Dalumat PDF PDF
Dalumat PDF PDF
Dalumat PDF PDF
MODYUL 1
SAWIKAIN o IDYOMA
Pagsusulit:
I. Panuto: Ibigay ang mga hihinging sagot sa bawat katanungan.
1. Base sa ating tinalakay, ano ang Sawikain?
II. Panuto: Ano ang ibig sabihin ng mga idyomang nabanggit? Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Sabi ni Julia sa asawa, “Itaga mo ito sa bato. Kahit hindi nila ako
tulungan, aangat ang ating kabuhayan.”
a. Mananaga si Julia.
b. Tutuparin ni Julia nang walang sala ang kanyang sinabi.
c. Pupukpukin ni Julia ang bato.
d. Tatagain ni Julia ang bato.
2. Kung gusto mong maglubid ng buhangin, huwag sa harap ng mga
taong nakakikilala sa iyo dahil mabibisto ka nila.
a. magsabi ng katotohanan
b. magsinungaling
c. maglaro sa buhanginan
Input:
SALITA NG TAON
Triggered – Ito ay ginagamit ng mga millennial para ipahayag ang kanilang masamang
damdamin sa tuwing mayroon silang di kaaya-aya na nakikita o naririnig.
Shook – Ito ay isang salitang ginagamit ng mga millennial upang ipahayag ang kanilang
pagkagulat o pagkabigla.
Receipts – Ito ay nagsisilbing ebidensiya tungkol sa isang drama na nangyari sa
internet, ang halimbawa nito ay ang screenshots.
Tea – Ito ay ang salitang ginagamit ng mga mga millennials na tumutukoy sa mga
tsismis na kanilang nakikita sa social media. Ito ay tinawag na “tea” dahil sa unang
letra ng tsismis na “t”.
Extra – Ito ay ginagamit upang ilarawan ang isang taong kumikilos sa dramatikong
paraan kahit na hindi naman kinakailangan ang ganoon ka-grabeng pagkilos.
Woke – Tawag sa isang Indibidwal na alam ang mga nangyayari sa lipunan. Ang mga
taong “woke” ay karaniwang nagbibigay alam tungkol sa racism, feminism, sexism,
homophobia, atbp. ; sila rin ay ang mga taong tumututol sa mga ito.
Blessed – Ito ay ginagamit upang maipahayag na maraming magaganda at positibong
bagay ang dumadating sa buhay ng isang tao. Maaari din itong magsilbing explanation
sa sari-saring positibong nararamdaman ng isang tao.
Lit – ito ay ang isang salitang ginagamit upang sabihin na ang isang bagay o pangyayari
ay astig.
Kung inyong mapapansin, ang mga salitang ito ay simple lamang at sa katunayan
nga ay matagal nang ginagamit ang ilang sa mga ito. Ganoon pa man ay laganap na ang
paggamit ng mga salitang ito sa buong mundo marahil ay nagtataka kayo kung bakit
mas marami na ang gumagamit sa salitang katulad nito kahit na mayroon namang mga
salitang o pangungusap na maaari namang gamitin bukod dito.
Video Presentation:
• Mga nausong Millennial Slang
• Millennial Slang, salita ng makabagong kabataan
• Pag-usbong ng mga bagong salita, bahagi ng pag-unlad ng wikang Filipino
2. Magbigay ng iba pang mga halimbawa ng mga makabagong salita, ilahad ang kahulugan
at gamitin sa pangungusap.
Pagsusulit:
Ibigay ang inyong sariling opinyon hinggil sa mga napanood na Video
Presentation. Isulat sa paraang sanaysay.
Delubyo.
Samantala, tinalakay naman ni Lagmay ang
paggamit ng “wika kontra delubyo” o disaster. Aniya, may
dalawang klasipikasyon ang salitang
ito: warning at response.
Pagsasanay 3
Pangalan: ______________________________________ Kurso/Taon: ___________
Iskedyul: _______________________________________ Marka: _________________
Pagsusulit:
Ilahad ay iyong repleksyon at opinyon hinggil sa pag-unlad ng wika sa ipinahayag
ng Artikulo. Palawakin ay iyong sariling kaisipan sa pagsulat.
MODYUL 4
DALUMAT NG WIKA
Anong teoryang pangwika ang maaari nating gamitin para ipaliwanag ang
kasalukuyang hubog, anyo at takbo ng wikang Filipino? Paano ito makatutulong upang
maging masinop at masinsin ang ating analisis ng wika at ang naturang gamit nito para
sa mga tao at sa lipunan niyang ginagalawan?
