Mariel Fil3

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 52

Yunit 1

Retorika:
Susi sa Mabisang Pagpapahayag
Kahulugan ng Retorika

Ang salitang retorika ay galing sa salitang Latin na rhetor na nangangahuluhang guro


o isang mahusay na mananalumpati. Ang retorika kung gayon ay susi sa mabisang
pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaigaigaya at epektibong pagsasalita at
pagsulat.

Itinuturing itong isang mabisang lapit ng pagsasaayos at paggamit ng wastong salita


sa pagpapahayag ng diwang may kahulugan, kabuluhan, lalim at kariktan.
Ang retorika ay sining ng maayos na pagpili ng wastong salita sa loob ng isang
pahayag upang maunawaan, makahikayat at kalugdan ng mga nakikinig o bumabasa
(Panganiban ).
Layunin at Simulain ng Retorika
Kahusayan sa pagpapahayag ang layunin ng retorika. Nililinang dito ang
kakayahan sa pagkakaroon ng isipang mapanuri at kasanayan sa pagbuo
ng mga makabuluhang ideya.

Sa Style ni Propesor Frank L. Lucas ay mababasa naman ang mga


katangian ng mahusay na pahayag na ayon sa kaniya ay nananatili at
hindi nagbabago sa pagdaan ng panahon.
1. Matapat. Huwag baguhin ang ideya. Huwag tangkaing pagandahin o
pasamain ang mga pahayag. Ang bawat pahayag ay natatanging
ideya na isinusulong.
2. Malinaw. Huwag lituhin ang mga mambabasa sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga detalye na magdadala sa mga magbabasa o
tagapakinig sa kung saan-saan.
3. Tiyak at matipid sa sasabihin. Huwag paligoy-ligoy.
4. May barayti. Gamitan ng paiba-ibang paraan ng pagpapahayag upang
hindi maging kabagot-bagot ang paglalahad ng ideya.
5. May sangkap na talino, sigla tuwa at imahinasyon. Nakadadagdag ang mga
katangiang ito sa mas mahusay na pagpapahayag.
Saklaw ng Retorika

Sining- Sinumang nagpapahayag ay gumagamit ng simbolo at imahinasyon upang


bigyan-buhay ang ideya at akitin ang kanyang tagapakinig o mambabasa.
Pilosopiya- gumagamit ng retorika ang isang nagpapahayag upang ipakita na ang mga
argumento niya ay padron ng sensibilidad at katwiran upang maunawaan ng iba.
Lipunan- Nakikisangkot ang bawat mamamayan sa anumang usapin o konsern sa
lipunan. Ang bawat tao ay bahagi ng lipunan kaya’t hindi niya maiiwasang magpahayag
ng kanyang saloobin ukol sa mundong kaniyang ginagalawan.
Wika- wika ang pangunahing behikulong ginagamit sa pagpapahayag ng nararamdaman
at naiisip. Kung gayon, sa pagpapahayag ay isaalang-alang ang mga panuntunan ng wika
Paglalangkap ng Gramatika at Retorika
Ang gramatika o barirala ay agham sa paggamit ng salita at ang kanilang pagkakaugnay-
ugnay. Isinasaalang-alang nito ang mga bahagi at tungkulin ng mga salita sa isang
pangungusap; at kawastuhan ng pangungusap na gagamitin, pasalita man o pasulat na
kailangang umayon sa tamang istruktura ng gramatika; ang kaayusan o sintaks,
kahulugan o organisasyon o pagkakabuo at maging ang panahunan ng mga salita.

Samantala, retorika ang mahalagang karunungan sa pagpapahayag na tumutukoy sa


kasiningan ng kaakit-akit na pagsasalita at pagsulat upang maunawaan, makahikayat at
kaluguran ng mga nakikinig o bumabasa. Ang masining na pagpapahayag ay hindi
sinusukat sa haba, hindi rin sa pagiging maligoy kundi sa bisa nito sa mambabasa o
tagapakinig.
Ang mahusay na pagpapahayag ay gumagamit ng pili at angkop na salita batay
sa kahulugan at damdaming ibig ipaabot at upang magkaroon ng kariktan ang
pagpapahayag at may organisasyon ang pagkakalahad ng diwa subalit dapat
wasto ang mga salita batay sa tuntunin ng gramatika.

