LAS Kuwarter 3 G9 Fil. Week 7 8

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

New Era National High School

Filipino 9
Ikatlong Kuwarter- Linggo 7-8
INTRODUKSIYON
Isa sa mga pagdiriwang na kinalulugdan at pinakahihintay nating mga Pilipino ang Pasko.
Sinasabing ang Pilipinas daw ang may pinakamahabang pagdiriwang ng Kapaskuhan. Sa mga buwan pa
lang ng Oktubre o Nobyembre ay nagsisimula ng makakita ng mga nakasabit na mga parol at kumukuti-
kutitap na ang mga Christmas light sa mga tahanan. May kakaibang siglang idinudulot ang Pasko sa mga
Pilipino.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang: A. Naiisa-isa ang kultura ng Kanluraning Asyano mula sa mga
akdang pampanitikan nito, B. Nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang Asyano
at bayani ng Kanlurang Asya, C. Naipakikita sa isang masining na pagtatanghal ang kulturang Asyano na
masasalamin sa binasang mga akdang pampanitikan ng Kanlurang Asyano at, D. Nabubuo ang plano at
kaukulang iskrip tungkol sa isasagawang pagtatanghal ng kulturang Asyano.

TUKLASIN NATIN
Paano ninyo/nila pinaghahandaan ang Pasko? Ano-ano ang inyong/kanilang mga kinagawian tuwing
sasapit ang Kapaskuhan?

SURIIN NATIN
Basahin ang akda at sagutan ang mga tanong sa ibaba.

Mahanap ba ang Pasko sa Kanlurang Asya?