Ito ang dalawang pangunahing tanong na sasagutin ko sa panayam na ito.
Ang una ay tumutukoy sa pagkakaroon o kawalan ng internal na banghay o istruktura
ng wika natin na pundasyon o basehan ng performatibong kakayanan ng mga Filipino
na gamitin ang wikang Filipino. Samantala ang ikalawa nama’y tumutukoy sa
praktikalidad ng teorya upang tasahin at usisain ang nangyayaring pagbabago ng wika
sa gitna ng mabilisang pagbabago ng ating panahon.
Inaasahang matutuhan sa Modyul:
1. Malaman ang kahulugan ng Pilipino at paano ito naging isang teorya ng wika.
2. Makapagsasagawa ng isang discussion panel hinggil sa mga usaping pangwika.
PAIMBABAW NA WIKA
Ang puwersa ng pagbabagong wika ng WF ay hindi nakatarak sa kognitibong
kakayahan ng tao kundi sa samutsaring timpla (o gimik) at interbensyon ng mga
institusyon, grupo at mga polisiyang bitbit ng mga ito. Bakit hindi nagmumula sa
kognisyon o sa mental na proseso ng paglikha ng wika? Dahil madalas at sa maraming
UBOD NG WIKA
Ang ubod ng wika ang unibersal na forma o kaayusan ng basikong yunit ng
kamalayan na taal nang matatagpuan sa isipan ng tao. Kumbaga ito ang template ng
isipan natin na yari na – naghihintay na mapunan, mahubog, malilok, at maisaayos
ayon sa idaragdag na istruktura ng natural na wika. Kumbaga ito ang “universal o
Gawain 1:
1. Ano ang ibig sabihin ng PiliFilipino ayon kay Lopez?
Input:
Pilosopiyang Pilipino
(salin mula sa akda ni Rolando M. Gripaldo na may pamagat na “Filipino Philosophy: a
Western Trdition in an Eastern Setting)
Ayon kay Rizal, isa sa mga nabigong pakikibaka para sa reporma sa Espanya ay
ang pagkamulat ng kamalayan ng mga Pilipino sa kanilang lupain. Sa pahayagang La
Solidaridad, kanyang inilahad ang mga solusyon sa problema ng bansa: ito ay ang
Karunungan at Pangangatwiran na kung saan dapat imulat ang mga Pilipino rito. Dapat
mapalaya ang kanilang kamalayan mula sa panatismo, pagkamakasarili, Kababaan, at
kawalan ng pag-asa. Dahil sa kakulangan ng karapatan ng mga Pilipino sa Edukasyon
na kung saan ang mga namumuno ay ang mga prayleng Espanyol, bumuo si Rizal ng
isang organisasyon na magpapamulat sa kaisipan ng mga mamamayan, ang La Liga
Filipina. Ang Layunin nito ay ang mapag-isa ang archipelago ng Pilipinas, mapalago ang
pagsasaka at komersyo, magkaroon ng proteksyon mula sa mga panganib, magkaroon
ng pagtatanggol laban sa karahasan at kawalan ng hustisya, at pagpapaunlad ng
magandang edukasyon.
Naniniwala si Rizal na may kakayahan ang isang tao na mabigyang solusyon ang
isang problema. Ang mga potensyal ng tao ay maaaring maisagawa ng maayos maliban
Pagsasanay 5
Pangalan: ______________________________________ Kurso/Taon: ___________
Iskedyul: _______________________________________ Marka: _________________
Film Showing:
Pelikula: Jose Rizal (1998)
Direktor: Marilou Diaz-Abaya
Pangunahing Aktor: Ceasar Montano
Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal
galing sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon din
sa Kultura ng Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo ay may impluwensya sa mga
katutubong paniniwala ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila at ang mga
mangangalakal na Muslim. Ang wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay
maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang karma, na
hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. Marami sa mga pamahiin,
hiniram na salita at pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay minana sa mga
mangangalakal na Instik. Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng
mga tao nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon,
musika at pamahalaan.
Lipunang Pilipino
Ang Lipunang Pilipino ay magkahalong lipunan. Isa bilang bansa, at marami
dahil sa pagkakahiwalay ng mga ito ng lugar, dahil sa pulo pulo nitong ayos at mga
kasanayan. Ang bansa ay nahahati sa pagitan ng mga Kristiyano, Muslim, at iba pang
pangkat; sa pagitan ng mga nasa lungsod at sa mga nayon; mga tagabundok at
tagapatag; at pagitan ng mga mayayaman at ng mga mahihirap.
