Kpwkp-Pananaliksik Research
Kpwkp-Pananaliksik Research
Kpwkp-Pananaliksik Research
1
DAHON NG PAGTITIBAY
G. ALFREDO O. OMBAO
GURO
2
PASASALAMAT
Nagpapasalamat din kami kay Ginoong Alfredo Ombao na nagsilbing taga gabay
para maging maayos at matagumpay ang amin pananaliksik sa ilalim ng kanyang
asignatura. Kung hindi dahil sa aming guro ay hindi naming masisimulan at
matatapos ng maayos na aming pananaliksik.
3
TALAAN NG MGA NILALAMAN
PAMAGAT…………………………………………………………………………….1
DAHON NG PAGTITIBAY…………………………………………………………..2
PASASALAMAT………………………………………………………………………3
TALAAN NG NILALAMAN………………………………………………………….4-5
KABANATA 1 :
INTRODUKSYON NG PANANALIKSIK……………………………………………6
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL…………………………………………………7
PAGLALAHAD NG SULIRANIN…………………………………………………….8
KABANATA II:
MGA KAUGNAYAN NA PANANALIKSIK AT LITERATURA…………………..10
4
KABANATA III :
MGA RESPONDANTE……………………………………………………………….11
TRITMENT NG DATOS……………………………………………………………..12
KABANATA IV:
TALAAN NG PIGURA…………………………………………………………………15
LAGOM………………………………………………………………………...................20
5
KABANATA 1: INTRODUKSYON NG PANANALIKSIK
ngayon. Lalo na’t ang lumalago pa ang teknolohioya sa modernong panahon. Sa katotohanan,
maraming kabataan ang nakakaranas nito. Ang pagpupuyat ay hindi lamang nakakaapekto sa
Ayon sa pag-aaral ni Christopher Silas Neal noong 2015, 87% ng mag-aaral sa high school
sa Estados Unidos ay hindi nakakatulog ng sapat. Ngunit sa ating bansa, wala pang naitala na
bilang. Sa istatistikang nabanggit, masasabi natin na maraming mag-aaral sa high school ang
nagpupuyat.
walo’t kalahati hanggang siyam at kalahating oras. Ayon naman sa website na tinatawag na
Sleep Foundation, ang pagtulog ay kailangan upang gumana ng maayos ang ating isipan. Kaya
kung kulang ito, masasabi natin na maaaring maapektuhan ang akademikong aspeto ng isang
ng isang mag-aaral kung kaya’t minsan ay humahantong ito sa pagtulog niya sa klase na
Dahil dito, nais malaman ng mga mananaliksik ang epekto ng pagpupuyat sa akademikong
aspeto ng mga mag-aaral mula sa Senior High School sa Rosario Institute upang matukoy ang
mga salik na nagiging dahilan ng kanilang pagpupuyat gayundin ang magiging epekto nito sa
6
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
KABATAAN
Ang pagiging parte ng bilang isang studyante ay isang malaking pebiliheyo, maraming mga
Gawain at may kalayaan na makipag interaskyon sa ating kapwa studyante. Sa sobrang
kapuyatan ng mga studyante dahil sa pag habol ng mga asignatura. Gamit ang pananaliksik na
ito ay mabibigyan sila ng kaukulang kaalaman tungkol sa pagpupuyat ng mga studyante sa
Sekondaryang paaralan ng Rosario Institute.
MGA MAGULANG
Sa ganitong usapin mahalaga ang opinion ata pananaw ng mga magulang lalo a ito ay tungkol sa
kanilang mga anak. Kaya naman mahalaga na alam ng mga magulang kung ano ang mga
nararamdaman ng kanilang anak sanhi ng kanilang pagpupuyat.
LIPUNAN
Ang lipunan ay lugar na ating ginagalawan. Sa aming pag-aaral ang lipunan ang isa sa kailangan
na magkaroon ng kaalaman tungkol sa usaping pagpupuyat.
7
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang suliranin ng pananaliksik na ito ay paano nakakayanan ng mga kabataan na ipakita sa
kanilang mga magulang at lipunan ang pagpupuyat. Ang panahon natin ay Malaki ang
pagkakaiba sa nakaraang panahon. Ang mundo ay isang napakalaking lugar na walang
permanente kundi ang pagbabago. Katulad na lamang sa:
KULTURA
Ang pagpupuyat ay parte na ng ating kalusugan. Ngunit sa paglipas ng panahon dumadami na
ang mga taong hindi nakakatulog dahil sa mga trabaho, at pag-aaral.
