Filipino Online Class
Filipino Online Class
Filipino Online Class
Batangas , Ilang mga Katangian ng mga Kankana-ey, Ang Pagkakanyao at Mga Ita sa Bundok ng
Zambales. Sa comment box ng post na ito, ikomento ang kasagutan sa sumusunod na katanungan.
Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit kumulang pitong libong mga isla na nahati sa tatlo: Luzon, Visayas at
Mindanao subalit sa pahayag na ito ay magpopokus muna tayo sa Luzon. Sa Luzon ay may mga
magkakaibang tao na naninirahan na magkakaiba din ang mga pinaniniwalaan at kulturang kinalakihan.
Ilan sa mga mababanggit na kultura sa pahayag na ito ay mga kulturang nagkaroon ng malaking
kontribusyon sa lipunang Pilipino. Una ay sa mga Ilokano: (a) Kilala ang mga Ilokano sa pagiging masinop
sa pera na kung saan ay may badyet talaga para sa lahat ng mga bilihin. Malaki ang kontribusyon nito sa
lipunang Pilipino sapagkat ang pagiging masinop sa pera ay mahalaga na sa panahon natin ngayon dahil
sa napakamahal na mga bilihin kung kaya’t kapag tayo ay marunong magbudget ay hindi tayo kukulangin
sa ating pera. (b) Naniniwala din ang mga Ilokano na kapag tayo ay dumadaan sa mga punso ay
magsasabi tayo ng tabi apo. Nakacontribute ito sa mga Pilipino sapagkat mahalaga na malaman ng mga
kabataang Pilipino ngayon ang mga kinagisnan nating mga paniniwala sa mga nilalang na iba sa atin,
medyo nawawala na rin kasi ang mga ganitong paniniwala ngayon dahil sa mga bagong teknolohiya na
kinahuhumalingan na ng mga bata ngayon gaya ng computers at cellophones. (c) Sa paraan naman ng
pagkakaroon ng burol ng mga Ilokano ay may pinaniniwalaan silang itataas dapat ang kabaong upang
makadaan sa ilalim ang mga miyembro ng pamilya. Malaki ang kontribusyon nito sa tradisyon ng mga
pamilyang Pilipino kasi kahit nga sa amin na hindi Ilokano ay ginagawa naming ito kapag may miyembro
ng pamilya naming na namatay. Pangalawa ay ang mga Kalahan. (a) Mahilig ang kalahan na
makipagusap sa mga kalikasan at alam ko na malaki ang kontribusyon nito sa Pilipino dahil maging sa
kasalukuyan ay mga mga tao akong kilala na hindi naman kalahan pero naka-adapt sa kulturang ito, isa
na dito ang mama ko kasi nung ako ay bata pa, kapagnagdidilig siya ng halaman ay kinakausap niya ang
mga halaman n asana ay bigyan siya nito ng mga magagandang bulaklak. (b) Malaki naman ang
kontribusyon ng paniniwala nila tungkol sa isang tao na kayang tumuklas ng sanhi ng karamdaman ng
isang tao at paano ito magagamot sapagkat nakatutulong ito sa mga taong walang pambayad sa ospital
o walang malapit na ospital sa kanilang lugar, at saka okay lang naman ang natural na paraan ng
panggagamot dahil nga natural ito. (c) Dasal naman ang gamit nila sa panggagamot na siyang
nagpapahiwati ng kanilang malaking pagtitiwala sa Poong Maykapal. Malaki ang kontribusyon nito sa
lipunan sapagkat ito ay nagpapakita kung paano manalig sa Panginoon ang mga Pilipino. Pangatlo ay
ang mga taga Ibaan, Batangas. (a) Ang naisanan na kultura nila na kung saan namamanhikan ang mga
magulang ng mga kalalakihan sa mga magulang ng kababaihan. Nananatili itong buhay na kultura na na-
adapt na ng mga Pilipino sa buong bansa sapagkat ito ay nagging parte na ng ating tradisyon sa tuwing
may ikinakasal. (b) Sa panahon naman ngayon na nagiging praktikal na ang mga tao ay na-adapt naman
natin ang kultura ng mga kalahan na sa proseso ng paghahanda sa kasalan ay hati ang dalawang ikakasal
sa gastusin, hindi lamang ang mga kalalakihan ang gagastos kundi ang mga kababaihan din. (c) nagging
