Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26
Mga Anyo ng
Kontemporaryong Pampanitikan
Inihanda ni: Shanaia Kate C. Asis
Tabloid Mula noon hanggang ngayo, maliki ang ginagamoanang papel ng mga balita sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa higaan hamggamg bago matulog ay nakatutok tayong mga Pilipino sa nangyayari sa ating paligid. Isa na ang mga pahayagan bilang isang uri ng print media ang kailanma’y hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura. Tabloid Ang Tabloid ay isang anyo ng kontemporaryong pampanitikan na nasa anyong print media. ang Tabloid ay mas abot kaya ng masa kaysa sa Broadsheet na doble ang presyo. Iba’t iba ang nilalaman ng tabloid na siyang nagiging pang-akit sa mga tao. Kinapapalooban ito ng mga sumusnod: Balita Tsismis Sports Literatura Crossword at Sudoku na matatagpuan sa loob ng taboid. Upang pagyamanin ang kaalaman sa tabloid, gawin ang sumusunod: 1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong: a. Sa inyong palagay, bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid kaysa boardsheet? b. Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya, lalo na ang malaganap na internet, bakit marami pa rin ang tumatangkilik at nagbabasa ng mga Magasin Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas. Naglalaman it ng mga maikling kwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago pa man ang Digmaang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga naming inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan din ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela. Magasin Ang magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo,kwento,larawan, anunsyo at iba pa. kalimitang pinopondohan ng mga patalastas. Ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa. • Ito ay may sukat na mas malaki kaysa aklat ngunit mas maliit kaysa pahayagan. • Maaring ito ay naglalaman ng mga larawan ng mga produkto na iniindorso ng mga sikat na tao sa bansa. Sa kasalukuyan, naririto ang nangungunang mga magasin na tinatangkilik sa bansa.
1.FHM (For Him Magazine)- Ang
magasing ito ay tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag- aalinlangan. FHM (For Him Magazine) Cosmopolitan - Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong nakasulat sa dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay. Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago, puno ng mga nakaw- atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro. Candy- Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa Men’s Health - Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay naging paborito ng maraming kalalakihan. Men’s Health T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget. T3 Entrepreneur -Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo. Pagsusulit 1. Ang ________ ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo,kwento,larawan, anunsyo at iba pa. kalimitang pinopondohan ng mga patalastas. Ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa. 2. Ito ay ang kauna-uanahang magasin na lumabas noong 1907. 3. Ang magasin na Telembang ay nagsimula noong taong __________ at natapos ang paglalathala noong __________. 4. Ang Magasing telembang ay may ilang isyu? 5. Sa anong pangalan unang nakilala ang Magasin na Liwayway? 6. Magkano naibebenta noon ang magasing Lipang Kalabaw? 7. Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa. Ano ang magasin na ito? 8. Ang magasing ito ay tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan. Anong magasin ang tinutukoy sa pahayag? 9. Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo. Ano ito? 10. Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ano ang magasing sinasabi sa pahayag? MGA KASAGUTAN Komiks