ANAPORIK

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

ANAPORIK

AT
KATAPORI
K
Panandang Anaporik at
Kataporik
Sa pagpapahayag ay may dalawang paraang
ginagamit upang mapag-ugnay ang pangungusap. Ito
ay sa pamamagitan ng pagtutungkol o reperensiya.
May dalawang uri ang pag-ugnay na ito. Ito ang
anapora o sulyap na pabalik at katapora o sulyap na
pasulong.
Kohesyong Gramatikal (Cohesive Devices) ay
mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi
paulit-ulit ang mga salita.

Ang mga cohesive devices na ito ay mga


panghalip

Ito, Dito, Doon, Dito,Iyon - Bagay/lugar/hayop

Sila, Siya, Tayo, Kanila, Kaniya - Tao, Hayop


ANAPORIK
•SULYAP NA PABALIK
•REPERENSIYA KUNG
BINABANGGIT NA SA
UNAHAN ANG SALITA
1. Patuloy na dinarayo ng mga
turista ang Dos Palmas Resort sa
Palawan dahil sila’y totoong
nagagandahan dito.
2. Si Gracia Burnham ay isa sa mga
dayuhang turista na pumunta sa
Dos Palmas Resort dahil ayon sa
kanya, paborito niya itong
pasyalan.
3. Si Rogelio Sikat ang may-akda ng
Impeng Negro at siya ay nagkamit ng
iba’t-ibang parangal.
4. Napakahalaga ng talinong taglay ng
isang tao sapagkat ito ang
kayamanang hindi mawawala o
makukuha ng iba.
KATAPORIK
• SULYAP NA PASULONG
• REPERENSIYA NA
BINABANGGIT SA DAKONG
HULIHAN NA NAGDUDULOT
NG KASABIKAN O INTERES SA
PAHAYAG
1. Patuloy nilang dinarayo ang Dos
Palmas Resort sa Palawan dahil
ang mga turista’y totoong
nagagandahan dito.
2. Siya ay isa sa mga dayuhang
turista na patuloy na pumupunta sa
Dos Palmas Resort sa Palawan
dahil ayon kay Gracia Burnham
paborito niya itong pasyalan.
3. Isa siyang ekonomista kaya alam ni
Pangulong Arroyo kung paano muling
sisigla ang turismo sa Pilipinas.
4. Ito’y kasangkapang ginagamit ng
lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan
kaya ang wika ay isang mahalagang
aspekto ng bawat kultura.
PAGSASANAY
1. Si Donya Aurora Aragon-Quezon ang
nagtatag ng Krus na Pula. Ikinasal siya
kay Pangulong Manuel L. Quezon na isa
nang pulitiko noon.
2. Katulong si Donya Aurora ni
Pangulong Quezon sa pagpapatupad ng
Katarungang Panlipunan. Puspusan ang
pagkalinga niya sa mga nangangailangan
at kapuspalad.
3. Nang bumagsak ang Bataan at
Corregidor, ang pamilya Quezon ay
pumunta sa Amerika. Doon ay tumulong
siya sa American Red Cross at patuloy na
nakipag-ugnayan sa mga pinunong bayan.
4. Tapos na ang digmaan nang siya ay
bumalik sa Pilipinas.Gayunpaman,
tumulong si Donya Aurora sa Pangulong
Manuel A. Roxas na mapagtibay ang
kalayaan ng Pambansang Krus na Pula.
5. Ang pagmamahal niya sa bayan
ay di mapapasubalian. Ito ay taglay
niya hanggang kamatayan.

You might also like