ESP2 - Module3 - Karapatan Ko, Kasiyahan Ko! PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

2

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Karapatan Ko, Kasiyahan Ko!
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Karapatan ko, Kasiyahan ko!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Awtor : Maria Rosario V. Manalastas
Co-Awtor - Content Editor : Imee S. Grace Alarcon
Co-Awtor - Language Reviewer : Arlene R. Castro
Co-Awtor - Illustrator : Emily S. Nuguid
Co-Awtor - Layout Artist : Merly M. Sabado

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Miralou T. Garcia, EdD
Teacher District LRMDS Coordinator : Jennifer G. Cruz
District SLM Content Editor : Miralou T. Garcia, EdD
District SLM Language Reviewer : Ma. Luisa R. Bacani

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, ESP/Values : Jacqueline C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Rommel M. Magcalas

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: [email protected]
2
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Karapatan Ko, Kasiyahan Ko!
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang


matukoy at maipahayag ang kabutihang dulot ng karapatang
tinatamasa nang may kasiyahan.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutunan mo ang:


- Nakapagpapahayag ng kabutihang dulot ng karapatang
tinatamasa (EsP2PPP- IIIc – 8)
- Natutukoy ang kabutihang dulot ng karapatang tinatamasa
- Naipapahayag ang kasiyahan sa karapatang tinatamasa

Subukin

Panuto: Masdan ang mga larawan sa ibaba. Alin sa mga ito ang
karapatang iyong tinatamasa? Bakit?

1
Aralin
Karapatan Ko, Kasiyahan
1 Ko !

Sa nakaraang modyul ay natutunan mo na ang isang batang


tulad mo ay may karapatan.

Masaya mo bang tinatamasa ang mga ito?

May mga karapatan ang mga batang tulad mo. Ang mga
karapatan ay mga mga pangangailangan ng tao na dapat
ibigay upang makapamuhay nang maayos.

Mahalagang matamo ng bawat bata ang kaniyang karapatan


upang lumaki siyang maayos at kapaki-pakinabang sa kaniyang
sarili, pamilya at kaniyang komunidad.

Balikan

Panuto: Lagyan ng tsek () kung ang larawan ay nagpapakita na


ang isang bata ay nagtatamasa ng kaniyang karapatan at ekis ()
naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

A B C

2
D E

Mga Tala para sa Guro


Ang aralin na ito ay tumutulong sa mga mag-aaral
upang maunawaan na ang bawat bata ay may
kani-kaniyang karapatang dapat maranasan at
tamasahin nang may kasiyahan.

Tuklasin

Ang karapatan ay isang kakayahan ng isang tao o mamamayan


isang bansa na magdesisyon at gumawa ng mga bagay na may
kalayaan. Ang bawat bata ay may karapatan bilang isang anak at
mag-aaral. Karapatan mo na maranasan kung ano ang nararapat
para sa iyo.

Ang bawat bata ay may karapatang dapat igalang. Ito’y


dapat tamasahin at maranasan nang may kasiyahan.
Mahalagang malaman ang mga karapatang dapat
maranasan at matamasa ng mga batang tulad mo.

Narito ang mga halimbawa ng karapatan ng bawat bata.

3
1. Maisilang at magkaroon ng pangalan bilang isang
bata.

2. Magkaroon ng tahanan at pamilyang mag- aaruga.

3. Manirahan sa tahimik at payapang lugar.

4. Magkaroon ng sapat na pagkain , malusog at


aktibong katawan.

5. Mabigyan ng sapat na edukasyon.

6. Mapaunlad ang kakayahan.

7. Mabigyan ng pagkakataong makapaglaro at


makapaglibang.

8. Mabigyan ng proteksyon laban sa pang-aabuso,


panganib at karahasan.

4
9. Matutunan ang mabuting asal.

10. Makapagpahayag ng sariling pananaw.

Suriin

Panuto: Punan ang patlang ng iyong mga karapatan ayon sa


nakikita mo sa larawan. Hanapin ito sa loob ng kahon. Gawin ito
sa iyong sagutang papel.

1. Bilang isang bata, masaya ako kapag ako ay __________.

naglalaro nagsisimba

2. Karapatan kong mag-aral sa ___________.

daan paaralan

3. Karapatan kong magkaroon ng ____________.

pamilya laruan

4. Ipinaghahanda ako ng aking nanay ng ___________.

laruan pagkain

5. Ang batang tulad ko ay may karapatang __________.

maglaro magpagamot

5
Pagyamanin

Panuto: Gumuhit ng isang malaking puso sa sagutang papel.


