Pananakop Final

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

PANANAKOP

NG MGA
KOLONYALISTA
SA PILIPINAS
Ang Pilipinas ay nasakop ng mga kolonyalistang Espanyol, Amerikano, Hapones
na nagbigay ng mga ambag sa kasaysayan at kultura ng bansa. Narito ang ilan sa mga
ambag ng mga kolonyalistang mananakop na nagdulot ng mga mabubuti at
masasamang epekto sa mga Pilipino at sa ating bansa.
PANAHON NG PANANAKOP NG MGA ESPANYOL
Ang mga Espanyol ang unang nanakop sa Pilipinas na nagtagal ng 333 taon.
AMBAG SA KASAYSAYAN
1. Kristiyanismo
Magandang Epekto: Nagkaroon ng dibersidad pagdating sa paniniwala.
Nagkaroon din ng mga pista at gabay sa pagiging mabuting tao sa pamamagitan
ng mga turo ng simabahan.
Masamang Epekto: Nabago ng Kristiyanismo ang mga tradisyon at paniniwala
ng mga Pilipino. (Kalagayan ng babaylan sa lipunan) Nabihag ang mga Pilipino
sa mga aral ng Kristiyanismo dahil naging tanda ito ng katapatan sa Espanya.
2. Edukasyon
Magandang Epekto: Nagkaroon ng pormal na sistema ng edukasyon ang mga
Pilipino na naging daan upang magkaroon tayo ng mga bagong kaalamang
siyentipiko at ibang pang agham.
Masamang Epekto: Nabago ang mga pananaw ng iilang Pilipino hinggil sa mga
mananakop dahil sa mga itinuturo ng dayuhan ukol sa kanilang mga kultura at
tradisyon. Hindi lahat ng Pilipino ay nabigyan ng pagkakataong makapag-aral
kung kaya’t nanatiling mga alipin ang mga ito.
3. Pamamahala
Magandang Epekto: Ang payak na sistema ng pamumuno ng mga Pilipino noon
na limitado lamang sa mga datu ng barangay ay napalitan na kung saan naging
mas maayos at kontrolado ang mga nasasakupan. Nagkaroon ng pamahalaan at
lider na may pinakamataas na posisyon; ang presidente, at mga opisyales o lider
na inatasan nito sa iba’t ibang lugar o rehiyon ng bansa.
Masamang Epekto: Nawalan ng kalayaan ang mga Pilipino na totoong
pamahalaan ang sariling bansa. Naging alipin ang mga Pilipino ng mga
Espanyol.
4. Buwis
Magandang Epekto: Nagkaroon ang mga tao ng kontribusyon sa pamahalaan
na ginagamit sa gastusin ng pagpapagawa ng mga paaralan, simbahan, at ibang
imprakstraktura. Ginagamit din ito para pa sa ibang proyekto at gastusin sa
pagpapaayos ng sistema ng pamumuhay sa bansa.
Masamang Epekto: Nagiging abusado ang mga lider ng pamahalaan na kung
saan ang iba ay binubulsa lamang at hindi ginagamit sa mga proyektong dapat
gawin. Nagresulta ito sa pang-aabuso sa mga katutubo at ang pagkamkam ng
mga yaman ng mga ito.
5. Programang Pangkabuhayan
Magandang Epekto: Nagkaroon ng programang pangkabuhayan kung saan
inilagay ang ilang lalawigan sa maraming taniman ng tabacco.
Masamang Epekto: Nagkaroon ng sapilitanng pagbenta ng niyog at bigas sa
pamahalaan kung saan ang ang pamahalaan ang nagtatakda ng presyo.
AMBAG SA KULTURA
1. Wikang Espanyol
Magandang Epekto: Nadagdagan ang wikang ginagamit ng mga Pilipino at ang
mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw tulad na lamang ng salitang “silya.”
Ang mga salitang natutunan ay patuloy na ginagamit sa kasalukuyan.
Masamang Epekto: Ang wikang Espanyol ang ginamit sa komunikasyon sa
pamahalaan, edukasyon, at kalakalan noong buong panahon ng pananakop ng
mga Espanyol.
2. Kaugalian at Kasanayan
Magandang Epekto: Nagkaroon ng mas malalim na kaugalian ang mga Pilipino
gaya ng paggalang sa nakakatanda, paggamit ng “po” at “opo”.
Masamang Epekto: Nakuha ng mga Pilipino ang “Mañana Habit”, at “Crab
Mentality”.
3. Imprastraktura
Magandang Epekto: Nakapagtayo ng iba’t-ibang imprastraktura ang mga
Espanyol katulad ng paaralan, simabahan, tulay at marami pang iba.
Masamang Epekto: Sa pagbuo ng mga impratrakturang ito ay ginamit ang mga
Pilipino sa pamaamgitan ng Polo y Servicio o sapilitang paggawa.
4. Pananamit
Magandang Epekto: Natutong manamit ng pantalon, sombrero at mga damit na
may manggas ang mga Pilipino.
Masamang Epekto: Napalitan ang kasuotan ng Pilipino. Hindi nabigyang halaga
ang mga kasuotan ng mga tribo at tinangkilik ng mga Pilipino ang makabagong
kasuotan.
5. Sining
Magandang Epekto: Napalawak ng Espanya ang sining ng bansa sa larangan
ng musika, sayaw at teatro.
Masamang Epekto: Hindi nabigyang pansin ang sariling kultura ng Pilipinas at
hindi ito napalawak simula noong pumasok ang mga Espanyol.

