Kakayahang Lingguwistika Di Berbal

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Instructional Planning (iPlan)

(With inclusion of the provisions of D.O. No. 8, s. 2015 and D.O. 42, s. 2016)

Detailed Lesson Plan (DLP)


Petsa: Asignatura: Baitang: Kwarter: Oras:
Komunikasyon at 11 2 1
Nobyembre 20, 2023 Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Mga Kasanayan: Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan ( F11PT-IIe-87)
Hango sa Gabay Pangkurikulum
Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng paksang napakinggan sa
mga balita sa radyo at telebisyon.(F11PN-IId-89)
Susi ng Pagunawa na Mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng paksang napakinggan sa mga balita sa
Lilinangin: radyo at telebisyon
1. Layunin ng Pagkatuto: Kaalaman Naipaliliwanag ang iba’t ibang konseptong nakapaloob sa kakayahang
linggwistiko.
Kasanayan Naitala ang mga ponema, diptonggo, digrapo, klaster at pares-minimal at mga
salita at pahayag na magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang kahulugan
mula sa napakinggang awitin.
Kaasalan Napatatalas ang pandinig at paningin upang maging sensitibo nang matukoy
ang ipinasuring balarila mula sa awitin.
Kahalagahan Naipapakita ang pagiging Pilipino sa paggamit ng mga wastong salita sa
pakikipag-usap
2. Nilalaman KAKAHAYANG KOMUNIKATIBO Kakayahang Linggwistiko/ Istruktural/ Gramatikal
3. Mga Kagamitang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino p.122-124
Pampagtuturo laptop, tv
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain -Pagbabalik-aral sa mga nakaraang aralin.
-Pagsasagawa ng mga routinary activities: panalangin, pag-tsek ng atendans, paghahanda sa
pisikal na kaanyuan at atmospera ng klasrum.
Pagpapasagot ng isang pagsasanay na may kaugnayan sa lingguwistika/gramatikal.
4.2 Mga Gawain/Estratehiya

Pagproseso sa mga sagot ng mga mag-aaral.


4.3 Pagsusuri
4.4 Pagtatalakay Tatalakayin ang kahulugan ng kakayahang Komunikatibo at ang unang uri nito na kakayahang
Linggwistiko/ istruktural at gramatikal.
Sa unang talakayan ay tatalakayin ang mga paksang nakapaloob dito gaya ng mga patinig at
katinig sa Filipino, Mga Diptonggo, Digrapo, Klaster at Pares Minimal at Ponemang
Suprasegmental.
4.5 Paglalapat Pagbibigay ng halimbawang mga salita na may tunog patinig, katinig, diptonggo, digrapo, klaster at
pares minimal.

4.6 Pagtataya Isang pagsubok ang ibibigay sa mga mag-aaral.

I. Isulat ang DP kung ang mga salita ay may Diptonggo, DG kung Digrapo, KL kung may klaster at
PM kung Pares Minimal.
II. Ponemang suprasegmental
a. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng mga sumusunod na pahayag:
b. Sabihin kung ano ang pagkakaiba ng sumusunod na salita.
4.7 Takdang-Aralin

4.8 Paglalagom/Panapos na
Gawain

5. Mga Tala
Magnilay sa iyong mga istratehyang pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong
V. Pagninilay ang maaari mong gawin upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maaari mong itanong/ilahad sa iyong superbisor sa anumang tulong na maaari nilang ibigay sa iyo
sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng magaaral na nakaunawa
sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehyang
pagtuturo nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na
solusyunan sa tulong ang aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda: Sinuri ni:

MARISEL G. BALBUENA KIMBERLY S. MURING, PhD


Guro Punungguro
Mahalagang pamilyar ang gumagamit ng Filipino sa bahagi ng pananalita at gayon din sa proseso ng pagbubuo
ng mga salita sa wikang ito upang magamit niya ang mga ito sa kaniyang pakikipag-ugnayan.

Bahagi ng Pananalita: Mga Salitang Pangnilalaman

1. Mga Nominal

a. Pangangalan- nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari.

b. Panghalip- panghahalili sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari. Kabilang dito ang mga
panghalip na (a) panao o personal: ako, ikaw siya, tayo, kayo, sila, (b) pamatlig o demonstratibo: ito, iyan, iyon, nito,
niyan, noon, dito, diyan, doon, (c) pananong o interogatibo: sino, kanino, ano, saan, ilan, at (d) panaklaw o indefinite:
sino man, kanino man, ano man, alin man, gaano man, paano man.

