Week 4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII – Eastern Visayas
SCHOOLS DIVISION OFFICE of BILIRAN
Larrazabal, Naval, Biliran

SANAYANG PAPEL sa FILIPINO 2


IKATLONG MARKAHAN: Ika-apat na Linggo

I.PAKSA/ KASANAYANG PAMPAGKATUTO (MELC):


Paglalarawan ng mga tauhan sa napakinggang teksto batay
sa kilos, sinabi o pahayag
Nailalarawan ang mga tauhan sa napakinggang teksto batay sa
kilos, sinabi o pahayag. F2PN-IId-12.2

Sanggunian:
google.com/paglarawan sa tauhan sa teksto

II.PAGTATALAKAY:
Isang mabisang batayan ng paglalarawan ng tauhan ang
ipinakita nitong kilos at pananalita. Sa kwento ng mga tauhan na ating
binasa ay nailalarawan natin ang katangian batay sa kanilang kilos
at pananalita na siyang ipinakikita sa kuwento.
Ang paglalarawan ng katangian ng isang tauhan ay maaaring
mahinuha sa pamamagitan ng pag-unawa kung ano ang kaniyang
ikinikilos, paano ito nagsasalita at kung paano nagpapakita ng
kanyang nagging reaksyon
sa mga sitwasyon sa kwento.

Naranasan mo na bang magpasalamat?


Paano mo ipinakita ang iyong pasasalamat?
Basahin ang talataan at kilalanin ang mga tauhan.
Sa daigdig na ito ay marami tayong dapat pasalamatan. Sa klase
ni Bb. Dina ay iginuhit ng mga mag-aaral ang nais silang
pasalamatan. May gumuhit ng dyip, kotse, aso, bahay, telebisyon,
bentilador at larawan ng mga magulang at kapatid.
Samantala, kaiba nga ang iginuhit ng batang si Anton. Iyon ang
kamay. Nang tanungin ng mga eskwela, kung bakit niya
pinasalamatan ang kamay, ay hindi agad nakakibo si Anton. Kaya
nag-isip ang kanyang mga kamag-aral.
Nang mag “recess”, naglabasan ang mga bata mula sa kwarto
upang magsipagmeryenda sa kantina. Naiwang nag-iisa ang batang si
Anton. Nilapitan iyon ng titsser at kinausap.
“Anton, bakit ka nagdrowing ng kamay? Kanino ba iyon?”
“Iyon po ang kamay ninyo, Ma’am, na lagi pong tumutulong sa
akin.”
Biglang-bigla, tumulo ang luha ng titser na si Bb. Dina. Kasi
ang batang si Anton ay lumpo pati kanang kamay ay may diperensya,
inaalalayan iyon ni Bb. Dina, hanggang sa ang bata ay natutong
sumulat.
“Ma’am, salamat po sa inyong kamay! Nakangiting sabi ng
batang si Dina.

Sa iyong binasang kwento, anong kaugalian o katangian ang


ipinakita ng mga tauhan.

1. Anu-anong mga damdamin ang ipinakita ni Anton sa kwentong


ito?
“Iyon po ang kamay ninyo, Ma’am, na lagi pong
tumutulong sa akin.” Sa sinabi ni Anton, anong katangian ang
kanyang ipinakita?
Siya ay isang batang marunong magpasalamat sa kanyang
guro.

2. Sa kwento bang ito ay ipinakita na mahalaga ang kapwa tao?


Ipaliwanag
Lahat halos ng galaw ni Anton ay inaalalayan ni Bb. Dina.
Sa ginawa ni Bb. Dina, anong katangian ang kanyang ipinakita?
Si Bb. Dina ay mabait na guro, matiisin at maalalahanin.
GAWAIN 1:
Panuto: Anong katangian ng mga tauhan ang inilalarawan sa bawat
bilang? Pumili ng sagot sa kahon at isulat sa sagutang papel.

a. masipag b. maingat
c. pagiging madaldal d. masikap
e. mapagmahal f. masunurin

_____ 1. Pinipili ni Sam ang palabas sa telebisyon na maganda para


sa kabataan.
_____ 2. Araw-gabi ay nag-aaral ng leksyon si Ruth.
_____ 3. Pinipilit ni Kristin na makakuha ng mataas na marka kahit
mahirap ang aralin.
_____ 4. Inaaruga ni Martha ang kanyang ina.
_____ 5. Dapat iwasan ang ugaling ito upang hindi mapahawak.
Isipin ang dapat ipahayag.

