Mtbmle - q1 - Mod2 - Pangkatang Salita
Mtbmle - q1 - Mod2 - Pangkatang Salita
Mtbmle - q1 - Mod2 - Pangkatang Salita
Mother Tongue
Ikalawang Markahan – Modyul 6
Wastong Pagsulat ng mga Salita,
Parirala at Pangungusap
Mother Tongue-Based Multilingual Education – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Wastong Pagsulat ng mga Salita, Parirala at
Pangungusap
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyulna ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
ii
Malugod na pagtanggap sa Mother Tongue-Based Multilingual Education
2 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Wastong Pagsulat ng
mga Salita, Parirala at Pangungusap!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.
iii
Suriin Sa seksiyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
iv
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
v
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
vi
Alamin
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang letra ng
iyong sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ito ay nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa tuldok.
a. pangungusap
b. parirala
c. salita
d. patanong
1
c. tandang padamdam
d. tuldok
2
Aralin Wastong Pagsulat ng mga
1 Salita, Parirala at
Pangungusap
Ang pagsulat ng mga salita, parirala at pangungusap nang may
kahusayan ay mahalagang malaman upang maunawaang mabuti ng
mga mambabasa ang mga sulatin. Nakakatulong din ito na mapaunlad
ang kakayahang kognitibo at biswal na abilidad.
Balikan
3
Mga Tala para sa Tagapagdaloy
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbabalik-tanaw.
Maghanda ng ilang katanungan upang masukat ang
antas ng kanilang kaalaman sa napag-aralan sa
nakaraang aralin bilang paghahanda sa panibagong
aralin.
Tuklasin
Panuto: Basahin ang tula. Alamin ang paraan ng wastong pagsusulat
at ang mga magagandang dulot nito.
Halina’t Magsulat
ni Kristel Mitch C. Bernabe
4
Sumapit na naman ang hapunan,
At sama-sama kaming lahat sa tahanan.
Si ate at nanay sa pagsulat ako ay tutulungan,
Bilin iyon ni Ma’am bago umalis ng silid-aralan.
Lahat daw ng bagay ay napag-aaralan,
Upang mga sulatin namin ay madaling
maintindihan.
Lapis ay hawakan,
Magsulat mula paliwa-pakanan,
Tamang espasyo ay tingnan,
Malaking letra sa unahan,
At tamang bantas naman sa hulihan.
Ito ay aking tatandaan,
Upang matuto sa pagsulat ng may kahusayan.
5
Suriin
Mahalagang sundin ang mga pamantayan
sa wastong pagsusulat ng mga salita,
parirala at pangungusap upang
maging maayos, malinis, at malinaw
ang mga sulating gagawin.
Halimbawa:
salita: lapis, paaralan
parirala: sa tahanan, magdasal nang samasama
Ang unang letra sa pangungusap ay nagsisimula sa malaking titik
at maaaring nagtatapos sa tuldok kung pasalaysay, pautos at
pakiusap ang pangungusap; tandang pananong kung patanong ang
pangungusap; at tandang padamdam kung padamdam ang
pangungusap.
Halimbawa:
Pasalaysay : Ang mga pamantayan ay aralin.
Pautos : Tandaan mo ang iyong mga aralin.
6
Pakiusap : Pakisulat mo nang wasto ang mga
sulatin.
Patanong : Bakit kailangang matutunan ang
wastong pagsulat?
Padamdam: Yehey, maganda na ang sulat ko!
Nagsisimula sa malaking letra ang mga pangngalang pantangi at
maliit na letra kung pangngalang pambalana.
Halimbawa:
pangngalang pantangi : Lita, Nueva Ecija
pangngalang pambalana : ate, nanay
Halimbawa:
Ang sulat ni Sita ay malinis, maayos at kaaya-aya sa
paningin.
Isulat ang mga salita nang may tamang espasyo sa bawat isa.
Halimbawa:
Ang mga pamantayan ay aralin para sa
ikagaganda ng ating sulatin.
7
Pagyamanin
Pinatnubayang Gawain 1
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na salita, parirala at
pangungusap at isulat sa kabit-kabit na paraan sa iyong sagutang
papel.
2. maraming kulisap
8
5. Wow, ang ganda ng bisikleta!
Tasahin 1
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na larawan. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel sa paraang kabit-kabit.
1. 2. 3.
4. 5.
9
Pinatnubayang Gawain 2
Gumuhit ng puso ( ) kung ang sumusunod ay magandang
dulot ng wastong pagsusulat at biyak na puso ( ) kung hindi.