2. Pandiwa- Mga salitang nagsasaad ng kilos. May tatlong aspekto ito a. Perpektibo o tapos na b.
imperpektibo o ginaganap pa at kontemplatibo o gaganapin pa lamang. May mga pokus din ang pandiwas aktor, layon,
benepaktibo, direksyonal, lokatibo, instrumental, kosatibo, at resiprokal.

a. Aktor Tumula ng isang madamdaming piyesa si Franceska

b. Layon Tinula ni Franceska ang isang madamdaming piyesa.

c. Benepaktibo Idinalaw ni Kyeli ang anak sa kanyang ama.

d. Direksyonal Tinunton ni Kyeli ng anak niya niya ang landas patungo sa

liblib na gubat.

e. Lokatibo Pinag-enrolan ni Vian ang Unibersidad ng Pilipinas para sa

kanyang araling gradwado

f. Instrumental Ipinang-enrol ni Vian sa Unbibersidad ng Pilipinas para sa

kanyang araling gradwado ang naipong pera.

g. Kosatibo Ikinatuwa ni Lyndon ang pagdalaw ni Kenneth.

h. Resiprokal Sa pagdalaw ni Lyndon kay Kenneth, nagkatuwaan sila.

3. Mga Panuring

a. Pang-uri. Mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing ito sa pangangalan o panghalip. Ilang
halimbawa nito sa kanilang kaantasan ay ang (a) lantay: dakila, matalino, (b) pahambing: simbango, mas matarik, di-
gaanong maasim, at (c) pasukdol: lubhang mahirap, napakatanyag.

b. Pang-abay- Mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pang-uri, pandiwa o kapwa pang-abay.
Ang mga pang-abay ay nauuri sa (a). pamanahon: bukas, kagabi, (b) panlunan: sa ibabaw ng mesa, sa likod ng bahay,
(c).pamamaraan: patalikod, padapa, at (d) panggaano: katamtamang kumain.

Bahagi ng Pananalita: Mga Salitang Pangkayarian

1. Mga Pang-ugnay

a. Pangatnig. Ito ang mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay. Ilang halimbawa nito
ay at, pati, ni, subalit, ngunit, dahil, sapagkat, datapwat, bagaman at habang.

b. Pang-angkop. Ito ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Kabilang dito ang
–na, -ng, -g, tulad ng sa, bahay na bato, bagong taon, luntiang dahon.

c. Pang-ukol. Inuugnay nito ang isang pangngalan sa iba pang salita. Ang sa, ng ay mga halimbawa nito.

2. Pananda

a. Pantukoy. Ito ang mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip. Kabilang dito ang si,
sina, ang at ang mga.

b. Pangawing. Ito ang mga salitang nagkakawing ng paksa o simuno at panaguri. Sa Filipino ang ay isang
pangawing na salita.
Bagaman sinasabing ang pangungusap na Flipino ay binubuo ng panaguri at paksa, maraming pangungusap na
Filipino ang walang paksa ngunit buo pa rin ang diwa. Mahalaga ang kaalmang ito upang maging mas madulas at
idyomatiko ang komunikasyon. Pasulat man o pasalita, epektibo ang paggamit sa mga ito sapagkat, natural at
PAGBUO NG MGA SALITA
ordinary ito sa mga talastasang gamit ang wikang Filipino. Upang maging pamilyar sa mga ito, pansinin ang mga
sumusunod
1. Paglalapi.
na halimbawa:
Tumutukoy ang prosesong ito sa paggamit ng panlapi upang makabuo ng mga bagong salita.
Kabilang dito ang pag-uunlapi; paggigitlapi; paghuhulapi; paglalaping kabilaan at paglalaping laguhan.
1. Pormularyong Panlipunan- Mga pagbati, pagbibigay-galang, at iba pa na nakagawian na sa lipunang
Pilipino.
a. Pag-uunlapi nagtapos, umawit, maganda

