Fil 6 QTR 3 Week 1 Day 2

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

Nagagamit ang pariralang pang-abay

sa paglalarawan ng paraan, panahon,


lugar ng kilos at damdamin

F6WG-IIIa-c-6
Piliin ang mga pandiwa sa pangungusap. Itala ang inyong sagot sa inyong
kwaderno.
1. Nahulog sa ilalim ng mesa ang kutsara.
2. Tumatakbo nang matulin ang mga sasakyan.
3. Nakabili kahapon ng bagong TV ang kapitbahay namin.
4. Tumakas noong nakaraang linggo ang 7 bilanggo sa
piitang bayan.
5. Magagandang bulaklak ang pinitas nila sa
halamanan.
Piliin ang mga pandiwa sa pangungusap
6. Masisipag lang ang tinatanggap na manggagawa sa paggawaan
ng sapatos.
7. Lumipat na sila ng tirahan sa San Pedro, Laguna.
8. Ang grupo nila ay sumasayaw sa entablado.
9. Naglaro nang mahusay si Jempot kaya sila nanalo.

10. Nagtanim maghapon ang mga magsasaka.


Ganito ba ang nakalistang sagot mo? Habang tinitingnan mo
kung tama ang mga inilista mo, sasagutin mo naman ang mga
tanong sa loob ng panaklong. Ilista mo rin uli.
1. Nahulog (Saan nahulog ang kutsara?)
2. Tumatakbo (Paano tumatakbo ang mga sasakyan?)
3. Nakabili (Kailan nakabili ng TV ang kapitbahay?)
4. Tumakas (Kailan tumakas ang 7 bilanggo?)
5. Pinitas (Saan pinitas ang magagandang bulaklak?)
6. Tinanggap (Saan tinanggap ang masisipag na manggagawa?)
7. Lumipat (Saan sila lumipat ng tirahan?)
8. Sumasayaw (Saan sumasayaw ang grupo nila?)
9. Naglaro (Paano naglaro si Jempoy?)
10. Nagtanim (Gaano katagal nagtanim ang mga magsasaka?)
Ngayon, tingnan mo rin kung tama ang mga sagot mo sa mga nasa
loob ng panaklong.

1. sa ilalim ng mesa 6. sa pagawaan ng sapatos


2. nang matulin 7. sa San Pedro, Laguna
3. kahapon 8. sa entablado
4. Noong nakaraang linggo 9. nang mahusay
5. sa halamanan 10. maghapon
BASAHIN ANG BABALA:
 

INAALAGAANG MABUTI ANG MGA PUNUNGKAHOY SA


GUBAT. ITINANIM NANG MAAYOS ANG MGA PUNO RITO.
PARURUSAHAN NANG MABIGAT ANG MANINIRA NG
PUNUNGKAHOY. SUMUNOD NANG MATAIMTIM SA BATAS
NG KAGUBATAN.
Ano ang pandiwa sa unang pangungusap?
Inaalagaan
Paano inaalagaan ang mga punungkahoy sa kagubatan?
mabuti
Anong salita ang binibigyang turing ng salitang mabuti?
Inaalagaan
Anong bahagi ng pananalita ang mabuti?
Pang-abay
Ano ang pandiwa sa ikalawang pangungusap?
Itinanim
Paano itinanim ang mga puno?
maayos
Anong salita ang binibigyang turing ng salitang maayos?
Itinanim

Anong bahagi ng pananalita ang maayos?


Pang-abay
Ang mga salita at pariralang
naglalarawan o nagbibigay turing
sa pandiwa ay tinatawag na pang-abay.
Anu-ano yong salita at mga pariralang nagbibigay turing
sa
pandiwa? Tingnan natin ang mga may bilog.
Pariralang pang-abay ang parirala na
nagbibigay turing sa pandiwa tulad
ng… nang maayos, nang mabigat, nang
mataimtim, malugod na at mabilis na.
Ang salitang may bilog ay sumasagot sa
tanong na paano ginawa, ginagawa
o gagawin ang kilos. Ito ang paraan ng
pagkakagawa ng kilos. Pang-abay na
pamaraan ang tawag dito.
Punuan mo ang patlang. Nagawa na ang unang pangungusap.

Ang pagtuturo sa tamang paglalaro ng basketball ay


gaganapin sa Ateneo de San Jose.

Ang pandiwa sa unang pangungusap ay – ay


gaganapin.
Saan gaganapin? sa Ateneo de San Jose.
Ito ang nagbibigay turing sa pandiwa.
Ito ang pariralang pang-abay.
Punuan mo ang patlang. Nagawa na ang unang pangungusap.
Ang pandiwa sa ikalawang pangungusap ay -
________________________ Saan gagawin? ____________________ Ang
pandiwa sa ikatlong pangungusap ay - _______________________
Saan maaaring magpatala? __________________________ Ang
pandiwa sa ikaapat na pangungusap ay - _____________________
Saan hahanapin ang namamahala? ___________________________
Pansinin na ang mga pariralang pang-abay ay tumutugon sa
tanong na saan.
Ibig sabihin ang sagot ay mga pook. Ang mga pariralang ito ay
tinatawag na pariralang pang-abay na panlunan o pampook
Basahin ang isang panuto para sa isang pagsusulit.
Ano ang dadalhin sa araw ng pagsusulit? Bakit
kailangang maging maaga? Ilang oras aabot ang
bawat pagsusulit? Ilang araw ang itatagal ng
pagsusulit sa limang asignatura? Naintindihan mo
ba ang panuto. Masusunod mo ba at
maisasagawa?
Suriin ang mga pangungusap.
1. Lapis at pambura ang inyong dadalhin sa araw ng pagsusulit.

2. Pumasok nang maaga upang di mahuli sa iksamen.


3. Sa ganap na ika-8 ng umaga magsisimula ang pagsusulit.

4. Tatlong asignatura ang isasagawa sa Lunes.

5. Dalawa naman ang gagawin sa kasunod na araw.


Ang mga salitang may salungguhit ay ang mga pandiwa. Ang
mga nasa kahon ay mga pariralang pang-abay. Nagbibigay
turing ito para sa pandiwa.
Kailan dadalhin?
_____________________
Ang mga pariralang nasa
Kailan papasok?
kahon ay magsasabi kung
_____________________
kailan gagawin o ginawa Kailan magsisimula?
ang kilos. Nagsasabi ito ng ___________________
panahon o oras. Tinatawag Kailan isasagawa?
itong pariralang pang-abay ___________________
na pamanahon. Tumutugon Kailan gagawin?
ito sa tanong na Kailan. ____________________
Karagdagang Gawain:

You might also like