Komiks
Komiks
Komiks
komiks
isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang ginagamit upang ihatid ang
isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o walang salita, at binubuo ng isa o
higit pang mga larawan,
Bahagi ng Komiks
1. Pamagat ng kuwento
2. Larawang guhit ng mga tauhan sa kuwento
3. Lobo ng usapan- Pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan; may iba’t ibang anyo ito batay sa
inilalarawan ng dibuhista.
4. Kahon ng Salaysay-
Pinagsusulatan ng maikling salaysay tungkol sa tagpo
5. Kuwadro- Naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame)
Ang pagiging malikhain ng mga tagakomiks ang nagpagalaw maging sa mga bagay na
walang buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita ng iba.
Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika. Pinagkabit-kabit ang mga
elemento. At kahit walang teleskopyo ay ginalugad nila ultimong tuldok sa kalawakan,
ipinakita na bukod sa ating mundo ay may iba pang mundo, at may iba pa palang uri ng mga
nilalang. Maraming bata ang lumaki kasabay ng komiks at baon nila ang tapang ng mga super
karakter na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Maraming pinaligaya ang komiks, maraming
binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig.
Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang benta ng komiks dahil sa
ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos angpaggamit ng murang papel. Naapektuhan
nito ang kalidad at itsura ng komiks. Nagresulta ito nang pag-alis ng mga dibuhista ng
komiks sa Pilipinas para magtrabaho sa Amerika sa parehong industriya, ang komiks.
Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Niño at iba pa.
Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ng komiks
kundi maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin Salvador, 'world-class' ang kakayahan
ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks.
Kinilala ang galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at malikhaing pagsulat
sa lokal man at internasyonal na komunidad. Kabilang sa mga komikerong Pilipino na kilala sa
labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan, Whilce Portacio, Philip Tan, Alfredo Alcantara, at
marami pang iba.
Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks. Ayon nga
kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. “Hindi mamamatay ang komiks dahil
may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang kakanyahang hinding-hindi
mamamatay sa kulturang Pilipino hangga't ang mga Pilipino ay may mga mata para makakita