Pangkat 1 Pananaliksik

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

EPEKTO SA MGA MAGULANG NG MGA MAKABAGONG SISTEMA NG PAG-AARAL

SA PANAHON NG PANDEMYA

Isang Tesis na Iniharap at Isinumite


sa Gurong Tagapayo sa Pananaliksik
Laguna State Polytechnic University
Siniloan, Laguna

Bilang Bahagi ng Katuparan


Ng mga Pangangailangan sa Asignaturang
Filipino sa iba’t ibang Disiplina

SHANE E.MARAÑA
JENNIFER M.MANAYOBA
JANNA DANNA M.VISPO
JANE CARLA VILLAPANDO

2021
Pananaw

Ang Laguna State Polytechnic University ay sentro ng napapanatiling mga


inisyatibo sa pag-unlad tungo sa pagbabago ng buhay at pamayanan.

Misyon

Ang LSPU ay nagbibigay de kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng mahusay


na pagtuturo, natatangung pananaliksik, patuloy na serbisyong ekstensyon at
produksyon upang maiangat ang kalidad ng buhay tungo sa matatag na bansa.

Tunguhin ng Kolehiyo ng Edukasyon sa Pagtuturo

Ang Kolehiyo ng Edukasyon sa Pagtuturo ay gaganap sa kanyang tungkuling


makahubog ng higit na bihasa, mahusay at matuwid na mga guro na siyang bubuo ng
bukal ng disiplinado at responsableng mamamayan.

Pangkalahatang Layunin

Ang programa ng Panggurong Edukasyon ay naglalayong:

1. Hubugin ang buong potensyal ng pagganap ng mga tungkulin sa larangan ng


kanilang espesyalisasyon.

2. Maihanda ang mga gurong tagapagturo ng higit na may kakayahang


pangpropesyonal na angkop para sa tumutugon at epektibong proseso na
pagkatuto sa pandaigdigang kompetisyon.

3. Makabuo ng masigasig na mga gurong katanggap-tanggap at mahuhusay na


pinuno sa lokal at pandaigdigang institusyon.

Mga tiyak na Layunin

Ang programa ng Panggurong Edukasyon ay naglalayong:

1. Matiyak ang tagumpay ng mga nagtapos na magkaroon ng kakayahan sa


pagsusulit pampropesyonal sa pamamagitan ng pagtuturong nauugnay at
nakatutugon sa mga programa sa pagsasanay.

2. Mapaunlad ang potensyal sa pamumuno at pamamahala ng mga estudyante.

3. Malinang ang responsableng indibidwal kung saan mapapanatili/magpapatuloy


ang likas na buhay Pilipino, mga kaugalian at kalinangan.
4. Mapaunlad/mapayabong ang disiplina sa sarili, pagkaresponsable at
pagpapahalaga sa mga profesyonal na may natatanging pagtugon sa
pagpapatuloy ng profesyonal na pag-unlad.

5. Mapaunlad, mapabuti at mapalaganap ang mga namumukod tanging


pagbabagong edukasyonal para sa pagsulong ng buhay ng pamayanan.

6. Mailipat ang teknolohiya sa malawakang produksyon ng mga produktong


pagkakakitaan at mga serbisyo na nakatutulong sa pagbabago ng mga buhay ng
tao sa pamayanan.
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Siniloan (Host) Campus
Siniloan, Laguna
Level I Institutionally Accredited
KOLEHIYO NG PANGGURONG EDUKASYON

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang tesis na pinamagatang “EPEKTO SA MGA MAGULANG NG MAKABAGONG


SISTEMA NG PAG-AARAL SA PANAHON NG PANDEMYA”. Inihanda at isinumite ni
(SHANE E.MERAÑA, JENNIFER M.MANAYOBA, JANE CARLA VILLAPANDO AT
JANNA DANNA M.VISPO sa pagtupad sa pangangailangan para sa asignaturang
FILDIS- Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina.