GAWAIN 2:
Panuto: Basahin ang mga sitwasyong nasa ibaba. Ilarawan ang
katangian ng mga tauhan dito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Nalaglag ang hawak na pera ng bata. Agad iyong pinulot ni


Dante at iniabot sa may-ari. Si Dante ay isang batang
__________.

a. masipag b. matapat c. matulungin

2. May bagong pantalon si Gina. Nalaman niyang kailangan ni


Lily ng isusuot sa kanilang programa. Ipinahiram niya iyon sa
mahirap na kamag-anak.

a. matapat b. masipag c. matulungin


3. May uwing pagkain ang nanay. Sinabi ng nanay na hatian ni
Red ang kanyang kapatid na si RJ. Hinati ni Red nang
magkasinlaki at ibinigay kay RJ ang parte nito.

a. masinop b. marunong c. mapagbigay

4. Si Myrna ay di-gaanong maganda na gaya ni Glenda.


Pinagtawanan ni Glenda si Myrna sa harap ng ibang tao sabay
sabi na pangit si Myrna at siya ang pinakamaganda.

a. mayabang
b. sinungaling
c. kulang sa pansin

5. Gustung-gusto ni Paulo na makipaglaro kay Anbert. Tinawag


niya ito upang sumama sa bukid. Hindi pumayag si Paulo dahil
bilin ng kanyang tatay na bantayan ang kanilang alagang hayop.
Si Paulo ay _______________.

a. matalino b. magalang c. masunurin


III. PAGTATAYA:
Panuto: Basahin ang kwento sa ibaba. Ilarawan ang mga tauhan sa
kwento sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

Si Karina ay isang batang ulila. Nasawi ang kanyang mga


magulang sa isang aksidente. Dahil dito, siya’y inampon ng kanyang
Tita Hilda. Naging malungkot ang buhay ni Karina. Lahat ng gawaing
pagluluto, paglalaba at paglilinis ng bahay ay sa kanya ipinagagawa.
Gaya ng isang katulong ang turing sa kanya.
Bukod sa utos ditto, utos doon palagi pa siyang sinisigawan at
pinapalo ni Tita Hilda kapag siya’y nagkakamali. Uupo siya sa ilalim
ng puno na lagi niyang pinagtataguan tuwing siya’y umiiyak.
Isang matandang kapitbahay ang nakasaksi nito kaya
kinumbinse niya si Karina na doon na lamang tumira. Inalagaan niya
si Karina na parang kanyang tunay na anak. Masaya si Karina sa
kanyang pagtira habang ginampanan niya nang mabuti ang pagtulong
sa matanda.

1. Nasawi ang mga magulang ni Karina sa isang aksidente.


Ilarawan ang buhay ni Karina.
___________________________________________________
___________________________________________________

2. Lahat ng gawain ay kanyang ginagawa. Si Karina ay isang


_____________________________________ na bata.

3. Madalas pinapalo at sinisigawan si Karina ng kanyang Tita


Hilda. Si Tita Hilda ay isang ______________________.

4. Isang matandang kapitbahay ang naawa sa kanya at kinumbinse


siyang doon na lamang tumira. Ang matandang kapitbahay ay
isang ________________________________ na tao.

5. Masaya si Karina sa kanyang pagtira sa matanda kaya


nagtrabaho siya nang mabuti bilang pasasalamat niya sa kanila.
Si Karina ay isang _________________________________.

Prepared by:

DINA R. BELTRAN
Teacher III
District Quality Assurance Team

EVELYN P. SARSALEJO
Principal I

FLORIDA G. BUNANI EdD


PSDS – Caibiran District 1

Answer Key

GAWAIN 1 GAWAIN 2
1. b 1. b
2. a 2. c
3. d 3. c
4. e 4. a
5. c 5. c

PAGTATAYA:
1 – 5. Answers may vary
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VIII – Eastern Visayas
SCHOOLS DIVISION OFFICE of BILIRAN
Larrazabal, Naval, Biliran

Ngaran:

Grado ngan Seksyon: __________________________________


Ngaran han Magturutdo: _______________________________

SAGUTANG PAPEL sa FILIPINO 2


Ikatlong Markahan: Ika-apat na Linggo

Gawain 1 Gawain 2
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Pagtataya
1.
2.
3.
4.
5.

You might also like