bahagi na rin ng kultura at tradisyon ng mga Pilipino ang kultura ng mga kalahan na kung saan ang
bagong kasal ay sasayaw sa gitna ng kanilang mga panauhin at habang nagsasayaw ay sasabitan sila ng
mga pera sa kanilang mga damit. Ang perang kanilang nakuha ang siyang magsisilbing panimula nila sa
kanilang pamumuhay bilang mag-asawa. Pang-apat ay ang mga Kankana-ey. (a) Isa sa mga kultura ng
mga Kankana-ey ay ang paggamit nila ng wikang pangkaramihan. Tulad ng nakararaming Pilipino, meron
tayong iba’t ibang diyalekto na siyang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon sa mga lokal nating mga
kababayan subalik kapag nakikipagusap tayo sa mga turista ay ginagamit natin ang salitang alam nating
magkakaintindihan tayo. Gaya ng mga Kankana-ey, meron silang sariling diyalekto subalit Ilokano at
Ingles ang gamit nila sa mga taong hindi nanggaling sa kanilang tribu. (b) Meron ding mga katangian ang
mga kankana-ey na magkaroon ng pangarap na maiahon sa kahirapan ang kanilang mga anak. Gaya ng
mga nakararaming Pilipinong magulang, iisa lang din ang pinakapinapangarap sa kanilang buhay at yun
ay ang makitang nagtatagumpay ang kanilang mga anak at mairaos sila sa kahirapan ng buhay ditto sa
Pilipinas. (c) kung kasalan naman ang usapan ay nagging parte na rin ng karamihan sa mga Pilipino na
kapag kinaksal ang dalawang tao ay gagawin ito sa harapan ng isang pari o di kaya ay isang pastor.
Malaki ang kontribusyin nito sa lipunang Pilipino sapagkat ang pagkakaroon ng ganitong uri ng
seremonyas ay nakakapagpatibay sa relasyon ng dalawa. Kumbaga ay binabasbasan ng Poong Maykapal
ang pagsasamahan ng dalawa. Panglima ay ang Pagkakanyao. (a) Ang pagkakanyao ay isang
seremonyas na pinamumunuan ng isang pari, pari ng mga katutubo. Naka-contribute ito sa Pilipino
sapagkat kapag tayong mga Pilipino ay nagdadaraos ng mga seremonyas na kung saan tayo ay
nagpapasalamat o nanghihingi ng tulong sa Maykapal ay nagsisimba tayo na siyang pinamumunuan din
ng isang pari o taong tinuruting nating makakatulong sa atin. (b) Nag-aalay din ng mga hayop sa
pagkakanyao bilang alay na pinapakain din sa mga panauhin na dadalo sa pagkakanyao. Kagaya ng
nakasanayang tradisyon ng mga Pilipino, ginagawa din natin ito kapag tayo ay nagpapasalamat.
Naaalalko nga nung panahon na natapos ang Sendong at nakaligtas ang buong pamilya naming sa
delubyong iyon ay nagpalechon ang Papa ko at pinaghati-hatian namin ito ng aming pamilya at mga
kapitbahay. (c) Ito rin ay isang pagdiriwang bilang pasasalamat sa mga kayamanang natanggap ng isang
pamilya kung kaya ay naghahanda talaga sila. Malaki ang kontribusyon nito sa sa Pilipino sapagkat
nagging parte na rin ng tradisyon at kultura natin ang pagbibigay pasalamat sa mga regaling ating
natanggap. Gaya ng pagkakaroon ng bagong silang na sanggol sa pamilya, di baa tin itong sinecelebrate
sa pamamagitan ng paghahanda ng mga salo-salo. Panghuli ay ang mga Ita sa Zambales (a) Isa sa mga
katangian ng mga Ita ay ang pagiging relihiyoso nila kung kaya kultura ng mga Ita ay ang pagdadasal
muna bago kumain na siyang naging malaking kontribusyon sa lipunang Pilipino sapagkat tayo ay isang
katolikong bansa kung kaya ay dapat na pinagpapasalamatan muna natin ang mga biyayang nakuha
natin sa Maykapal bago natin i-enjoy ang pagkain sa mga ito. (b) Gaya ng mga tipikal na Pilipino, bilingual
din ang Ita, hindi gaya ng mga naiisip natin na hindi sila marunong magsalita ng banyagang mga salita.