Iguhit ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. 4.
kaaya-aya sa mapapadali
paningin ang pagsulat
2. 5.
mahirap interesadong
unawain basahin
3.
nakalilito
Tasahin 2
Panuto: Isulat ang tama kung wasto ang ipinapahayag ng
pangungusap at mali kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
_______1. May mga pamantayang sinusunod sa pagsusulat.
_______2. Magkakaroon ng kalituhan sa mambabasa kung susundin
ang pamantayan sa wastong pagsusulat.
_______3. Magiging kaaya-aya sa paningin kung wasto ang
pagsusulat.
_______ 4. Magiging malinis ang sulatin kung susundin ang mga
pamantayan sa pagsusulat.
10
_______ 5. Maaaring hindi sundin ang mga pamantayan sa
pagsusulat.
Malayang Pagsasanay 1
Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang mga dapat tandaan sa
wastong pagsulat. Piliin ang iyong sagot sa loob ng mga bituin. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.
Tasahin 1
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Iguhit ang
puso kung ito ay tama at bituin naman kung mali. Iguhit ang
iyong sagot sa sagutang papel.
________ 1. Ang unang letra ng pangungusap ay nagsisimula sa
malaking titik.
________ 2. Ang lahat ng uri ng pangungusap ay nagtatapos sa
tuldok.
11
________ 3. Isinusulat ang mga salita nang may tamang espasyo sa
bawat isa.
________ 4. Gumagamit ng kuwit upang mapaghiwalay ang mga
salita.
________ 5. Maaaring hindi gumamit ng mga bantas sa pagsulat ng
pangungusap.
Malayang Pagsasanay 2
Panuto: Tukuyin kung anong bantas ang ginagamit sa sumusunod na
mga pangungusap. Isulat ang tuldok (.), tandang padamdam (!) o
tandang pananong (?) sa iyong sagutang papel.
1. Naghihintay si bunso sa pagdating ni ate
2. Wow, ang dami ng luto ni nanay
3. Sino ang naglilinis ng iyong kuwarto
4. Paki-abot ang balanggot ng iyong tatay
5. Yehey, kumpleto tayo ngayon sa bahay
12
Tasahin 2
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Iguhit ang masayang mukha
kung wasto ang pagkakasulat ng pangungusap at malungkot na mukha
kung hindi. Iguhit ang iyong sagot sa sagutang papel.
________ 1. Masaya si Pat na nakikipaglaro kay Bruno.
________ 2. Ang pamilya ni rita ay mapagbigay!
________ 3. Nagmamano ako bago umalis ng bahay.
________ 4. Gumagamit ng po at opo si Anton kapag nakikipag-usap
sa matanda.
________ 5. Wow, ang ganda ng pasalubong ni ate?
Isaisip
13
1. Ang mga salita at parirala ay nagsisimula sa maliit na letra
lamang at walang _________ sa hulihan.
2. Ang _________ sa pangungusap ay nagsisimula sa malaking
titik.
3. Nagsisimula sa malaking letra ang mga pangngalang _________
at maliit na letra kung pangngalang _________.
4. Gumagamit ng _________ upang mapaghiwalay ang mga salita,
parirala at sugnay na sunod-sunod.
5. Isulat ang mga salita nang may tamang _________ sa bawat isa.
Isagawa
1.
2.
3.
4.
14
5.
Tayahin
I. Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Gumuhit ng bituin at kulayan
ng dilaw kung wasto ang pagkakasulat ng mga pangungusap at pula
kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Bago kumain ay nagdadasal kami.
2. Hala, nakalimutan ni ate ang kaniyang pitaka
3. Yehey, may biniling ice cream si kuya Lito!
4. Lagi kaming nagtutulungan ni ate sa gawaing bahay.
5. Tuwing sabado ay sama-sama kaming nanunuod ng
pelikula!
15
3. magalang na bata si iko
16
Karagdagang Gawain
17
Susi sa Pagwawasto
Isaisip Malayang Pagsasanay Malayang Pagsasanay
1. bantas Gawain 2 Gawain 1
2. unang letra 1. . 1. salita at parirala
3. pantangi 2. ! 2. malaking titik
pambalana 3. ? 3. tamang espasyo
4. kuwit 4. . 4. pantangi
5. espasyo 5. ! 5. kuwit
18
Karagdagang Gawain Tayahin Tayahin
B. (Nakasulat sa kabit- A.
kabit na paraan)
Ang wastong pagsusulat 1. Nakakuha ng talong, sili
ay nakapagdudulot ng at kalamansi si Tino sa 1.
bakuran.
malinaw, kaaya-aya at
2. Sino kaya ang
maayos na sulatin upang
pinakamasipag dito?
maintindihan ng mga 3. Magalang na bata si 2.
mambabasa. Iko.
4. Paborito ko ang menudo
na luto ni nanay. 3.
5. Ang sarap kumain
kapag salo-salo ang
pamilya.
4.
5.
19
Sanggunian
20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: