’S NAME: STRAND/SECTION

KONGKLUSYON:

IV. PAGSUSULIT
LIKHAIN MO
Gumawa ng autobiography isalaysay ang iyong kredibilidad, at natatanging gawa. Pagkatapos Gumawa ng
BIONOTE. 20 PUNTOS.

V. TANDAAN NATIN

 BIONOTE – maikling salaysay ukol sa katangian ng isang tao, binubuo ng 2 hanggang 3


pangungusap.
 BIOGRAPHY – Salaysay tungkol sa tanyag na tao.
 AUTOBIOGRAPHY – detalyadong isinasalaysay ang mga impormasyob hinggil sa buhay ng
isang tao.

VI. SANGGUNIAN
 PAGSULAT NG BIONOTE SIBS PUBLISHING HOUSE (FILIPINO SA PILING
LARANGAN AKADEMIK)
https://www.slideshare.net

20 | P a g e
TIME COVERAGE
WEEK 3 DAY 2

I. ARALIN 6 : PAGSULAT NG TALUMPATI


MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO
 Nalalaman ang ibat’t ibang uri ng talumpating nababasa
 Naiuugnay sa sarili ang talumpating nababasa
 Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng pag-unawa sa katangian na
taglay nito.
II. PALAWAKINA ang TALASALITAAN
BISA - ito ay magsisilbing patunay o katibayan
KONSEPTO - isang ideya napapaligiran ng iba’t ibang paksa,walang tiyak na oras ,unibersal na abstrak
KUMPERENSIYA - pagtitipon tipon sa isang silid nakadalasan ang gumagawa ay mga propesyunal.
LAGOM - isang buod ,o pinaikling paraan upang lubos na maunawaan ang isang sulatin o isang akda.
PUKAWIN - gisingin ang diwa
TAYUTAY - isang pahayag ginagamit upang bigyang diin ang isang kaisaipan.

III. TALAKAYIN NATIN


Ang TALUMPATI ay isa sa masasabi nating sining ng pagsasalita. Bakit nga ba? Sa kadahilanang masusukat ang
sining ng pagsasalita sa pamamagitan ng paggamit ng wika at katatagan ng kanyang paninindigan, kung kaya’t
ginagamit ito sa panghihikayat, nangangatwiran , o tumatalakay ng isang paksa upang magkaroon ng karagdagang
kaalaman o impormasyon ang tagapakinig.Kailangan sa talumpati ay nakapagbibigay ng mahahalagang
impormasyon ,nakapagpapaunaw, nakapagtuturo at nakapanghihikayat ng konsepto sa mga manonood at
makikinig.
Narito ang Gabay sa Pagsulat ng Talumpati
1. Isaalang-alang ang uri ng wikang dapat mong gamitin na kaaya-aya sa mga tagapakinig.
2. Gumawa ng balangkas na dapat sundin sa isusulat na talumpati.
3. Iayon ang mga salita .tayutay,kasabihan , o salawikang gagamitin sa pagpapahayag ng mga ideya sa talumpati.
MGA DAPAT ISAALANG –ALANG sa PAGTATALUMPATI
1. PAGHAHANDA –
A. Talumpating Maisusulat Pa
Ihanda ang sarili at palaging isipin na mahahalagang mapukaw ang interes ng mga makikinig o
manonood sa laumpati.
B. Talumpating Hindi Maisususlat
Sa oras na malanan gang isyu bigyang pansin ang talumpati na mag-iiwan sa isipan ng mga
tagapakinig.iwasan an gang maliliit na detalye bagkus ay lagumin ang nasa isip mahalagang punto upang
maunawaan ng mga tagapakinig.
2. PAGPAPANATILI ng KAWILIHAN ng TAGAPAKINIG
Sa pagsulat ng talumpati kailangang hindi mawawala ang interes o kawilihan ng mga tagapakinig.
Pukawin ang diwa ng mga tao sa paggamit ng matatalinghagang salita gamit ang mga halimbawa ng
tayutay.
3. PAGPAPANATILI ng KASAKDULAN
Dapat maipabatid ng mga mananalumpati ang pinakamatindig emosyon sa pinakamahalhahalagang
mensahe na nais niyang ipabatid sa mga tagapakinig, upang lubos na maunawaan ng mga tagapakinig
ang mensahing nais iparating sa kanila.
4. PAGBIBIGAY NG KONGKLUSYON SA MGA TAGAPAKINIG
Magbigay ng mga mahahalagang punto sa tinatakay na paksa upang mag-iwan ng mensahe o diwa sa
mga tagapakinig sa iyong pagtatapos.

IBAT’T IBANGG URI NG TALUMPATI

1. IMPROMPTU = Ito ang isang talumpati na biglaan at hindi napaghandaan


Hal. Job interview , ilang okasyon na may question ang answer at pagpapakilala
2. EXTEMPORE = Ang mananalumpati ay masusubok sa pamamagitan ng paggamit ng mga angkop na
salita sa sandaling panahon. Bukod pa rito ang talumpating ito ay inoorasan ang
pagsasagot ng mananalumpati kung kaya kinakailangang malinaw ang pag-iisip ,mabilis
ang pagbabalangkas ang konsepto.
Hal. Question and Answer portion sa mga beauty pageant.
3. ISINAULONG TALUMPATI = Ang talumpating ito ay isinusulat muna pagkatapos ay isasaulo ng mga
mananalumpati.
Hal. Valedictory Speech
4. PAGBASA ng PAPEL sa KUMPERENSIYA = Sa talumpating ito ang mananalumpati ay binibigyan ng sapat
na oras upang makapaghanada sa kanyang talumpati. Ito ang pinakamadaling uri ng
talumpati sapagkat kaunti lang ang alalahanin nito .
Hal.Sa isang pormal na pagpupulong
IV. PAGSASANAY/GAWAIN
A. Basahin ang katanungan at sagutan ito batay sa sarling pagkakaunawa. 20 PUNTOS
1. Ano ang kahulugan ng talumpati?

2. Bakit mahalagang isaalang –alang ang mga tagapaginig sa pagtatalumpati?

3. Ano ano ang mahahalagang salik na dapat bigyang-diin sa pagsulat ng isang talumpati?

4. Paano masasabing napupukaw ng mananalumpati ang interes ng mga tagapakinig?


B. Basahin at unawain ang isang halimbawa ng talumpati. Pagkatapos punan ang mga hinihinging detalye sa ibaba.
5 puntos bawat isa

ANG KABATAAN NOON AT NGAYON


Ang kabataan noon at ngayon ay may maliit lamang na puwang sa kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi,
ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang,
masunurin at mabait di tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang taimtim sa puso’t isipan nila ang kanilang
ginagawa; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay may mapagwalang-bahala sa saloobin. Lalong masinop sa
pag-aayos ng katawan at pananamit at lubhang matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan noon, kaya
wikanga, ang kabataan noon ay hubog sa pagaaral at kababaang-loob at ang asal ay ipinagmamalaki sa lahat.
Kaiba naman ang mga kabataan ngayon. Mulat sila sa makabagong panahon kaya higit na maunlad sa
pangangatwiran na kung magkaminsan ay napagkakamalang pagwawalang-galang sa kapwa. Lubhang
mapangahas sa mga gawain at mahilig sa maraming uri ng paglilibang. Napakatayog ng mga mithiin nila at higit
na maunlad ang tunguhin. Marami rin ang magkasing bait at magkasing sipag sa mga kabataan noon at ngayon.
Ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng bayan natin. Kapwa sila makabayan, mapagmahal,
matulungin sa mga kaangkan at may mga mithiin sa buhay. Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon. Hindi
ba’t mayroon tayong “Sampung Lider na mga Kabataan” na pinipili taun-taon? Sila ang saksi sa ating
pinakamahuhusay na kabataan noon at ngayon.

Pamagat ng Talumpati:
Mahalagang paksa:

Naging Damdamin mo sa paksa habang binabasa o matapos basahin ang talumpati:

Mahalagang aral na natutuhan sa talumpati:

Natuklasan sa sarili kaugnay sa aral ng talumpati:


V. PAGSUSULIT
LIKHAIN MO
Sumulat ng TALUMPATI ayon sa paksang iyong kawiwilihan at iugnay ito batay sa sarili mong karanasan .
Sa pagsulat nito gamitin ang mga gabay sa pagsulat ng talumpati.Idikit sa inilaang kahon ang nagawang
talumpati.

VI. TANDAAN NATIN

TALUMPATI isang masining na pagsasalita na magiiwan ng aral sa mga tagpakinig


Uri ng Talumpati IMPROMPTU,EXTEMPORE,ISINAULONG TALUMPATI at PAGBASA ng PAPEL sa KUMPERENSIYA
IMPROMPTU biglaan at walang paghahanda
EXTEMPORE bibigyan ng maikling oras upang makapaghanda sa talumpati
ISINAULONG TALUMPATI sa paraang ito isinusulat muna ng mananalumpati ang konsepto ,pagkatapos kakabisaduhin para sa mga tagapak
PAGBASA NG PAPEL SA KUMPERENSIYA mas kaunti ang alalahanin sapagkat napaghandaan at inaasahang na-ensayo na ang pagbigkas.

VII. SANGUNIAN

 PAGSULAT NG TALUMPATI SIBS PUBLISHING HOUSE (FILIPINO SA PILING


LARANGAN AKADEMIK)
WEEK COVERAGE

WEEK 4 DAY 1
I. ARALIN 7 : PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL
Mga Kasanayang Pampagkatuto
 Nabibigyan ng sariling pagpapakahulugan ang Posisyong Papel
 Nasusuri ang nilalaman ng binasang posisyong papel
 Nakasusulat ng isang kapanipaniwala at organisadong posisyong papel

II. PALAWAKIN ang TALASALITAAN

DALUBHASA - isang tao na may aking kasanayan ,kagalingan,kahusayan at kaalaman sa isang


larangan
ESTADISTIKA - pagtungkol sa pag-aanalisa,pasisiyasat at pagbibigay ng interpretasyon.
KAKINTALAN - nagiiwan ng kataga o aral sa mga mambabasa o tagapakinig.
REKOMENDASYON - ito ay mungkahi ng mga tao ayon sa nakita ,nabasa naobserbahan ukol sa isyu.
POSISYON - sariling pananaw sa isyu kung ikaw ay tumataliwas sa isang hakbang o gawain ng
nanununo o opinyon ukol sa isyu.
SISTEMA - ang sinusunod na pamamaraan upang maisaayos ang isang gawain.

III. TALAKAYIN NATIN

Ang POSISYONG PAPEL ay mahalagang gawaing pasulat ,ito ay isang sanaysay na naglalaman ng paninindigan
patungkol sa mahahalagang isyu, batas,akademiya,politika at iba pang larangan . Ito rin ay nanghihikayat sa mga
mambabasa na magkaroon ng kamulatan sa argumentong inihahain .Isinasagawa ang pagsulat ng posisyong papel
tungkol sa ipinaglalabang isyu upang iparatig ang mga opinyon at paniniwala o rekomendasyon ayon sa isyu.

Mga Dapat Isaalang –alang sa Pagsulat ng Posisyong Papel


1. Pagpili ng Paksa Batay sa Interes
Pumili ng paksa batay sa iyong sariling interes ,gumamit ng mga datos,opinyon at estadistika
upang maniwalaan ng mga mambabasa.
2. Magsagawa ng Paunang Pananaliksik
Kailangan ng paunang pananaliksik upang matukoy kung ang mga katibayang gagamitin ay
susuporta sa iyong sulatin.
3. Hamunin ang Iyong Sariling Paksa
Kailangang alamin at unawain ang kabaliktarang pananaw ng tungkol sa iyong sariling
paninindigan upang mapatibay ang iyong isinasagawang posisyong papel.
Dapat harapin at kilalanin sa iyong posisyong paep ang mga ibang datos, opinyo,estadistika at
iba pang sumasalungat na artikulo.
4. Magpatuloy Upang Mangolekta ng Sumusuportang Katibayan
Matapos alamin ang kahinaan at kasalungat na opinyon ukol sa isinagawang sulatin , manaliksik
upang magkaroon ng masmatibay na datos gamit ang mga silid aklatan, gamit ang mga
pinagsasama samang opinyon ng mga dalubhasa o eksperto upang maskapanipaniwala ito sa
mga mambabasa.
5. Lumikha ng Balangkas (OUTLINE)
Ipakilala ang iyong paksa ,itala ang posibleng kasalungat na pananaw nito, ipakita ang mga
sumusuportang punto at ibuod ang ang iyong argument at muling igiit ang iyong posisyon.