KATE MAEVEL E. CAMANTIGUE


Tagapayo

Ipinagtibay ng GURONG TAGAPAYO na may grado na ___.

KATE MAEVEL E. CAMANTIGUE


Tagapayo

PASASALAMAT
Ang mga mananaliksik ay labis na nagpapasalamat sa mga taong tumulong

upang matapos nang maayos ang pag-aaral na ito.

Sa mga respondente na naglaan ng kanilang oras na masigasig na nakilahok sa

pagsagot sa aming katanungan .

Sa aming mga kapwa mag-aaral na nasa ikalawang na taon sa kolehiyo para sa

pagtutulungan, pagbibigay inspirasyon at pagsuporta upang matapos ang aming

pananaliksik. Kay Bb.Kate Maevel Camantigue ang aming minamahal na guro sa

FILDIS ipinaabot po namin ang aming pasasalamat dahil sa inyong pagsuporta,

pagtulong, paggabay at pag-unawa samin habang isinasagawa namin aming ang

pananaliksik at lalong lalo na sa pagbabahagi ng inyong mga kaalaman ukol dito.

Sa mga magulang, na tumulong at umintindi samin sa mga panahong abala kami sa

paggawa ng pag-aaral na ito at sa pagmamahal at inspirasyon sa amin.

Sa Poong Maykapal, sapag bibigay sa aming grupo ng determinasyon upang

maisagawa at maisakatuparan ang pag-aaral at pagbibigay ng kaalaman na aming

ginamit sa aming pananaliksik.

Sa pag dinig sa aming mga panalangin lalung-lalo na sa mga panahong kami ay

pinanghihinaan ng loob na matapos ito sa takdang panahon.

Muli, maraming-maraming Salamat po sa inyong lahat.

-Mga Mananaliksik
PAGHAHANDOG

Lubos ang pasasalamat ng mga mananaliksik sa lahat ng nakibahagi sa


pananaliksik na ito.Kaya naman bilang balik sa kabutihan nila,
inihahandog naming ito sa mga taong naging inspirasyon sa paggawa
nito.

Sa aming mga magulang,


Guro na si Bb.Kate Maevel Camantigue,
Mga kaibigan,
Kamag-aral
At higit sa lahat, sa Poong Maykapal.

-Jane,Janna,Jennifer at Shane

KABANATA l

ANG SULIRANIN AT SALIGAN NG PAG-AARAL


I. PANIMULA

Isa ang edukasyon sa mga sektor na labis na naapektuhan ng kasalukuyang

krisis pangkalusugan o pandemya. Sa sitwasyon na kinakaharap natin, isang

malaking hamon kung paano maihahatid ang dekalidad na edukasyon sa

mga mag-aaral. Bukod sa mga mag-aaral at mga guro, ang mga magulang

ang isa sa higit na apektado ukol sa usaping ito. Ayon sa kalihim ng

edukasyon na si Gng. Leonor Briones, ang mga magulang ang may

pinakamalaking gampanin sa edukasyon ng kanilang mga anak sa panahon

ng pandemya, sapagkat sila ang magiging gabay ng mga ito hindi lamang sa

pagtuturo ng kagandahang asal kundi pati na rin sa akademikong mga aralin.

Mas kapaki-pakinabang kaya ang ganitong pamamaraan o mas nais ba ng

mga magulang na magpatuloy na ang face to face class. Ano nga ba ang

epekto sa mga magulang ng makabagong pamamaraan ng pag-aaral

ngayong panahon ng pandemya?

