PANDIWA Hand-Outs
PANDIWA Hand-Outs
PANDIWA Hand-Outs
Ang pandiwa o berbo ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. Ito ay tinatawag na verb sa wikang Ingles.
Mga halimbawa:
Pumunta ako sa tindahan
Binili ko ang tinapay
"Kumain" ako ng tinapay kaninang umaga
POKUS NG PANDIWA
Pokus o tuon ng pandiwa ay ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap.
Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.
1. Tagaganap o Aktor
Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "sino?"
(mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-)
Ipinangsulat niya ang pentel pen para mabasa nila ang nakasulat.
Si Luciano Pavarotti ay pinagkalooban ng talino sa pag-awit.
6. Sanhi o Kosatibo
Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "bakit?"
(i- , ika- , ikina-)
Aspekto ng Pandiwa
1. Pangnagdaan.
Nagsasaad ito ng kilos o gawaing natapos na.
Halimbawa:
Madarama mo ang wagas na pakikipag-isa sa layunin ng makabuluhang pamumuhay kung maging tapat ka sa iyong
sarili.
Kaganapan ng pandiwa
Kaganapan ng pandiwa. Ito ay ang kaugnayan ng pariralang pangngalan sa pandiwa bilang tagaganap ng kilos,
tagatanggap, ganapan, kalaanan, pangganap, kadahilanan, at resiprokal.
1. Kaganapang tagaganap (actor complement).
Ito ang gumaganap ng kilos o gawaing isinasaad ng pandiwa. Dalawang uri ng tagaganap:
a. Ang tagaganap ng tahasang kilos na pinangungunahan ng ang / ang mga o si / sina at siya ring simuno
ng pangungusap.
*Inutusan si Raz ni Nanay na pumunta sa palengke.
b. Tagaganap ng pandiwang balintiyak na kilos na pinangungunahan ng ni / nina o ng / ng mga.
*Pinagkarera ni Mang Andoy ang mga alimango
2. Kaganapang tagatanggap (goal complement).
Kung ang pangngalan ang tumatanggap ng kilos o gawaing isinasaad ng pandiwa at ito’y karaniwang
pinangungunahan ng panandang ng, ito ang tuwirang layon (direct object).
Bumili ako ng dalawang malalaking alimango.
3. Kaganapang ganapan (locative complement).
Ang tao o lunang pinangyayarihan ng gawaing isinasaad ng pandiwa. Ito ay pinangungunahan ng sa o kay.
Dumalo ang mga tao sa palatuntunan.
4. Kaganapang kalaanan (benefactive complement). Di-tuwirang layon ang pangngalang nakikinabang sa gawaing
isinasaad ng pandiwa at ito ay pinangungunahan ng pariralang para sa o para kay.
Wala na siyang nagawa kundi iluto ang mga ito para sa aming magkakapatid.
5. Kaganapang pangganap (instrumental complement).
Kasangkapan ang tawag sa kaganapang nagsasaad ng bagay na ginagamit sa gawain o kilos na isinasaad ng
pandiwa. Ginagamitan ito ng panandangsa pamamagitan ng / ni, gaya ng.
Kapag nakikita ng tao ang kanyang kapwa na nagtatagumpay at umaasenso, pipilitin niya itong ibaba sa
pamamagitan ng paninirang puri.
6. Kaganapang kadahilanan (causative complement). Ang pangngalang nagsasaad ng sanhi o dahilan ng kilos na
isinasaad ng pandiwa ay ang kadahilanan at ang pananda ay dahil sa.
Walang manalu-nalo sa kanila dahil magaling silang manghila pababa.
7. Kaganapang resiprokal (reciprocal complement). May ilang pandiwang nagsasaad ng tuwangan o gantihang
kilos at ang mga ito ay may kaganapang tinatawag na katuwang. Ito ay maaaring tao o hayop at pinangungunahan
ng sa o kay.
Nakipagkita at nakipag-usap si Nanay kay Mang Isko upang ikwento ang aking tagumpay.
2. Maylipat
Ito ay may titik na nag-iiba ng lunan sa loob ng salita.
Tupdin (tuparin), tamnan (taniman) , sidlan (siliran)
3. Maypalit
Ito ay kapag mayroong isa o dalawang titik na napalitan ng iba.
Hagkan (halikan), datnan (datingan),
tawanan (tawahan)
4. Metatesis
(pagkakaltas + paglipat)
Halimbawa:
mangtahi = mananahi
mambato = mamato