Hal.
3. b. Magandang
Paggigitlapi
Gagamitin umaga. tinapos,ng
din ang mga ito sa panghihiram gumanda
mga pangangalang pantangi, katawagang siyentipiko,
akademiko, teknikal at mga salitang mahirap na dagliang baguhin ang baybay dahil sa bigkas.
2.c. Eksistensyal
Paghuhulapi- Nagpapahayag ng pagkamayroon
tapusin, gandahan,
o pagkawala.
baguhin
a. Pangangalang Pantangi- Cedric, Leevon, Francisca.
Hal.
d. Wala paglalaping
na. kabilaan nagpuntahan, pagbutihin
b. Katawagang Siyentpiko, Akademiko, at Teknikal – video resolution, sulphuric acid, metal oxide
3.e. Pamanahon
paglalaping–laguhan
Nagsasaad ng oras o nagsumigawan
uri ng panahon. May dalawang uri ito.
c. Mahirap Dagliang Baguhin ang Baybay- banquet, cauliflower, bouquet
Penomenal-
2. Pag-uulit.
Pangungusap
Tumutukoyna tumutukoy
ang prosesong
sa mgaitokalagayan
sa pag-uulit
o pangyayaring
sa salita o bahagi
pangkalikasan
ng salita. Kung
o pangkapaligiran.
inuulit lamang
4. ang bahagi ng salita na karaniwang ang unang pantig nito, tinatawag itong pag-uulit na di-ganap.
Samantala, maari ang reispeling batay sa prinsipyong kung ano ang bigkis ng salita ay siya ring Tinatawag
baybay
Hal. Bumabagyo.
namang
nito malibanpag-uulit na nagiging
kapag (a) ganap kung ang buongang
katawa-tawa salita ay nito
anyo inuulit
sa upang makabuo
Filipino, ng bagong
(b) nagiging mahirap salita, at haluang
basahin pag-
ang bagong
uulit
anyo kungsa
kaysa
Maiinit ang buong(c)
orihinal,
ngayon. salita at bahagi
nasisira nito ay inuulit.
ang kabuluhang pangkultura, panrelihiyon o pampolitika ng pinagmulan, (d)
higit na popular ang anyo sa orihinal, at /e/ Lumilikha ng kaguluhan ang bagong anyo dahil may kahawig na
a. Umuulan.
Pag-uulit na Di-Ganap sasayaw, uuwi, tatakbo
salita sa Filipino.
b.
Temporal- Pag-uulit
Nagsasaadna ganap bahay-bahayan,
ng mga kalagayan o panahong angpanandalian;
bilis-bilis, damay-damay

c. Haluang Pag-uulit
Hal. Gabi na. sasayaw-sayaw, pipikit-pikit, loloko-lokohin

3. Pagtatatambal.
Lunes ngayon. Tumutukoy ang prosesong ito sa pagbubuo ng bagong salita mula sa dalawang
magkaibang salita. Maaaring may linker o wala ang pagtatambal.
Pasko na naman
Pagtatambal na Walang linker hampaslupa, pataygutom, bahaghari

Pagtatambal na May Linker dalagang-bukid, dugong-bughaw

4. Pagpapalitan ng Ponema/ Grafema. Karaniwang nagaganap ang pagpapalit ng d sa r kapag


napangungunahan ang d ng isang pantig o salitang nagtatapos sa a. sa salitang

Ang pagpapalit ng d sa r ay nagaganap sa mga pang-abay na din, rin, daw at raw. Nagiging rin ang din o raw ang
daw kapag sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig o malapatinig na w at y. Ngunit sinasabi na kapag
sinusundang salita ay nagtatapos sa ri-ra-raw o ray ang din o daw ay hindi nagiging rin o raw.

5. Pagbabaybay. Singhalaga rin ang pagkatuto ng pagpapalitan ng mga ponema para sa idyomatikong
komunikasyon ang pagkatuto sa ilang sinusunod na gabay sa Filipino. Bagaman hindi pa estandardisado ang
Filipino, mahalagang malaman din ng gumagamit din ng wikang ito na may rekomendasyon sa pasulat sa
pagbaybay lalo na sa mga bago at hiniram na mga salita. Narito ang ilang mga mungkahi. Mula sa
Ortograpiyang Pambansa 2014 sa paggamit ng walong bagong titik.

1. Ginagamit ang walong bagong titik sa modernisadong alpabeto: c,f,j,ñ,q,v,x,z sa pagpapanatili ng mga
4.
kahawigPahanga - nagsasaad
na tunogsa ngmga
pagsulat ng paghanga.
salita sa katutubong wika ng Pilipinas.
Hal. Napakaganda.
Alifuffug (Itawes)- (ipuipo)
5. Pautos (pipa
Feyu (Kalinga)- – nag-uutos.
na yari sa bukawe o tambo)
Hal.
JulupKunin mo. (masamang ugali)
(Tausog)-
6. Pakiusap
Vakul (Ivatan)- - nakikiusap
(pantakip sa ulo na yari sa damo)
Hal. Pakidala (buwan)
Vulan(Itawes)-
7. Sambitla-(kambing)
Kazzing (Itawes)- iisahin o dalawang pantig o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.

Hal. Aray!
Zigattu Ay! (Silangan)
(Ibanag)-
8.
2. Pagyaya
Ginagamit– din ang walong dagdag na titik sa mga bagong hiram na salita mulang Espanyol, Ingles, at iba
pang wikang banyaga. Ang mga laganap nang ginagamit ay hindi na kailangang gamitin nito gaya ng forma na
Hal. Tara Na.
mas kilala na sa anyo nitong porma. wifi, selfie, cellphone, visa
9. Modal - nangangahulugan ito ng ggusto, nais, ibig, pwede, maaari, dapat o kailangan.

Hal. Gusto ko rin.

