Halimbawa NG Balita

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pamantayan ng Mabisang Balita

1. Ito ay dapat napapanahon (Timely)


2. Ito ay dapat nagbibigay Impormasyon (Informative)
3. Ito ay dapat hindi hinahaluan ng anumang opinion (Not Opinionated)

Mga Dapat tandaan ang sa pagsulat ng balita

1. Kawastuhan – Ang balita ay dapat naglalahad ng ang mga impormasyon ng walang labis at walang
kulang,
2. Katimbangan – Ang balita ay dapat maglahad ng datos ng walang kinikilingang sa sinumang panig
na nasasakop ng balita.
3. Makatotohanan – Ang balita ay dapat na naglalaman ng mga impormasyon na tunay at hindi gawa-
gawa lamang. Ang mga ipormasyon ay dapat na nanggagaling sa mapagkakatiwalaang sources at
hindi kung kani-kanino lamang. Kung ang impormasyon ay galling sa social media, kilatisin ang
pinaggalingan bago ito ibalita.
4. Kaiklian – Ang balita ay dapat inilalahad ng walang paliguy-ligoy.

Hakbang sa Pagsulat ng Balita

1. Pagkakuha ng mga impormasyon, isulat ang buod upang makita ang lahat ng datos na nakalap.
2. Itala ang mga pangyayari ayon sa pababa o paliit na kahalagahan.
3. Isulat ang balita gamit ang inverted pyramid. Sa paglalahad ng mga datos ng balita, dapat ay nasa
pinakatuktok ang pamatnubay(lead) kung saan ang lahat ng pinakaimportanteng detalye ay ilalagay.
Susunod ang katawan ng balita(body) kung saan ilalahad ang mga importanteng detalye. Nasa
pinakahulihan ang mga hindi gaanong mahalagang detalye ng balita.
4. Isulat ang Headline na naangkop sa balita.

Gabay sa pagsiyasat ng naisulat na balita

1. Ang balita ba ay sumasagot sa mga katanungang: Sino, Saan, Kailan, Ano, Bakit at Paano?
2. Mayroon bang maaksyong ulo ng balita o Headline?
3. Ang isinulat bang balita ay may malinaw na pamatnubay(lead)?
4. Maaksyon ba ang nilalaman ng balitang isinulat?
5. Sumusunod ba ang sa Inverted Pyramid o Decreasing Importance ang pagkakasulat ng balita –
Pamatnubay, Katawan at Pangwakas?
6. Buo ba ang mga detalyeng inilhad?
7. Wala bang paligoy-ligoy ang pagkakasulat?
8. Wala bang opinyon na kasali?

You might also like