Basahin ang nasa loob ng kahon. Piliin ang titik na nagsasaad ng
karapatang iyong tinatamasa. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

A. Mapagmahal na magulang at kapatid.


B. May masaya at tahimik na tahanan
C. Kasanayan sa pagbasa at pagsulat
D. May magulong kapit-bahay
E. Nagsusuot nang maayos na damit

Isaisip

Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang salitang bubuo sa bawat


pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

Ang bawat bata ay may ( karapatan, damdamin) na dapat


(tingnan, igalang). Ito’y dapat (masaya, tamasahin) at (
maranasan, dinggin) ng may kasiyahan. Upang kasiyahan ay
madama at ito ay makukuha sa pamamagitan ng iyong
karapatan.

6
Isagawa

A. Panuto: Ano ang iyong nararamdaman kapag ginagawa mo


ang sinasaad ng pangungusap. Iguhit ang masayang mukha
kapag masaya ka at malungkot na mukha kung hindi.
Gawin ito sa sagutang papel.

1. Naglalaro ako kasama ng aking mga kaibigan.


2 . Nag-aaral akong sumulat at bumasa.
3. Namamasyal kami ng aking buong pamilya.
4. Nagbibigay galang ako sa nakatatanda.
5. Nagsisimba kami ng aking pamilya tuwing araw ng
Linggo.

B. Panuto: Basahin ng may damdamin ang tulang nasa ibaba.

Karapatang Aking Tinatamasa

Karapatan ko’y mahalaga


Bilang isang musmos na bata
Pagkatao koy nahubog
Sapagkat magulang ko’y dakila
Pagmamahal at pag-aalaga
Sa akin ay handang kumalinga
Ngayon aking natatamasa
Bawat karapatan na may ligaya.

7
Tayahin
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang letra ng
iyong sagot sa sagutang papel.

1. Si Carlo ay nag-aaral sa ikalawang baitang.


A. Karapatang mag-aral
B. Karapatang mabuhay
C.Karapatang magsulat

2. Nagsisimba siya tuwing Linggo kasama ang kaniyang buong


pamilya.
A. Karapatan sa sariling relihiyon
B. Karapatang mag-aral
C. Karapatang mahalin

3. Sumasali siya sa paligsahan sa pagguhit.


A. Karapatang maging masaya
B. Karapatang paunlarin ang kakayahan
C. Karapatang maglaro

4. Si Popoy ay nagkasakit at ipinagamot siya ng kaniyang mga


magulang sa ospital.
A. Karapatang kumain
B. Karapatang matuto
C. Karapatang sa Pangangalagang Medikal

5. Masaya niyang ginagawa ang mga takdang aralin na ibinibigay


ng guro.
A. Karapatang mag –aral
B. Karapatang Magdasal
C. Karapatang maging malusog

8
Karagdagang Gawain

Panuto: Ano-ano ang mga karapatang tinatamasa mo? Isulat sa


loob ng kahon. Gawin ito sa sagutang papel.

9
10
Karagdagang Tayahin B. Isagawa
Gawain:
A. 1 5 8 9 10- A.
(Sariling sagot Pamilya
1.A 1.
ng mag-aaral)
2.A 2 6-Paaralan 2.
3.B
3-Simbahan 3.
4.C
5.A 4 7- 4.
Pamahalaan 5.
Suriin Balikan: Subukin:
1. Naglalaro 1.  1. pula
2. paaralan 2.
2. 
Pagyamanin: 3. masayang 3. pula
pamilya
3. 
4.  4.
4. masustansiya
5.  5. pula
ef ng pagkain
Abc 5. magpagamo
t sa doktor
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Department of Education. 2016. K To 12 Gabay Pangkurikulum


Edukasyon Sa Pagpapakatao.

Victoria Biglete, Maria Carla Caraan, Rolan Baldonado Catapang


, Isabel Gonzales, Enrico Habijan,Ph.D, Leah Bongat and
Ma.Teresa Castro. 2013. Edukasyon Sa Pagpapakatao 3
Patnubay Ng Guro. 1st ed. Department of Education.

Victoria Biglete, Maria Carla Caraan, Rolan Baldonado Catapang


, Isabel Gonzales, Enrico Habijan,Ph.D, Leah Bongat and
Ma.Teresa Castro. 2013. Edukasyon Sa Pagpapakatao 2
Kagamitan ng Mag-aaral. 1st ed. Department of Education.

Zenaida Espino, Gloria Cruz, Lerma Janda, Esmeraldo Lalo,


Ma.Theresa Castro, and Romulo Manoos. 2013. Araling
Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral. 1st ed. Department of
Education.

Karapatan ng bawat bata-slidesshre.net/rajnulada/10-karapatan-


ng-bawat-batang-pilipino.

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: [email protected]

You might also like