Yunit 3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

YUNIT 3

ANG GRAMATIKA AT MASINING NA PAGPAPAHAYAG


Pangkalahatang Layunin:

1.Nalilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagpili ng angkop na


pananalita para sa masining at mabisang pagpapahayag.
2. Nadaragdagan ang tiwala sa sarili ng mga mag-aaral na lumahok sa mga
pasalitang gawain sa loob at labas ng klase.
3. Nakabubuo ang mga mag-aaral ng isang mahusay na talata.

Aralin 1: Wastong Gamit ng Salita

Tiyak na Layunin:

1. Natutukoy ang wastong gamit ng mga salita at kataga.


2. Nakagagamit ang mga mag-aaral ng tama at angkop na salita sa
pagpapahayag sa isang tiyak na sitwasyon.

Kailangang taglayin ng mga pahayag ang kawastuhang panggramatika. May mga salita
tayong sa tingin ay maaaring magkapalitan ng gamit. Gayunpaman, kapag sinuring mabuti ay
mauunawaang may pagkakaiba ng gamit ang mga ito at hindi dapat na pagpalitin ng gamit sa
pangungusap dahil tumataliwas ito sa istriktong tuntuning panggramatika.
Ang gramatika (balarila) ay sining ng wastong paggamit ng mga salita batay sa tuntunin
ng isang wika. Sangkot sa pag-aaral ng gramatika ang mga panuntunan sa paggamit ng mga
bahagi ng pananalita. Binibigyang diin sa gramatika ang wastong gamit ng mga salita upang
mabuo ang mga pangungusap o makapagbigay ng diwa o kaisipan. Samantala, ang retorika ay
tumutukoy sa masining, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag pasalita o pasulat man.
Mahalagang elemento ng masining na pagpapahayag kung gayon, ang kawastuhan ng
pangungusap – istruktura (structure), kaayusan (sintaks), kahulugan (semantics),
organisasyon o pagkabuo (debelopment).

Ang Wastong Gamit ng mga Salita


Ang kaalaman sa wastong gamit ay kaugnay ng kaalamang pambalarila. Maging ang
katha ay pasulat o pasalita, ang wastong gamit ay kailangan upang ang pagpapahayag ay
maging tumpak, maayos at mabisa.

Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Pinto at Pintuan
Ang pinto [door] ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Ginagawa ito upang
ilagay sa pintuan. Ang pintuan [doorway] ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang bahaging
daraanan kapag bukas ang pinto.
Halimbawa:

Isara mo ang pinto nang sa gayon ay hindi makapasok ang magnanakaw.

Huwag kang humarang sa pintuan at nang maipinid na ang pinto.

2. Hagdan at Hagdanan

Ang hagdan [stairs] ay may mga baytang at inaakyatan at binababaan sa bahay. Ang
hagdanan [stairways] ay bahagi ng bahay at kinalalagyan ng hagdan.
Halimbawa:

Inakyat niya ang puno sa pamamagitan ng hagdan.

Kunin mo ang paso malapit sa hagdanan.

3. Pahirin at Pahiran

Pahirin (to wipe) ay nangangahulugang alisin sa pamamagitan ng pagpunas. Pahiran (to


apply) ay nangangahulugang lagyan sa pamamgitan ng pamunas.
Halimbawa:

Pahirin mo ang pawis sa likod ng bata.

Pahiran mo ng floor wax ang sahig upang kumintab.

4. Subukin at Subukan
Ang subukin (to test) ay nangangahulugang tingnan ang bisa o husay samantalang ang
subukan (to spy on) ay nangangahulugang espiyahan ang tao o ginagawa ng tao.
Halimbawa:

Subukin mo kaya ang sumayaw ng cha-cha.

Tayo nang subukan ang ginagawa ng mga mag-aaral sa palaruan.

5. Iwan at Iwanan

Ang iwan (to leave) ay nangangahulugang huwag isama ngunit ang iwanan (to leave
something to somebody) ay nangangahulugang bibigyan.
Halimbawa:

Iwan mo na lang ang mga gamit mo dito sa bahay.

Iiwanan kita ng pagkain sa bahay upang hindi ka gutumin.

6. Sundan at Sundin

Ang sundin (follow an advice) ay nangangahulugang sumunod sa payo o parangal


ngunit ang sundan (follow where one is going; follow what one does) ay nangangahulugang
gayahin ang ginagawa ng iba.
Halimbawa:

Hindi niya sinunod ang utos na kanyang Tito.