Samakatuwid, ang sining ng pagpapahayag ay naipamamalas sa mabisang


paglalangkap ng gramatika at retorika.
Wastong Gamit ng mga Salita

A. Mga salitang kalimitang napagpapalit ng gamit

1. Nang at Ng
Gamit ng ng
a. Katumbas ng salitang “when” sa Ingles
Halimbawa: Nang pumutok ang bulkan, marami ang
nagbago.
b. Tagapakilala ng pang-abay na pamaraan
Halimbawa: Tumakbo siya nang matulin
c. Katumbas ng “so that”, “in order to” sa Ingles
Halimbawa: Magsaya nang hindi agad tumanda
2. May at Mayroon

Gamit ng May
Gamitin ang may kapag susundan ng sumusunod:
a. Pangngalan- May aklat sa ilalim ng mesa
b. Pandiwa- May kumakatok sa pinto kagabi
c. Pang-uri- May mahalimuyak na amoy.
d. Pang-abay- May tatlong taon na siyang nawawala.
e. Panghalip panao na paari- Naroon siya sa may kaniyang silid.
f. Pantukoy na mga- May mga araw na makulimlim.
Gamit ng Mayroon

a. Gamitin ang mayroon kapag susundan ng mga sumusunod:


I. Kataga- Mayroon na bang sweldo si Gaymore?
ll.Panghalin panao na palagyo- Mayroon ka ba nito?
III. Panghalip pamatlig- Mayroon iyang binabalak gawin
IV. Pang-abay na panlunan- Mayroon sa bundok ang ganyan.

b. Panagot sa katanungan
Halimbawa: “May proyekto ka na ba?” “mayroon”
3. Kung at Kong

Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali “if” sa Ingles


Halimbawa: Kung uuwi ka na ay sabihan mo ako.

Ang kong ay panghalip sa panao sa kaukulang paari.


Halimbawa: Ang pinakamamahal kong aso ay pumanaw na.
4. Daw at Din;Raw at Rin

Gamitin ang daw/din kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa


katinig.
Halimbawa: May labanan daw ng salita ang mag-asawang artista.

Gamitin ang raw/rin kapag ang salitang sinusundan ang nagtatapos sa


patinig
Halimbawa: May engkwentro raw sa Marawi kamakailan.
5. Pinto at Pintuan

Pinto ang inilalapat sa puwang upang hindi ito mapagdaanan


Halimbawa: Gusto ko ang bagong kulay ng pinto.

Pintuan ang puwang sa dingding o pader na pinagdaraanan.


Halimbawa: Huwag kang tumayo diyan sa pintuan.
6. Hagdan at Hagdanan

Hagdan ang inaakyatan at binababaan


Halimbawa: Mabilis niyang tinakbo ang mga hagdan.

Hagdanan ang kinalalagyan ng hagdan


Halimbawa: Inaalis tuwing gabi ang hagdanan ng kubo.
7. Bitiw at Bitiwan

Ang salitang bitiw/bitiwan (pandiwa) ay ang pagkawala o pag-alis pagkakahawak ng


isang bagay o pangyayari.
Halimbawa: Huwag kang bumitiw para hindi ka makawala.

Ang salitang bitaw (pangngalan) ay nauukol sa sasabunging manok.


Halimbawa: Sa pula ang bitaw ni Mang Gusting kaya siya natalo.

Ang bitawan ay tumutukoy sa lugar ng pagdadarausan ng salpukan ng manok


Halimbawa: May nakita akong pulitiko sa bitawan ng manok.
8. Ikit at Ikot

Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos mula sa labas patungo sa loob.
Halimbawa: Nakadaming ikit kami bago nakapasok sa kuweba.

Ang ikot naman ay kilos mula sa loob patungo sa labas.


Halimbawa: Nakailang ikot muna bago kami nakalabas ng parke.
9. Imik at Kibo

Ang imik ay ginagamit sa pagsasalita o pangungusap.


Halimbawa: Hindi siya nakaimik sa tanong ng ama.