PANAHON NG PANANAKOP NG MGA AMERIKANO


Ang mga Amerikano ang nanakop sa Pilipinas matapos ang mga Espanyol na
nagtagal ng 42 taon.
AMBAG SA KASAYSAYAN
1. Kalayaan sa mga Espanyol
Magandang Epekto: Lumaya ang Pilipinas sa papamagitan ng pakikipaglaban
ng Amerikano sa mga Espanyol kapalit ng pagalpas ng mga Espanyol sa bansa.
Masamang Epekto: Nagkaroon ng panibagong mananakop at napunta ang
Pilipinas sa mga kamay ng mga Amerikano. Sumiklab ang panibagong mga
digmaan at himagsikan para makamit ang kalayaan.
2. Republika
Magandang Epekto: Nakapagtatag ng mas maayos na gobyerno at nadala
natin ang ganitong uri ng pamamalakad, kung saan ang bansa ay nakadepende
sa boses ng mga mamamayan, hanggang sa kasalukuyan.
Masamang Epekto: Amerikano parin ang namuno rito noong panahon ng
kanilang pananakop.
3. Free Trade
Magandang Epekto: Ang mas malawak na koleksyon ng mga produkto galing
sa ibang mga bansa. Mas madaling pagkamit sa iba’t ibang klase ng kagamitan
at iba pa.
Masamang Epekto: Mas maliit na posibilidad ng pagtangkilik sa produktong
Pilipino. Umunti ang mga oportunidad pangkabuhayan.
4. World War I
Magandang Epekto: Lumaban ang mga Pilipino kasama ang mga Amerikano.
Nagkaroon ng makukunsidera na kakampi ang Pilipinas sa pagharap sa digmaan
na ito.
Masamang Epekto: Patuloy na napapaniwala at nalinlang ng mga Amerikano
ang mga Pilipino na sila ay may mabuting intension kahit na ang intension
lamang ng mga ito ay gamitin ang Pilipinas sa kaunlarang ekonomiya ng
Amerika.
5. World War II
Magandang Epekto: Nakamit natin ang kalayaang ipinangako ng mga
Amerikano matapos nito.
Masamang Epekto: Natutong umasa ang mga Pilipino sa mga Amerikano sa
pagharap sa digmaan.

