Fil. 3 Module 11 Paglilimbag NG Destop

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

COURSE MODULE Don Carlos Polytechnic College

MODULE WEEK NO.11

Purok 2, Poblacion Norte, Don Carlos, Bukidnon


Telephone Number: 09362264300

College of Education/Teacher Education Department


FIL. 3: Introduksyon sa Pamamahayag
Semester of A.Y. 2020-2021

Introduksiyon

Ang isang mamamahayag sa radio ay sumusulat para sa tainga ng mga tagapakinig at malaki ang
kaibahan nito sa pagsulat ng balita sa pahayagan na gumagamit ng baligtad na piramideng kasalukuyan.
Ang pagsulat ng balitang panradyo ay kailangang maikli, payak at tuwiran.
Rationale

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga sangkap sa paglimbag ng destop, nandito rin ang mga paraan kung
paano isulat ang panradyong iskip.

Intended Learning Outcomes

A. Nalalaman ang kahalagahan ng paglimbag ng destop at pagsulat ng panradyong iskrip


B. Nakagagawa ng newshole
C. Nakakasulat ng iskrip

Activity
Gawain: Gumawa ng isang sanaysay patungkol sa paglilimbag ng destop.
Diskusyon
MODYUL SA FILIPINO
FIL. 3 INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

Paglilimbag ng Destop

A. Toolbox
Iklik ang window > ipakita ang Tools o Window > Itago ang Tools upang maipakita o di kaya ay maitago ang
toolbox.

Gamitin ang mga sumusunod:

1. Pointer Tool sa pagpili, pagpapakilos at pagbabago ng laki ng text blocks at graphics.


2. Text tool sa pagmamakinilya at pagwawasto ng teksto.
3. Rotating tool sa pagpili at pagpaikot ng mga bagay
4. Cropping tool sa pagtatapyas ng mga inilipat na mga graphics
5. Line tool sa pagguhit ng tuwid na mga linya sa kahit saang direksyon
6. Constrained line tool sa pagguhit ng bertikal at horizontal na mga linya
7. Rectangle tool sa pagguhit ng mga rectangular na placeholder para sa teksto at graphics
8. Rectangle frame tool sa paglikha ng polygonal placeholder para sa teksto at graphics
9. Ellipse frame tool sa paglikha ng pabilog na placeholder para sa teksto at graphics
10. Polygon tool sa pagguhit ng mga pangunahing polygon
1
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.11
11. Polygon frame tool sa paglikha ng polygonal placeholder para sa teksto at graphics
12. Hard tool i-scroll ang pahina o i-preview at subukan ang hyperlinks
13. Zoom tool sa pagpapalaki o pagliliit ng sukat ng pahina

B. Control palette (in character view)

Iklik ang Window > ipakita ang Control pallete upang mai-display ang Control palette

Character-view and paragraph-view buttons: Taguro sa pagitan ng dalawang uri ng type setting.

1. Type style buttons: Lapatan ng Normal, Bold, Ilatic, Underline, Reverse or Strikethru
2. Case buttons: Tiyakin kung maliit na titik, lahat malalaking titik o i-deselect ang parehong buton
para sa normal case
3. Position buttons: tiyakin kung Superscript o Subscripts type, o i-deselect ang parehong buton para
sa normal na posisyon
4. Type-size option: Tiyakin ang laki ng tipo sa puntos. Nudge amount: 0.1 point
5. Leading option: tiyakin ang bertikal na espasyo sa pagitan ng mga linya ng tipo sa talata
6. Expert tracking option: makinilyahin o piliin ang laki ng espasyo sa pagitan ng mga titik at mga
salita
7. Set width option: Makinilyahin ang laki mula 5% hanggang 250% sa pagpapataas ng ikasampu ng
1% (ang normal ay may katumbas na 100%, o lawak ng character sa orihinal na desinyo ng font).
Nudge amount: 1%
8. Kerning option: Pagpapataas, pagpapababa, o pagpapakita ng pagtaas ng kerning, itama sa 0.001 sa
espasyo ng isang em. Nudge amount: 0.1 em
9. Baseline shift option: tiyakin ang bertikal na posisyon ng teksto kaugnay sa batayan, Nudge amount:
0.1 point

C. Control Pallete (in paragraph view)


Paragraph-style option: Makinilyahin o pumili ng nakahandang istilo
Alignment buttons: left align, right align, justify and force justify indentions

D. Colors
Iklik ang Window> ipakita ang colors upang mai-display ang Colors Palette at gamitin ito sa paglalapat ng
mga kulay o tingnan ang pangalan o uri ng kulay na inilipat sa piniling teksto o bagay.