10. Padamdam-nagpapahayag ng matinding damdamin ang mga ito.

Hal. Sunog! Nakakainis


Mula sa mga tunog na tumutulay sa pagbubo ng mga salita at angkop na pagbabaybay, at patungo sa pag-

Instructional Planning (iPlan)


(With inclusion of the provisions of D.O. No. 8, s. 2015 and D.O. 42, s. 2016)

Detailed Lesson Plan (DLP)

Petsa: Asignatura: Baitang: Kwarter: Oras:


Komunikasyon at 11 2 1
Nobyembre 21, 2023 Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Mga Kasanayan: Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa
Hango sa Gabay Pangkurikulum kausap, pinag-usapan, lugar panahon, layunin at grupong kinabibilangan.(F11PS-IIe-90)
Susi ng Pagunawa na Mga angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa
Lilinangin: kausap, pinag-usapan, lugar panahon, layunin at grupong kinabibilangan
1. Layunin ng Pagkatuto: Kaalaman Nakabubuo ng konsepto sa kakayahang sosyolinggwistiko.
Kasanayan Nakapagtatanghal ng isang dula-dulaan na gamit ang konsiderasyon sa
mabisang komunikasyon na “SPEAKING” ni Dell Hymes.
Kaasalan Nagagampanan nang maayos ang karakter sa dulang itatanghal na
ginagamitan ng modelong SPEAKING.
Kahalagahan Napapahalagahan ang mga dapat-isaalang alang para sa pakikipag-usap.
2. Nilalaman KAKAYAHANG SOSYOLINGGWISTIK

3. Mga Kagamitang Aklat, laptop


Pampagtuturo
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain Pagbabalik-aral sa mga nakaraang aralin.
-Pagsasagawa ng mga routinary activities: panalangin, pag-tsek ng atendans, paghahanda sa
pisikal na kaanyuan at atmospera ng klasrum.
Pagpapabasa ng dalawang dayalogo.
4.2 Mga Gawain/Estratehiya

Ano ang masabi ninyo sa una at pangalawang dayalogo?


4.3 Pagsusuri May pagkakatulad ba o may pagkakaiba ng pagbuo sa mga pahayag?
4.4 Pagtatalakay -Tatalakayin ng buong klase ang Kakayahang Sosyo Lingguwistik. Bibigyan ito ng kahulugan at
magbahagi ng mga karanasan na kung saan hindi naiakma ang paggamit ang isang wika ng isang
indibiduwal sa taong kanyang kinakausap.
-Tatalakayin ang akronim na SPEAKING ni Dell Hymes para sa isang mabisang komunikasyon.
Pagtukoy sa sino, paano, kailan, saan bakit nangyari ang sitwasyong komunikatibo.

4.5 Paglalapat Magsagawa ng isang dula-dulaan na nagsasaalang-alang sa mga Konsiderasyon sa Mabisang


Komunikasyon ni (Hymes 1974).
Maaring pumili sa mga sumusunod na sitwasyon:
1.May dumating na isang Amerikano sa inyong lugar, siya ay isang guro at nais na kumuha ng mga
bata na maging iskolar. Paano ninyo kausapin ito?
2.Sa isang job interview paano mo ipakilala ang iyong sarili, at ano ang tamang pagsasalita?
3.Sa isang silid-aralan na kung saan nagsagawa ng pagpupulong ang isang guro sa mga magulang
na galing sa bundok.
Kriterya:
Kaangkupan sa Paksa . . . . . . . . . . 5
Pagganap . . . . . . . . . .5
Pagkamalikhain . . . . . . . . . . .5

4.6 Pagtataya 1. Ano ang Kakayahang Sosyolinggwistik?


2. Ano ang mga konsiderasyon sa mabisang komunikasyon?

4.7 Takdang-Aralin

4.8 Paglalagom/Panapos na
Gawain

5. Mga Tala
Magnilay sa iyong mga istratehyang pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong
V. Pagninilay ang maaari mong gawin upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maaari mong itanong/ilahad sa iyong superbisor sa anumang tulong na maaari nilang ibigay sa iyo
sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng magaaral na nakaunawa
sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehyang
pagtuturo nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na
solusyunan sa tulong ang aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda: Sinuri ni:

MARISEL G. BALBUENA KIMBERLY S. MURING, PhD


Guro Punungguro
Instructional Planning (iPlan)
(With inclusion of the provisions of D.O. No. 8, s. 2015 and D.O. 42, s. 2016)

Detailed Lesson Plan (DLP)

Petsa: Asignatura: Baitang: Kwarter: Oras:


Komunikasyon at 11 2 1
Nobyembre 22, 2023 Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Mga Kasanayan: Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa
Hango sa Gabay Pangkurikulum kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin at grupong kinabibilangan (F11PS-IIe-90)
Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan ng
pagsasalita. (F11WG-IIf-88)
Susi ng Pagunawa na Pagpili ng angkop na mga Salita at Paraan ng Paggamit sa mga Usapan o Talakayan
Lilinangin:
1. Layunin ng Pagkatuto: Kaalaman Naipapaliwanag ang kahulugan ng kakayahang pragmatik
Kasanayan Nakapagsasadula ng isang sitwasyon na ginagamitan ng kakayahang
pragmatiK
Kaasalan Naipapakita ang respeto sa kapwa sa lahat ng panahon
Kahalagahan Nakalalahok sa mga talakayan at mga pangkatang gawain.
2. Nilalaman Kakayahang Pragmatik: Speech Act Theory & Cooperative Principle
3. Mga Kagamitang Aklat, laptop
Pampagtuturo
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain Pagbabalik-aral sa mga nakaraang aralin.
-Pagsasagawa ng mga routinary activities: panalangin, pag-tsek ng atendans, paghahanda sa
pisikal na kaanyuan at atmospera ng klasrum.
Tingnan ang mga sitwasyon at ibigay ang hinihingi ng mga ito. Paano ka magpahayag sa
4.2 Mga Gawain/Estratehiya pinakamabisang paraan sa mga sumusunod na sitwasyon?

1. Nais mong anyayahan ang iyong kaibigan na kumain.


2. Kaarawan mo bukas at inaasahan mong dadalo ang iyong kaklase na pumunta.
Itanong:
4.3 Pagsusuri 1. Masasabi mo ba na ang iyong pahayag ay nagpapakilos sa tao?
2. Ito ba ay pinakamainam na paraan sa pagpapahayag ng iyong mensahe?
3. May kaugnayan ba ang kahulugan ng iyong pahayag at kilos sa wika?
4. Mayroon ka pa bang ibang paraan sa pagpapahayag ng mensahe?
4.4 Pagtatalakay Pagtalakay sa kakayahang pragmatiko: speech act at cooperative principle.
4.5 Paglalapat Tukuyin ang tagong mensahe sa mga sumusunod na pahayag.
1. Lalaki: Maganda ka pala sa malapitan.
2. Doktor: Kailangan mong bawasan ang pagkain ng mga fast food.
3. Ina: Itigil mo na ang negosyong iyan.
4. Guro: Ipapatawag ko ang magulang mo.
5. Babae: Ihahanda mo na ang mga papeles natin.
4.6 Pagtataya Ilahad kung paano mo sasabihin ang iyong intensyon sa mga kasunod na sitwasyon.
1. Pagpapaalam sa magulang na hindi ka makauuwi nang maaga dahil kailangan tapusin ang
proyekto sa kabila ng curfew na ipinatutupad sa iyo.
2. Makikiusap ka sa iyong guro na ipapasa mo ang iyong proyekto kahit huli na at kahit pangatlong
beses kanang napagsabihan.
4.7 Takdang-Aralin Magsaliksik tungkol sa di-berbal na komunikasyon at magbigay ng mga halimbawa rito.
4.8 Paglalagom/Panapos na
Gawain

5. Mga Tala
Magnilay sa iyong mga istratehyang pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong
V. Pagninilay ang maaari mong gawin upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maaari mong itanong/ilahad sa iyong superbisor sa anumang tulong na maaari nilang ibigay sa iyo
sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng magaaral na nakaunawa
sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehyang
pagtuturo nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na
solusyunan sa tulong ang aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda: Sinuri ni:

MARISEL G. BALBUENA KIMBERLY S. MURING, PhD


Guro Punungguro
KAKAYAHANG PRAGMATIK

Isa pang mahalagang kakayahang dapat taglayin ng isang indibiduwal para sa mabisang komunikasyon ay
ang kakayahang pragmatiko. Tumutukoy ang kakayahang ito sa abilidad niyang ipabatid ang kanyang mensahe
nang may sensibilidad sa kontekstong sosyo-kultural at gayon din sa abilidad niyang mabigyang-kahulugan ang
mga mensaheng nagmumula sa iba pang kasangkot sa komunikatibong sitwasyon (Fraser, 2010). Mahihinuhang
kaakibat ng pagkatuto sa pragmatika ang pag-aaral ng kahulugang ibinabahagi ng pinagmulan ng mensahe, ng
kahulugang batay sa konteksto ng mensahe, ng mas epektibong pagpapabatid liban sa paggamit ng mga salita, at
ng nosyon ng agwat o distansya (Yule, 1996 & 2003). Inaasahan, kung gayon, na ang isang indibiduwal na may
kakayahang pragmatiko ay mabisang naihahayag ang kanyang mga mensahe sa pinakamainam na paraan, hindi-
lamang sa paggamit ng salita kundi ng iba pang estratehiya. Liban dito, inaasahan din sa kanya ang sinasabi, o di
nasasabi na may lubos na pagsasaalang-alang sa konteksto ng komunikasyon.