AMBAG SA KULTURA
1. Wikang Ingles
Magandang Epekto: Nadagdagan ang kaalaman ng mga Pilipino patungkol sa
ibat’ ibang mga wika na ginagamit sa pang-araw-araw. Ang mga salitang
natutunan ay patuloy na ginagamit sa hanggang kasalukuyan.
Masamang Epekto: Sa pagpatuloy ng pagkatuto ng mga Pilipino ng ibang wika,
may mga pagkakataon na nakakaligtaan na ang ating sariling wika.
2. Kaugalian at Kasanayan (Colonial Mentality)
Magandang Epekto: Nagkaroon ang mga Pilipino ng bukas na isip dahil
nakukuha natin ang iba’t ibang kultura ng ibang bansa na maaring magamit sa
ikakabuti ng ating sariling bansa.
Masamang Epekto: Tumindi ang paniniwala ng mga Pilipino na mas nakakataas
ang mga Amerikano kaysa sa kanila. Isang halimbawa ay ang mga produkto na
ating nagagawa kumpara sa mga nagagawa nila.
3. Edukasyon
Magandang Epekto: Maraming mga pampublikong paaralan ang naipatayo sa
Pilipinas dahilan upang maraming mga Pilipino ang nakapag-aral. Ito ay
pinamumunuan ng mga sundalong guro na tinatawag na mga “Thomasites”.
Masamang Epekto: Pagtindi ng kaisipang kolonyal ng mga Pilipino dahil mas
pinagtibay ng mga itinuturo sa mga institusyon; ang paniniwala ng mga Pilipino
na mas makapangyarihan at mas angat ang Estados Unidos kaysa sa Pilipinas.
4. Pagkain
Magandang Epekto: Nadagdagan ang mga pagkain na alam ng mga Pilipino.
Ilang halimbawa nalang ay Hamburger, French Fries, at mga Steak.
Masamang Epekto: Tinangkilik ng mga Pilipino ang mga pagkain na ito ngunit
ito ay hindi gaanong masustansya para sa ating kalusugan.
5. Transportasyon
Magandang Epekto: Mas napabilis at napagaan ang pamamaraan ng
transportasyon sa bansa dahil sa mga bagong uri ng mga masasakyan.
Masamang Epekto: Hindi naging masama ang epekto ng pagpapakilala ng mga
Amerikano sa mga makabagong uri ng mga transportasyon, kung tutuusin
nakatulong ito sa pagbababilis at pagpapagaan ng transportasyon sa Pilipinas.
PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPON
AMBAG SA KASAYSAYAN
1. Nagkaroon ng Ikalawang Republika o Pamahalaang Puppet
Mabuting Epekto: Pinayagan parin ng mga Hapon na magkaroon tayo ng
sariling pamahalaan at mga pinuno. Nagsilbi itong ugnayan ng mga Hapon at
mga Pilipino.
Masamang Epekto: Kontrolado parin ng mga Hapon ang lahat ng patakaran at
pamamalakad sa Pilipinas.
2. Death March
Mabuting Epekto: Walang magandang naidulot ang Death March sa kapakanan
ng mga Pilipino maliban nalang sa mas nagkaroon ng matinding pag-aaklas
pagkatapos ng pangyayaring ito.
Masamang Epekto: Maraming mga Pilipino ang pinahirapan at namatay.
3. Administrasyong Militar ng mga Hapon (Japanese Military Administration)
Mabuting Epekto: Naging malawak ang paggamit ng Tagalog at lumakas ang
pwersa ng mga sundalo.
Masamang Epekto: Naging malupit ang mga Hapon sa mga Pilipino.
4. Matinding kakulangan ng bigas (Rice Shortage)
Mabuting Epekto: Nagkaroon ng ibang pamamaraan upang magkaroon ng
bigas at ipinakilala ang Horai Rice sa Pilipinas.
Masamang Epekto: Nakaranas ng matinding kagutuman ang mga Pilipino at
lubos na tumaas ang mga presyo ng mga bigas sa merkado.
5. Mickey Mouse Money
Mabuting Epekto: Nagkaroon ng bagong uri ng salapi na naging parte ng ating
kasaysayan.
Masamang Epekto: Sa kadahilanang sobrang baba ng halaga ng perang ito,
dumanas ang mga Pilipino ng mataas na inflation rate.
AMBAG SA KULTURA
1. Pagtanggal ng tsinelas bago pumasok ng bahay
Mabuting Epekto: Nagkaroon ng bagong kaugaliang pang-Asyano ang mga
Pilipino na ipinakilala ng mga Hapon. Ito ay naging permanenteng kaugalian na
patuloy na isinasagawa sa kasalukuyan.
Masamang Epekto: Wala namang nakikitang masamang epekto ang kaugaliang
ito na ipinamana ng mga Hapon dahil dinagdagan lang nito ang tradisyon ng mga
Pilipino
2. Pagpapalipad ng mga saranggola
Mabuting Epekto: Nagkaroon ng bagong uri ng libangan ang mga bata.
Masamang Epekto: Walang naidulot na masamang epekto sa mga Pilipino.
3. Radio Calisthenics
Mabuting Epekto: Nakakapag-ensayo tuwing umaga ang mga Pilipino upang
gumanda ang pangangatawan at kalusugan.
Masamang Epekto: Walang masamang epektong naidulot sa mga Pilipino.
4. Paggamit ng Haiku at paggawa ng mga maikling kuwento
Mabuting Epekto: Umusbong ang kakayahan sa panitikan at nagkaroon ng
bagong midyum sa paggawa nito.
Masamang Epekto: Walang masamang epektong naidulot sa mga Pilipino.
5. Paggamit ng Tagalog at Wikang Hapones
Mabuting Epekto: Pinalawig ng mga Hapon ang paggamit ng wikang Tagalog
upang mas mapayabong ito at itinuro ang wikang Hapones sa mga Pilipino.
Masamang Epekto: Walang naging masamang epekto ang pagpapatupad ng
mga Hapon sa paggamit ng wikang Tagalog at Hapones.