 Iklik ang stroke button para sa paglalapat ng kulay sa linya ng rektanggulo, poligono, elipse o
kwadro.

 Iklik ang fill button para baguhin ang kabuuang kulay ng rektanggulo,poligono, elipse o kwadro.

 Iklik ang dalawang buton (stroke at fill button) kung lapatan ng parehong kulay ang kwadro at
kabuuan nito.

 Tiyakin ang tint percentage sa paglalapat ng object-level tints ng batayang kulay na inilapat sa
seleksyon.

Mga Hakbang sa Paglilikha ng Publiksayon

1. Ikatda ang dokumento.


2. Lapatan ng Column Guides/Center Guide
3. Paglalagay ng pangalan ng pahayagan
4. Pagguhit ng kahon para sa mga larawan sa pamamagitan ng rectangular tool.
5. Pagmamakinilya ng ulo ng balita
2
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE 6. Pagmamakinilya ng akda
MODULE WEEK NO.11

Salin sa hndout na inihanda ni Bb. Helen T. Jucutan, tagapanayam sa Desktop Publishing


sa Division Training on Campus Journalism na ginanap sa Dadiangas South Central
Elementary School, Lunsod ng Heneral Santos noong Agosto 9-10, 2003.

Pagsulat ng Panradyong Iskrip

Ang pagsulat sa pahayagan ay batay sa kung paano ito isasalita. Sa radio naman ay kung paano ito
gustong marinig ng manunulat.

Mga kabutihan ng Radyo


1. Ito ay pinakamabilis na tagapagpaabot ng mga balita at iba pang mga impormasyon.
2. Nagagamit ito kahit na sa mga lugar na pinangyarihan ng balita ay madali lamang.
3. May kamurahan ang produksyon sa mga programang panradyo.
4. Ang aktwal na pagbabalita sa mga lugar na pinangyarihan ng balita ay madali lamang.
5. Hindi sagabal sa paggamit ng radyo ang kawalan ng sapat na pinag-aralan.

Mga Di-kabutihan ng Radyo

1. Umaasa lamang ito sa tunog.


2. Maaaring maapektuhan ng panghimpapawid na kagambalahan.
3. Dahil sa kailangan nitong paikliin ang ipapahayag, hindi gaanong ganap ang mga impormasyong
ipaabot sa mga nakikinig.
4. Ang mga mensahe sa radyo, katulad din ng mga nasa telebisyon, ay madaling nawawala, maliban na
lamang kung iti-tape ang mga ito.

Mga Prinsipyo sa Pagsulat ng Panradyong Iskrip

1. Sinasalita
2. Napapanahon
3. Tao-sa-taong pagpapahayag
4. Minsan lamang maririnig
5. Tunog lamang

Modernong Kalakaran sa Pag-uulat sa Radyo

1. Nagbabagong kapaligiran ng komunikasyon


2. Pagsilang ng mga makabagong teknolohiya
3. Pagtagpo ng media
4. Pagprogramang niche

Pangkalahatang Gabay sa Pagsulat saRadyo

1. Alamin ang kalikasan ng radyo


2. Sumulat upang mapakinggan, hindi upang mabasa
3. Napapakinggan ka lamang minsan
4. Kulang ng agarang reaksyon mula sa mga tagapakinig
5. May posibilidad ng maramihang tagapakinig ng mga maliliit at magkaibang pangkat
6. Alamin ang iyong tagapakinig, gulang, kasarian, trabaho, antas ng edukasyon, katayuang
pangkabuhayan at iba pa
7. Magtakda ng mga pangkumunikasyong layunin

3
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE Mga Pamantayan sa mga Programang Panradyo
MODULE WEEK NO.11

1. Balita – ang radyo ay isang midyum na may malawak na naaabot. Ito ay may kakayahang
umimpluwensya sa maraming tagapakinig, kaya kailangan ang ibayong pag-iingat lalo na sap ag-
uulat ng mga balita at pagtatalakay ng mga pampublikong isyu. Ang tuntunin sa pagbabalita ay
humihikayat sa pinakamataas na pamantayan sa propesyonalismo sa pag-uulat ng mga balita at
pagpapaabot ng mga napapanahong isyu.