Susundan ko siya sa bukid.

7. Hatiin at Hatian

Ang hatiin (to divide) ay partihin o bahagian ngunit bigyan ng parte hatian (to share
with).

Halimbawa:

Maaari mo bang hatian ng pizza ang iyong kapatid?

Hatiin mo ang pakwan na binili ng iyong itay.

8. Walisin at Walisan
Ang walisin (to sweep the dirt) ay tumutukoy sa bagay samantalang tumutukoy sa lugar
ang walisan (to sweep the place).
Halimbawa:

Walisin mo muna ang mga kalat sa iyong kwarto bago ka umalis ng bahay.

Nais kong walisan ang aklatan.

9. Operahin at Operahan

Ang operahin ay pagtistis sa organo ng katawan samantalang pagtistis sa tao ang


operahan.

Halimbawa:

Ooperahin ang puso ni Aling Minda sa Davao Medical Center.

Ooperahan daw si Felissa mamaya sa ospital.

10. Tungtong, Tuntong at Tunton

Ang tungtong ay panakip sa palayok o kawali; ang tuntong ay payak o gawa ng yapak at
ang tunton ay bakasin o hanapin ang bakas.

Halimbawa:

Hindi makita ni Aling Marta ang tungtong ng kanilang palayok.


Huwag kang tumuntong sa mesang iyan at napakarupok.
Natunton ni Romeo kung saan nagsusuot ang kanilang tuta.

11. May at Mayroon

Ang may ay ginagamit kapag sinusundan ng pangngalan, pandiwa, pang-uri at panghalip


na nasa kaukulang paari samantalang ang mayroon ay ginagamit kapag may napapasingit na
kataga sa salitang sinusundan nito, panghalip na panao o pamatlig. Maaari ring gamitin ang
mayroon nang nag-iisa.
Halimbawa:

May anay sa ilalim ng lababong ito.


May umiiyak sa kabilang bahay.
May dalawang araw na siyang hindi umuuwi.
Mayroon kayang sayawan sa fiesta?
Mayroon kaming binabalak na handaan.

12. Din at Rin, Daw at Raw

Ang mga katagang rin at raw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtapos sa
patinig at sa malapatinig na w at y at ang din at daw ay ginagamit kung ang salitang
sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at y.
Halimbawa:

Magkakaroon din ng paligsahan sa aming bayan.


Ako rin ang magiging kalahok sa pagsulat ng tula.
Binabalak daw ng mga mag-aaral ang magsagawa ng kakaibang programa.
Siya raw ay aawit para sa iyo.

13. Sila at Sina, Kina at Kila

Ang sila ay panghalip panao samantalang ang sina ay panandang pangkayarian sa


pangngalan. Karaniwang kamalian na ang sila ay ginagamit sa panandang pangkayarian. Ang
kina ay panandang pangkayarian sa pangngalan katulad ng sina. Walang salitang kila sa
Balarilang Filipino. Ang paggamit ng kila ay karaniwang pagkakamali.
Halimbawa:

Mali: Sila Mila at Jenny ay magagaling na mag-aaral.


Tama: Sina Mila at Jenny ay magagaling na mag-aaral.
Tama: Galing kami kina Gng. Reyes.
Mali: Galing kami kila Gng. Reyes.
14. Dahil sa at Dahilan
Dahil sa ang wasto; ang dahilan ay pangngalan.

Halimbawa:
Napatalon siya dahil sa tuwa.
Nagkasakit siya ng cancer sa baga na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
15. Nang at Ng

Magkaiba ito ng gamit bagamat magkatulad ng bigkas.

* Ang nang ay katapat ng noon o when sa Ingles, upang o so that sa Ingles, ginagamit
sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit o dalawang pandiwang inuulit.

* Ang ng ay ginagamit na katumbas ng of sa Ingles at ginagamit na pananda ng


pangngalang nag-aari sa pangungusap. Ginagamit din ito na pananda sa layon ng pandiwa ng
pangungusap (Pantukoy ito dito) . Pananda ng tagaganap ng kilos ng pangungusap na hindi
naman simuno ng pangungusap.
Halimbawa:

Ang lalaki ay bumili ng mansanas para sa bata.