IV. PAGSASANAY/GAWAIN
A. Basahin ang isang halimbawa ng posisyong papel .Pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na mga tanong
batay sa nabasang pahayag.10 puntos

PAGGAMIT NG DROGA
ni: Princess Paclar
Ang posisyong papel na ito ay tungkol sa mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamut. Ang gamut ay
sinadya sa mundo na gawin upang makapagbigay-lunas sa sakit. Ito ay medisina upang madaling mawala ang sakit
ngunit sa kabila nito ay nakapagbibigay sakit kapag inabuso. May gamut na bawal tulad ng ginagamit ng mga kabataan
ngayon. Karamihan sa kanila ay nalulong sa bisyo lalo na sa paggamit ng ganitong klaseng droga. Ang ganitong sitwasyon
ang pinakapangunahing problema ng lipunan dahil marami na ang masamang pangyayari na nagaganap sa lipunan dulot
nga ng paggamit nito. Dumarami na rin ang bilang ng mga napapatay na kriminal bunsod ng paglaban ni Duterte sa
illegal na droga. Walang dudang ramdam na ng mamamayan ang mga pagbabagong hated nito. Pero habang tumatagal,
unti-unting nauungkat ang maraming isyung kaugnay na maruming kalakaran ng ipinagbabawal na gamut sa ating
lipunan.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement, tinatayang 92% ng mga barangay sa Metro Manila ang apektado ng droga.
Kaya naman hindi kataka-takang maraming pamilyang Pilipino ang sangkot sa paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal
na gamot. Umabot rin sa halos 196 na politico at 283 na mga empleyado ng gobyerno ang naaresto dahil sa paglabag sa
Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002 (PDEA, 2016).
Ayon rin sa balita , mahigit 300 na katao na diumano ang napatay sa gyera kontra –droga ng administrasyon.
Karamihan nito ay ang mga napaslang, mga durugista o nagtutulak ng droga na antas-kalye. Araw-araw laman ng mga
balita ang mga pagpatay, pagsuko o paghuli sa adik ng illegal na droga kaya naman hindi nakapagtataka na popular na
popular ang kampanyang kontra-droga ito ni Duterte.
Bagaman alam na alam ng mga tao ang mga panganib, patuloy pa rin sila sa pag-abuso nito, at gayong pag-abuso
ay patuloy na sumisira ng buhay. Oo, karamihan sa atin ay alam na ang paggamit ng droga ay isang paraan upang
makaahon sa kahirapan, nakababawas ng suliranin o di kaya’y panghanapbuhay ng iba. Pero alam din natin na nag
paggamit nito ay makatutong magnakaw, magsinungaling, maging agresibo o walang takot na gumawa ng masama
hanggang sa mawalan ng katinuan o mabaliw ang tao. Maraming posibleng epekto nito. Kahit na mabuti o masama,
magdudulot pa rin ito ng epekto dahil sa ating aksyon.

1. Ano ang isyung binibigyang-diin sa posisyong papel?

2. Paano inilalahad ang opinyon sa posisyong papel?


3. Paano inilatag ang mga ebidensiya hinggil sa isyu? Ano ano ang mga ito?

4. Ano ang naging kongklusyon sa posisyong papel?

5. Ikaw , ano ang iyong paninindigan sa isyu?

B. Bigayan ng kahulugan ang salitang POSISYONG PAPEL batay sa sariling pagkakaunawa. 15 puntos

P
O
S
I
S
Y
O
N
G

P
A
P
E
L
V. PAGSUSULIT
LIKHAIN MO
Pumili ng isang editorial cartoon mula sa lokal na paghayagan. Idikit ito sa ibaba at tukuyin ang
mahalagang isyu na binibigyang-diin dito. Bumuo ng mga argument at ipaliwanag ang iyong
paninindigang opinyon.
V I. TANDAAN NATIN

POSISYONG PAPEL naglalahad ng opinyon ukol sa isang isyu Mga Dapat Isaalang- alang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
Pagpili ng Paksa Batay sa Interes
Magsagawa ng Paunang Pananaliksik
Hamunin ang Iyong Sariling Paksa
Magpatuloy Upang Mangolekta ng Sumusuportang Katibayan
Lumikha ng Balangkas(outline)

VII. SANGUNIAN
 PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL SIBS PUBLISHING HOUSE (FILIPINO SA PILING
LARANGAN AKADEMIK)
https ://www.slideshare.net
TIME COVERAGE
WEEK 4 DAY 2
I. ARALIN 8 : PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
Mga Kasanayan Pampagkatuto
 Naiisa isa at naipaliwanag ang mga bahagi ng Replektibong Sanaysay
 Nakikilala ang katangian ng mahusay na sulating akademiko
 Nakasusulat ng sariling Replektibong Sanaysay
II. PALAWAKIN ANG TALASALITAAN
ESTILO - nangangahulugan ng pamamaraan o paraan ng isang bagay.
METIKULOSO - mapili, hindi basta basta , at maselan.
OBHETIBO - kongkreto at napapatunayan ng ang mga ebidensiya at walang halong emosyon.
PIYESA - gamit na kailangan para makalikha ng bagay
REPLEKTIBO - nangangahulugang pagbabalik tanaw
TAHAS - tumutukoy sa mga obhetibong bagay na nararanasan ng pandama
TIPIKAL - nagsisilbing halimbawa ng isang katangian , kumakatawan sa isang katangian

III. TALAKAYIN NATIN

Ang SANAYSAY ay maikling salaysay kompara sa nobela at maikling kuwento, na nagtataglay nang
katangiang tahas na paglalaanan ng pananaw, pagsusuri at opinyon ng manunulat sa isang isyung nakapukaw ng
kanyang interes o damdamin (Baello, Garcia, Valmonte 1997) Ang Tahas na katangian ng sanaysay ay maaaring
makapagdulot ng kalituhan sa iba’t ibang uri ng sanaysay.
Ang Replektibong Sanaysay ay tumatalakay sa karaniwang isyu, pangyayari o karanasang hindi
nangangailangan ng malawakang pag-aaral. Ito ay malayang talakayin ang mga puntong nilalaman ng
karaniwang karanasan na nagmumulat sa pangyayaring kanyang nasaksihan (Baello, Garcia, Valmonte 1997).
Ang Replektibong Sanaysay ay magkaiba sa talambuhay sapagkat ang talambuhay tumatalakay sa buhay ng
tao samantala ang Replektibong sanaysay naman ay naglalayong bigyang- katwiran, ipaliwanag o suriinang
particular na salaysay at palutangin ang halaga nito o ang maidudulot nito, depende sa layon ng manunulat, sa
buhay ng tao at sa lipunan (Arogante, Golla, Honor-Ballena 2010). Sa puntong ito, maaari nang sabihin na nag
tahas na katangian ng karaniwang sanaysay ay tinataglay rin ng replektibong uri nito dahil ang pagsasalaysay ng
subhetibong paksa ay dumadaan sa masusing pagsususri upang makita ang kahulugan sa obhetibong
pamamaraan.
Taliwas sa karamihan ang pagsulat ng isang piyesa ng Replektibong Sanaysay ay hindi gaano kadali, sapagkat
may mga pagkakataon na nais mong itayo ang iyong kalooban at maging matalino sa pagpili ng mga salita at
maging obhetibo sa pagsasalaysay.

BAHAGI NG REPLEKTIBONG SANAYSAY


1. PANIMULA
- Pagkilala o pagpapaliwanag ng paksa. Nabibigyang panimula ang mahalagang bahagi ng buhay na
pupukaw sa interes ng mambabasa.
2. KATAWAN
- Itong bahaging ito ay naglalaman ng mahalagang bahagi ng teksto iyong isasalaysay dahil dito makikita
ang naging obderbasyon, realisasyon at natutunan na siya minsang magsisilbing gabay ng pagbago ng
pananaw, karanasan at sistema ng mambabasa.
3. KONGKLUSYON
- Bahagi ng sanaysay na mag-iiwan ng kakintalan o aral para sa mga mambabasa. ditto rin makikita ang
punto at kahalagahan ng isyung tinalakay.
IV. PAGSASANAY/GAWAIN
A. Basahin ang isang halimbawa ng rekpektibong sanaysay unawain ang nilalaman nito.Pagkatapos,tukuyin
ang mahalagang aral na pumukaw sa iyong isipan at bigyan ng repleksyon. 15 puntos

“ANG PAG-IBIG ng EDUKASYON”


Sa Panulat ni: DIAN JOE JURILLA MANTILES

Tunay ngang ang edukasyon sa buhay ng bawat isa ay kapara ng isang walang katapusang
paglalakbay sa mundong sinasaklawan ng aspektong ‘pagbabago’. Ito ang pinakamakapangyarihang sandata na kahit
sinuman ay walang kakayahang baguhin at angkinin sapagkat ito ay permanenteng nakaukit na sa diwa at kamalayang
pantao ng isang nabubuhay . Sa bawat umaga n gating buhay,tayo ay binabasahan ng Poong Lumikha ng kalayaan upang
makaanib at makasabay sa kung ano mang kakatwa ang sumasaklaw sa ating lipunang kinabibilangan. Hindi man lingid
sa ating kamalayan subalit buhat nang tayo ay nasa sinapupunan pa lamang ay batid na natin ang espiritu ng
‘pagkatuto’.Maging sa kauna-unahang pagsambit natin ng salitang “mama” hanggang sa tayo
ay unti-unting nabihasa sa ating “abakada” tayo ay nabibilang na pundasyon ng edukasyon .Karaniwang pamantayan sa
edukasyon na kung ang tao ay nasa gulang tatlo na ay maari na itong magsimulang pumasok sa isang paaralan.Sa
makatuwid , mahabang panahon ang iginugugol ng isang tao para sa kanyang edukasyon.
Sa aking labindalawang taon na pananatili sa loob ng paaralan.masasabi kong ako ay parang
nasa isang paraiso .Bagamat hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ako , maraming pagkakataon naman sa aking
buhay ang nagpapaunawa sa akin na ang edukasyon ay patuloy na umaangkla sa aking pagkatao at maging sa aking
kalapit na hinaharap.Ito rin ay patuloy na nag-iiwan ng hindi mga matatawarang implikasyon ng pagbabago sa aking
pagkatao na siyang dahilan kung bakit ganito ako katatag ngayon.Bukod sa mga karaniwang talakayin ,prinsipyo at pang-
akademikong layunin na siyang ipinapabatid ng edukasyon,ito rin ang nagsisilbing balangkas upang mabuksan ko pa ang
lagusan sa kabilang ibayo.Mula dito ay binigyan din ako ng pagkakataon upang makilala ng iba’t ibang deskripsyon ng
aking kapwa tao at mga karanasang aking dadalhin habambuhay.Ito ay ang aking karanasam noong ako ay nasa ika -4 na
baitang . Ang karanasan na marahil para sa akin ay mapanglaw at natatangi lamang.
Isa akong walang kwentang mag-aaral.Oo , tama ang nababasa mo. Wala akong ibang iniisip
noon kundi ang makawala sa paaralan na kapara ng isang bartolina sa akin ay nagbibigay lanag ng pasakit at mantindig
paghihirap.Ang tanging namumutawi na lamang sa aking isipan noon ay ang pagpasok buhat sa kagustuhan ng aking mga
magulang. Naaalala ko pa noon na sa tuwing darating ang katapusan ng Marso ay wala akong ibang ginawa kung hindi ay
panoorin na lamang ang aking nga kaklaseng maglakad sa harapan ng entablado kasama ng kanilang mga magulang
upang tanggapin ang kanilang mga parangal.Gustuhin ko mang itago ang aking nararamadaman,subalit ito ay pilit na
kumakawala at ako ay tila isang ibon na sa piitan ay nananahanan.Hindi man hayag sa aking mga magulang ang kanilang
pangingimbulo subalit nararamdaman ko ito. Pinipilit ko iyong labanan subalit wala akong magawa.Napakalakas ng
enerhiyang ito at siya ring enerhiya ang unti-unting sumisipsip sa aking pag-asang makapagbagong buhay. “
Mahahalagang aral na pumukaw sa aking kaisipan:

Pag-uugnay sa sariling karanasan:

Pagsasabuhay sa natuklasan sa iyong sarili.