2. Mapagkunan ng mga Balita – kinakailangan ang masusing pagpili ng mga mapagkunan ng datos sa
pagbabalita dahil ang reputasyon ng radyo bilang midyum na tagahatid ng balanseng balita ay
nakasalalay sa mga mapagkakatiwalaang sanggunian.

3. Komentaryo at Pagsusuri – ang mga nilalaman ng mga programang pangkomentaryo at pagsusuri


ay kailangan limitado lamang sa mga isyu na nakaapekto sa pampublikong interes at kapakanan.
Kailangan tiyakin ng istasyon ng mga namamahala sa mga komentaryo at pagsusuri ay eksperto,
dalubhasa, at kwalipikado at awtoridad na manunulat sa larangan ng ganitong trabaho.

4. Editoryal – ang mga editoryal ay opisyal na paninindigan ng istasyon sa mga pampublikong isyu,
kaya kailangan makilala nang malinaw at magsisilbing salamin ng istasyon.

5. Saklaw ng Balita at Pampublikong Asikasuhin – ang saklaw ng mga balita at pampublikong


asikasuhin o public affairs ay kailangang umalinsunod sa tanggap nang pamantayan sa makaetikong
pamahayagan. Kailangang ang mga ito ay tumpak, sapat at nabibigay-kabatiran.

6. Pagpapatalastas – ang pamahalaan ng istasyon ay dapat magkaroon ng tiyak na diskresyon sa


pagtanggap, paglalagay at pagrerepresenta ng mga patalastas sa mga programang pambalita upang sa
ganoon ay magkaroon ang mga ito ng kaibahan o sariling pagkakakilanlan.

Mga Parusang Ipinapataw sa Paglabag ng mga Tuntunin

1. Para sa unang paglabag, multang P1,000 at/o nasusulat sa sulat sa indibidwal na kawani/block
timer/tagaanunsyo, at tatlong buwang suspensyon ng mga pribilehiyo ng istasyon.
2. Para sa ikalawang paglabag, mula P3,000 at/o tatlong buwang suspensyon sa indibidwal na
kawani/block timer/tagaanunsyo, at tatlong buwang suspensyon ng mga pribilehiyo ng istasyon.
3. Para sa ikatlong paglabag, multang P5,000 at/o anim na buwang suspensyon sa indibidwal na
kawani/block timer/tagaanunsyo, at anim na buwang suspensyon ng mga pribilehiyo ng istasyon.
4. Para sa ikaapat na paglabag, kanselasyon o pagbawi ng arkeditisyon ng indibidwal na kawani/block
timer/tagaanunsyo, at rekomendasyon para sa ekspulsyon mula sa pagiging miyembro ng KBP at
rekomendasyon sa National Telecommunication Commission (NTC) para sa pagkakansela ng permit
ng istasyon.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Panradyong Ulat

1. Gumamit ng doble o tripleng espasyo sa pagsulat ng linya at talataan.


2. Makinilyahin ang kopya sa malalaking titik upang madaling mabasa ng tagailat.
3. Ang mga isasalitang linya ay makinilyahin sa malalaki at maliliit na titik.
4. Lahat ng panuto at di-isasalitang linya ay makinilyahin sa malaking titik
5. Gawing duplikado ang bawat kopya.
6. Gawing talata ang bawat pangungusap.
7. Huwag paghihiwalayin ang salita sa dulo ng linya.
8. Lagyan ng pahina ang bawat iskrip.
9. Laging gumamit ng kompletong talataan sa pagtatapos bago gumamit ng panibagong papel.
10. Pamalagiing malinis ang iskrip
4
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE 11.
MODULE WEEK NO.11
Alisin ang salitang hindi gagamitin sa pamamagitan ng paglalagay ng ekis o “X”.
12. Gawing maikli at simple lamang ang iskrip.
13. Huwag gumamit ng mga salitang mahirap bigkasin.
14. Huwag gawing pa-text ang pagsulat ng mga salita sa iskrip.
15. Hangga’t maaari, ang bawat pangungusap ay hindi lalampas sa 12 salita.
16. Banggitin ang pinagmulan o atribusyon sa simula o katapusan ng balita.
17. Ang paggamit ng naka-tape na pahayag mula sa panayam ng taong awtoridad ay nakapagdaragdag ng
kredibilidad ng istorya.