Speech Act Theory

Dahil hindi lamang nakatuon sa kontekstong gramatikal ang pragmatika kundi sa mga mas malalalim at
tagong kahulugan ng mga salita at mga pagganap sa sitwasyong komunikatibo, maiuugnay kung gayon dito ang
teorya ng speech act. Ang naturang konsepto ay pinasimulan ng pilosopong si John Austin (1962) at ipinagpatuloy
nina Searle (1969) at Grice (1975). Pinaniniwalaan ng teoryang ito na nagagamit ang wika sa pagganap sa mga kilos
at kung paanong ang kahulugan at kilos ay maiuugnay sa wika (Clark, 2007). Sa pagpapaliwanag ni Yule (1996 &
2003) ang mga speech act na ito ay mga kilos na ginanap sa pamamagitan ng mga pagpapahayag. Kabilang sa mga
ito ang paghingi ng paumanhin, pagrereklamo, papuri, paanyaya, pangako, o pakiusap.

Halimbawa, sa pahayag ng isang amo sa kanyang epleyado na Magpaalam ka na sa iyong mga kasama, higit pa ito
sa isang linggwistikong pahayag. Maliban sa gramatikal na kahulugan nito, maaaring pamamaraan ito ng
pagsasabing tinatanggal na ang nasabing empleyado sa trabaho. Isa itong halimbawa ng tinatawag na speech act.

Samantala, tinawag ni Austin (sa Clark 2007) ang berbal na komunikasyon bilang speech act at tinukoy
niyang sa bawat speech act, may tatlong magkakaibang akto na nagaganap nang sabay-sabay. Ang mga ito ay
tinawag niyang locutionary act, perlocutionary act, at illocutionary act. Sa pagpapaliwanag ni Yule (1996) sa
kanyang aklat na Pragmatics, inilahad niya na:

1. Ang locutionary act ay ang batayang akto ng pahayag o ang paggawa ng isang makabuluhan na linggwistikong
pahayag.

2. Ang illocutionary act ay tumutukoy sa intensyon at gamit ng pahayag. Ang paggawa ng mga lingguwistikong
pahayag ay hindi lamang ginawa nang walang dahilan. May nasasaisip na tiyak na paggagamitan sa mga ito.

3. Ang perlocutionary act naman ay tumutukoy sa epekto ng mismong pahayag.

Pansinin bilang halimbawa ang pahayag na Nagtimpla ako ng lemonade.

Sa kasong ito, ang locutionary act ay ang mismong pagsasabi ng naturang pahayag na Nagtimpla ako ng lemonada.
Dahil ang intensyon nito ay upang anyayahan ang kausap na uminom, maituturing kung gayon na illocutionary act
ang pag-anyayang ito. Mula sa intensyong yayain ang kausap, inaasahang sasaluhan siya nito sa pag-inom ng
lemonada. Ito naman ang perlocutionary act na tinatawag ding perlocutionary effect.

Upang maging epektibo sa mga ugnayang kinabibilangan, mahalaga kung gayon ang masusing pagtukoy ng
pinatutungkulan sa illocutionary act at ang mahusay nitong pagganap sa perlocutionary effect. Inaasahan ding
maging mahusay ang pinagmumulan ng mensahe sa kanyang paghahayag ng locutionary act. Sa ganitong paraan,
nagiging maayos ang daloy ng komunikasyon at masasabing matagumpay na naisagawa ang mga layunin ng akto.

Gayon pa man, gaano man kahusay ang mga kasangkot sa isang sitwasyong komunikatibo, naririyan pa rin ang
posibilidad ng mga suliranin lalo na kung may hindi nabigyang-kahulugan nang tama ng pinatutungkulan ang
illocutionary act sa isang sitwasyon. Ipinakikita nito ang kompleksidad ng komunikasyon at ang pagiging di-
perpekto ng prosesong ito. Halimbawang sinabing Mag-uusap tayo mamaya, maaring nagbabadya ito ng
pagbabanta dahil may nagawang kasalanan ang pinatutungkulan ng pagkagiliw sapagkat matagal nang di-
nagkakausap ang mga kasangkot sa sitwasyon, o ng pagkakaroon ng mahalagang sasabihin ng nagsasalita sa
nakikinig. Mahirap ang pagbibigay-kahulugan sa mga ganitong pahayag sapagkat hindi lamang ito nangangailangan
ng pag-alam ng mga naitalagang kondisyon ayon sa lingguwistikong pahayag kundi nagsasangkot din ito ng iba
pang paktor tulad na lamang ng kaalaman sa nakagawiang paggamit ng salita ng kausap, mga nakagawiang
tradisyon, at ng mismong sitwasyon.
Cooperative Principle