Kaugaliang Pilipino
• Bayanihan: Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay
na nagtutulungan kahit kailan o saan man kailanganin ng tulong. Kadalasan
makikita ang bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga
tambay at ang mga taong-bayang na malapit dito ay agad agad ding tutulungan
ang drayber kahit ano pa man ang mangyari maayos lamang ang nasirang
sasakyan. O kaya naman mas kadalasang inilalarawan ito ng paglilipat bahay
noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga bahay ay sabay sabay bubuhatin ng mga
kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng awitin upang di gaanong
madama ang kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng ugaling indibidwalismo ng
mga lipunang Europeo at Amerikano.
• Hiya: Ang kaugaliang Hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino
kasi ay naniniwala na dapat na kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na
kaugalian ng lipunan; ang kung sila ay nakagawa ng kaugaliang hindi tanggap,
ang kahihiyan na ginawa nila ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi
kahihiyan din ito para sa kanilang mag-anak. Isang halimbawa ay ang pagiging
magarbo ng paghahanda kahit na hindi dapat sapat ang kabuhayan niya. Kung
ay isa ay pinahiya sa maraming tao, sila ay nakararamdam ng hiya at nawawalan
ng lakas ng loob.
• Delicadeza: Isang ugali na kailan na dapat ang isang tao ay kumilos sa tama at
nasa lugar.
• Utang na Loob : Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa
kanya sa mga pagsubok na kanyang dinaanan. May mga kasabihan nga na: Ang
hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan
Bagong Taon
Tuwing unang araw ng Enero ipinagdiriwang ang Bagong Taon. Masayang
sinasalubong ito bago maghating-gabi ng Disyembre 31. Masayang sama-samang
kumakain at nagkukuwentuhan pa ang mga kasapi ng mag-anak. Nag-sisimba,
nagbabatian, at nag-iingay pa sila nang buong sigla sa pagsalubong nito. Ginagawa pa
nila itong family reunion. Dito ipinapakita ang pagbubuklud-buklod ng pamilya.
Araw ng Kagitingan
Ang krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan ang nagpapagunita hinggil sa
mga matatapang na sundalong Pilipino na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Dambana ng Kagitingan ang tawag sa bantayog na ito.
Araw ng Mangagawa
Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Araw ng Manggagawa. Pinahahalagahan ang
mga manggagawa dahil sa kanilang mga paglilingkod sa lipunan. Sila ang tumutulong
sa atin sa pagtugon sa ating mga pangangailangan. Tumutulong sila upang tayo'y may
pagkain araw-araw maayos na tirahan, iba-ibang kagamitan, at iba pang bagay.
Araw ng Kalayaan
Tuwing Hunyo 12 ng bawat taon ginugunita at ipinagdiriwang ng mga Pilipino
ang Araw ng Kalayaan mula sa España. May parada at pag-aalay rin ng mga bulaklak
sa bantayog ni Rizal. Nag-aalay rin ng mga bulaklak sa iba pang mga bayani. Itinataas
pa ng pangulo ng bansa ang watawat ng Pilipinas sa Rizal Park. Marami pang
inihahandang programa, konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwang na ito. Sama-sama
ang mga Pilipino ipinagdiriwang ang okasyong ito.
May iba pang mga pagdiriwang sa Pilipinas. Kabilang dito ay ang mga
pansibikong pagdiriwang. Isinasagawa ang mga ito sa iba't ibang buwan sa buong taon.
Ipinakikita rito ang mga katangian at ilang kaugalian ng mga Pilipino. Di tulad ng mga
pambansang pagdiriwang na idinideklarang pista opisyal, ang mga pangsibikong
pagdiriwang ay karaniwang idinaraos nang may pasok din sa opisina at paaralan sa
buong bansa. Gayunman, may ilang lugar na nagdedeklarang walang pasok gaya ng
Lungsod Quezon kapag nagdiriwang ng pakakatatag nito tuwing Agosto 19.
Linggo ng Mag-anak
Ito ang araw na ginugunita ng mga Pilipino ang kahalagahan ng mag-anak at ang
pagmamahalan at pagkakaisa ng bawat kasapi nito.
Pasko
Mahalaga para sa mga kapatid nating Kristiyano ang pagdiriwang ng Kapaskuhan
tuwing ika-25 ng Disyembre. Araw ito ng paggunita sa pagsilang ni Jesus, ang Anak ng
Diyos ng mga Kristiyano. Misa de gallo o simbang-gabi ang hudyat ng pagdiriwang ng
Kapaskuhan. Nagsisimula ito sa ika-16 ng Disyembre. Ang misa de gallo ang
magkakasunod na siyam na simbang-gabi hanggang sumapit ang araw ng Pasko.