Uminom ka ng gatas nang ika’y lumakas.
16. Kung at Kong

Ang kung ay pangatnig na panubali at ito’y ginagamit sa hugnayang pangungusap


samantalang ang kong ay nanggaling sa panghalip na panaong ko at inaangkupan lamang ng
ng.
Halimbawa:

Kung hindi ka sana nagtaas ng boses ay hindi kayo nag-away ng iyong kapatid.
Gusto kong tulungan ka ngunit kailangan mo munang tulungan ang iyong sarili.

17. Kibo at Imik

Pagkilos ang tinutukoy ng salitang kibo samantalang (pagbuo ng salita/pangungusap)


naman ang tinutukoy ng imik.

Halimbawa:

Wala siyang kakibu-kibo kapag natutulog.


Hindi siya nakaimik nang tanungin ko.

18. Ibayad at Ipagbayad

Ang ibayad ay tumutukoy sa pagbibigay ng bagay bilang kabayaran samantalang


pagbabayad para sa ibang tao ang ibig ipakahulugan ng salitang ipagbayad.
Halimbawa:

Isang sakong palay na lamang ang aking ibabayad sa halip na pera.


Ipagbabayad muna kita sa bus.

19. Kita at Kata

Ang kita at kata ay mga panghalip na panao na madalas pagpalitin ang gamit gayung ito
ay may kanya-kanyang wastong gamit. Ang kita ay ginagamit kapag ang isa sa dalawang nag-
uusap ang siyang gaganap ng gawain para sa kausap.
Halimbawa:

Ibibili kita ng bagong laruan.


Tutulungan kita sa iyong ginagawa.

Ang kata ay ginagamit kung ang dalawang nag-uusap ay magkasamang gagawa


ng isang bagay o kilos.
Halimbawa:

Kata ay magluluto muna bago pumunta sa palengke.


Kata ay maglalaba mamaya.

21. Bumangon at Magbangon

Ang bumangon ay ginagamit na kasingkahulugan ng gumising at ang magbangon naman


ay kasingkahulugan ng magtayo o magtatag.

Halimbawa:

Bumangon ka na at baka ka mahuli sa klase.


Sisikapin nating magbangon ng isang organisasyon.

22. Hagis at Ihagis

Ang hagis ay isang pangngalan samantalang ang ihagis ay isang pandiwang pautos.

Halimbawa:

Ihagis mo nang malakas ang bola.


Napakahina naman ng hagis mo sa bato.
23. Nagpakasal at Napakasal

Ang nagpakasal ay tumutukoy sa taong nagging abala o siyang nangasiwa upang


makasal ang babae at lalaki samantalang ang napakasal ay tumutukoy sa pag-iisang dibdib ng
dalawang taong nagmamahalan.
Halimbawa:

Ang mag-asawa ay nagpakasal ng panganay na anak.


Kailan napakasal sina Lando at Fely?

Mga Tuntunin sa Pagpili ng mga Angkop na mga Salita

Ang pagiging malinaw ng pahayag ay nakasalalay sa mga salitang gagamitin.


Kinakailangan ang kaangkupan ng mga salita sa bawat kaisipang ipinapahayag, pasulat man ito
o pasalita. Narito ang ilang paraan sa pagpili at paggamit ng angkop na salita sa pangungusap
upang maging malinaw ang pagpapahayag.

1. Tiyakin na ang salita ay angkop sa ibig sabihin.

Halimbawa:

Di-angkop: Uminom siya ng malakas na alak.

Angkop: Uminom siya ng matapang na alak.


2. Tiyakin na tama ang panlaping ginagamit sa salita.

Halimbawa:

Di-angkop: Nagkain ka na ba?

Angkop: Kumain ka na ba?

3. Iwasan ang labis na panghihiram sa Ingles.

Halimbawa:

Di-angkop: Nagsuicide ang batang ni-rape.


Angkop: Nagpakamatay ang batang ginahasa.
4. Tiyakin na timbang ang ideya ng mga salitang ginamit.

Halimbawa:

Di-angkop: Ang pagod at nagugutom na bata ay nakatulog.

Angkop: Ang pagod at gutom na bata ay nakatulog.

5. Tiyaking nagkakaisa ang aspekto ng pandiwang ginamit.

Halimbawa:

Di angkop: Nagsisiuwi na sa kani-kanilang bahay ang mga batang nagsipaglaro.


Angkop: Nagsiuwi na sa kani-kanilang bahay ang mga batang nagsipaglaro.

Aralin 2. Ang Mabisang Pangungusap o Diskurso

Tiyak na Layunin:
1. Nakikilala ang iba’t ibang anyo ng pangungusap ayon sa uri, ayos, gamit at kayarian.