B. Ibigay ang pagkakaiba ng mga bahagi ng Replektibong Sanaysay.15 puntos


1. PANIMULA

2. KATAWAN

3. KONGKLUSYON
IV. PAGSUSULIT
LIKHAIN MO
Manood ng isang pelikula o dokumentaryo tungkol sa isang isyung panlipunan. Tukuyin ang
espesipikong suliraning panlipunang itinampok sa pelikula o dokumentaryo . Pagkatapos, sumulat sa
isang buong papel ng replektibong sanaysay gamit ang mga bahagi nito at idikit sa inilaang kahon.

VI. TALAKAYIN NATIN

 SANAYSAY isang anyo ng salaysay na maikli na tumatalakay sa napapanahong isyu, hinggil sa


sariling karanasan.
 REPLEKTIBONG SANAYSAY
- Natutunan o naging reaksyon ukol sa isang paksa batay sa sariling pananaw.
BAHAGI NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
 PANIMULA
- Nagpapakilala at nangangailangan ng pagpukaw sa interes ng mambabasa.
 KATAWAN
- Mahalagang bahagi ng sanaysay na naglalaman ng mga mahahalagang punto ukol sa isyu.
 KONGKLUSYON
- Bahaging mag-iiwan ng aral o kakintalan sa mga mambabasa.

VII. SANGGUNIAN

 PAGSULAT ng REPLEKTIBONG SANAYSAY SIBS PUBLISHING HOUSE (FILIPINO SA PILING


LARANGAN AKADEMIK)
https ://www.slideshare.net
TIME COVERAGE

I. ARALIN 9: PAGSULAT NG LAKBAY SANAYSAY WEEK 5 DAY 1


Mga Kasanayang Pampagkatuto
 Natutukoy ang mga katangian ng Lakbay – Sanaysay
 Nalalaman ang mga hakbang sa pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
 Nakasusulat ng Lakbay-Sanaysay batay sa karanasan
II. PALAWAKIN ang TALASALITA
LAKBAY - Pagtungo o pagpunta sa lugar
ORGANISASYON - Isang grupo ,pangkat ng tao o pagkasundo-sundo ng layunin
PUNTO DE BISTA - Paraan ng iyong pagkaintindi sa isang akdang binasa
TRADISYON - Paniniwala sa ating banasa,isinasaling dila ng mga ninuno.
-

III. TALAKAYIN NATIN


Ano nga ba ang maipagmamalaki ng bansang Pilipinas sa larangan ng turismo? Kung Pag-uusapan ang
karanasan sa mga kagandahan ng tanawin sa ating bansa hindi papahuli ang Pilipinas.Hindi lamang tanawin at
karanasan mayroon dito,bagkus mayaman din an gating bansa sa kasaysayan, kung kaya’t sa pamamagitan ng
mga ito,marami ka nang maisusulat na paksa para sa sulatin na Lakbay- Sanaysay
Ayon kay Patti Marxsen sa kanyang artikulong “ The Art of the Travel Essay” ang isang mapanghikayat na
lakbay-sanaysay na dapat makapagdulot hindi lamang ng mga impormasyon kundi ng matinding pagnanais na
maglakbay.

KAHULUGAN ng LAKBAY-SANAYSAY
 Ito ay naglalaman ng karanasan sa paglalakbay
 Ginagamit ng pandama : paningin,pakiramdam,panlasa,pang-amoy at pandinig
 Pumapaksa sa mga magaganadang tanawin,tagpo at iba pang mga karanasan sa paklalakbay ang lakbay
sanaysay
 Maaari ding pumapaksa sa tao o mamamayan ng lugar , katangian ,ugali o tradisyon ng mga natuklasan sa
isang lugar,katangian ,ugali tradisyon,mga natuklasan sa isang lugar

Mga Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay


1. Sa Bago magtungo sa lugar na balak mong puntahan ay dapat magsaliksik o magbasa tungkol sa kasaysayan
nito.
2. Buksan ang isipan at damdamin sa paglalakbay,lawakan ang isipan at damdamin.
3. Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na dapat isulat.
4. Kung susulat ng lakbay-sanaysay ,huwag gumamit ng mga kathang-isip na ideya.
5. Gamitin ang unang panauhang punto de bista at isaalang alang ang organisasyon ng sanaysay sa pagsulat.
6. Tiyakin na ma pupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa susulating lakbay-sanaysay.
IV. PAGSASANAY/GAWAIN

A. BASAHIN at UNAWAIN ang mga katanungang nakapaloob sa ibaba,sagutan batay sa sariling


pagkakaunawa.20 puntos
1. Ano ang kaibahan ng lakbay-sanaysay sa isang replektibong sanaysay?

2. Ano –ano naman ang katangian ng lakbay-sanaysay na maaaring may pagtkakatulad sa replektibong –
sanaysay?

3. Ano ang dapat gawin upang hindi malimutan ang mahahalagang datos sa pagsulat ng lakbay-sanaysay?
Bakit?

4. Ano ang mga positibong naidudulot ng mga lakabay-sanaysay para sa manunulat at mambabasa?

B. Mag-isip ng isang lugar na kinagigilawan mong puntahan gamit ang katangian at dapat isaaalng alang sa
pagsulat ng isang lakbay sanaysay, saloob lamang ng 100 na salita. 10 puntos
V. PAGSUSULIT
LIKHAIN MO
Balikan ang isinulat na sanaysay, pagkatapos suriin at sagutan ang mga susununod na tanog.
5 (PUNTOS BAWAT ISA)
1. Paano mo inilarawan ang lugar na iyong napiling maging paksa? Isulat ang mga pahayag dito.

2. Ano –anong bagay sa kapaligirang ang iyong binigyang-pansin? At bakit?

3. Bakit sa dinamiraming maaaring magging paksa iyan ang iyong napiling paksa?

4. Ano ang mahalagang impormasyong iyong natutunan sa isinulat na lakbay-sanaysay.


VI. TANDAAN NATIN

 LAKBAY-SANAYSAY pumapaksa sa tao, katangian,ugali ,tradisyon at kultura ng isang lugar.


 MGA MUNGKAHING GABAY SA PAGSULAT NG LAKBAY SANAYSAY
1. Manaliksik bago pumunta sa lugar na nais puntahan
2. Buksan ang isip at damdamin upang makatuklas ng mga bagong impormasyon
3. Magdala ng talaan o listahan sa pagkalap ng datos
4. Iwasang gumamit ng kathaning-isip na ideya.
5. Magkaroon ng kritikal na pag-uunawa.
6. Tiyakin an mapupukaw ang kawilihan ng mambabasa.

VII . SANGGUNIAN

 PAGSULAT NG LAKBAY – SANAYSAY SIBS PUBLISHING HOUSE (FILIPINO SA PILING


LARANGAN AKADEMIK)
WESBAY COLLEGE
LEARNING MODULE FOR 1ST SEMESTER SCHOOL YEAR 2020-2021
GRADE 11 FILIPINO 2: PAGSULAT sa FILIPINO sa PILING LARANGAN ( AKADEMIK )

STUDENT’S NAME: STRAND/SECTION


TIME COVERAGE

WEEK 5 DAY 2
I. ARALIN 10 : PAGLIKHA ng PICTORIAL ESSAY
Mga Kasanayang Pampagkatuto
 Nalalaman ang mahahalagang katangian ng lakbay-sanaysay
 Natutukoy ang mga hakbang sa pagsulat ng lakbay-sanaysay
 Nakasusulat ng lakbay-sanaysay batay sa karanasan sa paglalakbay
II. PALAWAKIN ang TALASALITAAN
INSTRUMENTO - Isang tao o anumang bagay na ginagamit sa paggawa ng kilos.
ISYU - Usapin ,paksa at pinagtutuunan ng pansin
KRONOLOHIKAL - Pagkasunod –sunod ng bagay o pangyayari
KOMPOSISYON - Pinakapayak na paraan sa pagsulat
PISIKAL - Aspeto ng isang bagay na nararanasan sa paggamit ng pandama

III. TALAKAYIN NATIN

Bawat indibidwal ay may-iba’t ibang paraan upang hindi lubos makalimutan ang karanasang nangyayari sa
kanilang buhay.Isa na rito ang pagkuha ng larawan , na tipikal nalang na gawain ng mga mamamayan.
Ayon nga sa isang Nonelistang Indian na si Amit Kalantri “ A photograph shouldn’t be just a picture it
should be a philosophy”, ayon sa kanya ang litrato ay isang larawan na pisikal na anyo.Subalit ,ito ay may
katumbas na sanlibong salita na maaaring magpahayag ng mga natatagong kaisipan.
Bukod ditto ang larawan ay mahalagang kagamitan lalo na pagtuturo,sapagkat ginagamit ito upang lubos
na paunawaan ng mga mag-aaral ang talakayin sa silid aralan.Kung kaya’t ang larawan ay issang mahalagang
instrumento sa pagsulat ng isang pictorial essay o larawang sanaysay.

KAHULUGAN ng LARAWANG- SANAYSAY


 Tinipong larawan na isinaayos nang may wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
 Ito ay gumagamit ng paraan sa pagsasalaysay.Maaaring gamitin mismo ang mga binuong larawan o dili kaya’y
mga larawang may maikling teksto o “caption.” Layunin ng LAKBAY-SANAYSAY
 Magbigay ng kawilihan at magbigay ng mga mahahalagang impormasyon ,at malinang ang pagiging malikhain.

MGA DAPAT ISAALANG ALANG sa PAGSULAT ng LARAWANG –SANAYSAY
1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
2. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksa.
3. Isaalang alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
4. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon ay madaling nakapupukaw sa
damdamin ng mambabasa.
5. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan .
6. Planuhing mabuti gagawing sanaysay gamit ang mga larawan.
7. Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng kronolohikal na salaysay,isang ideya,at isang
panig o isyu.
8. "Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing ,komposisyon,kulay at pag-iilaw.

38 | P a g e
WESBAY COLLEGE
LEARNING MODULE FOR 1ST SEMESTER SCHOOL YEAR 2020-2021
GRADE 11 FILIPINO 2: PAGSULAT sa FILIPINO sa PILING LARANGAN ( AKADEMIK )

STUDENT’S NAME: STRAND/SECTION

IV. PAGSASANAY/GAWAIN

A. Ilarawan ang imahing makikita sa ibaba batay sa iyong sariling interpretasyon. Saloob lamang ng Limang
Pangungusap .

1.
2.
3.
4.
5.