Nakakapagsalita din sila ng mga wikang Ingles at Filipino. At gaya din ng nakararaming Pilipino, meron
din silang salita na bukod tangi sa kanila, kung tayong mga Iliganon ay nakakapagsalita ng bisaya, meron
ding barayti ng wika ang mga Ita na ginagamit nila kung sila-sila lang ang nag-uusap. (c) Bagaman salat sa
mga makabagong bagay na ginagamitan ng kuryente ay sagana naman ang mga Ita sa kagandahang loob
at pagiging hospitable. Gaya ng nakagisnang kultura ng mga Pilipino, naadapt siguro natin ang pagiging
accommodating natin sa ating mga bisita sa kultura ng mga Ita sapagaksat ayon sa libro, nung
mabalitaan nilang may mga panauhing taga UP na dumalo sa kanilang lugar ay naghanda agad sila ng
mga makakain ng kanilang mga bisita.
2. (5pts) ) Ibigay ang tatlong punto bilang pagpapatunay na isa ang kulturang Ilokano sa pagpapanatili ng
kulturang Kastila.
Ayon sa libro, pinakatanyag na atraksyon daw sa Ilocus Sur ay ang Vigan Spanish Town. Ang sumusunod
ay mga kultura ng mga Ilokano na nagpapatunay sa pagpapanatili ng kulturang Kastila sa bansa. Una, ang
mga nagtatayuang gusaling baton a ayon sa libro ay nagawa noon pang panahon ng mga kastila. Ang
disenyo at ang architecture ng kanilang mga bahay at mga building ay nagsusumigaw ng kulturang
Español. Ikalawa, sinabi na matitipid daw ang mga Ilokano at ayon sa isang artikulong nabasa ko sa
internet, isa sa mgakatangian daw ng mga Espanyol ay ang pagiging frugal daw nito, ibig sabihin mahilig
din silang magtipid ng kanilang mga pera. Pangatlo ay ang pasi-celbrate ng mga Ilokano ng mga fiesta at
festivals. Gaya ng mga kastila, tradisyon na din ng mga Ilokano ang pagdidiwang ng mga pista na siyang
inaalay nila sa Diyos na siang nagbibigay ng mga biyaya sa kanila.
3. (5pts) Paano ginamit ng mga Kalahan ang kalikasan bilang bahagi ng kanilang kultura?
Maraming paniniwala ang mga Kalahan na siyang kanila nang kinsagisnan mula pa sa kanilang mga
kaninununoan. Isa na ditto ay ang kanilang paggamit ng kalikasan bilang bahagi ng kanilang kultura.
Ginagamit nila ang kalikasan sa pamamagitan ng pagkausap sa mga ulap at kalangitan kung ang panahon
ban a kanilang mararanasan ay maganda o masama. Ayon sa kanila, kung manipis daw ang ulap sa langit
ibig sabihin daw ay maganda ang magiging panahon sa araw na iyan. Kapag makapal naman daw ang
ulap sa kalangitan ay hindi daw maganda at masama daw ang pinahihiwatig nito. Nagpapahayag din daw
ang mga bituin, araw at buwan sa panahon na kanilang sasapitin sa araw na iyan. May mga panahon
daw kasi na nagtatago ang buwan o di kaya ay maaliwalas ang buwan. Meron din dawng mga panahon
na mapula-pula ang buwan na siyang nagpapahiwatag na may hindi magandang mangyayari sa darating
na mga araw gaya ng lindol o mga kalamidad. Meron din dawng pahiwatig ang mga hayop sa kalagayan
ng panahon, gaya ng pagtahol ng mga aso lalong lalo na kung gabi, sabi nila nagiingay daw ang mga ito
dahil baka may parating na bagyo o lindol. Dahil ditto, minamatyagan daw palagi ng mga Ilokano ang
kilos ng mga ito upang alam nila kung kalian sila dapat na mag-ingat sa mga delubyong maaaring
dumating sa kanila.
4. (5 pts) Ipaliwanag sa 3 hanggang5 pangungusap. Anong uri ng kaugalian sa pag-aasawa ang tinutukoy
sa mga taga-Ibaan, Batangas.