Ang kibo ay ginagamit sa pagkilos.


Halimbawa: Hindi siya kumikibong nakaupo sa gilid.
10. Kata at Kita
Ang Kata ay ikaw at ako
Halimbawa: Kailan kata magkasamang luluwas ng probinsiya?

Ang kita ay ikaw


Halimbawa: Pangarap kong makasama kita sa aking pag-uwi.

11. Kina at Kila

Ang kina ay maramihan ng kay. Walang salitang kila.


Halimbawa: Pakidala ang mga aklat kina Vilma at Jenny.
12. Taga at Tiga

Taga ang dapat gamitin. Walang unlaping tiga. Gumagamit ng gitling kapag
sinusundan ito ng pangngalang pantangi.

Halimbawa: Taga-Baguio ang bisita ng aming kapit-bahay.


Ako ang tagalaba tuwing Sabado at Linggo.
13. Kapag at Kung

Ipinakilala ng kapag ang isang kalagayang tiyak.


Halimbawa: Umuuwi siya sa probinsiya kapag bakasyon niya.

Ipinakilala ng kung ang di-katiyakan ng isang kalagayan


Halimbawa: Hindi niya tiyak kung sa Sabado o Linggo siya uuwi.
14. Kung Di at Kundi

Ang kung di ay galing sa salitang “ kung hindi” o “if not”


Halimbawa: Wala ka sanang maaabutan kung di kapa dumating.

Ang kundi ay “except”.


Halimbawa: Walang sinuman makakagawa nito kundi siya lamang.
15. Habang at Samantala

Ginagamit ang habang sa kalagayang walang tiyak na hangganan.


Halimbawa: Magtiis mamaluktot habang maiksi ang kumot.

Ginagamit ang samantala sa kalagayang may taning, o pansamantala


Halimbawa: Makikitira muna ako sa bahay nina kuya samantalang wala pa
akong tawag mula sa bago kong amo.
16. Dahil, Dahil sa/Dahil kay at Dahilan

Ang dahil ay pangatnig.


Halimbawa: Hindi siya nakasama dahil sumakit ang tiyan niya.

Ang dahil sa o dahil kay ay pang-ukol.


Halimbawa: Hindi siya nakasama dahil sa sakit ng tiyan niya.
17. Abutan at Abutin

Abutin ang isang bagay


Halimbawa: Abutin mo ang iyong pangarap.

Abutan ng isang bagay


Halimbawa: Abutan mo ng tulong ang kapatid mo.
18. Agawin at Agawan

Agawin ang isang bagay sa isang tao/hayop.


Halimbawa: Huwag mong agawin ang tanging kaligayahan niya.

Agawan ng isang bagay ang isang tao/hayop.


Halimbawa: Ibig agawan ng laruan ni Charies si Armando
19. Bilhin at Bilhan

Bilhin ang isang bagay


Halimbawa: Bilhin natin ang pangarap na regalo ni Mica.

Bilhan ng isang bagay


Halimbawa: Bilhan natin ng regalo si Nanay at Tatay.
20. Bumili at Magbili

Ang “bumili” ay “to buy” .


Halimbawa: Mainam bumuli ng sariwang strawberry mula La Trinidad.

Ang magbili ay “to sell “


Halimbawa: Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga-Benguet ay
magbili ng sarili nilang tanim na gulay.
21. Hatiin at Hatian

Ang hatiin ay partihin o “to divide”


Halimbawa: Hatiin mo sa sampung bahagi ang lupain ng iyong ama.

Ang hatian ay o ibahagi “to share” sa Ingles


Halimbawa: Hatian natin ang lahat, maging ang mga wala ngayon.
22. Hinagis at Inihagis

Hinagis ng isang bagay


Halimbawa: Hinagis ng tinapay ni Daniel si Irene.