B. Sumulat ng isang sanaysay ukol sa larawang makikita sa itaas , gumawa ng sariling pamagat at ipahayag ang
mensahing nais iparating sa mga mambabasa. 20 Puntos

39 | P a g e
V.PAGSUSULIT
LIKHAIN MO
Pumili ng lima (5) o higit pang mahahalagang larawan na mayroon ka simula pagkabata hanggang
ngayong kasalukuyan, Pagkatapos, idikit ito sa “bonds paper “ , pag-ugnay ugnayin ito batay sa larawang napili mo
at isalaysay o ipaliwanag ang mga mensahing nakapaloob rito. 20 puntos
VI.TANDAAN NATIN
houldn’t be just ang picture ,it should be a philosophy”. Ang litrato ay isang larawan sa pisikal na anyo.Subalit , ito ay may katumbas na san
n tipunin ang mga larawan na isinasaayos ng may-wastong pagkasunod-sunod.

mambabasa ang mensahe.


na sumulat ng ka muna ng kuwento ukol sa larawan.

kronolohikal na paraan.

VII. SANGGUNIAN
 PAKLIKHA NG PICTORIAL ESSAY SIBS PUBLISHING HOUSE (FILIPINO SA PILING
LARANGAN AKADEMIK)
TIME COVERAGE
WEEK 6 DAY 1
I. ARALIN 11 : IBA’T IBANG URI ng LIHAM at PAGSULAT ng RESUME
Mga Kasanayang Pampagkatuto
 Nakikilala at nasusuri ang iba’t ibang uri ng liham
 Natutukoy ang bahagi ng Liham
 Nakasusulat ng isang liham batay sa iba’t ibang uri

II. PALAWAKIN ang TALASALITAAN

IMPEMENTASYON - Ito naman ang yugto ng pagtanaw sa epekto ng plinanong pagbabago sa wikang
pinili.
KORESPONDENSIYA - Ang pagpalitan ng mga liham pangtrabaho sa araw-araw na transaksiyon
LINGUA FRANCA - Tumutukoy sa isang salita diyalekto na ginagamit ng dalawa o higit pang mha
tao. PAGHIRANG - Pagatalaga o pagpili
PANUKALA - Nangangahulugan ng mungkahi o suhestiyon
REKOMENDASYON - Mungkahi ng mga tao ayon sa nakikita, nababasa o naoobserbahan upang mas
mapangalagaan ang isang bagay.
TAGUBILIN - Mga tuntunin o paalala na magagamit na gabay sa pagsasagawa ng isang gawain o
proyekto.
TRANSAKSIYON - Dalawa o higit pang mga pagkilos na isinasagawa nang sama-sama bilang solong
pagkilos.

III. TALAKAYIN NATIN

Ang Komunikasyon ay mabuting paraan upang magkaroon ng ugnayan ang mga tao. Upang lubos na
magkaintindihan ang bawat indibidwal ,tayo ay nakikipag-usap ng pasalita ,maliban sa pakikipag-usap epektibo
rin ang paraan ng pasulat .Sa pagsulat ng korespondinsiya ang opisyal matuturing na ang Filipino ang LINGUA
FRANCA ,ang pangkalahatang midyum na ginagamit sa sa komunikasyon sa isang bansa .Kung nais nating
magtagumpay ang Filipino kailangang gamitin ito sa pagsulat na paraan,hindi amang pabigkas na paraan bagkus
pati na rin sa pasulat.

Ang Liham ay nagiging daan upang magkaroon ng ng ugnay ang mga tao,sa pamamagitan nito, dito
naipapahayag ang mga mahahalagang impormasyon, saloobin,damdamin at hinaing na hindi maipahayag
sapamagitan ng pagsasalitan.
Narito ang bahagi ng liham:

IBA’T IBANG URI LIHAM


PAMUHATAN BATING PANIMULAPETSA/TIRAHAN NG SUMULAT

PATUTUNGIHAN KATAWAN ng LIHAM

NILALAMAN ng LIHAM
BATING PANGWAKAS
(may indensyon)

LAGDA
PINAKAHULING BATI NG SUMULAT

BUONG PANGALAN NG SUMULAT / AT PIRMA

1. LIHAM PAGBATI ( LETTER of CONGRATULATIONS)


Pinadadalhan ng liham pagbati ang sinumang nagkamit ng tagumpay,karangalan,o bagay na kasiya-siya
,Ganito ring uri ng liham ang ipinadadala sa isang nakagawa ng anumang kapuri-kapuri o kahanga-
hangang bagay sa tanggapan .
2. LIHAM PAANYAYA (LETTER of INVITATION )
Taglay ng liham na ito ang paanyaya sa pagdalo sa isang pagdiriwang ,maging tagapanayam ,o
gumanap ng mahalagang papel sa isang particular na okasyon.
3. LIHAM TAGUBILIN ( LETTER OF INSTRUCTION)
Nagrerekomenda o nagmumungkahi ang isang indibidwal o tanggapan kung may gawaing nararapat
isangguni sa bawat nagpapakilos ng gawain upang magkatulungan ang mga kinauukulan sa katuparan ng
nilalayon rito.
4. LIHAM PASASALAMAT ( LETTER of THANKS)
Pagpapahayag ng pasasalamat sa mga naihandong na tulong ,kasiya-siya paglilingkod,pagbibigay ng
kapaki-pakinabang na impormasyon ,ideya at opinyon at tinanggap na mga bagay.
5. LIHAM KAHILINGAN ( LETTER of REQUEST)
Liham na inihahanda kapag nangangailangan o humihiling ng isang bagay,paglilikod ,
pagpapatupad , at pagpapatibay ng anumang nilalaman ng korespondensiya tungo sa
pagsasakatuparan ng inaasahang bunga,transaksiyonal man o opisyal.
6. LIHAM PAGSANG-AYON ( LETTER of AFFIRMATION)
Liham na sumasang-ayon at nagpapatibay sa isang kahilingan o panukala na makabubuti sa
operasyon ng isang tanggapan.
7. LIHAM PAGTANGGI ( LETTER OF NEGATION )
Nagpapahayag ito ng dahilan ng pagtanggi,di pagpapaunlak,di pagsang-ayon sa
paanyaya,kahilingan ,panukala,at iba pa hinggil sa pangangailangang opisyal at transaksiyonal .
8. LIHAM PAG-UULAT ( REPORT LETTER )
Ito ang liham na nagsasaad ng katayuan ng isang proyekto o gawain na dapat isakatparan sa
itinakdang panahon.Tinatalakay ditto ang : (a) pamagat ,layunin, at kalikasan ng proyekto;
(b) bahagdan ng natamo batay sa layunin; (c) kompletong deskripsiyon ng progreso ng
kasalukuyang gawain (d) mga gawaing kailangan pang isagawa upang matapos sa itinatakdang
panahon.
9. LIHAM PAGSUBAYBAY (FOLLOW –UP LETTER)
Ito ang liham na pinapadala ang alamin ang klagayan ng liham na naipadala na,subalit hindi
pa nabibigyan ng tugon.
10. LIHAM PAGBIBITIW ( LETTER of RESIGNATION)
Liham na nagsasaad ng pagbibitiw , napagpasyahang huminto o umalis sa trabaho.
11. LIHAM KAHILINGAN ng MAPAPASUKAN /APLIKASYON (LETTER OF APPLICATION)
Ang sinumang nagnanais na makapaglingkod sa isang tanggapan ay kailangang mapadala o
magharap ng liham kahilingan.Tukuyin ang posisyong inaaplayan at kahandaan ng pakikipanayam
anumang oras na kinakailangang .
12. LIHAM PAGHIRANG ( APPOINTMENT LETTER )
Ito ay isang liham na nagtatalaga sa isang kawani sa paggnap ng
tungkulin,pagbabago/paggalaw (movement) ng katungkulan sa isang tanggapan,o
promosyon(promotion) para sa kabutihan ng paglingkod sa tanggapan.

13. LIHAM PAGKILALA ( LETTER OF INTRODUCTION )


Liham na ito ay himig-personal na nagpapakilala sa isang taong nagsasadya sa isang
tanggapan upang lalo siyang makilala ng kakausaping opisyal kaugnay ng anumang transaksiyon.
14. LIHAM PAGKAMBAS ( CANVASS LETTER)
Ang liham na ito ay nagsasaad ng kahilingan ng sumusunod: (a) halaga ng bagay/aytem
(b) serbisyo (janitorial services, security services, venue at iba pa) ng isang tanggapan.
15. LIHAM PAGTATANONG ( LETTER OF INQUIRY )
Liham na ito ay nangangailanagn ng sagot sa nais malaman hinngil sa mga opisyal na
impormasyon o paliwanag.
16. LIHAM PAKIKIDALAMHATI ( LETTER OF CONDOLENCE)
Nagpapahayag ng pakikiisa sa damdamin hindi upang palubhain ang , kalungkutan ng mga
naulila.
17. LIHAM PAKIKIRAMAY (LETTER OF SYMPATHY)
Liham ito na ipinadadala sa mga kaopisina, kaibigan, kakilala, kamag-anak na nakaranas ng
sakuna o masamang kapalaran, tulad ng pagkakasakit, bagyo, lindol, baha, sunog, aksidente o
anupamang sakuna ngunit buhay pa.
18. LIHAM PANAWAGAN (LETTER OF APPEAL)
Liham ito na nagsasaad ng kahilingan, kooperasyon, pakiusap para sa pagpapatupad o
implementasyon ng kautusan, kapasyahn, at pagsusog/amyenda ng patakaran.

19. LIHAM PAGPAPATUNAY (LETTER OF CERTIFICATION)


Ito ay uri ng liham na nagpapatunay na ang isang empleyado o tauhan sa tanggapan ay
nagtungo at/o dumalo sa isang gawaing opisyal sa isang particular na lugar at petsa na kung
kailan ito isinagawa.

PANAKIP NA LIHAM AT RESUME


Ang panakip na liham ay sulat na naglalaman ng kahilingan ng isang aplikante sa trabahong ninanais
niyang pasukan kalakip nito ang resume o mga impormasyon tungkol sa kanyang sarili. Nakasulat sa paraang
mapanghikayat, pormal, at maikli ang panakip na liham.

32 Bangkal Street
Sangandaan, Caloocan City

Ika-23 ng Marso 2016


G. ALMARIO LACSAMANA
Manager, Philippine Savings Bank
Ermita, Manila

Mahal na Ginoong lacsamana:

Pagbati!

Ako po si Librido Sanguil na nagtapos ng Bachelor of Science In Business Administration Major in


Banking and Finance sa Pamantasan ng Bohol taong 2016. Nais ko po sanang mag-aplay ng trabaho sa inyong
mabuting tanggapan bilang finance analyst o anumang posisyong nauukol sa aking kurso.

Ang pagiging working student ay aking maipagmamalaki upang makasiguro na ako po ay matiyaga at
handing balikatin ang anumang responsibilidad na iaatang sa akin ng inyong kompanya.

Sa kasalukuyan, ako po ay nakapisan sa aking kapatid na nakatira sa 32 Bangkal Street, Sangandaan,


Caloocan City.

Maraming salamat pos a inyong pagtugon.