Kaayusan ng Iskrip sa Balitang Panradyo

1. Petsa ng ulat. Karaniwan itong nilalagay sa itaas na kanang sulok ng kopya.


2. Slug. Binubuo ng isa o dalawang salitang kumakatawan sa pinapaksa ng balita at inilalagay sa ilalim
ng petsa.
3. Oras. Makikita ito sa ilalim ng slug o catch line at nagbibigay ng oras kung kalian ibabalita ang
istorya.
4. Katawan. Binubuo ng mga detalye ng balita.
5. Sanggunian. Inilalagay sa ilalim ng kaliwang sulok ng kopya at binubuo ng mga ng mga inisyal ng
pangalan at apelyido at pangalan ng reporter, lugar at inisyal ng pangalan at apelyido ng editor.

Halimbawa ng Iskrip ng Balitang Panradyo

8/19/04
Pambansang bulaklak
6:00 nG

Isinusulong kahapon ni Davao City Congressman Vincent Garcia ang pagpapalit ng Walingwaling sa
Sampaguita bilang pambansang bulaklak ng Pilipinas.

Ikinatwiran ni Congressman Garcia sa kanyang House Bill No. 2326 na ang Sampaguita ay hindi katutubong
tanim sa bansa kundi sa India at Arabia, samantalang ang Walingwaling ay mula mismo sa Pilipinas.

Naging pambansang bulaklak ang Sampaguita sa bisa ng Executive Proclamation No. 652 ni Governor Frank
Murphy noong Pebrero 1, 1934.

Ngunit natuklasan nina Dr. Eduardo Quisumbing, director ng National Museum at Dr. Vicente Saplala,
propesor ng UP – Los Baños, Laguna na mula sa banyagang bansa ang sampaguita.

Ang Waling-waling ay isang uri ng orkidyas na makikita sa Bundok Apo ng Davao at Zamboanga del Sur.

Rongalerios/kongreso/castro/09198425299

Iskrip na may Isinisingit na Audio

Ang ilang mga istorya ng mga tagaulat ay mayroong naka-tape na panayam sa mga taong awtoridad sa mga
5
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.11
pangyayari sa mga balita. Ito ay nagpaparagdag sa krebilidad ng istorya at nagbibigay ng kariinan sa
kapanahunan ng pangyayari. Ang ilang malalaking network panradyo ay may mga on-the-spot na ulat mula
sa iba’t ibang dako ng bansa.

Halimbawa ng Iskrip ng Balitang Panradyo na may Isiningit na Audio

8/21/04
BALASAHIN-GABINETE
6:00Ng

Itinanggi kahapon ng Malacañang na pambayad lamang utang na loob sa mga taong sumuporta sa
Pangulo noong nakaraang eleksyon ang ginawang pagbalasa ng kanyang gabinente.

Sinabi ng Presidential Spokesman Ignacio Bunye na kung mayroon mang pagbabayad ng utang na
loob, ito ay ginawa para sa sambayanang Pilipino.

Narito ang panayam ni Kasanggang Cheryl Arcibal Kay G. Bunye:

CUE IN: “It was made. ………


CUE OUT: “………sdministration sgenda.”
TAGAL: 37 segundo

Panayam/arcibal/malacañang/castro/09198425299

Pagwawasto ng Panradyong Iskrip

Katulad ng sa print media, kinakailangan din ang pagwawasto sa mga panradyong iskrip sa sumusunod na
mga dahilan:

1. Maiwasto ang mga mali sa datos


2. Maiwasto ang istilo sa pagbrodkast
3. Maiwasto ang daloy ng pagbabasa sa mga teksto
a. Iwasan ang tongue twister na salita o pangungusap
b. Iwasan ang nakalilitong mga salita
c. Iwasan ang masalimuot na mga pangungusap
4. Maiwasto ang kahabaan ng iskrip
a. 10 segundo – 25 salita
b. 20 segundo – 45 salita
c. 30 segundo – 65 salita
d. 45 segundo – 100 salita
e. 60 segundo – 125 salita

Paggawa ng Newshole

Ang pagpaplano sa pagbabalita sa radyo ay ginagawa bago pa man ang pagsasahimpapawid nito. Ang ibang
nilalaman nito ay tulad ng mga natatanging ulat ay inihanda na ng mga ilang araw pa bago ang
pagsasahimpapawid. Ang ibang bahagi tulad ng mga breaking news ay ilalakip na lamang bago ang takdang
oras ng aktwal na pagbabalita.

