Realismo
Realismo
Realismo
Ang pelikulang
“Seven Sundays” ay naglalarawan ng madalas na katotohanan na kasalukuyang suliranin ng pamilyang
Pilipino. Inuungkat nito ang mga nagagnap kadalasang pagsubok sa isang pamilya katulad na lamang sa
larangan ng pera, pagsasama, at pagbubuklod.
Nagpapakita rin ang kalasan ng loob ni Maya ng magdesisyon siyang maging ‘single mother” sa
mga anak niya ng patuloy na maging babaero ang asawa niya. Masakit man na aminim ito rin ay ang
mga suliranin na kinkaharap ng mga mag-asawa. Mailalarawan dito na ang pagmamahal sa sarili at ang
pagpapalaya sa isang tao pag alam na hindi kayang ayusin ang nasirang relasyon dahil sa madalas na
panloloko at pagkukulang.
Nagpapahayag rin ang pelikula sa pagtaggap na ang buhay ng tao ay may hangganan, makikta
ito ng akala ni Manuel Bonifacio na siya ay mamatay na at gusto na niyang makasama ang kanyang
pamilya sa huling sandali niya at siya sumama pang bumili ng kanyang kabaong. Ang buhay ng tao ay
hindi permanente sa mundong ibabaw at ito ay kailangan nating tanggapin at gawing mahalaga ang
bawat oras natin sa mundo.