Health Quarter 3 Module 1.1 1.2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

2 Health

Ikatlong Markahan – Modyul 1.1 at 1.2


Wastong Paraan sa Pangangalaga ng
Kalusugan ng Sarili at Pamilya
Code (2FH-IIIab-II)

GOVERNMENT PROPERTY
NOT FOR SALE
Health – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1.1 at 1.2 :
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatanng-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga Gawain ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gliceria B. Dayao, Ma. Consolacion R. Estrella, Shiella B. Pineda,


Magdalena T. Asusano, Fermina S. Ramirez, Ma. Socorro C. Santos,
Conchita M. Mendoza, Aises Lyn S. Mendoza, Virginia L. Panganiban
Tagasuri ng Nilalaman: Rainelda M. Blanco
Taggasuri ng Wika: Winston Santos
Tagaguhit: Joselina S. Bañaga,
Tagalapat: Gliceria B. Dayao,Aises Lyn S. Mendoza

Tagapamahala: Gregorio C. Quinto, Jr., EdD


Rainelda M. Blanco, PhD
Agnes R. Bernardo, PhD.
Glenda S. Constantino
Marquez T. Cartel
Joannarie C. Gracia

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education--- Schools Division of Bulacan

Office Address: Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
E-mail address: [email protected]
2

Health
Ikatlong Markahan – Modyul 1.1 at 1.2
Wastong Paraan sa Pangangalaga ng
Kalusugan ng Sarili at Pamilya
Code (2FH-IIIab-II)
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa


ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral
sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sgot sa bawat
gawain at pagsususlit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangaiangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa
paaralan.
Alamin

Pamantayan sa Pagkatuto

 describe healthy habits of the family

Code: 2 FH-IIIab-II

Layunin

Sa araling ito, mapag-aaralan mo ang tungkol sa mga wastong


paraan sa pangangalaga ng kalusugan ng sarili at pamilya.
Sa pamamagitan ng araling nakapaloob sa modyul na ito,
inaasahang:

 Matutukoy ang mgawastong paraan sa pangangalaga ng


kalusugan ng sarili at pamilya.
 Maisasagawa ang mga wastong paraan sa pangangalaga ng
kalusugan ng sarili at pamilya.
 Makapagsasabi ng mga wastong paraan upang pangalagaan ang
kalusugan ng sarili at pamilya.

Subukin

Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.


1
1. Alin sa mga ito ang palagi mong ginagawa?
a. Naghuhugas at nagsasabon ng kamay bago at pagkatapos
kumain.
b. Kumakain ng hindi naghuhugas ng kamay.
c. Gumagamit ng maruming kutsara at tinidor.

2. Alin ang hindi nakatutulong upang manatiling malusog ang


katawan?
a. Kumain ng masustansiyang pagkain.
b. Mag-ehersisyo araw-araw.
c. Matulog ng 2 oras lamang.

3. Paano mapangangalagaan ang ating kalusugan?


a. Hayaang walang takip ang mga pagkain.
b. Maging maingat sa pagbili ng mga pagkain. c.
Kainin ang pagkain kahit hindi gaanong luto.

4. Ano ang mangyayari kung hindi iingatan ang sarili?


a. Ikaw ay lulusog.
b. Titibay ang iyong buto at tatalas ang iyong isip.
c. Ikaw ay magkakasakit.

5. Piliin ang palatandaan na may sakit na ang isang bata.


a. Maganang kumain.
b. Pagkakaroon ng lagnat.
c. May namumula at matambok na pisngi.

2
Wastong Paraan sa Pangangalaga ng
Aralin Kalusugan ng Sarili at Pamilya
1

Ang kalusugan ay kayamanan, kaya dapat natin itong pangalagaan.Malaki ang


magagawa at kontribusyon ng maayos at malusog na pangangatawan sa ating
pangaraw-araw na pamumuhay. Magiging malakas at masigla ang ating
katawan, Hindi tayo madaling makakapitan ng sakit. Magiging matalas ang
ating isipan. Habang bata pa lamang ay dapat nang matutuhan ang mga wastong
pamamaraan upang mapangalagaan ang kalusugan ng ating sarili at ng ating
pamilya. Ang ating mga magulang ang unang magtuturo sa atin ng mga
wastong pamamaraan upang mapangalagaan ang ating kalusugan lalo na
ngayon na tayo ay nasa loob lamang ng ating ating mga tahanan at bawal
lumabas.

Narito ang ilan sa mga wastong pamamaraan upang mapangalagaan ang ating
kalusugan maging ng ating pamilya:

1. Ugaliing maligo araw-araw upang mapanatiling malinis ang ating katawan.


2. Magsuot ng malinis na damit.
3. Maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.
4. Ugaliing gupitan ang kuko kung mahaba na.
5. Ugaliing linisin ang tainga.
6. Ugaliing magsepilyo ng ngipin pagkatapos kumain.
7. Kumain ng masusustansiyang pagkain gaya ng gulay, prutas, itlog at iba pa.
8. Uminom ng gatas bago matulog upang tumibay ang buto.
9. Ugaliing matulog ng sapat na oras. Ang mga bata sa baitang 2 ay dapat nasa
8-10 oras.
10.Ugaliing mag-ehersisyo upang lumakas ang katawan.