Lubos na sumasainyo,
G.LIBRIDO SANGUIL
WESBAY COLLEGE
LEARNING MODULE FOR 1ST SEMESTER SCHOOL YEAR 2020-2021
GRADE 11 FILIPINO 2: PAGSULAT sa FILIPINO sa PILING LARANGAN ( AKADEMIK )

STUDENT’S NAME: STRAND/SECTION

PANSARILING-TALA (RESUME)

Librido Sanguil
32 Bangkal Street
Sangandaan, Caloocan City
E-mail: [email protected]

EDUKASYON

INSTITUSYON TINAPOS PETSA

Bachelor of Science in Business


Pamantasan ng Bohol Administration major in Banking in Marso 2016
Finance

Bohol National High School Sekundarya Marso 2012

Bohol Central Elementary School Elementarya Marso 2008

PROPESYONALISMONG KARANASAN

INSTITUSYON POSISYON PETSA

Jollibee Food House, Cashier and Crew 2012-2016


Tagbilaran, Bohol

MGA LAYUNIN SA BUHAY


 Naisasagawa nang maayos ang tungkulin sa trabaho at ang mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa
 Naisasabuhay nang maayos mabubuting pag-uugali sa pakikitungo sa pamilya, kaibigan, at sa mga
mamamayang kasama sa komunidad na ginagalawan
MGA KARANGALANG NATAMO
 Huwarang Mag-aaral ng Business Administration 2016
 Honorable Mention 2012

46 | P a g e
WESBAY COLLEGE
LEARNING MODULE FOR 1ST SEMESTER SCHOOL YEAR 2020-2021
GRADE 11 FILIPINO 2: PAGSULAT sa FILIPINO sa PILING LARANGAN ( AKADEMIK )

STUDENT’S NAME: STRAND/SECTION

MGA DINALUHANG PALIHAN

PAMAGAT ORGANISASYON PINAGDAUSAN TAON

Wastong Pagtitipid at Pag-


iimpok ng Salapi para sa Philippine Business Union College, 2016
Payak at Masayang Association Tagbilaran, Bohol
Pamumuhay

Kumikitang Kabuhayan ABS Production Pamantasan ng Bohol 2015

23rd Annual General


Assembly, “The Philippine Business
Competitiveness Race to Education Pearl Hotel, Manila 2015
the ASEAN Business
Community 2015

SAMAHANG KINABIBILANGAN
Tagapag-ugnay ng Samahang Kabataang Boholano
Youth for Christ
Miyembro, Samahan ng mga Kabataang Propesyonal sa Pagnenegosyo

SANGGUNIAN
Dr. Leandro Macaspac
Dekano, Kolehiyo ng Tagapangasiwa sa Pangkabuhayan
Pamantasan ng Bohol, Tagbilaran, Bohol
Numero: 09062323313

Dr. Liria Dacanay


Dean, College of Science and Technology
Pamantasan ng Bohol, Tagbilaran Bohol

Efifania Sanguil
32 Bangkal Street
Sangandaan, Caloocan Citytelepono (02) 5242058

47 | P a g e
WESBAY COLLEGE
LEARNING MODULE FOR 1ST SEMESTER SCHOOL YEAR 2020-2021
GRADE 11 FILIPINO 2: PAGSULAT sa FILIPINO sa PILING LARANGAN ( AKADEMIK )

STUDENT’S NAME: STRAND/SECTION

IV. PAGSASANAY/GAWAIN
A. Sagutan ang mga sumusunod na katanungan batay sa sariling pagkakaunawa? 20 puntos
1. Ano ang pagkakaiba ng Liham Pakikidalamhati sa Liham Pakikiramay?

2. Paano nakabubuti ang liham pagsang-ayon sa operasyon ng isang samahan?

3. Mahalaga ba ang nilalaman ng panakip na liham ? Bakit?

4. Paano makatutulong ang ang nilalaman ng panakip na liham kung ikaw ang mag-aaply ng trabaho?

B. Sumulat ng isang halimbawa ng liham batay sa iba’t ibang uri nito.

48 | P a g e
WESBAY COLLEGE
LEARNING MODULE FOR 1ST SEMESTER SCHOOL YEAR 2020-2021
GRADE 11 FILIPINO 2: PAGSULAT sa FILIPINO sa PILING LARANGAN ( AKADEMIK )

STUDENT’S NAME: STRAND/SECTION

V. PAGSUSULIT
LIKHAIN MO
Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang mga sumusunod na salita: Limang puntos bawat isa.
1. Liham Pagbati -

2. Liham Pagsang-ayon

3. Liham Pagsubaybay

4. Liham Paghirang

5. Liham Panawagan

VI. TANDAAN NATIN

ng bawat indibidwal,dito naipapahayag ang mga magagalagang impormasayon , saloobin, damdamin na hindi maipahayag sa paraan ng pa
ayaLiham Paghirang
bas Liham KahilinganLiham Pagtatanong Liham Pagsang-ayonLiham Pakikidalamhati Liham PagtanggiLiham Pakikiramay Liham Pag-uulatL
nananais niyang pasukan .

VII. SANGGUNIAN
 IBA’T IBANG URI NG LIHAM AT PAGSULAT NG RESUME SIBS PUBLISHING HOUSE (FILIPINO SA PILING
LARANGAN AKADEMIK)

49 | P a g e
TIME COVERAGE
WEEK 6 DAY 2
I. ARALIN 12 : PAGSULAT ng KORESPONDENSIYANG OPISYAL
Mga Kasanayang Pampagkatuto
 Nakikila ang katangain ng isang korespondensiyang sulatin
 Nakasusulat ang isang halimbawa ng korespondensiyang sulatin
II. PALAWAKIN ang TALASALITAAN
ANTAS - Tumutukoy sa katayuan , sumusukat sa ranggo o degri
BARAYTI - Ito ay pagbabago ng wika o salita dala ng makabagong panahon at lugar
KAWANI - Ito yung empeyado , trabahador o namamasukan
PARIRALA - Lipon ng mga salitang walang simuno at panag-uri at ginagamit lanag sa bahagi ng
pangungusap.
SOSYOLEK - Tawag sa uri ng wika na ginagamit sa isang particular na propesyon o anumang pangkat

III.TALAKAYIN NATIN
Masasabing isang biyaya ang kakayahan ng bawat tao,kung saan nararapat na pagyamanin at paunlarin upang
lalo pangpalawakin ang kakayahang komunikatibo.Ang Kakayahang Komunikatibo ay kailangan tumaas ang antas at
maging mabisa uapang maging ganap na kapakipakinabang sa bawat indibidwal . Sa usaping “ epektibong
komunikasyon” , hindi makakaligtaan ang pagsulat ng iba’t ibang liham upang maipahayag ang damdamin o mga
kadahilanan. Isa rito ang Korespondensiyang Opisyal na mas pormal ang anyo ,sapagkat it’y nangangailanagn ng dobleng
ingat mula sa pagkakamali , dahil karaniwang pinadadalhan nito ay may katungkulan sa isang institusyon.

KAHULUGAN ng KORESPONDENSIYA
 Sumasaklaw sa lahat ng sulating opisyal na nauukol sa isang kawani, mula sa isang pinuno patungo sa isang
kawani,o pinuno sa isang tanggapan o kaya ay sa loob ng magkakaugnay na tanggapan.
 Ito ang tawag sa mga liham pantanggapan upang magkaroon ng komunikasyon ang pinuno at ang kawani sa
transaksyong kanilang pinag-uusapan.
 Ayon kay (BELVEZ et al . 2001) “ ito ay ngangangailangan ng kahusayan sa paggamit ng mga espesyal na
bokabularyo at parirala sa mga gawaing pampamahalaan, sa serbisyo silbi ,at lingkurang bayan”.
 Ito ang liham kung saan kailangang pag-aralan ang wika ng kagawarang aabutan ng liham na kung saan
nagkakaroon ng Barayting Sosyolek.
 Ito rin marahil ay tinatawag na okupasyunal na sulatin ,dahil karamihan ng gumagamit nito ay guro,abogado at
iba pang propesyunal.
KATANGIAN NG KORESPONDINSIYANG OPISYAL
1. KALINAWAN - Kailangang mapili sa mga gagamiting salita ,gumamit ng angkop na salita ayon sa
propesyon ng pagsusulatan.
2. SOLIDONG DIWA – Buo ang pagpapahayag ng mensahe na mag-iiwan ng kakulangan sa impormasyon.
3. MAGALANG - Ito rin ay katulad ng tao na kailangang magalang sa pakikitungo sa kanyang kapwa, na
kinalulugdan at kinawiwilihan.
4. PAGSASAALANG-ALANG SA KAPAKANAN NG IBA
Hindi kinakailangang paghawakan ang iyong sariling mananaw at kapasyahan sapagkat
ang iyong kagustuhan ay maaraing hind imaging gagustuhan ng iba , kung kaya’t bukas
ang isipan na tanggapin ang mungkahi ng iba.
5. MAIKLI - Kailangang maging tuwiran ang paglalahad ng mensahe ng walang labis at walang kulang.
6. TIYAK - Iwasan ang paggamit ng mga salitang pangkalahatan ,bagkus gumamit ng salitang eksakto
at kongkreto upang diretso ang pinupuntong mensahe.
7. WASTO - Siguraduhing tama ang taong pagsusulatan ng liham, wasto ang impormasyon tungkol sa
taong padadalhan, at gumamit ng tamang gramatika sa pagpapahayag ng mensahe upang
lubos na maunawaan ng babasa.
8. KATANGGAP-TANGGAP O MAAYOS ang ANYO
Kinakailangang katanggap-tanggap ang liham dahil sa histura pa lamang ay maipapalagay
na ang babasa nito kung maganda o hindi ang nilalaman ng sulatin.

URI ng KORESPONDENSIYANG LIHAM


1. DI-PORMAL na LIHAM - Ang ganitong uri ng korespondensiyang liham ay karaniwang isinusulat para sa mga
kaibigan, kamag-anak, at malalapit na kakilala. Ang liham na ito ay hindi humihingi ng
estriktong pagsunod sa anyo at pananalita.
2. PORMAL na LIHAM - Ang liham na ito madalas pakikipagsapalaran at pagpapahayag ang karaniwang
layunin ng pormal na liham na karaniwang ginagamit sa paghahanap ng
tanggapang mapapasukan at sa iba pang uri ng pakikipagkalakalan.

IV. PAGSASANAY/GAWAIN
A. Isulat sa linya ang P ang kung pormal at DP kung di pormal ang sumusunod na mg a pahayag.
1. Mahal kung Guro,
2. Maraming salamat sa iyong lubos na pag-unawa.
3. Inaasahan ko ang iyong pagdating sa aking kaarawan .
4. Ipinababatid po ng aming punong guro na nagwagi kayo sa Unang Gantimpala.
5. Nabasa ko po sa isang pahayag na nangangailangan kayo ng guro sa ARALING PANLIPUNAN.
6. Aprobado ni PANGULONG. RODRIGO DUTERTE na gamitin ang kanyang reference sa
pananaliksik.
7. Isang Mapagpalang Araw po sa kinauukulan ako po ay humihingi nag pahuntulot na bigyan ng
tugon ang naunag liham na aking na ipadala sa tanggapan.
8. Binabati kita sa gantimpalang iyong nakamit sa patimpalak.
9. Kumusta , Pre ?
10. Salamat po sa iyong pagtitiwala .

B. Magtala ng iyong limang pansariling pamantayan na dapat bigyang- diin upang maging mabisa at epektibo ang
korespondensiyang liham na iyong isusulat?
1.

2.

3.
4.

5.

V. PAGSUSULIT
LIKHAIN MO
Gumawa ng isang korespondensiyang sulatin na isusumiti sa mga tanggapan gamit ang katangian nito.

VI. TANDAAN NATIN


KORESPONDENSIYANG OPISYAL sumasaklaw sa isang kawani sa,mula sa isang pinumo patungo sa isang kawani , o pinuno sa isang tanggap
Katangian ng Korespondensiyang Opisyal
Kalinawan
Solidong Diwa
Magalang
Pagsaalang –alang sa kapakanan ng iba
Maikli
Tiyak
Wasto
Katanggap-tanggap o Maayos ang Anyo

VII. SANGGUNIAN
 PAGSULAT ng KORESPONDENSIYANG OPISYAL SIBS PUBLISHING HOUSE (FILIPINO SA PILING
LARANGAN AKADEMIK)
TIME COVERAGE
WEEK 7 DAY 1
I. ARALIN 13 : PAGSULAT NG AGENDA
Mga Kasanayang Pagpagkatuto
 Nalalaman ang kahalagahan ng talaan ng pag-uusapan sa isang pagpupulong
 Natutukoy ang –halaga ng etika sa pagsulat ng agenda
 Nakasusulat ng isang agenda gamit ang mga dapat isaalang –alang
II. PALAWAKIN ang TALASALITAAN
ADMINISTRADOR - Ito ay ang tagapangasiwa o tagapamahala sa isang tanggapan o samahan.
AGENDA - Pagtatala ng mga mahahalagang gawain , suhestiyon .
DALOY - Agos o patuloy na dating ng maraming bagay
PAGREREBISA - Pagbabago o pagsasaayos
PULONG - Pagsasagawa ng usapan na binubuo ng maraming pangkat

III. TALAKAYIN NATIN


Sa isang pagpupulong napakahalaga ang magkaroon ng talaan o pagsusulatan kung saan inilalagay ang
magiging daloy ng pag-uusapan, dito rin isinusulat ang mga mahahalagang napagkasunduang suhestiyon ukol sa
paksang tinatalakay.
Ano nga ba ang AGENDA?
 Ito ay isang talaan ng mga napag-usapan sa isang pormal na pagpupulong.
 Binibigyang rekomendasyon ang napagkasunduang resolusyon ukol sa paksang tinalakay.
 Sumusulat ng AGENDA upang makapagbigay ng impormasyon sa mga taong kasangkot sa mga temang pag-
uusapan sa pagpupulong na kung saan na ngangailangan ng pagtugon.
 Binibigyang –halaga ang rekomendasyon upang malutas ang isang isyu.
Mahalagang kasangkot sa paggawa ng agenda ang kalihim,habang ang kalimitahang nagpapatawag naman ng
pulong ay ang mga opisyal tulad ng pangulo ng pamantasan o mga adminstrador ,CEO ,Direktor at pinuno ng
samahan at iba pa.

