GRoup 1 - Retorika
GRoup 1 - Retorika
GRoup 1 - Retorika
Ang Retorika
Balarila
Ang balarila ay kailngan upang
magkaroon ng isang mainam at
maayos na pahayag.
Balarila
Ayon kay Federico B. Sebastian, ang Balarila ay isang
agham na tumatalakay sa mga salita at sa kanilang
pagkakaugnay- ugnay.
Halibawa:
Halimbawa:
• Pinasyalan ng turista ang Hawaii.
• Ikinarga ng binate ang mga kahon.
c. Nagsasaad ng pagmamay- ari ng isang bagay o
katangian.
Halimbawa:
• Ang laruan ng bata ay nasira.
• Ang sasakyan ng mag- asawa ay nalubog sa baha.
2. Kung at Kong
Kung- pangatnig na panubali at ito’y karaniwang
ginagamit sa hugnayang pangungusap. Ipinakikilala ang
di- katiyakan ng isang kalagayan.
Halimbawa:
• Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang uwi niya sa
probinsya.
• Mag- ingat ka kung ikaw ang magmamaneho ng kotse.
Kong- nanggaling sa panghalip na panaong “ko” at
inaangkupan lamang ng “ng”.
Halimbawa:
• Gusto kong maging maayos ang buhay mo.
• Minamahal kong ina.
3. May at Mayroon
Ginagamit ang may kapag:
a. Sinusundan ng pangngalan.
Halimbawa:
• May pagkain ka ba diyan?
• May bukas pa.
• Sinabi kong may pag- asa pa siya.
b. Sinusundan ng pandiwa.
Halimbawa:
• May nalaman ako tungkol sa’yo.
• May bumili na ba ng papel?
• May gagawin pa akong takda.
c. Sinusundan ng pang- uri.
Halimbawa:
• Si Antonette ay may bagong manliligaw.
• May luma ka bang mga libro?
• Siya ay may maliit na bahay.
d. Sinusundan ng panghalip na panao.
Halimbawa:
• Doon daw siya nakatira sa may atin.
• Doon nangyari ang krimen sa may amin.
Ginagamit ang mayroon kapag:
Halimbawa:
• Subukan mong kausapin siya.
• Susubukan ko bukas na isumbong siya sa pulis.
5. Pahirin at Pahiran
Pahirin- pag- alis o pagawi ng isang bagay.
Halimbawa:
• Pahirin mo ang dumi sa iyong mukha.
• Pinahid ba niya ang dugo sa kanyang noo?
Halimbawa:
• Doc, ooperahin po ba ang ulo niya?
• Kailangang operahin ang bali-bali niyang buto.
Operahan- tinutukoy ang tao at hindi ang bahagi ng kanyang
katawan.
Halimbawa:
• Ooperahan si Jeniffer.
• Nagdasal sila habang inooperahan si John.
7. Napakasal at Nagpakasal
Napakasal- tinutukoy ay ang ginagawang pag-iisang
dibdib ng dalawang nilalang na nagmamahalan.
Halimbawa:
• Napakasal na din ang dalawang ito.
• Napakasal siya sa gusto ng magulang.
Nagpakasal- tumutukoy sa taong naging punong-abala o
siyang nangasiwa upang makasal ang isang lalaki at babae.
Halimbawa:
• Ang magulang nila ang nagpakasal sa kanila.
• Ang pari ang nagpakasal sa dalawa.
8. Din at Rin, Daw at Raw
Rin at Raw- ginagamit kung ang sinusundang salita ay
nagtapos sa patinig at sa malapatinig na “w” at “y”.
Halimbawa:
• Tumulong na rin siya tulad ng iba.
• Ikaw raw ang napili ng guro na lumahok sa paligsahan.
Din at Daw- ginagamit kung ang salitang sinusundan ay
nagtatapos sa katinig maliban sa “w” at “y”.
Halimbawa:
• Mahirap daw ang exam.
• Mamahalin din niya si Ruth.
9. Sila at Sina, Kina at Sila
Ang sila ay panghalip panao samantalang ang sina ay
panandang pangkayarian sa pangalan.
Halimbawa:
• Pakisara naman ng pinto.
• Hawakan mo ang pinto.
Pintuan (doorway)- kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang
bahaging daraanan kapag bukas na ang pinto.
Halimbawa:
• Sira ang pintuan kaya’t hindi maisara ang pinto.
• Ginagawa na ang pintuan sa bago naming bahay.
11. Hagdan at Hagdanan
Hagdan (stairs)- mga baytang at inaakyatan at binababaan sa
bahay/gusali.
Halimbawa:
• Ipatong mo nalang sa hagdan ang mga iyan.
• May nakalutang na multo sa hagdan.
Hagdan (stairs)- mga baytang at inaakyatan at binababaan sa
bahay/gusali.
Halimbawa:
• Maganda ang hagdanan nila sa bahay.
• Baka mahulog ka sa hagdanan.
12. Iwan at Iwanan
Iwan (to leave something)- nangangahulugang huwag
isama/dalhin.
Halimbawa:
• Iwan mo na ang bag mo sa condominium dahil mabigat.
• Iwan mo na nga siya, hindi ka naman niya mahal.
Iwanan (to leave something to somebody)-
nangangahulugang bibigyan ng kung ano ang isang tao.
Halimbawa:
• Iwanan mo na lang sakin yang mga chocolate.
• Iwanan mo ako ng pagkain para sa aking tanghalian.
13. Sundin at Sundan
Sundin (follow an advice) - nangangahulugang sumunod
sa payo o pangaral.
Halimbawa:
• Sundin mo ang sinasabi ko at baka masaktan ka pa.
• Sundin niyo ang utos ng Diyos.
Sundan (follow where one is going; follow what one
does)- nangangahulugang gayahin ang ginagawa ng iba o
pumunta sa pinuntahan ng iba.
Halimbawa:
• Sundan mo nalang ang steps sa Giling Giling.
• Baka magpakamatay ang iyong kapatid,
sundan mo siya sa rooftop.
14. Tungtong, Tuntong at Tunton
Tungtong- panakip sa palayok o kawali.
Halimbawa:
• Nilagyan ng tungtong ang kawali.
• Binato siya ng tungtong.
Tuntong- pagyapak sa ano mang bagay.
Halimbawa:
• Tumuntong ka nga sa mesa.
• Tuntongan mo siya sa likod para sa pyramid.
Tunton- pagbakas o paghanap sa bakas ng ano mang
bagay.
Halimbawa:
• Tinunton niya kung saan pumunta ang pusa.
• Tutuntonin nila ang suspect.
15. Dahil sa at Dahilan sa
Dahil sa ang wasto. Sinusundan ito ng pangngalang
pinagsanhian ng isang pangyayari. Mali ang dahilan sa. Ang
dahilan ay pangngalan mismo.