Parol, krismas tri, mga ilaw, bibingka, puto bumbong, karoling, ilan lang ang mga ito sa maraming
palatandaan na ang Pasko ay papalapit na. Pagpasok pa lamang ng Disyembre ay inihahanda na ang
pang-aginaldo sa mga manan sa búhay. Madaling araw pa lámang ay tumataginting na ang kampana
ng simbahan na hudyat ng umpisa ng Misa de Gallo. Ganyan ang Pasko sa Pilipinas. Marami rin táyong
nakagawian na nakuha natin sa iba pang bansa,katulad ng pagtatayo ng krismas tri, paniniwala kay Santa
Claus o San Nicolas, at pagpapalitan ng mga regalo o exchange gift, ngunit saan-saan bang bansa sa Asya
ipinagdiriwang ang pagsilang ni Kristo? Ating hanapin ang Pasko sa Kanlurang Asya kung saan halos lahat
ng naninirahan ay Muslim.
Sa bansang Armenia, ipinagdiriwang ang Pasko tuwing ikaanim ng Enero. Sa talâ ng kasaysayan,
ang Pasko ay ipinagdiriwang talaga sa ikaanim ng Enero hanggang ito ay nabago sa paglipas ng panahon.
Ngunit sa mga taga-Armenia ay nanatili ang pagdaraos ng Kapaskuhan tuwing ikaanim ng Enero.
Sa Azerbaijan, mabibilang lámang sa kamay ang mga Kristiyanong nagdaraos ng Pasko dahil
halos lahat ay Muslim.Ngunit nahahanapan pa rin ng paraan ng mga Kristiyanong pamilya ang
pagdiriwang ng Pasko kahit sa simpleng paraan.
Karamihan man sa naninirahan sa Bahrain ay Muslim, may ilan ding mga Kristiyano ang
nakapagdaraos ng Kapaskuhan sa bansang ito. Kapansin-pansin din na sa malalaking tindahan kagaya ng
mga mall ay may mga dekorasyong pamasko.
Ang kapaskuhan sa Cyprus ay nagsisimula nang ikaanim ng Disyembre, ang kapistahan ni San
Nicolas, at nagtatapos sa ikaanim ng Enero,ang kapistahan ng pagpapakita ni Hesus sa tatlong haring
mago. Naniniwala rin silá sa pagdating ni Santa Claus o Ayios Vasilis sa kanilang kultura.
Sa Iraq, ang mga pamilyang Kristiyano ay nagdiriwang ng Pasko. Sa bisperas ng Kapaskuhan, isa
sa mga anak ng pamilya ang magbabasa ng kuwento ng pagkapanganak ni Hesus mula sa isang Bibliyang
nakasulat sa Arabic. Ang ibang miyembro ay may hawak ng nakasinding kandila, at kapag natapos na
ang kuwento ay sisindihan ang isang siga o bonfire sa isang sulok ng bakuran. Sa mismong araw ng Pasko
ay may siga ring sinisindihan sa kanilang simbahan habang ang buong kongregasyon ay umaawit at
ipinuprusisyon ang imahe ng Sanggol na si Hesus. Bawat isa rin ay nagbibigay ng basbas ng kapayapaan.
Sa Iran naman ay ipinagdiriwang ng mga pamilyang Kristiyano ang Kapaskuhan sa pamamagitan
ng pagsasama-sama ng pamilya, pagsasalo-salo sa masasarap na pagkain, at pakikinig sa mensahe ni
Hesukristo.
Isang piyesta opisyal naman ang Pasko sa Jordan kahit na mas nakararami ang bílang ng mga
Muslim dito. May ilan ding mga tindahan na kakikitaan ng mga pamaskong pandekorasyon at krismas tri.
Malayang nakapagdiriwang ang mga Kristiyano ng Pasko sa Jordan. Maging ang Lebanon ay idinaraos
ang Pasko bílang piyesta opisyal.
Kagaya ng ibang bansa sa Kanlurang Asya kung saan Islam ang opisyal na relihiyon,
ipinagdiriwang pa rin ng mga Kristiyano sa Qatar at Kuwait ang Pasko.
Sa Palestine ay deklarado na ring piyesta opisyal ang Pasko. Sa mismong Bethlehem, makikita ang mga
banderitas at mga palamuti tuwing Pasko.Tuwing bisperas ng Pasko, ang mga naninirahan sa Bethlehem
at mga turista ay nag-aabang sa pintuan ng simbahan at umaakyat sa mga bubong upang masaksihan
ang taunang prusisyon. Mga taong nakasakay sa kabayo at mga pulis na nangangabayo rin ang
nangunguna sa prusisyon. Sinusundan silá ng isang taong may daláng krusipiho na nakaupo sa isang itim
na kabayo. Kasunod naman niya ang mga namumuno sa simbahan at opisyal ng gobyerno. Ang
prusisyon ay mataimtim na idinaraos kasáma isang imahe ng sanggol na si Kristo na tumatahak sa
pasikot-sikot na daang tumutumbok sa isang grotto kung saan matatagpuan ang isang talang pilak na
siyang palatandaan kung saan isinilang si Kristo.
Ang mga pinto ng bahay ng mga Kristiyanong pamilya sa Bethlehem ay may krus at may
nakadekorasyon na sabsaban na siyang nagpapaalaala ng pagsilang ni Kristo.
Iba't iba ang kaugalian at tradisyon sa iba't ibang bansang may iba't ilbang kultura. Paano man at
kailanman nila ipinagdiriwang ang Pasko, ang mahalaga ay naalala nila ang kapanganakan ni Kristo na
siyang tagapagligtas ng buong mundo.
Napatunayan natin na sa isang rehiyong karamilhan ay iba ang paniniwala, mahahanap pa rin
natin ang Pasko at maidaraos pa rin ang pagdiriwang nito. Kahanga-hanga rin na bagama't iba-iba
angpinaniniwalaan ng mga tao at iba-iba ang nakagawian nila ay iginagalang nila ang bawat isa, at
binibigyan ng kalayaang ipahayag ang kanilang pananampalataya. Nangangahulugan lang na kahit saan
pa táyo mapadpad kapag nása puso natin si Kristo, mananatili pa rin ang Pasko.

A. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Alin ang hindi dapat isama sa pangkat? Lagyan ng ekis (X) ang salitang ito at isulat sa
kahon ang maaaring pamagat ng pangkat ng salita.

1. bibingka puto bumbong ilaw fruitcake

Ang mga Kakaning Pilipino

2. prusisyon karoling Santa Claus simbang gabi


3. siga o bonfire Santa Claus Hesus tatlong haring mago

4. banderitas Christmas balls quezo de bola Krismas tri

5. San Nicolas anghel Santa Claus Ayios Vasilis

B. Sagutan Natin
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Sa Pilipinas, ano-ano ang mga palatandaang malapit na ang Pasko?


2. Paano ipinagdiriwang ang Pasko sa sumusunod na bansang matatagpuan sa Kanlurang Asya?

a. Armenia f. Iraq k. Qatar


b. Azerbaijan g. Jordan
c. Bahrain h. Kuwait
d. Cyprus i. Lebanon
e. Iran j. Palestine
3. Ano ang pagkakaiba ng paraan ng kanilang pagdiriwang ng Pasko sa paraan ng pagdiriwang ng
mga Pilipino?
4. Sang-ayon ka ba sa pagdiriwang ng Kapaskuhan sa isang bansang ang opisyal na relihiyon ay
hindi naniniwala sa Pasko? Ipaliwanag ang iyong sagot.
5. Kung ikaw ay mangingibang bayan, ipagdiriwang mo pa rin ba ang Pasko kahit ang nakararami sa
iyong kapitbahay ay may ibang paniniwala? Ipaliwanag ang iyong sagot.
6. Para sa isang katulad mong mag-aaral, ano ba talaga ang tunay na diwa ng Pasko?
7. Sa iyong opinyon, dapat bang hikayatin natin ang iba na maniwala sa ating pinaniniwalaan at
gawin ang mga tradisyong ating nakasanayan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
C. Buoin Natin
Panuto: Bilang isang Asyano, ano-anong kultura ang maipagmamalaki mo sa sa ibang lahi. Isa-
isahin ang mga ito sa graphic organizer sa ibaba at isulat ang iyong dahilan sa tabi nito.

Kulturang Asyano Nais Mong


Ang Aking Paliwanag
Ipagmalaki
ALAMIN NATIN

A. Mga Uri ng Dulang Pantanghalan

Isa sa mga mabisang paraan upang maipahatid ang isang mensahe o aral sa mga manonood ay
ang pagtatanghal ng dula. Sinasalamin din ng dulang pantanghalan ang kultura ng isang bansa.Maraming
uri ng dulang pantanghalan ang nakilala sa ating bansa. Ilan sa mga ito ay lumitaw upang ipalaganap ng
mga Espanyol ang mga turo ng relihiyong Katolisismo.

Narito ang ilan sa mga dulang pantanghalang naging bahagi na ng kulturang Pilipino.

1. Tibag-Isinasagawa ang tibag tuwing buwan ng Mayo. Ito ay pagtatanghal tungkol sa paghahanap ni
Reyna Elena sa krus na pinagpakuan kay Kristo. Ito ay naging kaugalian na sa mga lalawigan ng Nueva
Ecija, Bulacan, Bataan, Rizal, at Kabikulan. Ang tibag ay walang entablado. Ang mga tauhan o kasali sa
pagtatanghal ay kahalong taong bayan. Tatlong munting bundok ang itinatayo sa plasa at sa isang
bundok ibinabaon ang isang krus. Si Reyna Elena, na sasamahan ni Prinsipe Constantino at ng mga
kawal, ay maghahanap mga dakong ika-3 ng hapon, sa kaarawan ng kapistahan. Maghuhukay si Reyna
Elena upang matibag ang bundok, at hindi makikita ang krus. Sa ganito ay magsasagutan ng "loa" at mga
tulang panrelihiyon sina Reyna Elena, Constantino, at ilang kawal. Pagkatapos ay magtitibag naman sa
susunod na bundok, at gayon uli ang mangyayari. Ngunit sa Ikatlong bundok ay matatagpuan ang krus,
at masasaya siláng tutula at await kasáma ang taong-bayan. Ang krus ay dadalhin sa simbahan at habang
naglalakad ay nag-aawitan ng mga kantang panrelihiyon ang lahat.