Sa aking palagay, ang pag-aasawa na tinutukoy ng mga taga Ibaan, Batangas ay isang normal na kasalan
na siyang pinapangarap nating mga kababaihan na kung saan tradisyunal na pumupunta ang mga
kalalakihan sa bahay ng kanyang ninanaisa na pakasalang dalaga bilang simbolo ng kagustuhan nito sa
kanya. Masasabi ko ring praktikal ang kasalang nagaganap sa mga taga Ibaan sapagkat hindi lamang ang
mga kalalakihan ang gumagstos sa kasal kundi pati na rin mga kababaihan na sadyang nauunawaan ko
naman dahil sa katotohanang mahal na ang mga bilihan ngayon kung kaya ay mas nakakabuti kung
paghatian ng dalawang pamilya ang gastos sa naturang kasalan ng kanilang mga anak. Natatangi rin ang
paraan nila sa buhay mag-asawa sa unang taon sapagkat hindi sila pwedeng bumukod muna sa kani-
kanilang mga pamilya sapagkat tinatanaw nila itong kawalang utang na loob sa mga magulang kung sila
ay bubukod agad. Kabaliktaran kasi ito sa kulturang aking kinagisnan sapagkat kahit na naniniwala kami
sa katangian ng mga Pilipino na strong family ties ay mas pinipili ng mga bagong mag-asawa sa amin na
bumukod dahil parang pabigat ang turing nila sa kanilang mga sarili kung makititira sila sa bahay ng
kanilang mga magulang.
5. (5 pts) Ipaliwanag sa 3 hanggang 5 pangungusap. Anong katangian ng mga Kankana-ey ang
maituturing na naging kakaiba sa ibang kultura.
Ang mga Kankanaey ay may nakakawiling paraan sa kanilang uri ng kasalan. Una ditto ay ang paraan nila
na kung saan nagtitipon-tipon ang mga anak na lalaki nga mga kaibigan ng mga magulang ng isang
dalaga sa harapan ng dalaga at ang dalaga ang siyang mamimili sa mga nakahilerang kalalakihan sa
kanyang harapan sa kung sino ang gusto niya makaisang dibdib. Kakaiba ito sa ibang mga kultura
sapagkat ang nakasanayan kong basahin na kultura sa pag-aasawa ng mga tribu ay ang mga magulang ng
mga anak ang namimili sa kung sino ang mapapangasawa ng kanilang mga anak lalong lao na sa
kababihan. Kadalasan kasi ay magulang ng babae ang namimili sa kung sino ang gusto niyang maikasal sa
kanyang anak, sa kasalukuyan ay mas kilala bilang fixed marriage. Bagaman matatawag na fixed
marriage pa rin ang sa mga Kankanaey pero ang kaibahan ay may option ang babae na mamili, hindi
yung mga magulang niya ang namimili para sa kanya.
Ang pagkakanyao ay isang gawaing ritwal na siyang ginagawa kadalasan ng mga taga-Luzon na mga
tribu. Ito ay ginagawa nila bilang isang paraan ng pagce-celebrate o dikay ay paraan ng pagsasalamat ng
mga tao sa pagkakaroon ng mga kayamanan at mga biyaya na iginawad sa kanila o di kaya ay
pasasalamat bunga ng kahilingan ng isang patay na miyembro ng pamilya na naipapabatid sa mga
miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng isang panaginip. Ginagawa din ang ritwal na ito kapag may
nararamdamang hindi maganda ang isang miyembro ng isang pamilya na hindi na tinatablan ng gamut
na binibigay sa kanya at nagagwa ang ritwal na ito sa pamamagitan ng pagtatawag ng isang taong
nakakaalam kung pano ito gawin na siyang kilala sa tawag na hi-bok o anop.
Dahil sa pagpapanaliksik ng mga estudyanteng taga UP patungkol sa mga Ita sa Zambales, nakaranas sila
na makapagbiyahe ng limang oras mula sa lugar nila patungo sa isang sakayan kung saan makakasakay
sila ng isang weapon carrier at aabutin sila ng 3 oras sa weapon carrier na iyon para makarating sa
bundok kung saan nakatira ang mga Ita. Nakaranas din sila na matulog sa napakalamig na klima hindi
dahil wala silang kumot kundi dahil ang kanilang tinutulugan ay hindi makakapagbigay sa kanila ng
proteksyon laban sa lamig ng hangin sapagkat sahig ang kanilang higaan at may mga siwang ang
dingding ng kubo. Subalit hindi lamang negatibong mga karanasan ang kanilang nadama dahil na-
witness din nila kung gaano ka relihiyoso at ka-hospitable ng mga Ita sapagkat bago daw sila kumain
doon ay nagpapasalamat muna sila sa Panginoon sa mga pagkaing nakahain sa kanilang harapan at saka
nung nalaman ng mga tao doon na may mga panauhin sila sa kanilang lugar na mga taga UP ay agad
nagtungo ang mga tao sa kubong kanilang tinutuluyan at isa-isang nagbigay ng mga pagkain, mga
maaayos na mga unan, mga kumot at mga banig.