II. KALIGIRAN NG PAG-AARAL


Sa sitwasyon ng ating bansa ngayon, malaking pagsubok ang umusbong

kaugnay sa edukasyon. Ngunit kahit ganito ang kalagayan ng bansa,

mahalaga pa rin na ang edukasyon ng bawat tao. Ang ahensya ng Gobyerno

at ang Kagawaran ng Edukasyon at ang mga eskwelahan ay nagbigay ng

mga iba’t ibang paraan para masulusyunan ang ganitong sitwasyon. Isa nga

rito ay ang modyular na sistema ng pag-aaral. Sa pamamaraang ito,

kailangang maging handa ng mga magulang sapagkat sila ang may

pinakamalaking responsibilidad sa pagkatuto ng kanilang mga anak. Sila ang

magsisilbing guro na hihimay at magtatalakay ng mga aralin na nakapaloob

sa module na ibibigay ng mga guro. Ngunit paano nga ba ito nagagampanan

ng mga magulang? Nakakaapekto ba ito sa kanilang mga pang-araw araw na

gawain? Ano nga ba ang epekto sa mga magulang ng makabagong sistema

ng pag-aaral?

Ill. MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG AARAL

Ang epekto ng makabagong sistema ng pag aaral sa mga

magulang sa panahon ng pandemya ay malaking hamon para sa mga

magulang na silang nag sisilbing guro sa kanilang mga anak sa tahanan.

Maaring may mga trabaho ang ibang mga magulang at hindi nila

nagagabayan ang kani kanilang anak dahil inuuna nila ang pang araw araw

na pangangailangan.
Ayon kay Gng.Gernalyn Joson sa kanyang pahayag sa Alpha News

Philippines isang magulang na bagaman mahirap ang makabagong sistema

ng edukasyon ay nag papasalamt parin siya dahil natututukan niya ang

kanyang mga anak.

Ayon sa kanya “ Mahirap na masarap, humahalo yong hirap , sarap at tiyaga.

Kailangan po talaga nila kasi yan lamang po yong kayang ibigay ng magulang

ng hindi mananakaw ng iba.

Ayon kay Gng Ana, 42, taga Brgy Batong Malake sa kanyang pahayag sa

Los Banos Times, aniya ang mga activity ngayong distance leaning ay

nangangailangan ng partisipasyon ng tao sa bahay dagdag pa n iya hindi

maikokonsiderang epektibo sapagkat iba pa rin na may kasamang guro at

kaklase lalo na kapag bata pa lamang,

Ayon kay Gng. Merly, 47, taga Bae ayon sa pahayag niya sa Los Banos

Times, dahil daw sa araw araw at buong maghapon lang na nasa tahanan

ang kanyang mga anak ay kinakailangan na may ekstrang budget para sa

pag kain at mas gusto niya ang face to face learning dahil marami daw

maeexperience pag physical learning dahil sa school ang set up mismo.

Ayon kay Mish lim isang working from home mom. sa pahayag niya sa Gma

News Public Affairs na #BETTERNORMALPH. na mas mabigat daw niyang

trabaho simula ng mag new normal ang pag sabayin ang trabaho sa online

class ng kanyang dalawang anak dahil kinakailanagan niyang I assist ang


kanyang dalawang anak habang ng oonlineschooling.At may pag kakataon

pa na nakakalimutan daw nitong gwin ang takdang aralin ng mga anak kapag

weekend dahil sa dami ng gawain sa bahay.

Ayon kay Barry Gutierrez isang online newcaster sa kanyang segment sa

Usapang Barry kada, malaki ang pagkakaiba kaysa sa nakagawiang “face-to-

face” classes. Nasa bahay lang ang mga estudyante at nakatutok sa kanilang

gadgets --- laptop, tablet, TV at radyo. Wala na ang nakagawiang paghahatid

ng ama o ina sa anak sa school. Wala nang school bus at iba pa. Ito ang

binago ng pandemya.

Ganunman, mas lalong naging malaking hamon ang bagong pamamaraan

hindi lamang sa mga guro kundi pati sa mga magulang. Kung dati, mga guro

lamang ang gumagabay sa mga bata habang nasa school, ngayon mas

kailangan na ang patnubay ng mga bata.Mas lumawak ang responsibilidad

ng mga guro at magulang.

