Retorika at Balarila

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 34

Ang Balarila at Ang Retorika

Ang Balarila

Ang balarila ay kailangan upang magkaroon


ng isang mainam at maayos na pahayag.
Ano ang balarila?

Ayon kay Federico B. Sebastian…

“Ang balarila ay isang agham na tumatalakay sa mga salita


at sa kanilang pagkakaugnay-ugnay.”

Ayon kay Lope K. Santos…

“Ang balarila ay bala ng dila.”


Ang Retorika

Ang retorika ang tawag sa mahalagang karunungan ng


pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at
kaakit-akit na pagsasalita at pagsusulat.
Ano ang Retorika?
Galing sa salitang “rhetor” na salitang Griyego na
nangangahulugang “guro” o isang mahusay na orador /
mananalumpati.

Susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit,


kaigaigaya at epektibong pagsasalita at pagsulat.

Pag-aaral kung paano makabubuo ng isang kaisipan sa


pamamagitan ng mga piling salita at wastong pagsasaayos ng
mga ito upang maiangkop sa target ng awdyens at matamo ng
manunulat ang kanyang layunin.
Kaugnayan ng Retorika sa Balarila

Ang retorika at balarila ay pawang mahahalagang


sangkap para sa maayos, masining at magandang
pagpapahayag. Kapag inalis ang balarila, mawawalan tayo ng
kawastuhan sa anumang matinong panulat sa hinaharap.

Sa pamamagitan ng balarila, makakabuo ng isang


mainam at mayamang pahayag. Subalit ang isang pahayag na
may balarila lamang at walang retorika ay nagiging kabagut-
bagot sa bumabasa o nakikinig.
Ang balarila ay masasabing isang agham sa paggamit
ng salita at ang pagkakaugnay-ugnay nito. Isinasaalang-alang
din ang mga bahagi at tungkulin ng mga salita sa
pangungusap.

Ang balarila ay may kaugnayan sa pag-aaral ng uri ng


mga salita, tamang gamit ng mga salita at pahayag upang
makabuo ng malinaw na kaisipang pang-gramatika.
Ang Balarila sa Proseso ng Mabisang
Pagpapahayag
May malaking bahagi ang balarila tungo sa mabisang
pagpapahayag tulad ng wastong pagkakaugnay-ugnay ng mga
salita sa isang pagpapahayag.

Ang balarila ay may kaugnayan sa pag-aaral at uri ng


mga salita, tamang gamit ng mga salita at tamang
pagkakaugnay-ugnay ng mga salita sa pahayag upang makabuo
ng malinaw na kaisipang pang-gramatika.
Ito ay masasabi rin na isang agham sa paggamit ng
salita at ang kanilang pagkakaugnay-ugnay. Isinasaalang-
alang din ang mga bahagi at tungkulin ng mga salita sa
pangungusap.

Ang pagpapahayag ay ang kakayahang maipabatid


ang naiisip, nararamdaman at nalalaman. Ito ay bahagi ng
kabuuan ng isang likhang may buhay. Sa bawat sandali ng
buhay, ang tao ay nagpapahayag ng kanyang damdamin at
iniisip.
Dalawang Paraan sa Pagpapahayag

1. Pasalitang Pagpapahayag
2. Pasulat na Pagpapahayag

Ang isang nagpapahayag ay kailangang may


sapat na kaalaman sa diwang kanyang
ipinapahayag. Ang nilalaman ay napakahalaga
upang maunawaan at mahikayat ang nakikinig o
babasa.
Pagpili ng Wastong Salita
Ang pagiging malinaw ng pahayag ay nakasalalay sa mga
salitang gagamitin. Kinakailangang angkop ang salita sa
kaisipan at sitwasyong ipahahayag.

Mali: Pasadahan mo ang iyong kapatid sa eskwela.


Tama: Daanan mo ang iyong kapatid sa eskwela.

Mali: Yayao na siya papuntang palengke.


Tama: Aalis na siya papuntang palengke.
May mga pagkakataon din na kinakailangang gumamit ng
eupemismo o paglulumanay sa ating pagpapahayag kahit na may
mga tuwirang salita naman para rito.