2. Senakulo-Hindi maaaring mawala ang senakulo sa mga liwasan pagsapit ng Kuwaresma o Mahal na
Araw.Nagtatayo ang parokya ng isang entabladong malápit sa simbahan at ito ang magsisilbing dulaan.
Makulay ang pagpapalabas nito dahil sa mga kasuotang ginagamit ng mga tauhan. May banda ring
tumutugtog bago o pagkatapos ng eksena. Inilalarawan dito ang simula ng lahat-ang paglalang kay Eba
at Adan, ang pagsilang kay Hesus, ang Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Itinatanghal ito bílang
isang serye, mula Lunes Santo hanggang Sabado de Gloria.

3. Moro-moro o Komedya-Ang moro-moro ay dulang pumapano rin sa relihiyon. Ang salitang moro ay
hango sa salitang Moors o salitang tawag sa mga Muslim sa kaharian ng Alhambra sa bayain Granada sa
España. Ayon sa kasaysayan ng España talagang may alitanang linaw ng pagbigkas ay ang pagbigkas na
may tamang lakas ng tinig at tamang bilis at tamang pagbigkas ng mga salita (bigkasin nang may impit
ang mga salitang nangangailangan ng impit) upang hindi maipagkamali ang kahulugan ng bawat salita.
Iwasan ang“pagkain" ng mga salita. Magagawa ito kung sa pagbigkas ay bubuoin ang tunog ng mga
patinig sa bawat pantig ng salitang binibigkas.

4. Hinto

Malaki rin ang nagagawa ng paghinto ng bumibigkas sa mga bahaging dapat siyang huminto. Iba-iba ang
uri ng paghinto sa pagbigkas. May matagal at may bahagyang paghinto. Mas matagal ang hintong
sinasagisag ng tuldok sa katapusan ng bawat pangungusap kaysa hintong sinasagisag ng kuwit.Ang
paghinto sa iba't ibang bahagi ng mga pahayag ng isang bumibigkas ay nakapagpapadagdag sa kalinawan
ng kanyang sinasabi.

5. Kilos at Kumpas

Ang pagbigkas na tinutulungan ng kilos at kumpas ay higit na nagiging kawili-wili sapagkat buhay na
buhay ang nagsasalita at ito ay nagkakaroon ng kakaibang dating sa mga nakikinig. Nakatutulong nang

malaki ang kilos at kumpas sa pagbibigay-diin sa damdaming nais na ihatid ng bumibigkas. Ang
pagkumpas ay ang makahulugang pagkilos ng daliri, kamay, braso, at balikat kung bumibigkas upang
mapalutang ang mensaheng gustong ihatid sa nakikinig.
Upang maging mabisa ang pagkumpas, tandaan ang sumusunod:

a. Ang natural na pagkumpas ay dapat na nanggagaling sa kalooban.

b. Nararapat na isabay sa mga salitang binibigyang-diin ang pagkumpas.

c. Gumamitlamang ng kumpas kung kinakailangan.Hindi makabubuti ang paggamit ng maraming

kumpas.

d. Hindi makatutulong sa pagbibigay-diin ang tuwid na tuwid na bisig at siko.

e. Ang palakas nang palakas na pagkumpas ay ginagamit sa pasukdol na kaisipan.

f. Bigyan ng limitasyon ang paggalaw ng kamay.Ang kamay ay hindi dapat sumakop sa kabiláng hati ng

katawan. Iwasan ang pag-unat ng kamay nang malayong-malayo sa tagiliran kung kumukumpas.

g. Ibagay ang posisyon ng paa sa gagawing pagkumpas ng mga kamay. Kapag sa pagtayo ay nauuna ang
kanang paa, kanang kamay ang gagamitin sa pagkumpas. Kapag kaliwang paa ang nauuna, gamitin ang
kaliwang kamay at kapag dalawang kamay'ang gagamitin sa pagkumpas, dapat magkapantay sa pagtayo
ang mga paa.