Ayon kay Dr. Jean T. Buenviaje Dean ng UP college of Education at isang

Volunteer Expert sa Programang Bayahihan E-eskwela "para sa magulang

importante na alamin kung kanino dapat makinig, kaninong kaalaman dapat

na pakinggan.At ang mga eksperto ay nag laan ng maraming oras para sa

paaralan.So ang mga magulang ay kailangang makinig sa mga guro, sa

academic experts para makita nila na mayroon palang basehan, may mga

pag aaral na ginawa naligtas pala ang pag aaral na ganito.May mga

modalities pala na hindi stressful at ito pala ay nakakatulong".


lV.TEORITIKAL NA BALANGKAS

Batay sa pag aaral, ang modelo ng “Community of Inquiry (Col)” modelo sa

online sa pag aaral ni Garrison Anderson and Archer (2000) ay batay sa

tatlong mag kakaibang ‘presensya” : Kognitib, Sosyal at pag tuturo. Habanag

kinikilala ang pag kakaiba at relasyon kabilang ang tatlong mga bahagi,

karagdagang payo ni Anderson, Rourke, Garrison at Archer(2001) ang pag

sasaliksik sa bawat bahagi. Sinusuportahan ng kanilang bahagi ang disenyo

ng online at pinaghalong pamamaraan ng pag katuto bilang mga aktibong

kapaligiran sa pag aaral o mga pamayanan na na nakasalalay sa nag tuturo

at mag aaral na nag babahagi ng mga ideya , impormasyon at opinyon. E

Ang partikular na tala ay “presensya” ay isang aspeto na nagpapakita ng sarili

sa pammagitan ng pakikipag ugnayan ng mag aaral at guro. Ang community

of inquiry (Col) ay naging isa sa mga pinakatanyag na modelo para sa online

at pinaghalong pamamaraan ng pag katuto na idinesenyo na maging

interaktib ang ugnayan ng mga mag aaral at guro na gumagamit ng board

discussion , blog, wiki, at videoconferencing . Batay sa teorya , susuriin sa

pag aaral na ito ang mga estratehiya sa pagharap sa hamon ng pag tuturo sa

panahon sa panahon ng pandemya.


V.KALIGIRAN SA PAG AARAL

Ngayong panahon ng pandemya (Covid19) madami ang naapaketuhan sa

lahat ng larangan sa buhay dulot ng pandemya. Naapektuhan ang mga

trabaho ng mga mamamayan mula sa mataas na propesyon at mababang

propesyon , maging ang mga suliranin na kinakaharap ng mga mag aaral sa

kanilang pag aaral. Lahat tayo ay nahihirapan sa sitwasyon na dala ng

pandemya lalo na ang mga pag aaral ng mag aaral, na dapat hindi

maapektuhan sapagkat ang edukasyon ang isa nating kayamanan. Kung

kayat kahit may pandemya ay ipinapag papatuloy ang edukasyon sa bawat

mag aaral. Pero isa din itong hamon sa mga magulang ng mag- aaral , sila

ang mag sisilbing guro ng kanilng mga anak sa larangan ng edukasyon.Dahil

ang edukasyon ay responsisbilidad ng bawat isa. At sa pandemyang ito ay

mag kakaroon ng bagong sistema sa araw- araw na pamumuhay ang bawat

isa.
Vl.KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Ang balangkas na konseptuwal ay nag papakita ng gagawing pag aaral ng

mga mananaliksik na kung saan makikita ang Epekto ng makabagong

sistema ng pag aaral sa mga magulang sa panahon ng pandemya,

Malayang baryabol Di malayanag barya Personal na salik

Malayang Baryabol
Di malayang Baryabo
Edad
Epekto ng lKahandaan

Makabagong sistema Suliranin Estado

ng pag aaral sa Solo parent


Hamon
panahon ng
Income
pandemya
Anak
E
Vll.PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang Pananaliksik na ito ay naglalayong mabatid ang kahandaan, hamon at

suliranin at estratehiya sa Epekto ng makabagong sistema ng pag aaral sa

panahaon ng Pandemya.