Narito ang mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Agenda


1. Simulan kaagad ang paghahanda sa pagsulat ng agenda.
2. Bigyang-halaga ang lugar na pagdarausan ng pulong at ang oras kung kailan ito magsisimula at matatapos.
3. Bigyang - halaga ang layuning inaasahang makita sa araw ng pagpupulong.
4. Bigyang – pansin ang mga isyu o usaping tatalakayin sa pulong.
Narito ang balangkas ng karaniwang AGENDA :
= Panalangin
= Muling pagbasa ng nakaraang katitikang pulong
= Pagwawasto sa ilang kamalian kung mayroon at pagbibigay –linaw sa isyu kung mayroon pa.
= Pagsang-ayon sa nakarang katitikan ng pulong
= Regular na report
= Mga pangunahing puntong pag-uusapan
= Iba pang bagay na nais pag-usapan
= Muling pagtatakda sa araw ng pagpupulong
5. Tiyakin na ang mga taong kasangkot lamang na nasa listahan ang dapat dumalo sa pulong.
HALIMBAWA NG AGENDA:

MEMO BILANG
PETSA : Abril 23 ,2016
PARA SA : MGA TAGAPANGULO NG KOLEHIYO NG EDUKASYON AT MALALAYANG SINNING
RE : BUWANANG PULONG
MULA KAY : DR.SEVILLANO T. MARQUEZ , JR
Dekano
Ipinapaaalam sa lahat ng mga tagapangulo ng bawat dapartamento ng Kolehiyo ng Edukasyon at
Malayang Sining na ABF BUWANANG PAGPUPULONG AY GAGANAPIN SA IKA-30 NG A bril,2016 sa ganap na 3:00 ng
hapon hanggang 5:00 ng hapon sa Media Center.

AGENDA
1. Pagsisimula
2. Pagrerebyu at Pagrerebisa sa Nakaraang Katitikan ng Pulong
3. Pag-sang-ayon sa Nakaraang Katitikan ng Pulong
4. Pagbibigay-pansin sa mga Isyu sa Nakaraang Katitikan ng Pulong
5. Pagtalakay sa Bagong Gawain o Proyekto
= Aplikasyon ng Level 4 Akreditasyon sa PACUCOA
 Pagtatalaga ng mga komiti
 Petsa ng Pagsusumite ng Aplikasyon
= Pagsasaayos ng MOA para sa International OJT ng mga Mag-aaral
= Presentasyon at Publikasyon ng Research Papers
6. Iba Pang Bagay/Paksa na Pag-uusapan
7. Petsa ng susunod na buwanang pulong: ika – 15 ng Mayo , 2016

IV. PAGSASANAY/GAWAIN
A. Suriin ang halimbawa ng agenda ,Pagkatapos ,ipaliwanag kung anong pagkakaayos ng agenda ang
iyong nabasa. 10 PUNTOS
B. Sagutan ang mga katanungan. 5 PUNTOS BAWAT ISA
1. Ano ang pagkakaiba ng pagsulat ng agenda sa pagsulat ng korespondensiyang opisyal ?

2. Bakit mahalagang matutunan ang pagsulat ng isang agenda sa pagupulong ?

3. Bakit kinakailangang magsulat ng agenda bago ang pagpupulong ?

_
4. Para sayo ano ang magandang sangkap ng isang matagumpay na pagpupulong?

V.PAGSUSULIT
LIKHAIN MO
Ipagpalagay mo na ikaw ay magsasagawa ng pagpupulong sa isang samahan ,Pagkatapos ,magsulat ng Isang
halimbawa ng agenda batay sa mga dapat tandaan sa paglikha nito.
VI . TANDAAN NATIN
AGENDA talaan ng mga mahahalagang napag-usapan at pag-uusapan sa isang pagpupulong. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Agenda
Simulan agad ang pagsulat ng agenda
Bigyan halaga ang lugar na pagdarausan
Bigyang halaga ang layuning inaasahang makamit
Bigyang pansin ang mga isyung tatalakayin
Tiyaking ang mga taong kasangkot lang sa listahan ang dapat na dumalo

VII. SANGGUNIAN
 Pagsulat ng AGENDA SIBS PUBLISHING HOUSE (FILIPINO SA PILING
LARANGAN AKADEMIK)
WESBAY COLLEGE
LEARNING MODULE FOR 1ST SEMESTER SCHOOL YEAR 2020-2021
GRADE 11 FILIPINO 2: PAGSULAT sa FILIPINO sa PILING LARANGAN ( AKADEMIK )

STUDENT’S NAME: STRAND/SECTION


TIME COVERAGE
I. ARALIN 14 : PAGSULAT ng KATITIKANG PULONG WEEK 7 DAY 2
Mga Kasanayang Pampagkatuto
 Nalalaman ang pagsasagawa ng pagpupulong
 Naitatala ang mahahalagang napag-usapan sa isang pagpupulong
 Nakagagawa ng isang halimbawa ng katitikang pulong
II. PALAWAKIN ang TALASALITAAN
KATITIKAN - Pagtatala ng mga mahahalagang salita
PAGLALAGOM - Pagpapaiksi sa pahayag o ng isang teksto
PAGDADAUSAN - Kung saan mangyayari ang isang pulong o okasyon.
SILABUS - Isa sa mga mahahalagang instrument.

III. TALAKAYIN NATIN


Sa isang pagpupulong mahalaga ang magtalo ng mga usaping natalakay sa naganap na pagpupulong ,
ito ay nagsisilbing paglalagom sa mga mahahalagang natalakay.
Ayon kay ( Mangahis ,Villanueva ,2015) sa pagsulat ng Katitikang pulong kailangan naglalaman ng
paksa,petsa,oras ,at isinasama nito ang mga taong dumalo at di-dumadalo sa pulong.Ito ay naglalaman ng
tala,record o mga dokumento ng mga mahahalagang punto nainilalahad sa isang pagpupulong.

Basahin at unawain ang halimbawang katitikan ng pulong.

Pamantasan ng Adamson
Kolehiyo ng Edukasyon at Malalayang Sining
Departamento ng Edukasyon
Katitikan ng Pulong
Disyembre 4,2015,Tanggapan ng Departamento ng Edukasyon
1;00 -2;00

Mga Dumalo:
Dr.Rosalie Meriles Dr. Lorna Espeso
Dr. Neliza Casela Prof. Manuel Are
Prof. Florante Garcia Prof . Frances Ruth Ibasan
Prof. Imelda Adobo

Mula kay Mga Dapat Bigyang-pansin /Isyu Kinauukulan Tinatayang Kalagayan


Petsa

Pinamunuan niya ang pulong.


Dr.Garcia Nagsimula sa ganap na ika-1 ng
Hapon.
Pinasimulan ang pulong sa
Pamamagitan ng isang panalangin

Dr.Rosalie Kailan itatakda ang pagrerebida sa mga kaguruan ng February A#


Meriles mga OBE silabus? Departamento ng 8-9 ,2016
Edukasyon ge
57 | P a
WESBAY COLLEGE
LEARNING MODULE FOR 1ST SEMESTER SCHOOL YEAR 2020-2021
GRADE 11 FILIPINO 2: PAGSULAT sa FILIPINO sa PILING LARANGAN ( AKADEMIK )

STUDENT’S NAME: STRAND/SECTION

DR. NELIZA CASELA Itinalagang OBE Mga kaguruan ng February A#


coordinator upang Departamento ng 8-9 ,2016
siyang maging Edukasyon
tagapagdaloy ng
gawain
PROF. FRANCES Itinalaga para sa Mga kaguruan ng February A#
RUTH IBASAN lugar na pagdarausan Departamento ng 8-9 ,2016
ng gawain Edukasyon
DR. Florante Garcia Binibigyang kabatiran Mga kaguruan at Disyembre I
sa lahat ng kaguruan mga mag-aaral 16 – 20 ,2015
na ang midterm
exam ay magaganap
sa ika- 16 hanggang
20 ng Disyembre
2015.
Enero 2-5 2016
Ang pag-e-encode
naman ng grades ay
sa ika=2 hanggang
ika-5 ng Enero
Dr. FLORANTE Naisumite na sa Mga kaguruan Disyembre A#
GARCIA CHED ang lahat ng 18 ,2015
requirements para sa
aplikasyon n gating
programa para sa
Center for
Excellence/Center for
Development.
Hihintayin na lamang
ang resulta ng
aplikasyon .Nawa’y
makapasa tayo sa
alinman sa
nabanggit.
Katapusan ng Marso
2016 malalaman ang
resulta ng aplikasyon
Iba pang Bagay na
Binigyang Pansin:
A# - Bigyan ng aksyon N – Naisagawa I- Pagbibigay – impormasyon

58 | P a g e
IV.PAGSASANAY /GAWAIN

A. Gumawa ng sariling pamantayan saloob ng LIMA( 5) hanggang sampung (10) pamantayan sa paglikha ng
isang Katitikang Pulong.

V.PAGSUSULIT
Magsulat ng isang maikling Katitikang Pulong ,gamit ang halimbawa na mayroon ditto

VI. TANDAAN NATIN


Katitikang Pulong isa sa akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala ,record o mga dokumento.

VII. SANGGUNIAN
 PAGSULAT ng KATITIKANG PULONG SIBS PUBLISHING HOUSE (FILIPINO SA PILING
LARANGAN AKADEMIK)
TIME COVERAGE

I. ARALIN 15: PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO WEEK 8 DAY 1


Mga Kasanayang Pampagkatuto
 Natutukoy ang kahulugan at kahalagahan ng panukalang proyekto
 Naisusulat ang mga mahahalagang impormasyon sa pagsulat ng panukalang proyekto
 Nakalilikha ng isang panukalang proyekto
II. PALAWAKIN ANG TALASALITAAN
KONTEKSTO - ginagamit upang ilarawan upang ibuod ang isang bagay.
KAGYAT - madali at direkta ang paglalahad
MALIGOY - maraming pasikot sikot
RASYONAL - tumutukoy sa parte kung saan matatagpuan ang mga mahahalagang impormasyon.

III. TALAKAYIN NATIN


Ano ba ang Panukalang Proyekto?
 Gawaing makatotohanan at makatuwiran ang panukalang proyekto at itanghal ang mga pakinabang na
makukuha rito
 Ito ay karaniwang gamit ng mga kawani sa gobyerno o pribadong kompanya na naghahain ng programa.
 Ayon kay NEBIU(2002) ,ang panukalang proyekto ay delatyadong deskripsyon ng isang serye ng mga
aktibidad na naglalayong maresolba ang isang tiyak na problema.
 Hindi maligoy at kagyat ang paglalahad ng mga detalye.