PANANAW
Ang pananaw ng tao ay nakakaapekto sa usaping pagpupuyat. Ayon sa aming mga
nakapanayam ang tingin sa kanila ng kanilang pamilya at mga nakakasalamuha ay isang addict
dahil sa pagpupuyat.
Ang pag-aaral na ito ay para lamang sa mga kabataan at magulang na mayroong anak na
nakakaranas ng pagpupuyat. Kasama na rin sa limitasyon ang paaralang Rosario Institute. Ang
pananaliksik na ito ay nasimulan ng Enero 2024 at natapos ng Pebrero sa parehong panahon.
8
DEPINISYON NG MGA TERMINO
Upang mas lalong maunawaan ang aming pananaliksik ang mga sumusunod na salita ay bigyan
ng pansin.
PAGPUPUYAT
Ang pagpupuyat ay isang sanhi ng kulang sa pagtulog ng isang tao dahil sa Gawain sa paaralan o sa
kanilang trabaho.
9
KABANATA III :
Disenyo ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa gamit ang paglalarawan. Tinangkang ilarawan at suriin ang epekto ng
pagpupuyat ng mga mag-aaral sa Senior High School sa Rosario Institute at sakanilang akademikong
aspeto.
Mga Respondante
Ang mga piniling respondante sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng- Senior High School mula sa
Rosario Institute.
Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondante mula sa Rosario Institute sapagkat naniniwala ang
mananaliksik na sila ang makapag-bibigay ng makabuluhang kasagutan sa mga tanong na inilatag ng mga
mananaliksik. Ang mga mag-aaral sa kasalukuyang henerasyon, laganap na sa mundo ang mga
teknolohiya, gimikan, internet, at iba pa na maaaring nakaapekto sa pagtulog ng isang tao kaya’t
inaasahan at naniniwala ang mga mananaliksik na makapagbibigay sila ng mga kasagutan sa sarbey-
kuwestyon.
POOK NG PAG-AARAL
Instrumentong Pampananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay naghanda
ng isang sarbey-kuwestyoner na naglalayong makapangalap ng mga datos upang matukoy ang mga
epekto ng pagpupuyat sa akademikong aspeto ng mga mag-aaral.
Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa iba’t ibang pinagkuhanan
ng impormasyon tulad ng mga artikulo mula sa internet.
10
Tritment ng mga Datos
Dahil ang pananaliksik na ito ay panimulang pag-aaral lamang at hindi naman pangangailangan sa
pagtatamo ng isang digri tulad ng tisis at disertasyon, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang
mga datos sa pag-aaral na ito sa paggamit ng matataas at mahihirap na istatistikal na metodo. Kaya
gumamit lamang ang mga mananaliksik ng simpleng pagtatally at pagkuha lamang ng porsyento.
Ang kabanatang ito ay ang pagpapakita ng mga datos at nakalap gamit ang surbey. Ipinakita naming sa
aming umpisa sa limang pie (5) graph ang aming pursyeno na apat naput limang (45) na respondents. Sa
isang daang porsyento makikita roon ang hati ng bilang ng mga sumang-ayon at hindi sa mga tanong.
Ang aming ikatlong tanong na nag sasabing” Naaapektuhan din ba ang iyong mental health sa
pagpupuyat?” ay aming pinang tuonan ng pansin. Sa isang daang porsyento naka kuha kami ng 94% na
sumang ayon sa aming respondent, 6% na respondents naman ang hindi. Ang mga datos na nakalap sa
panayam o interbyu kung pag sasama samahin at makakapag patunay sa isinaliksik sa paksang ito.
11
UNANG PANAYAM O INTERBRYU
MGA KATANUNGAN:
TANONG: Nakakatulong ba ang pagpupuyat ng mga mag-aaral sa gawaing pang-akademiko?
SAGOT: Oo, dahil yung ibang istudyante nagkakaroon lang ng oras gumawa ng gawaing pang
akademiko pag gabi o hating gabi dahil sila ay maraming ginagawa o hindi makapag pokus sa gawain pag
maingay.
SAGOT: Oo, dahil ang pag pupuyat ay nakakasama sa kalusugan ng isang indibidwal at dahil dito
maaaring bumaba ang marka ng isang istudyante kung sila ay walang sapat na pahinga o tulog dahil
mahihirapan silang makapag isip.
TANONG: Naaapektuhan ba ang iyong pakikinig sa mga diskusyon sa klase dahil sa pagpupuyat?