Halimbawa:

kumain sa halip na lumamon


tinangay ng bagyo sa halip na dinala ng bagyo
Wastong Gamit ng mga Salita
1. Nang at Ng
Ginagamit ang nang kapag:

a. pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at ito ang panimula


ng katulong na sugnay.
halimbawa: Matulog kang mahimbing nang may lakas ka
mamaya.
Mag-ensayo ka nang manalo ka sa paligsahan.

b. inilalagay sa pagitan ng pandiwa at ng panuring nito. Nagmula


sa “na” at inaangkupan ng “ng”.
halimbawa: Nagmaneho nang maingat sa baha si Gabie.
Nagluto nang masarap na pagkain si nanay.
c. ginagamit sa gitna ng dalawang salitang-ugat, pawatas at
pandiwang inuulit.
halimbawa: Walis nang walis si Iday sa hardin.
Aral nang aral si Glenne para sa mahabang
pagsusulit.
Ginagamit ang ng kapag:

a. pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.


halimbawa: Nagpintura siya ng kotse.
Naghakot sila ng gamit.

b. pananda ng tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak.


halimbawa: Pinasyalan ng turista ang Hawaii.
Ikinarga ng binata ang mga kahon.

c. nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian.


halimbawa: Ang laruan ng bata ay nasira.
Ang sasakyan ng mag-asawa ay nalubog sa baha.
2. Kung at Kong
Kung  pangatnig na panubali at ito’y karaniwang ginagamit sa
hugnayang pangungusap. Ipinakikilala ang di-katiyakan ng
isang kalagayan.
halimbawa: Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang
uwi niya sa probinsya.
Mag-ingat ka kung ikaw ang magmamaneho
ng kotse.

Kong  nanggaling sa panghalip na panaong “ko” at


inaangkupan lamang ng “ng”.
halimbawa: Gusto kong maging maayos ang buhay mo.
Minamahal kong ina.
3. May at Mayroon
Ginagamit ang may kapag:

a. sinusundan ng pangngalan
halimbawa: May pagkain ka ba diyan?
May bukas pa.
Sinabi kong may pag‐asa pa siya.
 
b. sinusundan ng pandiwa
halimbawa: May nalaman ako tungkol sa’yo.
May bumili na ba ng papel?
May gagawin pa akong takda.
c. sinusundan ng pang‐uri
halimbawa: Si Antonette ay may bagong manliligaw.
May luma ka bang mga libro?
Siya ay may maliit na bahay.
 
d. sinusundan ng panghalip na panao
halimbawa: May kanya‐kanya tayong buhay.
Doon daw siya nakatira sa may atin.
Doon nangyari ang krimen sa may amin.
Ginagamit ang mayroon kapag:

a. may napapasingit na kataga


halimbawa: Ang Pilipinas ba ay mayroon pang pag‐asa?
Mayroon din siyang kakaibang ugali.
Ginoo, mayroon po kayong bisita sa labas.
 
b. ipananagot sa tanong
halimbawa: May naiwanan ka ba? Mayroon.
May umaway ba sa’yo? Mayroon po, Inay.
Si Yumi ba ay mayroon ding ginagawa? Mayroon daw.
c. nangangahulugan ng pagka‐maykaya sa buhay
halimbawa: Isa si Jennifer sa mga mayroon sa barkada namin.
Mayroon ang pamilyang Santiago.
Hindi siya mayaman, mayroon lang ang pamilya
nila.
4. Subukin at Subukan
Subukin  pagsusuri o pagsisiyasat sa lakas o kakayahan.
halimbawa: Subukin mong bumili ng ibang bolpen.
Susubukin mo bang malaman kung paano
ginagamit iyan?
 
Subukan  pagtingin upang malaman ang ginagawa ng isa o
maraming tao.
halimbawa: Subukan mong kausapin siya.
Susubukan ko bukas na isumbong siya sa
pulis.
5. Pahirin at Pahiran

Pahirin  pag−alis o pagpawi ng isang bagay.


halimbawa: Pahirin mo ang dumi sa iyong mukha.
Pinahid ba niya ang dugo sa kanyang noo?
 
Pahiran  paglalagay ng isang bagay.
halimbawa: Pahiran kaya kita diyan!
Totoo bang pinahiran ka niya ng ketchup?
6. Operahin at Operahan
Operahin  tinutukoy ang tiyak na bahaging tinitistis.
halimbawa: Doc, ooperahin po ba ang ulo niya?
Kailangang operahin ang bali-bali niyang buto.

Operahan  tinutukoy ang tao at hindi ang bahagi ng kanyang


katawan.
halimbawa: Ooperahan si Jeniffer.
Nagdasal sila habang inooperahan si John.
7. Napakasal at Nagpakasal

Napakasal  tinutukoy ay ang ginagawang pag-iisang dibdib ng


dalawang nilalang na nagmamahalan.
halimbawa: Napakasal na din ang dalawang ito.
Napakasal siya sa gusto ng magulang.