6
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.11
Ang patalastas at iba pang di-pambalitang nilalaman na inihahanda nab ago pa man ang aktwal na araw ng
pagbobrodkast ay inilalagay na rito na may katumbas na oras, kung kaya ang tanging naiiwan na lamang ay
ang espasyo para sa mga balita.

NEWSHOLE NG LIMANG MINUTONG PROGRAMANG PAMBALITAAN

30 segundo
Panimula Balitang
Bumper Local/Dayuhan
Teases Pang-agham
Patalastas Billboard showbiz
Isports
Infomercial 2 minuto

1:30 minuto

Station ID
10 segundo
Editoryal

50 segundo

Pagtatakda ng Oras

Ang bawat segundo sa radyo ay mahalaga kaya kinakailangang ang bawat programa ay nagsisimulaat
nagtatapos sa tumpak na oras, walang labiis at walang kulang. Kung ang takdang oras na programang
pambalitaan ay limang minuto lamang, dapat ang mga nilalaman at ang kaukulan nitong laang oras tulad ng
sumusunod:

 05:00 (limang minuto)


 01:30 – patalastas at infomercials
 00:10 – station ID
 00: 30 – panimula, bumbers at teases
 02:50 – natirang oras para sa mga balita

Pagsulat ng Lathalaing Panradyo

Ang pagsulat ng iskrip ng lathalainng panradyo ay maaaring maglalaman ng mga sumusunod:


1. Balitang lathalain
2. Natatanging ulat sa isang espesyal na okasyon
3. Sanligang lathalain para sa musika, musikero.
4. Tips/lathalaing paano sa sumusunod na larangan
a. Edukasyon
b. Kalusugan
c. Pagmamagulang
d. Kalikasan
e. Pangkabuhayan
5. Maikling kwento/anekdota
6. Pakikipanayam/ Tanong at Sagot/talakayang lathalain
7. Trivia
8. Mga biro
7
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.11

Mga Pamamaraan sa Pagsulat ng Lathalaing Panradyo

1. Sikaping makuha kaagad ang atensyon ng mga tagapakinig


2. Gumamit ng nararapat na pananalita at istilong angkop sa paksa at sa mga tagapakinig
3. Sikaping maging pinakamahusay na tagapagbigay ng impormasyon, tagapagpasidhi sa
pamprogramang kawilihan at katuwaan, at tagapagtaguyod ng pagkakaunawaan sa mga isyu
4. Maging kombersasyonal o palagayan sa pagsasalita

Pagsulat ng Editoryal

Ang iskrip sa editoryal panradyo ay kailangang piliin at iwastong mabuti. Ito ay sa dahilang ang
himpapawid ay dominyong pampubliko, kaya kailangan ang pag-aayos nitong mabuti para sa kapakanan ng
mga mamamayan.

Ang editoryal ay hindi kailangang maging mapanlaban. Hindi ito iyong kung ano ang sinasabi mo,
kundi kung paano ito gustong marinig ng mga tagapakinig.

Exercise
Gawain: Gumawa ng newshole ng pitong minutong pambalitaang programa.

Assessment
Gawain: Mula sa ginawang newshole sa itaas, sumulat ng iskrip na naglalaman ng mga sumusunod:
1. Hindi bababa sa dalawang pangunahing balita (isa rito ang may sisingit na audio)
2. Balitang pampalakasan
3. Balitang pang showbiz
4. Editotyal na napapanahong isyu
5. Lathalain tungkol sa napapanahong pagdiriwang
6. Mga patalastas
7. Bumper, tease at billboard
8. Infomercial
9. Station ID
Reflection

1. Ano ang mga natutunan mo sa paggawa ng panradyong iskrip?


2. Mabisa ba itong gabay sa pagagawa ng balitang panradyo?

Resources and Additional Resources

 Gelly E. Alkuino (Pampaaralang Pamahayagan sa Nagong Henerasyon) 2008

8
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.11

9
Crafted by Mariel Bandada

You might also like