GAWIN NATIN

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Isa-isahin ang mga dulang pantanghalang nakilala noong panahon ng pananakop ng mga Español. Ano
ang karaniwang tema ng mga ito?
2. Ilahad ang pangunahing layunin ng paglaganap sa bansa ng mga dulang pantanghalang ito noong
panahon ng pananakop ng mga Espanyol?
3. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong gumanap sa alinman sa mga uri ng dulang pantanghalang ito,
alin sa mga ito ang nais mong salihan? Bakit?
4. Isa-isahin ang mga salik ng masining na pagbigkas.
5. Alin sa mga salik ang hindi masyadong kakailanganin sa masining na pagbigkas? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
6. Sa iyong palagay, ano ang patutunguhan ng isang pagtatanghal na hindi masining ang pagkakabigkas
ng mga linya? Ipaliwanag ang iyong sagot.

ISULAT NATIN
Panuto: Paano ba ipinagdiriwang ang Pasko sa iba’t ibang bansang Asyano? Magsaliksik o magtanong sa
anumang paraan tungkol sa tradisyon na pagdiriwang ng bansang iyong napili. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
PALAWAKIN PA NATIN
Panuto: Bumuo ng iskrip kung paano mo gustong ipagdiwang ang pasko. (Halimbawa, sa pamamagitan
ng tula.) Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Pamantayan
Nilalaman-----------------------------------------5
Makatotohanan---------------------------------3
Pagkamasining ---------------------------------2
----------
10

WEEKLY HOME LEARNING PLAN FOR MODULAR


Filipino 9
Ikatlong Markahan- Ikapito at Ikawalong Linggo

Subject Teacher: Gene C. Cabarga Jeffrey M. Ison Maribelle R. Sinigayan


Subject/ Grade Level: Filipino-9

We
Mode of
Section Modality Time Day/Date ek Learning Competency Learning Task
Delivery
No.
12:30 -
Agoho 2:30/2:45:4:4
5 a. Naiisa-isa ang
12:30- kultura ng
Apitong 2:30/2:45:4:4 Kanluraning
5 Asyano mula sa
Monday mga akdang
7:30 –
Kamagong 9:30/9:45- pampanitikan
11:45 nito.
12:30- b. Nagagamit ang
Mahogany 2:30/2:45:4:4 mga angkop na
5 salita sa
7:30 – paglalarawan ng
Balite 9:30/9:45- kulturang Asyano
11:45 at bayani ng
Personal
Kanlurang Asya, Sagutan ang mga
12:30 - na
c. Naipakikita sa gawain sa:
Antipolo 2:30/2:45:4:4 Tuesday isusumite
7 isang masining Tuklasin Natin
5 ng
Modular na pagtatanghal Suriin Natin
7:30 – magulang
ang kulturang Pagyamanin
Yakal 9:30/9:45- sa
Asyano na Natin
11:45 paaralan
masasalamin sa Isaisip Natin
12:30 - (MDL).
binasang mga
Banaba 2:30/2:45:4:4 akdang
5 pampanitikan ng
7:30 – Kanlurang
Wednesda
Ipil-Ipil 9:30/9:45- Asyano
y
11:45 d. Nabubuo ang
7:30 – plano at
Molave 9:30/9:45- kaukulang iskrip
11:45 tungkol sa
7:30 – isasagawang
Acacia 9:30/9:45- pagtatanghal ng
11:45 kulturang
Thursday
7:30 – Asyano.
Mulawin 9:30/9:45-
11:45

Prepared by: Reviewed by: Checked by:


GENE C. CABARGA LUCY R. FAUSTINO ARBEL A. BAYOT

JEFFREY M. ISON

MARIBELLE R. SINIGAYAN

You might also like