Nagpakasal  tumutukoy sa taong naging punong-abala o siyang


nangasiwa upang makasal ang isang lalaki at babae.
halimbawa: Ang magulang nila ang nagpakasal sa kanila.
Ang pari ang nagpakasal sa dalawa.
8. Din at Rin, Daw at Raw
Rin at Raw  ginagamit kung ang sinusundang salita ay
nagtapos sa patinig at sa malapatinig na “w” at “y”.
halimbawa: Tumulong na rin siya tulad ng iba.
Ikaw raw ang napili ng guro na lumahok sa
paligsahan.

Din at Daw  ginagamit kung ang salitang sinusundan ay


nagtatapos sa katinig maliban sa “w” at “y”.
halimbawa: Mahirap daw ang exam.
Mamahalin din niya si Ruth.
9. Sila at Sina, Kina at Sila
Ang sila ay panghalip panao samantalang ang sina ay
panandang pangkayarian sa pangalan.

Mali: Sila Romeo at Juliet ay magkasintahan.


Tama: Sina Romeo at Juliet ay magkasintahan.

Mali: Sina-sina rin ang umubos ng pagkain.


Tama: Sila-sila rin ang umubos ng pagkain.
10. Pinto at Pintuan

Pinto (door)  bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas.


Ginagawa ito upang ilagay sa pintuan.
halimbawa: Pakisara naman ng pinto.
Hawakan mo ang pinto.

Pintuan (doorway)  kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang bahaging


daraanan kapag bukas na ang pinto.
halimbawa: Sira ang pintuan kaya’t hindi maisara ang pinto.
Ginagawa na ang pintuan sa bago naming
bahay.
11. Hagdan at Hagdanan
Hagdan (stairs)  mga baytang at inaakyatan at binababaan sa
bahay/gusali.
halimbawa: Ipatong mo nalang sa hagdan ang mga iyan.
May nakalutang na multo sa hagdan.

Hagdanan (stairways)  bahagi ng bahay na kinalalagyan ng


hagdan.
halimbawa: Maganda ang hagdanan nila sa bahay.
Baka mahulog ka sa hagdanan.
12. Iwan at Iwanan
Iwan (to leave something)  nangangahulugang huwag
isama/dalhin.
halimbawa: Iwan mo na ang bag mo sa condominium dahil
mabigat.
Iwan mo na nga siya, hindi ka naman niya
mahal.

Iwanan (to leave something to somebody)  nangangahulugang


bibigyan ng kung ano ang isang tao.
halimbawa: Iwanan mo na lang sakin yang mga chocolate.
Iwanan mo ako ng pagkain para sa aking
tanghalian.
13. Sundin at Sundan
Sundin (follow an advice)  nangangahulugang sumunod sa payo
o pangaral.
halimbawa: Sundin mo ang sinasabi ko at baka masaktan
ka pa.
Sundin niyo ang utos ng Diyos.

Sundan (follow where one is going; follow what one does) 


nangangahulugang gayahin ang ginagawa ng iba o pumunta sa
pinuntahan ng iba.
halimbawa: Sundan mo nalang ang steps sa Giling Giling.
Baka magpakamatay ang iyong kapatid,
sundan mo siya sa rooftop.
14. Tungtong, Tuntong at Tunton
Tungtong  panakip sa palayok o kawali.
halimbawa: Nilagyan ng tungtong ang kawali.
Binato siya ng tungtong.

Tuntong  pagyapak sa ano mang bagay.


halimbawa: Tumuntong ka nga sa mesa.
Tuntongan mo siya sa likod para sa pyramid.

Tunton  pagbakas o paghanap sa bakas ng ano mang bagay.


halimbawa: Tinunton niya kung saan pumunta ang pusa.
Tutuntonin nila ang suspect.
15. Dahil sa at Dahilan sa

Dahil sa ang wasto. Sinusundan ito ng pangngalang pinagsanhian


ng isang pangyayari. Mali ang dahilan sa. Ang dahilan ay
pangngalan mismo.

Mali: Dahilan sa bagyo, kailangang lumikas ng pamilyang Jones.


Tama: Dahil sa bagyo, kailangang lumikas ng pamilyang Jones.

Mali: Dahilan sa sakit, hindi siya nakapasok


Tama: Dahilan niya ang pagkakasakit upang hindi makapasok.
16. Kung ‘di, Kungdi at Kundi
Kung ‘di (if not)  pinaikling “kung hindi”.
halimbawa: Kung ‘di lang kita mahal, ewan ko lang.
Kung ‘di ka niya sinagip ay nalunod ka na.

Kungdi  di dapat gamitin. Walang salitang ganito.

Kundi  kolokyalismo ng kung ‘di.


halimbawa: Hindi ka pa papasok kundi ko sinabing may
attendance.
Kundi ka titigil sa mga bisyo mo, maaga kang
mamamatay.
Salamat.

You might also like