Sa pagsulat ng komposisyon, ang pangungusap ay napakahalagang sangkap. Mga


pangungusap ang bumubuo sa talata at mga talata naman ang bumubuo sa komposisyon.
Dahil dito sa pagbuo ng pangungusap, isaisip na ito’y ginagamit para mapaunlad at mapag-
ugnay ang mga diwang binubuo. Kaya dapat maging maingat sa paggamit ng mga salita, sa
pag-aayos ng mga ito, at sa relasyon nito sa ibang pangungusap.
Ang pangungusap/diskors ay salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong
diwa o kaisipan. Ito ay may paksa na pinag-uusapan at panaguri na nagsasabi hinggil sa paksa.
Ang pangungusap ay sambitla na may panapos na himig. Ang panapos na himig sa dulo ay
nagbabadya na naihatid na ang o naibigay na ng nagsasalita sa kausap ang mensaheng gusto
niyang maihatid.

Ang pangungusap ay maaaring uriin sa:

1. Pangungusap na di-ganap- na may paksa lamang o panguri lamang.

2. Pangungusap na ganap- na binubuo ng paksa o panaguri.

Ang pangungusap na di-ganap ay maaaring paksa o panguri lamang. Ang pangungusap ay


maaaring isang sambitla na may panapos na himig sa dulo. Ang panapos na himig sa dulo ay
nagbabadya na naihatid na o naibigay nan g nagsasalita sa kausap ang mensaheng gusto
niyang ihatid.(Santiago, Alfonso O.)

a. Eksistensyal – nagsasaad ng pagkamayroon o pagkawala.


Hal.
May mga turista ngayon sa Boracay.
May tao sa loob.
Walang sumasang-ayon.

b. Sambitlang panawag

*Itay! Ruben!

c. Pagtawag

*Halika! Lapit! Tara na!

d. Pautos

*Tumigil ka! Layas! Huwag! Takbo!

e. Nagpapakita ng Paghanga

*Ang galing! Ang tibay! Ang lawak!

f. Nagpapahayag ng matinding damdamin

*Naku! Wow! Aray!

g. Nagsasaad ng Panahon

*Gabi na. Tanghali na. Madilim na!


h. Nagsasaad ng pagbati o pagbibigay-galang

*Tao po. Makikiraan po. Salamat po!

i. Panagot sa tanong

*Totoo. Siguro. Pwede. Mayroon. Opo.

j. Pagpapaalam

*Aalis na po. Paalam napo.

k. Pakiusap

*Sige na. Maaari ba? Pwede ba?

l. Pasukdol

*Ubod ng sungit. Kay sipag mo. Hari ng yabang!

m. Pamuling pagtatanong

*Ano ‘ika mo? Alin-alin sa mga iyon ang gusto mo?

n. Pampook

*Sa USM. Sa Maynila. Nasa Rizal.

Ang ganap na pangungusap ay binubuo ng paksa at panaguri. Ang paksa ay tinatawag ding
simuno ng pangungusap sapagkat ito ang pinga-uusapan na nagsasaad o nagbibigay ng
impormasyon hinggil sa paksa ng pangungusap.

Ayos ng Pangungusap

Ang karaniwang ayos ng dalawang sangkap ng pangungusap (simuno at panaguri) ay


panaguri + simuno. Kaya sa karaniwang ayos ng mga pangungusap, nauuna ang panaguri sa
simuno at sa kabalikang ayos, nahuhuli ang panaguri sa simuno.

Halimbawa:

Karaniwang ayos: Mabait na anak si Jean. (panaguri + simuno)


Nagtutulungan ang mga mag-aaral
Kabalikang ayos: Si Jean ay mabait na anak. (simuno + panaguri) (ay)
Ang mga mag-aaral ay nagtutulungan.

Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit

1. Pasalaysay- ang pangungusap na nagpapahayag ng isang katotohanan.


Hal: Si Jose Rizal ang ating pambansang bayani.
2. Patanong- ang pangungusap na nagnanais makabatid hinggil sa isang bagay na nais
malaman.
Hal: May pag-asa pa kayang makaahon sa hirap ang ating bayan?
3. Padamdam- ang pangungusap na nagpapahayag ngg masidhing damdamin.
Hal: Naku! Nasusunog ang bodega.
4. Pautos- ang pangungusap na nakikiusap o nag-uutos ay ginagamitan ng kuwit kung may
patawag at may tuldok sa hulihan.
Hal: Tina, kunin mo nga ang aking bag sa mesa.

Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian

1. Payak- Kung nagbibigay ng isang kaisipan na maaaring magbigay ng isang simuno at isang
panaguri; dalawang simuno at isang panaguri; isang simuno at dalawang panaguri at
dalawang simuno at dalawang panaguri.
Hal: Naglilinis sa bakuran si Inay. (Payak na simuno at Payak na panaguri)
Naglilinis sa bakuran si Inay at ang aking kapatid. (Payak na panaguri at tambalang simuno)
Naglilinis sa bakuran at nag-aayos ng mga paso si Inay. (Payak na simuno at tambalang
paanaguri)
Naglilinis sa bakuran at nag-aayos ng mga paso si Inay at ang aking kapatid. (Tambalang
simuno at tambalang panaguri)

2. Tambalan- Kapag ito ay binubuo ng dalawa o mahigit pang mga sugnay na makapag-iisa at
pinag-uugnay ng mga pangatnig na panimbang.
Sugnay – lipon ng mga salita na may paksa at panaguri na maaaring buo o di-buo ang diwang
ipinahahayag.
Sugnay na nakapag-iisa – bahagi ng pangungusap na may buong diwa kahit ihiwalay sa
pangungusap.
Sugnay na di-nakapag-iisa – may paksa o panaguri subalit hindi buo ang diwang ipinahahayag.
Hal: Si Ben ay may ambisyon samantalang si Linda ay wala.
Ang mga mag-aaral ay nananaliksik at nagtitipon ng mga impormasyon para sa kanilang
ulat.
Ang nanay niya ay isang guro at ang kanyang tatay ay isang doctor.
Gusto kong kumain ng mansanas pero wala akong pera.

Pangatnig – ito ay mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala
o sugnay upang mabuo ang diwa o kaisipan ng isang pahayag.
Ang mga ito ay: at , bilang, dahil, habang, kapag, kaya, kung, maging, ngunit, o, upang
samantala, sakali, subalit, bagkus at marami pang iba.
Pang-ukol – kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa iba pang salita sa
pangungusap.
Ang mga ito ay: ng, sa, para sa, tungkol sa, ayon sa, laban sa, labag sa, ukol sa, hinggil sa, batay
sa, alinsunod sa, para kay at marami pang iba.

3. Hugnayang pangungusap- Binubuo ng isang punong sugnay at isa o mahigit pang pantulong
na sugnay. Pinag-uugnay ito ng mga pantulong na pangatnig. Para sa madaling pagbuo ng
hugnayang pangungusap kailangang bumuo ng isang payak na pangungusap na magiging
batayan ng mga pantulong na sugnay.
Hal: Wala siya sa sarili nang sumagot sa akin.
Karaniwang nagtatagumpay ang isang tao kapag siya ay marunong.
Maamo ang ibon kung hindi siya sinasaktan.
Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa mga pangaral ng inyong mga magulang.
4. Langkapang pangungusap- Binubuo ng dalawa o mahigit pang malayang sugnay (sugnay na
makapag-iisa) at isa o higit pang pantulong na sugnay (sugnay na di-makapag-iisa).
Hal: Magluto ka na para sa pananghalian pagkatapos ay maghain ka upang
makakain ang iyong mga kapatid nang makapagligpit tayo agad.

Umuunlad ang bawat bansa at natatamo ang kapayapaan sa buong mundo kapag laging
nagtutulungan ang mga ito.

Makapapasa talaga siya at makatatamo ng diploma kung magsisipag sa pag-aaral at magtitiis


ng hirap.
Sugnay na makapag-iisa – makapapasa talaga siya at makatatamo ng diploma
Sugnay na di-makapag-iisa - kung magsisipag sa pag-aaral at magtitiis ng hirap

Ang pangungusap ay napakahalagang sangkap sa pagsulat ng komposisyon. Ang mga


pangungusap ang bumubuo sa mga talata at ang mga talata naman ang kabuuan ng
komposisyon. Laging isaisip na ang pangungusap ay ginagamit upang mapaunlad at mapag-
ugnay ang mga binubuong diwa. Maging maingat sa paggamit ng mga salita, sa pagsasaayos ng
mga ito sa pangungusap at sa pagkakaugnay ng bawat pangungusap sa talata.

You might also like