Gawin ang mga nabanggit sa itaas kasama ng iyong buong pamilya upang
sama-samang maging malusog,malakas at masigla.

3
MGA GAWAING PANGKALUSUGAN

Paliligo araw-araw Palagiang paghuhugas ng


kamay.

Sapat na oras ng pagtulog Pag-eehersisyo

Pagkain ng masusutansiyang pagkain

Balikan

Panuto: Isulat ang T kung nagpapahayag ng tamang pangangalaga sa


ating mga pandama at M naman kung hindi.

_______ 1. Ugaliing magsepilyo ng ngipin pagkatapos kumain.

_______ 2. Kumain palagi ng mga kendi at tsokolate.

4
_______ 3. Ugaliing maghugas at magsabon ng kamay.

_______ 4. Magbasa habang nakahiga upang lumabo ang paningin

_______ 5. Palaging kumain ng masustansiyang pagkain.

Tuklasin

Basahin ang sitwasyon at sagutin ang mga tanong.

Si Bella
Si Bella ay isang batang tamad maligo, wala siyang hilig maglinis ng
katawan. Natutulog kahit siya ay madungis at hindi nagpapalit ng
malinis na damit.Hindi kumakain ng masustansiyang pagkain, puro
kendi, tsokolate at sitsirya ang gusto niyang kinakain. Madalas na
nanunuod ng telebisyon hanggang hatinggabi kaya palagi siyang
puyat at kulang sa tulog.
Isang gabi, siya ay nagkaroon ng isang masamang panaginip. Isang
diwata ng kalusugan ang nagpakita sa kanya. “Dahil sa ikaw ay hindi
nagpapahalaga sa iyong kalusugan, ikaw ay aking parurusahan,ikaw

5
ay magiging sakitin, hindi ka na makakikilos at makagagalaw. Ikaw
ay hindi na rin makapagsasalita.” Wika ng diwata.
Takot na takot si Bella sa sinabi ng diwata. Nagsisigaw siya at
nangakong magbabago na.Mula noon ay naging maalaga na sa
kaniyang kalusugan si Bella.

Sagutin ang mga tanong:


1 Sino ang batang tamad maligo?
2. Ano-ano ang mga bagay na ayaw niyang gawin?
3. Ano ang napanaginipan ni Bella?
4. Sino ang nakita niya sa kanyang panaginip?
5. Anong magandang aral ang natutuhan mo sa kwentong iyong
nabasa?

Suriin

Mahalaga ang wastong pangangalaga sa ating kalusugan upang


makaiwas sa iba’t-ibang uri ng sakit. Bahagi nito ang iba’t-ibang
paraan upang magkaroon ng malusog na pangangatawan. Lagyan ng
tsek (√) ang kahon na nagpapakita ng wastong gawaing
pangkalusugan.

⃣ 1. Kumakain ako ng masustansiyang pagkain.

⃣ 2. Mahilig akong kumain ng mga pagkaing itinitinda sa kalye


gaya ng fishball,kwek-kwek at ihaw.

⃣ 3. Hindi ko ipinapahiram ang mga sarili kong gamit gaya ng


sepilyo at suklay.

⃣ 4. Nag-eehersisyo ako upang lumakas ang katawan ko.

6
⃣ 5. Palaging paggugupit ng kuko sa kamay at paa.

Pagyamanin

Gawain 1

Panuto: Sa isang hiwalay na papel, gumuhit ng dalawang paraan ng


wastong pangangalaga sa kalusugan.

Gawain 2

Gawain 2

Iguhit ang kung ang mga sumusunod ay wastong gawaing


pangkalusugan.

7
______ 1. Paggamit ng suklay ng ibang tao.
______ 2. Huwag magpunta sa maruruming lugar.
______ 3. Magsusuot ng malinis na damit.
______ 4. Magsepilyo ng ngipin pagkatapos kumain.
_______5. Sa panahon ngayon, ugaliin ang laging pagsusuot ng face
mask at face shield kung lalabas ng bahay.

Gawain 3

PANUTO: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung wasto ang


ipinapahayag ng pangungusap at (X) kung hindi wasto.

________1. Aalagaan ko ang aking mata.

________2. Hindi ko puputulan ang aking kuko kahit mahaba at


madumi na.

________3. Maliligo ako araw-araw.

________4. Maghuhugas ng kamay bago kumain.

________5. Hindi ako magpapagupit kahit mahaba na ang aking


buhok.

Gawain 4

Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang pangunahing uri ng pagkain na may malaking bahagi sa


diyeta ng isang batang tulad mo?