Inihagis ang isang bagay


Halimbawa: Inihagis ni Donna ang bola nang malakas kay Juanita.
23. Ibayad at Ipagbayad

Ang ibayad ay pagbibigay ng bagay bilang kabayaran


Halimbawa: Paglalaba ang ibabayad ko sa hiniran kong pera

Ang Ipagbayad ay pagbabayad para sa ibang tao


Halimbawa: Ipagbayad mo nga muna ako sa nagastos ko sa hospital.
24. Kamukha at Manguha

Ang Kumuha ay “to get”


Halimbawa: Kumuha siya ng mga aklat na babasahin sa biyahe.

Ang manguha ay “to gather, to collect “


Halimbawa: Mangunguha muna kami ng datos mula sa baranggay para sa
aming ginagawang papel bago kami magbakasyon.
25. Linisin at Linisan

Linisin ang isang bagay na maaaring tanggalin


Halimbawa: Linisin ninyo ang kalat bago pa man may
madulas.

Linisan ang pook o lugar


Halimbawa: Linisan ninyo ang bahay at darating na ang may-
ari.
26. Magsakay at Sumakay

Ang magsakay ay magkarga o “to load”


Halimbawa: Nagsakay ng sampung basket ng patatas ang Pajero.

Ang sumakay ay “to ride”


Halimbawa: Sumakay na tayo sa anumang daraang bus.
27. Napakasal at Nagpakasal

Ang napakasal ay “got married”


Halimbawa: Napakasal ang kapitan sa kaniyang sekretarya.

Ang nagpakasal ay “caused the wedding “


Halimbawa: Ang mayor ang nagpakasal sa dalawang empleyado
28. Operahin at Operahan

Ang operahin ay para sa tiyak na bahagi ng katawan na titistisin.


Halimbawa: Ooperahin bukas ang bukol sa dibdib ni Charlie

Ang operahan ay tumutukoy sa tao


Halimbawa: Ooperahan na si Charlie bago lumipat ang taon.
29. Pahirin at Pahiran

Ang pahirin ay pag-aalis o “to wipe off”


Halimbawa: Pahirin mo ang dungis sa mukha ng bata.

Ang pahiran ay paglalagay o “to apply something “


Halimbawa: Pahiran mo ng langis ang likod niya pagkaligo niya.
30. Subukin at Subukan

Ang subukin ay pagtikim at pagkilatis (try)


Halimbawa: Subukin mo ang tatag ng kaniyang pananampalataya.
Subukin natin ang kaibhan ng bagong produkto nila.

Ang subukan ay pagtingin nang palihim (pagmanman)


Halimbawa: Ayaw kong subukan ang ginagawa nila pag wala ako.
31. Suklayin at Suklayan

Suklayin ang buhok ng sarili o ng iba


Halimbawa: Suklayin mo nga nang maayos ang
buhok mo, Camille.

Suklayan ng buhok ang ibang tao


Halimbawa: Suklayan mo nga Rosa ng buhok si
lola pagkaligo niya.
32. Walisin/Walisan

Walisin ang isang bagay na maaring tangayin ng walis


Halimbawa: Walisin nga ninyo ang mga tuyong dahon sa bakuran

Walisan ang pook o lugar


Halimbawa: Sana ay mawalisan ang aklatan dahil maalikabok na.
Tayutay
Ang tayutay ay tinatawag ding patalinhagang pagpapahayag.
Sa pagtatayutay, sadyang lumalayo ang nagpapahayag sa
karaniwang paraan ng pagsasalita upang magawang higit na
maganda at kaakit-akit ang kaniyang sinasabi. Ginagamitan ng
talinghaga at di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag
upang maging kawili-wiling pakinggan ang patayutay na
pananalita. Unawaing mabuti at basahin sa pagitan ng mga
taludtod para mahiwatigan ang diwang di-tuwirang tinutukoy
ng mga tayutay.
MGA KARANIWANG URI NG TAYUTAY

1. Simile o Pagtutulad- Ito’y paghahambing ng dalawang magkaiba o di magkauring bagay,


tao, kaisipan, pangyayari, atb. sa hayagang pamamaraan. Makikilala sa mga salitang
naghahambing na ginagamit tulad ng parang, wangis, animo’y , gaya ng, mistula, tulad,
unlaping ga at iba pa.
Halimbawa
a. Balahibuhing animo’y lobo ang mga braso niya’t binti.
b. Parang pulburang madaling magsiklab ang guro.
2. Metapora o Pagwawangis- Paghahambing din ito gaya ng pagtutulad,
nagkakaiba na lamang sa hindi na paggamit ng mga salita o pariralang
pantulad sapagkat direkta nang ipinaaangkin ang katangian ng tinutularan.