1. Bilang isang magulang ng mag aaral,Ano po sa tingin niyo ang

magandang epekto ng new normal na pag aaral sa panahon ng pandemya?

2. Ano ang di magandang epekto ng new normal na pag aaral sa panahon

ng pandemya?

3. Anong mga nararanasan niyo na suliranin bilang kanilang guro sa

tahanan?

4. Anong mga estratehiya ang inyong ginagawa o ginagamit upang maituro

niyo po ng ayos ang aralin?

5. Hindi po ba naapektuhan ang inyong mga gawain sa tahanan?

6. Kung kayo po ay may trabaho, sino po ang inaasahan niyo na gumabay

sa inyong anak sa tahanan?


Vlll.HAYPOTESIS

Walang kaugnayan ang edad ng magulang sa kahandaan sa magiging

epekto ng makabagong Sistema ng pag-aaral sa panahon ng pandemya.

Walang kaugnayan ang estado ng magulang sa magiging epekto ng

makabagong Sistema ng pag-aaral sa panahon ng pandemya.

Walang kaugnayan ang antas ng kabuhayan ng magulang upang

magampanan ang mga hamon sa pagtuturo gamit ang makabagong Sistema

ng pag-aaral sa panahon ng pandemya.

lV.KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga

sumusunod:

Sa mga magulang – makakatulong ang pananaliksik na ito upang

mapalawak ang kanilang kaalaman at kung paano mas mahusay na

magagampanan ang pagtuturo sa mga mag aaral gamit ang makabagong

sistema ng pag-aaral sa panahon ng pandemya. . Ito ay daan din upang

makapag bahagi sila sa kapwa nila magulang ng mga teknik at pamamaraan

upang mas mapabisa pa ang pagkatuto ng mga mag aaral.

Sa mga mag-aaral - makatutulong ang pananaliksik na ito maipabatid sa

mga mag-aaral ang hamon na kinahaharap ng mga magulang sa pagtuturo


gamit ang makabagong sistema ng pag-aaral ngayong pandemya at upang

maihanda ang mga kaisipan ng mag-aaral sa makabagong Sistema ng

pagkatuto.

Sa mga guro – makatutulong ang pananaliksik na ito sa mga guro sapagkat

magkakaroon sila ng kaalaman kung ano ang epekto sa mga magulag ng

makabagong Sistema ng pag-aaral at nang makapaghanda ng mga

pamamaraan na makatutulong sa mga magulang upang mas mabilis

maturuan ang mga anak.

Sa paaralan – makatutulong ang pananaliksik na ito upang magkaroon sila

ng kaalaman kung ano ang maaari nilang ibahagi sa mga magulang tungo sa

pagkatuto ng mag-aaral sa panahon ng pandemya at upang magabayn ng

wasto ang mga guro, mga mag-aaral at mga magulang.

Sa mga administrasyon – ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang

magkaroon sila ng kaalaman kung ano ang maaari nilang ibahagi sa

magulang at mag aaral tungo sa mas mabilis at mas epektibong pag- aaral sa

kabila ng pag aaral na madular o online class.


X. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa epekto sa magulang ng makabagong

sistema ng pag aaral sa panahon ng pandemya, ang maganda at hindi

magandang epekto nito maging ang suliranin nila bilang guro sa tahanan at

ang mga estratehiya na kanilang ginagamit upang maging epektibo ito sa

mga mag-aaral.

Nilimitahan ang pag- aaral na ito sa mga magulang ng mga estudyante ng

mababang paaralan ng Coralan Elementary School, Cueva Elementary

School, Macasipac Elementary School at Magsaysay Elementary School ng

Sta.Maria at Siniloan Laguna sapagkat sila ang pinaka malapit na

respondenteng makakatugon sa pangangailangan ng pananaliksik.

Naniniwala ang mga mananaliksik na sa kasalukuyang panahon ay mainam

na pag-aralan at malaman ang epeko sa magulang ng makabagong pag-

aaral ngayong dumaranas tayo ng ng pandemya.