8
a. prutas at gulay
b. mga butil
c. isda at karne

2. Anong pagkain ang kailangan natin araw- araw?


a. masustansiyang pagkain
b. mga kendi at tsokolate
c. mga pagkaing mamantika at matamis

3. Ano ang iyong dapat piliin?


a. sariwang pagkain
b. junkfood
c. processed food

4. Ano ang mas mainam mong inumin?


a. softdrinks
b. juice
c. tubig

5. Alin ang tamang gawin bago kumain ?


a. Maghugas lamang ng kamay bago kumain
b. Maghugas lamang ng kamay pagkatapos
kumain
c. Maghugas ng kamay bago at pagkatapos
kumain.

9
Gawain 5

Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap sa bawat


bilang,isulat sa papel ang Letrang P kung ang iyong sagot ay
palagi,mga letrang PM kung paminsan-minsan at letrang H kung
hindi.

_______1. Paliligo araw-araw.


_______2.Umiinom ng bitamina.
_______3. Kumakain ng masustansyang pagkain.
_______4. Pagpapalit ng damit panloob araw-araw.
_______5. Pagtulog ng 8-10 oras sa loob ng isang araw.

Gawain 6

Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang pahayag ay


nagsasaad ng gawaing pangkalusugan at malungkot na mukha
kung hindi.

____________1. Maligo araw- araw.


____________2. Matulog ng sapat na oras.
____________3. Uminom ng gatas at kumain ng prutas.
____________4. Hayaang madumi ang mga kamay.
____________5. Mag- ehersisyo upang maging malakas
ang katawan.

Isaisip
10
Ang kalusugan ay tumutukoy sa pisikal at mental na
kaayusan. Ito ang kondisyon o kalagayan ng pagiging malaya sa
anumang sakit.Ang mabuting kalusugan ay mahalaga upang
matamasa ang masayang buhay.Mahalagang sundin at gawin ang
mga gawaing pangkalusugan upang mapanatili nating malusog at
malakas ang ating katawan,kaya’t ingatan natin ang ating kalusugan.

Isagawa

Panuto: Lagyan ng ( ) kung ang pangungusap ay wasto at (


) kung hindi.

____1.Gawing regular ang pag-eehersisyo.

____2.Panatilihing malinis ang katawan at kasuotan.

____3. Laging uminom ng softdrinks at kumain ng mga sitsirya.

____4.Takpan ng panyo ang bibig kapag uubo o kaya ay babahing.

____5.Hugasan ang mga prutas bago ito kainin.


Tayahin

Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B . Isulat ang letra ng


tamang sagot sa sagutang papel.

1. a. Naliligo araw-araw

11
2. b. Reular na nag-eehersisyo

3. c. Kumakain ng masustansiyang
pagkain

4. d. Natutulog sa tamang oras

5. e. Naghuhugas ng kamay bago


at pagkatapos kumain.

Karagdagang Gawain

Panuto: Itsek ang mga gawaing pangkalusugan na iyong nagagawa


sa araw-araw.

Gawaing Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes


Pangkalusugan
Naliligo
araw-araw
Nagsesepilyo

12
Nag-eehersisyo
Kumain ng
masustansiya
Natulog sa
tamang oras
Naghugas ng
kamay
Naggupit ng
Kuko
Nagsuot ng
malinis na damit
Uminom ng gatas
Nilinis ang tainga

Susi sa Pagwawasto

Subukin Suriin

1. A 1. /
2. C 2.
3. B 3. /
4. C 4. /
5. B 5. /

Balikan Tuklasin

1. T 1. Si Bella
2. M 2. Ayaw maligo at ayaw kumain ng masustansiyang pagkain
3. T 3. Pinarusahan siya ng Diwata
4. M 4.Diwata ng Kalusugan
5. T 5. (Depende sa mag-aaral ang kasagutan)

Pagyamanin

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3

1. 1.
2. /
2.
(Depende sa mag-aaral 3. /
ang sagot) 3. 4. /
13 5. /
4.

5.
Isagawa

1.

2.

3.

4.

5.

Tayahin
1. b
2. a
3. e
4. c
5. d

Additional Activity

(Depende sa mag-aaral ang sagot)

14
Sanggunian

Edna C. Oabel, Annalyn M. Formento., Ph,D. Ronamae M. Paradero,


Agnes T. Santiago, Music, Art, Physical Education and Health,
Unang Edisyon 2013. Meralco Avenue, Pasig City: Department
of Education. 2013.

https://medium.com/@zpideus/mga-paraan-ng-pagpapanatiling-
malusog-ang-katawan-bd83c1b8adf8

https://www.chs-ca.org/_docs/FEP_Healthy_2017_Tagalog_web.pdf

15
For inquiries or feedback, please write or call:
For inquiries or feedback, please write:
Department of Education, Schools Division of Bulacan
Department of Education,
Curriculum Schools Division
Implementation of Bulacan
Division
Curriculum Implementation
Learning Resource Divisionand Development System (LRMDS)
Management
Learning ResourceCapitol
Management and Development
Compound, Guinhawa St.,System (LRMDS)Bulacan
City of Malolos,
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Email
Address: [email protected]
Address:[email protected]

16

You might also like