BAHAGI NG PANUKALANG PROYEKTO


1. PANIMULA - Dito nailalahad ang mga rasyonal o ang mga suliranin ,layunin o motibasyon.
2. KATAWAN - Nilalaman dito ang mga detalye na kailangang gawin at iminumungkahing badyet para sa
isasagawang proyekto.
3. KONGKLUSYON – Dito makikita ang benepisyo o maidudulot ng proyekto.

NILALAMAN NG PANUKALANG PROYEKTO


1. PAMAGAT - Dapat ito ay malinaw at maikli upang lubos na maunawaan
HAL.
“Panukala para sa DULAAN 2020 sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika”
2. PROPONENT ng PROYEKTO – Tumutukoy sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng proyekto,isinusulat
ang address, e-mail ,cell phone o telepono ,at lagda ng tao o organisasyon.
3. KATEGORYA ng PROYEKTO – Nakalahad ditto kung ang proyekto ba ay para sa seminar,pananaliksik ,
patimpalak, o outreach program?
4. PETSA - Isinasaad dito kung kalian ipapadala ang proposal at ang inaasahang panahon uapang
maisakatuparan ang proyekto.
5. RASYONAL- Nakapaloob rito ang mga pangangailangan ng proyekto at kung ano ang kahalagahan nito.
6. DESKRIPSYON Ng PROYEKTO – Isinusulat dito ang panlahat , tiyak na layunin at dito rin nakalagay ang
plano sa isasagawang proyekto kung gaano nga ba ito itatagal.
7. Badyet - Nakadetalye dito ang kompletong detalye sa inaasahang gastusin ng proyekto.
8. PAKINABANG- Dito nakatala kung ano ang epekto nito sa mga ahensiya o indibidwal gamit ang
ipinapatupad na proyekto.
IV. PAGSASANAY / GAWAIN
A. Sagutan ang mga katanungan.
1. Ano ang pagkakaiba ng Panukalang proyekto sa sanaysay?

2. Magbigay ng sariling pagpapakahulugan sa panukalang proyekto?

3. Sa iyong palagay mahirap bang sumulat o gumawa ng isang panukalang proyekto? Ipaliwanag.

B. Bigyan ng sariling paliwanag ang bahagi ng panukalang proyekto.


1. PAMAGAT

2. KATEGORYA NG PROYEKTO

3. RASYONAL
4. BADYET

V. PAGSUSULIT
LIKHAIN MO
Magmasid sa iyong baranggay at alamin ang kakulangan nito. Ano ano ang bagay na kakailanganin ng iyong
pamayanan?Sa pamamagitan nito sumulat ng isang maikling panukalang proyekto.

VI . TANDAAN NATIN
PANUKALANG PROYEKTO ito ay karaniwang gamit ng mga kawani sa gobyerno o pribadong kompanya na naghahain ng programa.
Nilalaman ng Panukalang Proyektyo

PAMAGAT PESTA BADYET


PROPONENT NG PROYEKTO RASYONAL ng PROYEKTO PAKINABANG
KATEGORYA NG PROYEKTO DESKRIPSYON NG PROYEKTO

VII. SANGGUNIAN
 PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO SIBS PUBLISHING HOUSE (FILIPINO SA PILING
LARANGAN AKADEMIK)
https://www.slideshare .net
TIME COVERAGE
WEEK 8 DAY 2

I. ARALIN 16 : PAGSIPI AT DOKUMENTASYON


Mga Kasanayang Pampagkatuto
 Nauunawan ang wastong pagsipi ng isang pahayag
 Naisasagawa ang mga wastong pagsipi gamit ang panipi
II. PALAWAKIN ANG TALASALITAAN
KONTEKSTO - Isang salitang ginagamit upang ilarawan ang buos ng isang bagay na nais iparating.
ISPESIPIKO - Partikular , natatangi nakapukos sa isa o nag-iisa.
IGUGUGOL - Ilaan o paglaanan ng oras
MALIGOY - Hindi tuwirang pagpapahayag at maraming pasikot-sikot.
III. TALAKAYIN NATIN
Isa sa tungkulin natin bilang mambabasa at manunulat matutunan natin ang wastong pagkilala at pagtatala
sa isang sulatin bilang patunay sa pinagkunan natin ng datos o impormasyon. Isa na rito ang tinatawag
na PAGSIPI kung saan kailangan mong kilalanina ang may akda upang maiwasan ang PLAGIARISMO .
Narito ang ilang mga paraan sa wastong pagsipi sa dokomento
1. Pagsiping Pahulip
Sa paraang ito ginagamit ang panipi o quotation mark upang ikulong ang sinipi at inilahala
Hal.
Totoo ang sinabi ni Dr. Jose Riza , “ Ang kabataan ay pag-asa ng bayan”.
2. Pagsiping Palansak
Dito naman hinhiwalay ang pangunahing teksto sa sipi, sa pamamagitan ng paggamit ng isahang patlang
o ang pagbaba nito nang isang espasyo .
Hal.
…Marahil,lahat ng mga Pilipino ay dapat mabatid buti ang kalalabasan ng mga pagsusulit ang
mahalagang konsepto ng ganitong tinuran ni Dr, Jose Rizal sa kanyang mga tanyang na nobelang Noli at
EL Fili:
3. Ang pagsiping palansak ay maaari ding gawing pahulip sa pamamagitan ng pagbubuod ng pahayag.
Hal.
Binigyang –linaw sa talumpati ni G. Garcia na mahalaga ang paggamit ng Wikang Filipino bilang
pangunahing midyum sa pagpapalaiwanag ng mga aralin sa klase upang “ madaling maunawaan ang
itinuturo at mapabuti ang kalalabasan ng mga pagsususlit”
4. Maaari din naming sipiin ang orihinal na talata at kung hindi naman kasama sa unang bahagi ng talata sa
pagsipi ay kailangang maglagay ng ellipses.
Hal.
. . . Ang pagiging liberal ay pagiging ganap na malayang Pilipinong may mataas na pagkilala sa
kanyang sarili at kayang-kayang ipagmalaki kahit kanino ang kanino ang kanyang sariling kultura.May
lakas ng paninindigan na mapaunlad ang sariling kakayahan at mapagyaman ang sariling kalinangan ng
bansa tungo sa isang maunlad na lipunan.
5. Ginagamit naman ang paraan ng paglalagom sa paraang paraphrase kung saan ang isang napakahabang sipi o
teksto ay pinaikli subalit lubhang makahulugan upang madaling maunawaan ang mensahe.
Hal.
Ayon sa unang pahayag, ang pagiging liberal ay isang daan upang higit na mapaunlad dapat ng
mga Pilipino ang kanilang bansa sa pamamagitan ng wastong pamumuno bilang mahalagang element ng
sistemang political.
6. Sa pagsipi naman ng liham, gumagamit ng panipi upang ikulong ang liham sa bating pambungad hanggang sa
huling salita. Katulad sa karaniwang talata, nilalagyan ng pambukas na panipi ang bawat simula ng talata sa
liham.
Hal.
Ayon kay Secretary Bro. Armin Luistro, “Ang pagtatadhana ng K to 12 Kurikulum ay pagdaragdag
ng dalawang taon sa mas mataas na pag-aaral ng mga mag-aaral sa Basic Education na higit na magiging
komprehensibo ang mga araling pag-aaralan tungo sa habambuhay na pagkatuto.”
7. Sa pagsipi ng isang pahayag, ikinukulong ng panipi ang pahayag at sa katapusan ng pahayag ay ang
gitling kasunod ang pagbanggit ng taong pinagmulan ng pahayag at petsa.
Hal.
“Kaya nga ako ay nagpakadalubhasa sa pagtuturo ng Filipino upang maipamalas ko ang nag-
aalab na pagmamahal sa sariling bansa.”
-Catalina Santiago, 2016
8. Sa ibang pagkakaton naman ay ikinukulong ng panipi ang pahayag at pagkatapos ay sinusundan ng pagbanggit
ng taong nagpahayag at tuldok sa hulihan.
Hal.
“Ako ang palaging inaasahang mag-ayos ng lahat ng gusot,” wika ni Binibining Santiago.
9. Hindi na kailangang baguhin o sundan ng kuwit o tuldok ang pahayag kung ang siniping pahayag naman ay
nagtatapos sa tandang pananong at padamdam.
Hal.
“Ako na Pangulo ng Pilipinas! Banyaga sa sarili kong bayan!” madamdaming pahayag ni Quezon.
Tinuran pa niya, “ Paano ko masasabi sa mga tao ang iniiisp ko’t nadarama kung magawa ko iyan
ay kailangan ko ang isang interpreter na sa maraming pangyayari’y sinasabi ang gusto niyang sabihin at
hindi ang sinasabi ko?”
10. Sa paggamit ng panipi, maaaring inihuhudyat din ang paggamit ng naiibang himig na mapang-uyam sa paggamit
ng isang salita.
Hal.
Napagkatuwaan nga ban g mga mag-aaral na magbigay ng mga natatanging award sa kanilang
masusungit na guro bilang “Huwarang Guto ng Taon”? Lahat ng mga maraming absent na guro ang
nagwagi.
11. Ginagamit din sa pagsipi ang dalawahang panipi (double quotation mark) at isahang panipi (single quotation
mark). Ang dalawahang panipi ay pagkukulong ng pahayag at ang isahang panipi ay ginagamit kapag nasa loob
ng isa pang siniping pahayag.
Hal.
“Gabi-gabi ka nang lasing. Ano bang nangyayari sa iyo?” usisa ni Berto sa kaibigan. “Hindi naman
sa sinisiraan ko ang mga kapitbahay mo pero pinagtsitsismisan ka nilang ‘Nakakabwisit na palaging lasing
ang Marco na yan!’ Tuwing maririnig ko yun ay naiisip ko kung bakit ka nagkaganyan?”
12. Kung usapan at diyalogo naman ang sinisipi, karaniwang ikinukulong sa panipi ang pahayag ng isang tauhan lalo
na ang bahagi ng isang pinag-uusapan na akdang pampanitikan.
Hal.
NANAY: Anak, salamat at dumating ka.
INA: Opo, nanay. Uuwi ako talaga lalo na sa iyong kalagayan ngayon.
ANAK: Ito na ang huling sandaling mayayakap kita sa oras na ito.
INA: ‘Nay! Natatakot ako. . .Paano na ako? Kung mawawala ka? Inay. . .
NANAY: Ina, huwag kang matakot. Ipaubaya mo na ang lahat sa Kanya.
IV. PAGSASANAY/GAWAIN
A. Sagutan ang mga katanungan.
1. Ano ang madalas mong gamitin sa paraan ng pasipi?at bakit?

2.Bakit mahalagang matutunan ang mga wastong paraan ng pagsipi?

3. Ano ang PLAGIARISMO ayon sa sariling mong pagkakaunawa?

A. Mahalagang ng limang mahahalagang katwiran na maaaring idulot sa iyo ng wastong paraan ng pagsipi kung
ikaw ay magsasagawa ng isang papel na pananaliksik.
V.PAGSUSULIT
LIKHAIN MO
Sumulat ng isang komposisyon tungkol sa wastong paraan ng pag-aaral na may pamagat na “ ANG
KAHALAGAHAN NG EDUKASYON.” Gamitin ang wastong paraan ng pagsipi at pagsasagawa ng
dokumentasyon. Isulat ang gagawing dokumentasyon sa malinis na papel.

VI. TANDAAN NATIN


PASIPI SA DOKUMENTO ay mahalaga upang maiwasan ang tinatawag na plagiarism o pang-aangkin.
Ito rin ang paraan ng pagkikilala sa ginawa o impomasyon mula sa may-akda.