Xl.Katuturan ng mga salitang ginamit

Pandemya – Isang nakakahawang sakit na kailanagan maiwasang

lumaganap .

Online Class – makabagong pag aaral na ginagamitan ang internet.

Bagong Normal – Makabagong panahon kung saan ang uri ng pamumuhay

ay nabago sanhi ng pandemya.

Estratehiya –mga kaalaman na nakatutulong upang mas maging epektibo

ang mga gawain.

Sistema – ang sinusunod na pamamaraan o pamamalakad sa isang bansa

o organisasyon.

Face to Face Learning – Pag- aaral kung saan ay nagkakakita ang mag-

aaral at guro ng personal sa paaralan.


KABANATA ll

METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

DISENYO NG PANANALIKSIK

Nais na mailarawan ng mga mananaliksik ang pananaw ng mga magulang sa

epekto sa makabagong pag-aaral bilang sila ang guro sa tahanan kung kaya’t

ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiyaa

ng pananaliksik.Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong

ito sa paksang ito sapagkat mapapabilis ang pagkalap ng mga impormasyon

at datos mula sa mga respondente.

MGA RESPONDENTE

Ang mga repondente sa pananaliksik na ito ay mga magulang ng mababang

paaralan ng Coralan Elementary School, Cueva Elementary School,

Macasipac Elementary School at Magsaysay Elementary School sakop ng

Bayan Sta.Maria at bayan ng Siniloan lalawigan ng Laguna.


GINAMIT NA PAMAMARAAN

Upang mapadali ang pananaliksik ang mananaliksik ay gumamit ng sarbey

kwestyoner upang makakalap ng mga impormasyon.

PAMAMARAAN SA PAG KALAP NG DATOS

Ang pag-aaral na ito ay nagsimula sa pagbabalangkas ng pamagat. Matapos

maiharap at mapagtibay ang pamagat sa gurong tagapayo ay gumawa na

nag mananaliksik ng kabanata 1 at 2.

Upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito Ang mga mananaliksik ay

gagamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang

pangunahinginstrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-

aaral upang malaman ang Epekto ng makabagong sistema ng pag aaral sa

panahon ng pandemya. Tatanungin ng mga mananaliksik ang mga magulang

at Hihingian ng kasagutan upang mabatid ang kalagayan o sitwasyon ng

mga magulang sa new normal na pag aaral na kinakaharap ng bawat isa.

INSTRUMENTO SA PAG KALAP NG DATOS

Ang instrumentong gagamitin sa pagkuha ng mga kakailanganing

datos sa pag aaral ay isang sarbey - kwestyoneyr o talatanungan. Ang mga

magulang ng mga mag-aaral sa elementarya sa mga bayan ng Siniloan at

Santa Maria ang gagawing paksa ng sarbey.


KAGAMITANG PANG ISTATISTIKA

Ang mga datos na nakalap ng may-akda mula sa mga magulang na tumugon

sa talatanungan ay ipinagsama-sama o itinally upang makuha ang tama at

eksaktong bilang ng mga magulang ukol sa kanilang persepsyon. Ang mga

datos na ito ay magsisilbing kasagutan sa mga katanungan inilahad ng pag-

aaral. Ang mga resulta ay inalisa at ikinumpara ayon sa pagkakaiba ng mga

tumugon. Ang mga datos na nakalap ay isasalarawan gamit ang bar grap

upang makamtan ng may kaayusan ang tamang resulta at upang

makapagbigay ng malinaw at madaling pag-unawa sa mga nag nanais na

makabasang nasabing pag-aaral. Ang pormularyong ginamit sa pagkuha ng

porsyento ng tugon sa bawat tanong ay:

Porsyento = Bilang ng Tugon

_________________________

Kabuuang Bilang ng Respondente×100

TEKNIK SA PAG KUHA NG SAMPOL O DATOS

Non-Probability Sampling

1. Purposive Sampling

You might also like