Idioma at Tayutay
Idioma at Tayutay
Idioma at Tayutay
Itoy may kahulugan na hindi maaaring makuha o maunawaan sa literal na kahulugan nito.
May naiiba itong kahulugan sa literal o tahasang pahayag.
Kadalasay taglay nito ang maraming pangkulturang bagay: malarawan, mapagbiro at mapagpatawa. Nagtataglay din ito ng pansosyal at panliteral na pagpapahiwatig ng kahulugan.
Ahas - taksil; traidor hal. Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas.
Kabiyak ng Puso Asawa hal. Nakita na ni Kirito ang kabiyak ng puso niyang si Asuna.
Itaga sa bato - tandaan hal. Ang masasamang bagay na ginawa mo sa iyong kapwa,gaano man kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.
Magsunog ng kilay Mag-aral ng mabuti hal. Nagsusunog ng kilay ang anak ko dahil may pasulit siya bukas.
Matalas ang ulo - matalino hal. Matalas ang ulo ni Phineas kaya nagtapos siya nang may karangalan na Valedictorian at Magna Cum Laude.
Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat.
Pagtutulad (Simile)
-paghahambing nd dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga pariralang tulad ng, gaya ng, tila, kawangis ng at iba pa. Hal. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit.
Pagwawangis (Metaphor)
-ito ay tuwirang paghahambing sa dalawang bagay ngunit hindi ito gumagamit ng pariralang pagtutulad. Hal. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
-pagsasalin ng talino, gawi, katangian ng tao sa bagay o kalikasan. Hal. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
Pagpapalit-tawag (Metonomy)
-isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay. Hal. Ang anghel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.
Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)
- pabanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan o ng isang tao na kumakatawan sa isang pangkat. Hal. Bawat kamay sa nayon ay tumutulong sa pagtatayo ng paaralan.
Pagmamalabis (Hyperbole)
- pagpapalabis o pagpapakulang sa tunay na kalagayan ng tao, bagay / pangyayari. Hal. Bumaha ng dugo sa sagupaan ng militar at NPA.
Pag-uyam (Irony)
- paggamit ng pananalitang sa tiyakan ay tila kapuri-puri ngunit nangungutya ang kahulugan. Hal. Talaga palang napakagaling mong umawit, pampito ka sa pitong naglaban-laban.
Pag-tatambis (Antithesis)
- paglalahad ng isang bagay laban sa iba namang bagay; pagbanggit ng bagay na nagkakasalungat. Hal. Mahirap pakisamahan ang isang taong katulad niya... Sala sa init, sala sa lamig...