Upang mapagtagumpayan ang mga ganitong hamon sa komunikasyon, isa pang paraan ang makatutulong
para sa ikalulutas ng mga hamong ito- ang pagsasanay sa prinsipyo ng kooperasyon o mas kilala bilang cooperative
principle (Grice, 1975). Ayon sa prinsipyong ito, ang mga kasangkot sa komunikasyon ay inaasahang makikiisa para
sa isang makabuluhang pag-uugnayan. Naglahad si Grice (1975; nasa Clark,2007) ng apat na prinsipyo na
magagamit bilang gabay sa pakikisangkot sa mga interaksyong interpersonal. Tinawag niyang maxims of
conversation ang mga ito. Narito ang mga prinsipyo sa kumbersasyon na kaniyang binanggit:

1. Ang prinsipyo ng kantidad ay naiuugnay sa dami ng impormasyong kailangang ibigay.

a. Ibigay ang inaasahang dami ng impormasyong mula sa iyo.

b. Huwag lalampas sa impormasyong inaasahan mula sa iyo.

2. Ang prinsipyo ng kalidad ay naiuugnay sa katotohanan ng ibinibigay na impormasyon.

a. Huwag sabihin ang pinaniniwalaan mong hindi totoo.

b. Huwag mong banggitin ang mga bagay na wala kang sapat na katibayan.

3. Ang prinsipyo ng relasyon ay naiuugnay sa halaga ng ibinibigay na impormasyon.

a. Panatilihing mahalaga ang mga ibinibigay na impormasyon.

4. Ang prinsipyong pamaraan ay naiuugnay sa paraan ng pagbibigay sa impormasyon.

a. Iwasan ang pagbibigay ng mga pahayag na mahirap maunawaan.

b. Iwasan ang pagbibigay ng malalabong ideya.

c. Gawing maiksi at huwag magpaligoy.

d. Ayusin ang pagpapahayag.

Batay sa prinsipyong ito, pansinin ang kasunod na sitwasyon:

Lalapit si Vincent kay DJ na nakaupo sa may bangko sa ilalim ng punong mangga. Sa ilalim ng bangko ay isang
nakahilatang pusang puting-puti ang balahibo.

Vincent: Maamo ba ang pusa mo?

DJ: Oo naman.

Bubuhatin ni Vincent ang puting pusa sa ilalim ng bangkong inuupuan ni DJ.

Vincent: Aray, kinalmot ako! Sabi mo, maaamo?

DJ: Hindi ‘yan ang pusa ko!

Mapapansin na nagkaproblema sa sitwasyong ito dahil sa kawalan ng pakikiisa ni DJ sa kumbersasyon. May


paglabag sa tinatawag na prinsipyo ng kantidad sapagkat hindi sapat ang impormasyong kanyang ibinigay upang
hindi sana naganap ang aksidente o maling pag-aakala ni Vincent. Kung sinabi niya sanang maamo ang pusa niya
ngunit hindi ito ang nasa ilalim ng bangko, maaaring naiwasan sana ang pangyayari at nagkaunawaan sila. Bagaman
isa rin itong indikasyon ng kawalan ng intensyon ni DJ para makiisa sa ugnayan.

May dalawang aral, kung gayon na, maaaring makuha sa sitwasyong nailahad. Una, bilang kasangkot sa
isang komunikatibong sitwasyon, dapat may kakayahan kang malaman kung nakikiisa ang iyong mga kasama sa
sitwasyong kinasasangkutan. Ito ay upang makapag-adjust sa mga bagay-bagay na dapat mong gawain.
Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagbasa o pagpapakahulugan sa mga senyas na di-berbal na namamayani sa
konteksto ng usapan. Ikalawa, dapat sikaping magbigay ng sapat at makabuluhang mga impormasyon ang bawat
kasapi sa usapan upang maging matagumpay ang komunikasyon.
Pansinin ang isa pang sitwasyon:

Trishia: Nasaan ang mga file para sa programa bukas?

Macy: Nasa kabinet ni Prop. Lee. Sa ikalawang drawer nito.

Kung papansinin, umaayon ito sa prinsipyo ng kooperasyon. Una, kompleto ang detalye ng
impormasyong kinakailangan. Hindi labis at hindi rin kulang. Naibigay ang ninanais na impormasyon. Ikalawa,
sinabi ni Macy ang totoong kinalalagyan ng mga hinahanap na file ayon sa katiyakang pinanghahawakan niya
base marahil sa personal niyang pagkakaalam sa aktuwal na kinaroroonan ng mga ito. Ikatlo, dahil tiyak at totoo
ang mga impormasyong ibinigay ng mga kasangkot, naitanong ang nais malaman, at naibigay ang kasagutang
hinahanap, napanatili ang halaga ng bawat impormasyon. At ikaapat, malinaw at di-maligoy ang palitan ng
pahayag. Naging maaayos kung gayon ang daloy ng kumbersasyon.