Halimbawa:
a. Ang musika ay hagdan ng kaluluwa paakyat sa langit.
b. Minsan, lason ang sobrang pagmamahal.

3. Apostrope o Pagtawag- Isang anyo ito ng panawagan o pakiusap sa isang taong hindi
kaharap, nasa malayo o kaya’y patay na o sa kaisipan at mga bagay na binibigyan –
katauhan na parang kaharap na kinakausap.

Halimbawa:
a. Pag-asa, maawa kang huwag mo akong iiwan, mahabag ka sa kaluluwang
nadidimlan.
4. Pagtatanong- (Rhetorical Question)- Ito’y katanungang hindi na nangangailangan ng
kasagutan dahil nasa mga pahayag na rin ang katugunan ng katanungan.

Halimbawa:
a. Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pag-ibig sa tinubuang lupa?
b. Itinulad kita sa santang dinambana at sinamba

5. Pag-uyam o Ironya- Sa pagpapahayag ng pagpuri ay may paglibak o pagtudyo. Nararamdaman


ang tunay na kahulugan nito sa diin ng pagsasalita at bukas ng mukha ng nagsasabi.

Halimbawa:
a. Sa ganda ng pagkakaayos ay hindi na makita ang kariktan ng mga bulaklak .
b. Magaling magturo ang aking guro, ni isa ay walang pumasa sa asignatura niya.
6. Personipikasyon o Pagbibigay-katauhan- Sa pagtatayutay na ito, ang mga
walang buhay ay pinagtataglay ng katangiang pantao, sa pamamagitan ng mga
salitang nagsasaad ng kilos.

Halimbawa:
a. Mabagal ang lakad ng buwan sa langit habang sumisilip sa mga ulap.
b. Nagluluksa ang langit sa trahedyang nangyari sa bayan ng marawi.

7. Paglilipat-wika (Transferred Epithets)- Katulad ito ng pagbibigay-katauhan


subalit sa tayutay na ito ay hindi lamang pandiwa ang nagbibigay – buhay .

Halimbawa:
a. Nagbunyag ng lihim ang tahimik na silid-aklatan.
b.Maaga pa lamang ay bukas na ang maingay na palengke.
8. Pagpapalit-tawag o Metonimiya- Pinapalitan ang katawagan ng ibang
katawagan na may kaugnayan sa salitang pinapalitan.

Halimbawa:
a. Matamang nakikinig ang bayan sa anumang anunsiyo ng palasyo.
b. Ang mabangis na leon ay naging maamong tuta sa panahong may kailangan siya.

9. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke- Ito’y pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o


kaisipan para sa kabuuan o pagbanggit ng kabuuan para sa bahagi lamang.

Halimbawa:
a. Nasasabik na ang ina na muling marinig ang mga yabag ng kanyang mahal na anak.
b. Kung kailan magpapantay ang ating mga paa ay nananatiling hiwaga.
10. Pagmamalabis (Hyperbole) -Pinalalabis o maaari ding pinakukulang sa tunay na
kalagayan ng tao, bagay o pangyayari sa tayutay na ito.

Halimbawa:
a. Sa katahimikan ay dinig ang pagbubulungan ng mga langgam.
b. Nakababasag ng tainga ang boses ng magandang dalagang si Wanita .

11. Paghihimig o Onomatopeya- Ito ang paggamit ng mga salitang tunog ng kanilang
kahulugan.

Halimbawa:
a. Noo’y nagigising ang mga tao sa tilaok ng tandang, ngayon ay nagugulantang na lang sa kalabog ng yabag
ng mga biglaang dumarating.
b. Nasira ang aking mahimbing na pamamahingi sa malakas na pagngingiyaw ng pusa.
12. Pagtatambis o Oksimoron- Sa pagtatayutay na ito ay pinagsasama o pinag-uugnay ang
dalawang bagay na magkasalungat upang mangibabaw ang katangiang ipinapahayag.