SAGOT: Oo, dahil pag tayo ay nag pupuyat maikli o wala na tayong pahinga o tulog kaya pag nasa
paaralan na nakakaramdam na tayo ng antok o nakakatulog na yung ibang mag aaral
SAGOT: Hindi, dahil nagagawa o natatapos naman ng isang mag aaral ang mahalagang asignatura na yon
ngunit kapalit nga lang nito ang kanyang mental health
12
IKALAWANG PAGSISIYASAT: PANAYAM O INTERBYU
MGA KATANUNGAN:
TANONG: Nakakatulong ba ang pagpupuyat ng mga mag-aaral sa gawaing pang-akademiko?
SAGOT: Hindi, dahil masama sa ating kalusugan ang kulang na oras ng pagtulog ng mga kabataan lalo't
kailangan ng ating katawan na magpahinga dahil sa pagod na nararanasan natin sa araw-araw.
TANONG: Naaapektuhan ba ang iyong pakikinig sa mga diskusyon sa klase dahil sa pagpupuyat?
SAGOT: Oo naman, dahil sa kulang ako sa tulog ay habang nagdidiscuss ang guro sa harap ay hindi ko
maiwasang mapapikit bigla dahil nakakaantok lalo kapag nakatapat sa aircon pero dahil takot ako na
mahuli sa lesson na tinatalakay ay pinipilit kong gising yung sarili ko tapos iinom ng kape na galing sa
canteen para magising yung diwa ko.
13
TALAAN NG PIGURA
14
PRESENTASYON NG SURBEY
UNANG DATOS NG SURBEY
MGA TANONG OO HINDI
1. Nakakatulong ba ang 28 17
pagpupuyat ng mga
mag-aaral sa gawaing
pang-akademiko?
2. Naniniwala ka ba na 25 20
ang pagpupuyat ay
maaaring maging
dahilan ng pagkababa
ng mga marka ng mga
mag-aaral sa kanilang
akademikong Gawain?
3. Naaapektuhan din ba 39 6
ang iyong mental health
sa pagpupuyat?
4. Naaapektuhan ba ang 32 13
iyong pakikinig sa mga
diskusyon sa klase dahil
sa pagpupuyat?
5. Naaapektuhan ba ang 24 21
iyongpakikinig sa mga
diskusyon sa klase dahil
sa pagpupuyat?
15
NAKAKATULONG BA ANG PAGPUPUYAT NG MGA MAG-
AARAL SA GAWAING PANG-AKADEMIKO?
OO HINDI
OO HINDI
16
NAAAPEKTUHAN DIN BA ANG IYONG MENTAL HEALTH SA
PAGPUPUYAT?
OO HINDI
OO HINDI
17
NAAAPEKTUHAN BA ANG INYONG MAHALAGANG
ASIGNATURA DAHIL SA PAGPUPUYAT?
OO HINDI
Pinagsama-sama naming ang mga kasagutan ng limang (5) tanong ng aming surbey, upang
makauo ng pinaka kailangang sagot sa usapin ito. Ang aming paksang tanong ay nakakuha ng
72% sa Oo na nakakatulong ba ang pagpupuyat ng mga mag-aaral sa kanilang gawaing pang-
akademiko. Sa aming pangatlong tanong naman ang may pinakamataas na nakakakuha ng OO
94% naman ang sumagot ng OO naaapektuhan din ang kanilang mental health sa kanilang
pagpupuyat. Makikita naman sa mga sagot ng mga studyante ng ROSARIO INSTITUTE na may
iilan paring sang ayon at may ibang pananaw tungkol sa pagpupuyat ng mga studyante sa
paksang aming ginamit.
KONGKLUSYON
Para sa pananaliksik na ito, napatunayan na ang pagpupuyat ng mga studyante sa ROSARIO
INSTITUTE ay nararapat na bigyan ng pahinga at bigyan ng sapat na oras sa pagtulog. Upang
hindi maapektuhan ang kanilang mental health. Sa mga surbey at panayam na ginawa ng mga
mananaliksik, napagtanto na may positibo at negatibong pananaw sa pagpupuyat ng
mgastudyante. May mga limitasyon kung hanggang saan at ano lang ba dapat ang sakop, gaya na
lamang sa lubos na pagbibigay ng Gawain sa mga studyante.
18
LAGOM
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa pagtuklas kung ano nga ba ang opinion at pananaw ng
mga studyante sa kapwa nilang studyante na nakakaranas ng pagpupuyat. Dito malalaman kung
sa paningin ba ng mga studyante na normal lang ang pagpupuyat.
Sa mga datos na aming nakalap, pinatunayan dito na mayroong apat napung lima ang sumang
ayon sa mga epekto at kadahilanan sa pagpupuyat ng mga mag-aaral sa sekondarya ng Rosario
institute. Dito rin matutuklasan kung sumasang ayon ba ang isang studyante o ang kanilang
magulang na hayaang magpuyat ang kanilang anak dahil sa isang asignatura.
19