Instructional Planning (iPlan)


(With inclusion of the provisions of D.O. No. 8, s. 2015 and D.O. 42, s. 2016)

Detailed Lesson Plan (DLP)

Petsa: Asignatura: Baitang: Kwarter: Oras:


Komunikasyon at 11 2 1
Nobyembre 23, 2023 Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Mga Kasanayan: Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa
Hango sa Gabay Pangkurikulum kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin at grupong kinabibilangan (F11PS-IIe-90)
Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan ng
pagsasalita. (F11WG-IIf-88)
Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan. (F11PT-IIe-87)
Susi ng Pagunawa na Pagpili ng angkop na mga Salita at Paraan ng Paggamit sa mga Usapan o Talakayan
Lilinangin:
1. Layunin ng Pagkatuto: Kaalaman Natutukoy ang mga uri ng di-berbal na komunikasyon.
Kasanayan Nakapagtatanghal ng isang dayalogo gamit ang mga uri ng di-berbal na
komunikasyon.
Kaasalan Nakalalahok sa mga talakayan at pangkatang gawain.
Kahalagahan
2. Nilalaman Kakayahang Pragmatik - Komunikasyong Di- Berbal
3. Mga Kagamitang Aklat, laptop
Pampagtuturo
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain Pagbabalik-aral sa mga nakaraang aralin.
-Pagsasagawa ng mga routinary activities: panalangin, pag-tsek ng atendans, paghahanda sa
pisikal na kaanyuan at atmospera ng klasrum.
Maglaro ng picture frame sa loob ng klase. Isakilos ang mga ibinigay na kaganapan na hindi
4.2 Mga Gawain/Estratehiya gumagamit ng salita, kailangan puro kilos lamang at senyas. Kapag sinabing “FREEZE” ang bawat
pangkat ay huminto at manigas. Kung may gagalaw na kasapi sa pangkat ay ma disqualified na.
Ang may pinakamahusay na ekspresyon at kilos ay makakakuha ng malaking marka.
1. Kasalan
2. Binyagan
3. Paglalamay
4. Pagtawid sa daan
5. Hinahabol ng kriminal
1. Nagagawa ba ninyo nang maayos ang mga ipinapagawa sa inyo na mga eksena? Bakit?
4.3 Pagsusuri 2. Alin ang mas madaling isakilos iyong puro senyas lamang o iyong may kasamang salita?
Magbigay ng iyong ganting galaw.
4.4 Pagtatalakay Pagtalakay sa mga uri ng komunikasyong di-berbal.
4.5 Paglalapat Hinuhain ang sinasabi o iinisip ng mga tauhan sa ipinakitang larawan. Gawan ito ng dayalogo. At
pagkatapos ay ilahad sa harap ng klase.
4.6 Pagtataya Tukuyin ang uri ng komunikasyong di-berbal na ginamit sa mga sumusunod na sitwasyon.
1. Pagpisil sa palad ng kaibigang namatayan upang ipahiwatig ang pakikiramay
2. Pagsusuot ng t-shirt na kulay pula at pagtatali ng ribbon nakulay pula sa noo sa isang rali sa
Mendiola.
3. Paggamit ng simbolo ng babaeng nakapiring at may tangang espada at timbangan sa mga
gusali at tanggapan ng korte o hukuman.
4. Pagsimangot sa harap ng isang kakilalang kinayayamutan
5. Pag-upo nang magkalapit na magkalapit ng isang magkasintahan sa loob ng isang jeep na may
ilang pasahero laman
6. Pagtawag ng anak sa cellphone ng kanyang mga magulang nang hatinggabi.
7. Pagkaway sa asawa ng OFW na papasakay nang eroplano
8. Pagkindat ng isang mata bilang paghiwatig ng pagbibiro lamang.
9. Pasigaw na pagtawag sa pangalan ng isang tao dahil sa matinding galit.
10. Pagsusuot ng isang babaeng ng blouse na may malalim na neckline upang ipangalandakan
ang kanyang malalim na cleavage

4.7 Takdang-Aralin

4.8 Paglalagom/Panapos na
Gawain

5. Mga Tala
Magnilay sa iyong mga istratehyang pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong
V. Pagninilay ang maaari mong gawin upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maaari mong itanong/ilahad sa iyong superbisor sa anumang tulong na maaari nilang ibigay sa iyo
sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng magaaral na nakaunawa
sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehyang
pagtuturo nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na
solusyunan sa tulong ang aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda: Sinuri ni:

MARISEL G. BALBUENA KIMBERLY S. MURING, PhD


Guro Punungguro

PAGLALAPAT
GAWIN mo!

Hinuhain kung ano ang sinasabi o iinisip ng mga tauhan sa ipinakitang larawan. Magbigay ng reaksyon batay
sa ibilahad ng mga kaklase sa harap.

You might also like