Halimbawa:
a. Hindi kita minahal upang ika’y saktan lamang
b. Araw-gabi ay lakad-takbo ang buhay niya sa lansangan.

13. Pagsalungat o Antitesis o Epigram- Gaya ng pagtatambis, pinagsasama rito ang


magkasalungat na salita o kaisipan, nagkakaiba lamang sa paglalaban ng magkasalungat sa
halip na painag-uugnay.

Halimbawa:
a. Sa kaniyang paghihirap ay nakamit niya ang kaginhawaan ng buhay.
b. Ang layo ay lapit ng budhi’t isip.
14. Pagsusukdol o Klaymaks- Isinasaayos ang tindi o halaga ng mga salita mula sa
mababa hanggang sa mataas na antas.

Halimbawa:
a. Ano ang kahiwagaang bumabalot sa katotohanan na nagbibigay-kulay, nagbibigay-ganda,
nagbibigay-halaga.
b. Sana alam natin na ang mga sundalo’y nagtitiis, naghihirap,nagsasakripisyo at naghahandog
ng buhay para sa bayan.
15. Antiklaymaks- Dito naman ay pababa ang pagsunod-sunod ng kaisipan , maaring
mulang panlahat hanggang ispesipik.

Halimbawa:

a. Nahuli na rin ang salarin. Hindi na niya kailangang magtago sa mga mamamayan dahil sa
kanyang mga paglabag sa batas.
b. Maraming sakuna ang dumaan sa atin ngayon- may bagyo,tagtuyot at paglaganap ng mga
sakit.
16. Pagtanggi o Parelepsis o Litotes – “hindi” ang pangunahing hudyat
na sa akda ay isang pagsalungat, pagpigil o ci-pagsang-ayon, ngunit ang
paghindi ay nagpapahiwatig ng pagtulot.

Halimbawa:
a. Hindi sa pinangungunahan kita, pero malaki ka na, sana naman ay
tigilan mo na ang mga gawaing bata.
b. Hindi sa pinagdadamutan kita, subalit alam ko na may pera ka at kaya
mong bumili din ng ganito.

17. Aliterasyon- Pag-uulit ng mga tunog-katinig sa inisyal na bahagi ng


salita.
Halimbawa:
a. Sama-samang naghihirap, sama-samang nagsasaya at sama-samang
nagdiriwang –iyan ang tradisyon ng aming kompanya.
b. Si Michael ay batang mabait, matalino, masunurin, magalang.
18. Anapora- Tayutay na inuulit ang unang salita sa isang parirala,
pangungusap o taludtod.

Halimbawa:
a. Ina ang unang nagbuwis ng buhay sa atin
Ina ang nag-aruga at nagpalaki sa atin
Ina ang unang inspirasyon natin
b. Isang Diyos, isang Bayan, isang hangarin, isa puso!

19. Epipora- Sa tayutay na ito ay may pag-uulit ng mga salitang nasa


huling bahagi ng pahayag o taludtod.

Halimbawa:
a. Ang konstitusyon ay para sa mamamayan, gawa ng mamamayan, at
mula sa mamamayan.
b. Huwag natin tulutang maibagsak ng kaaway ang pamahalaan ng
bayan, itinatag ng bayan, at ukol sa bayan.
20. Konsonans- Pag-uulit ng mga katinig sa bahaging pinal ng mga
pahayag.

Halimbawa:
a. Ulan sa bubungan, kay sarap pakinggan.
b. Ang bata’y tamnan ng kabutihan ng tayo’y magkaintindihan.

21. Anadiplosis- Pag-uulit sa una at huling bahagi ng pahayag o


taludtod.

Halimbawa:
a. Hindi maiwasang dumanak ng dugo,
Dugo’t pawis ang inialay ng mga sundalo
Sundalong ang buhay ay inihandog sa bawat Pilipino
b. Ang kalikasan ay nasisira kaya’ t humihikbi
Humihikbi sa pasakit ng tao at ng kanyang mga gawi
Gawing lumikha ng mga polusyon na sa kanya’y nagpapangiwi

You might also like