VII. SANGGUNIAN
 PAGSIPI AT DOKUMENTASYON SIBS PUBLISHING HOUSE (FILIPINO SA PILING
LARANGAN AKADEMIK)
TIME COVERAGE
I. ARALIN 17 : PAGSASALIN ng TEKSTO WEEK 9 DAY 1
Mga Kasanayang Pampagkatuto
 Nababatid ang mga simulain sa pagsasalin
 Naisasalin sa Filipino ang isang teksto na nasusulat sa wikang Ingles
II. PALAWAKIN ANG TALASALITAAN
ADAPTASYON - Ang pagtanggap sa bago upang makasabay sa kasalukuyang pangyayari.
ESTRUKTURA - Ayos o porma ng bagay-bagay.
GRAMATIKA - Tawag sa agham na tumatalakay sa mga salita.
BAGAMAN - Ang salitang ito ay pagbibigay ng ng rason o ideya sa kabila ng katotohanan.

III. TALAKAYIN NATIN


Ang wika ay pangunahing sangkap sa pagsasalin ng isang akda o konsepto. Sa katunayan ang pagsasalin ang
masmahirap kesa sa mga ibang gawaing pampanitikan,sapagkat dalawang wika ang kailangang maging maalam ka
sa paggamit,upang maisalin ito nang naaayon sa sa orihinal na likha.Ang PAGSASALIN ay ang pagpapalit o
paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na salita at diwa ng isang akda.
Ayon kay PACIANO MERCADO RIZAL (1886) “ Ang pagsasalin ay iniaayon sa mga salita kapag ito’y nauunawan
,at ginagawang malaya namn kapag iyon ay may kabuluhan dapat hindi lumalayo kailanman sa kahulugan.
Ayon naman sa WEBSTER’S NEW WORD DICTIONARY OF THE AMERICAN LANGUAGE , ang salitang translate ay
nangangahulugang “ to change from one language into another”. to put into different words”(palitan ang wika
tungo sa ibang wika; ilahad sa ibang pananalita).

KAHALAGAHAN NG PAGSASALIN
Ayon kay Bienvenido Lumbera ( 1982) ang layuning nagbubunsod sa pagsasalin ng wika ay ang sumusunod:
1. Pagpapalaganap ng kaalaman o kaisipang nakapaloob sa akda.
2. Pagbibigay liwanag sa kasaysayan at kultura ng ibang bansa o panahon.
3. Pagkilala sa mga bagong mambabasa ng isang akdang itinuturing na makabuluhan ng isa o ilang tao.

Ayon sa isa nating Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si Virgilio Almario (2013) kasintanda raw ng
limbag na panitikan sa bansa ang pagsasalin sa atin. Halimbawa nito ang DOCTRINA CHRISTIANA na siyang salin
ng mga batas dasal at gawain sinaunang Pilipino. Ito ay ang pinakaunang aklat na isinalin sa wikang Filipino
noong 1593.
Masasabi na ang pagsasalin ay malaking impluwensiya sa ating kasaysayan bilang Pilipino.Dito nalalaman
kung anong mga panitikan ang mga naisalin at nagamit na ng ating mga manunulat. Sa pamamagitan ng
pagsasalin ng akda ,nalalaman din natin kung ano ang lumalaganap sa ibang lugar,kung ano nga bang kasaysayan
o kultura mayroon sila.
MGA KATANGIAN NG ISANG TAGAPAGSALIN
1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang ginagamit sa pagsasalin
2. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag
3. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
4. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kaugnay sa pagsasalin.
MGA PARAAN NG PAGSASALIN
1. SANSALITA – BAWAT –SANSALITA( WORD –FOR- WORD )
Isa-sa-isang pagtutumbas ng kahulugan ng salita.
Hal.
ORIHINAL: Each citizen must aim at personal perfection and social justice through education
( QUEZON)
SALIN: Bawat mamamayan dapat layunin sa personal kaganapan at panlipunan katarungan sa pamamagitan
ng edukasyon.
2. LITERAL
Ito ay isinasalin sa pinakamalapit na gramatikal na pagkakabuo sa pinagsalinang wika.

Hal.
ORIHINAL: Father bought Pedro a new car.
SALIN: Ang tatay ay ibinili, si Pedro ng isang bagong kotse.
3. ADAPTASYON
Itinuturing na pinakamalayang anuyo ng salin na minsan lumalayo na sa orihinal.
Hal.
ORIHINAL : Ah , Woe ! Celestial king who mortal from dost keep , would rather than be sovereign be
shephered of thy sheep?
SALIN: Kung lungkot ! o haring sangkalangitan,nagkakatawang tao’t sa lupa’y tumahan, hindi mo ba ibig
na haring matanghal kundi pastol naming na kawal mong mahal?
4. MALAYA
Gaya sa taguri nito, malaya ito at walang control at parang hindi na isang salin.
Hal.
ORIHINAL : For the last twenty year since he burrowed into this one-room apartment near Baclaran
Church,Francisco often strooled to the seewall ang down the stone breakwater which steched
from a sandy bar ito the murky and oil tinted bay.
SALIN : Mayroon nang dalawangpung taon siyang tumira sa isang apartment na malapit sa simbahan
ng Baclaran ,si Francisco ay mahilig mag-libang sa breakwater na mabuhangin at malangis.
5. MATAPAT
Sinisikap dito na makagawa ng eksakto na katulad sa orihinal na mensahe o pahayag ,bagaman ang
suliranin ang estruktura ng gramatika na hadlang sa kahilugan ng eksaktong konteksto.
Hal.
ORIHINAL : Old soldier of that balled ,I know close may military career and just fade away ,an Old Soldier
who tried to do this duty.
SALIN : Matandang kawal sa kuwentong awit na iyon, itiniklop ko na ang aklat ng aking
lingkod sa hukbo , upang mawalang dahan-dahan ,isang manatandang kawal subok na gawin
ang kanyang tungkulin.
IV. PAGSASANAY/GAWAIN
A. Isalin sa wikang FILIPINO ang mga salitang nasa ibaba.
1. Accomplishment - 2. Accountability-
3. Benefits- 4. Building –
5. Affairs- 6. Letter-
7. Meeting - 8. Objective –
9. Policy - 10. Newspaper –

B. Isalin nang litera at malaya ang pahayag na nagmula kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos .
“ If you have anger in your heart against me.do not let our people and country suffer because of it”.
- Ferdinand Marcos
MALAYA:

LITERAL:

V. PAGSUSULIT
LIKHAIN MO
Basahin at unawain ang tulang pinamagatang “ TREE” ,Pagkatapos, isalin ito sa wikang Filipino ,pumili kung
anong paraan ng pagsasalin mo itong gustong isalin.

“ TREE ”
Ni: JOYCE HILMER

I THINK THAT SHALL NEVER SEE


A POEM LOVELY AS A TREE
A TREE WHOSE HUNGER MOUNTH IS PREST
AGAINST THE EARTH’S SWEET FLOWING BREAST

A TREE THAT LOOKS AT GOD ALL DAY


AND LIFTS HER LEAFY ARMS TO PRAY
A TREE THAT MAY IN SUMMER WEAR
A NEST OF ROBINS IN HER HAIR.

UPON WHOSE BOSOM SNOW HAS LAIN:


WHHO INTUMATELY LIVES WITH RAIN
POEMS ARE MADE BY FOOLS LIKE ME.
BUT ONLY GOD CAN MAKE A TREE
VI. TANDAAN NATIN
PAGASASALIN NG TEKSTO ang paglilipat ng pinaka malapait na katumbasa nasa salita o konsepto MGA PARAAN SA PAGSASALIN
Sansalita sa bawat sansalita
Literal
Adaptasyon
Malaya
Matapat

VII. SANGGUNIAN

 PAGSASALIN NG TEKSTO SIBS PUBLISHING HOUSE (FILIPINO SA PILING


LARANGAN AKADEMIK)
http://www.slideshare,net
“ Sining ng Pagsasaling- Wika” ni G. Alfonso O.
Santiago
TIME COVERAGE

WEEK 9 DAY 2
I. ARALIN 18 : PAGWAWASTO NG ISINULAT NA PAPEL
Mga Kasanayang Pampagkatuto
 Naiisa-isa ang mga dapat isaalang-alang ng mahusay na proofreader bilang pagwawasto sa isinulat na papel
 Nasisiyasat ang wastong pagwawasto sa isinulat na papel

II. PALAWAKIN ANG TALASALITAAN


ESPASYO - Ito ay nilalagyan ng agwat o distansya.
LATHALA - Ito ang mga teksto o manuskrito na inilimbag
MANUSKRITO - Isinulat na impormasyon ng tao gamit ang manuwal na paglikha.
PROOFREADING – Ito ay malaking proseso ng pag-edit kasangkot dito ang pag-alis ng lahat ng mga mali
katulad ng syntax,gramatika at ispeling mula sa teksto.
PUBLIKASYON - Koleksyon ng isa o higit pang mga artikulo naisusulat sa nilimbag

III. TALAKAYIN NATIN

Ayon sa mga dalubhasa “ the foundation of a writer is his culture knowledge of writing”.Mabisa sa salik ng
pag-unlad sa pagsulat ng isang institusyon ang tulong ng mga taong kanyang nakakasama at nagtuturo.Marapat
na maipadama ang wastong impormasyon sa sulat ng mga mag-aaral mula sa mabuting paggabay ng guro.A ng
pagsulat ay hindi gawain basta basta lang ,kasi kung madali ang gawaing ito ,marahil marami na ang nagtangkang
pasukin ang kanitong klasing larangan upang makapagdagdag kita . Isa sa pagdaraanan ng isang mauskrito ay ang
tinatawag na proofreading.

MGA DAPAT ISAALANG –ALANG NG PROOFREADER

1. ISPELING
Kapag ang teksto ay nakasulat sa wikang filipino nag-o-autocorrect ang function ng computer,Minsan
naman sa paraan ng pagsusulat ng may-akda kung saan unang pagkakataon palang magsulat ng isang
manuskrito sa kanyang pag-susumite makikita ang pagkakamali sa ispeling

2. DIWA ng AKDA
Kinakailangang ang proofreading ay nagtataglay ng matalas na paningin sa pagbasa ng teksto
,kinakailangang kaunti lamang ang pagwawasto .

3. ANYO ng AKDA O TEKSTO


Dito kinakikailangang masunod ang pamantayan para sa uri ng publikasyong ilalathala ang proofreader
ay binibigyang –pansin ang wastong gamit ng malaking titik at maliit na titik at dapat sunod-sunod ang
mga pahina ng teksto at nailalapat nang wasto.
MGA SIMBOLONG GINAGAMIT SA PAGWAWASTO NG SINULAT NA PAPEL O TEKSTO

IV. PAGSASANAY/GAWAIN
1. Kung nais mong maging isang proofreader, ano –anong katangian ang dapat mong taglayin sa pagwawasto ng
babasahing teksto?

2. Ano-ano ang isinasaalang-alang sa pagwawasto ng pisikal na anyo ng manuskrito?


3. Bakit inaaasahan na ang diwa ng teksto na babasahin ng proofreader ay hindi na gaanong marami ang mali?

4. Anong- anong mahahalagang detalye ang dapat bigyang-pansin ng isang proofreader sa tekstong kanyang
iwinawasto? Bakit?

V. PAGSUSULIT
LIKHAIN MO
Sumulat ng isang komposisyon tungkol sa “Edukasyon: Kontribusyon Ko sa Aking Kinabukasan” na binubuo
ng dalawang talataan, gamit ang mga dapat isaalang alang sa pagsulat nito. 20 puntos

EDUKASYON: KONTRIBUSYON KO SA AKING KINABUKASAN


VI. TANDAAN NATIN
PAGWAWASTO NG ISINULAT NA PAPEL ito ang gawain na hindi madali sapagkat tinatama rito ang mga makikitang kama
Narito ang dapat isaalang –alang ng isang proofreader
Ispeling
Diwa ng akda
Anyo ng akda o teksto

VII. SANGGUNIAN
 PAGWAWASTO NG ISINULAT NA PAPEL SIBS PUBLISHING HOUSE (FILIPINO SA PILING
LARANGAN AKADEMIK

You might also like