Bambanti PDF
Bambanti PDF
Bambanti PDF
JALE
BSME-2D
GEC-1
BAMBANTI
Ang pelikulang Scarecrow o Bambanti sa Ilokano ay isang Indie Film na ipinalabas noong 2015 sa
Sinag Maynila Film Festival sa direksyon ni Zig Dulay. Ang pelikulang Bambanti ay pinagbibidahan ng
mga mahuhusay na aktor na sina Alessandra De Rossi bilang Berlyn, Shamaine Buencamino bilang
Auntie Martha at Micko Laurente bilang Popoy.
Ang pelikula ay umikot sa maling akusasyong ginawa ni Auntie Martha kay Popoy. Ipinakita sa
pelikula ang pagdiin ng mga taong nakapaligid kay Popoy na siya ang nagnakaw ng mamahaling relo.
Ipinakita sa pelikula kung paano binago ng maling akusasyon ang buhay nila Popoy at kung paano
nakibaka at kung paano pinagtanggol ni Berlyn ang kanyang anak sa maling akusasyon.
Ang pelikulang Bambanti ay isang makabuluhang pelikula dahil ipinakita ng pelikulang ito ang
realidad na nangyayari sa Pilipinas. Tulad ng pamilya nila Berlyn maraming mga Pilipino ang
naghihirap araw-araw para lang may maipangtustos sa pamilya. Lahat ng pwedeng
mapagkakakitaan ay gagawin para mairaos ang pamilya. Ipinakita sa pelikulang ito na hindi patas
ang trato sa mahihirap at sa mayayaman. Tulad ng nangyari sa barangay sa pelikula. Hindi naging
patas ang tingin ng kapitan kila Popoy dahil sa estado ng buhay na mayroon sila. Pinagdidiinan nila
ang naratibong galing sa mayayaman. Ipinakita rin sa pelikulang ito na hindi patas ang hustisya sa
mahihirap. Tulad na lamang sa kasong pagkamatay ni Dante. Hindi maipagpatuloy ng pamilya ni
Dante ang kaso dahil sa kakulangan sa pera. Ipinakita sa pelikulang ito na hindi accessible sa lahat
ang ganitong uri ng sitwasyon na kinakailangan ng maglabas ng malaking pera para lamang
maipagpatuloy ang kaso. Ipinakita rin sa pelikulang ito na handang makipagpatayan ang magulang
para lang maprotektahan ang kanilang mga anak.
Sa kabuaan, ang pelikulang Bambanti ay hindi lang nag-iwan ng mensahe bagkus ipinakita rin ang
kagandahan at kulturang mayroon ang Isabela. Hindi na ako nagtataka kung bakit nakakuha ng
maraming awards ang pelikulang ito dahil tunay na napakahusay ang pagkakagawa ng pelikulang ito.
Mula sa sinematograpiya, istorya, sa musika at sa mga gumanap — binigyan nila ng kulay ang
pelikula.