Konklusyon
Ang mga Espanyol, Amerikano, at Hapon ay ang mga kolonyalistang dayuhan na
sumakop sa Pilipinas. Sa bawat pamumuno ng nasabing lahi ay nag-iwan ito ng mga
ambag sa ating kasaysayan at kultura. Binago nila ang mga nakasanayang tradisyon at
pag-uugali ng mga Pilipino at ipinakilala ang sari-sarili nilang tradisyon at pag-uugali.
Ang kanilang mga ambag ay nag-iwan ng mga positibo at negatibong epekto sa ating
bansa. Ang lahat ng mayroon tayo ngayon ay isang malaking impluwensiya ng mga
kolonyalistang dayuhan, mula sa ating pag-uugali hanggang sa mga bagay na nakikita
natin sa ating kapaligiran. Niyakap natin ang mga pagbabagong naganap noon mula sa
pananakop ng mga Espanyol hanggang sa mga Hapon. Sa kasalukuyan, dala-dala
natin ang kanilang mga ambag na kung saan nakakatulong sa pag-unlad ng ating
bansa. Nagkaroon na din tayo ng mga koneksyon sa mga bansang ito gaya na lamang
sa Amerikano. Ang salitang Ingles ang isa mga pinakamahalagang ambag sa ating
kasaysayan sapagkat ito ang mas ginagamit natin ngayon sa pakikipagtalastasan sa
ibat-ibang panig ng bansa. Dagdag pa, ang pagkakaroon ng edukasyon at sistemang
pampulitika ay isa pa sa mga pinakamahalagang ambag sa atin ng mga mananakop na
dayuhan.
Reperensya
bahay-na-bato. (n.d.). Retrieved from
https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18432545772
Cheng Chue, K. (2005). The Stories They Tell: Komiks during the Japanese
Occupation,1942-1944 (Vol. 1). Quezon, Philippines: Ateneo De Manila
University. Retrieved from
http://www.philippinestudies.net.proxy1.athensams.net/ojs/index.php/ps/article/vi
ew/214/221
Elefante, F. (2016, June 13). The Philippine's Second Republic and a forgotten
Independence Day. Retrieved from BusinessMirror:
https://businessmirror.com.ph/the-philippiness-second-republic-and-a-forgotten-
independence-day/
Goodman, G. (1988). The Japanese Occupation of the Philippines: Commonwealth
Sustained. Quezon, Philippines: Ateneo De Manila University. Retrieved from
http://www.philippinestudies.net.proxy1.athensams.net/ojs/index.php/ps/article/vi
ew/1018/1004
Navarrosa, T. (n.d.). Retrieved from Impluwensya ng mga Amerikano:
https://www.slideshare.net/TristanNavarrosa/impluwensya-ng-mga-amerikano
Setsuho, I. &. (1999). THE PHILIPPINES UNDER JAPAN: Occupation Policy and
Reaction. Quezon, Philippines: Ateneo De Manila University Press.
The Philippine-American War, 1899-1902. (n.d.). Retrieved from OFFICE OF THE
HISTORIAN: https://history.state.gov/milestones/1899-1913/war
THE PHILIPPINES: A COLONY A BLOG ABOUT THE INFLUENCES OF THE
SPANISH, AMERICAN, AND JAPANES OCCUPATION. (n.d.). Retrieved from
https://colonialph.wordpress.com/author/colonialph/
Villacortez, J. (n.d.). Culture and Lifestyle of people durinng Spanish period. Retrieved
from SlideShare: https://www.slideshare.net/villacorteza/culture-lifestyle-of-

You might also like