Nagkakaisa ang mga Pilipino sa pagdiriwang nito. Marami ang dumadalo sa misang ito.
Sama-samang nagsisimba ang mag-anak dito.
Pagmamahal sa bawat isa ang mensaheng ipinahahatid sa atin tuwing sasapit ang
Pasko. Isang araw rin ito para sa mga mahal sa buhay - mga kamag-anak at mga
kaibigan - at pati na rin ng mga kaaway. Kailangang maghatid ang bawat Kristiyanong
Pilipino ng kapayapaan hindi lamang sa buong bansa kundi pati na rin sa buong
mundo. Kung kaya't dapat tandaan na ang mensahe ng Pasko ay pagmamahal at
kapayapaan. Tanda rin ito ng pagkakabuklod ng mga mag-anak. Nagsasama-sama rito
o nagkakaroon ng reunion ang mga kasapi ng mag-anak.
Isa pang napakagandang pagdiriwang kung Pasko ang parada ng makukulay at
maiilaw na parol na yari sa San Fernando, Pampanga. Dinarayo ng mga turista ang
paradang ito.
Mahal na Araw
Isang napakahalaga at natatanging tradisyon ito ng mga Katolikong Pilipino.
Nagkakaisa ang ito sa pagdaraos nito. Karaniwang makaririnig ng pabasa sa baryo,
kapilya, at pati na sa mga tahanan na ikinukuwento ang buhay ni Cristo. Penitensiya
naman ang tawag sa ginagawa ng mga Pilipinong nagpapasakit o namamanata tuwing
Mahal na Araw, Kanilang pinahihirapan at pinarurusahan ang sarili sa pagdadala ng
krus o pagpalo at pagsugat sa kanilang mga katawan. Isang prusisyon ng mga rebulto
ni Cristo at iba pang santo ang inilalakad sa mga pangunahing daan ng baryo o bayan
tuwing Biyernes Santo. Maingay at masayang naririnig ang kampana ng lahat ng
simbahan tuwing Linggo ng Pagkabuhay upang ipabando o ipahayag ang muling
pagkabuhay ng ating Panginoon.
May isa pang gawaing isinasagawa tuwing Mahal na Araw. Ito ang Moriones ng
Marinduque. Isang makulay na kaugalian pang-Mahal na Araw ito. Nagsusuot ng damit
ng mga Romanong sundalo at makukulay na maskara ang mga namamanata.
Pahiyas
Isang tradisyon din ito. Pinararangalan dito ang santo ng mga magsasaka na si
San Isidro de Labrador. Nagkakaisang nagsasabit ang mga taga-Quezon ng mga
produktong-bukid at katutubong pagkain sa pintuan at mga bintana ng kanilang bahay.
Isang Bahagi ng pagdiriwang ng San Isidro ang pagbasbas sa mga kalabaw.
Ipinaparada ng mga magsasaka ang kani-kanilang mga kalabaw patungo sa simbahan
upang mabasbasan ng pari. Naniniwala sila na malalayo sila at ang kanilang mga
kalabaw sa mga sakit at aksidente sa pagbasbas na ito. Isang makulay na pagdiriwang
ito na kinalulugdan ng lahat sa Quezon tuwing buwan ng Mayo.
Santakrusan
Ito ang isa pa ring kasayahan. Ang santakrusan ay isinasagawa kung Mayo. Isang
prusisyon ito na nagpapakita at isinasadula ang paghahanap ni Santa Elena sa Banal
na Krus. Maraming naggagandahang kababaihan sa prusisyong ito na kumakatawan
kay Birheng Maria at iba pang mga babaing tauhan sa Bibliya at mga akadang kaugnay
nito.
Pista ng Peñafrancia
Isang kapistahan ang idinaraos tuwing Setyembre 17 sa Lungsod ng
Naga, Camarines Sur sa rehiyon ng Bicol. Isang prusisyon sa ilog ng mapagmilagrong
imahen ng Birhen ng Peñafrancia ang dinarayo sa pagdiriwang na ito. Isinasagawa ang
prusisyong ito sa Ilog ng Naga at kalalakihan lamang ang lumalahok. Magandang
nilagyan ng palamuti ang trono ng birhen na nasa isang kasko.
Ramadhan
Isang buwang pagdiriwang ito ng ating mga kapatid na Muslim sa Timog tuwing
Marso hanggang Abril. Sama-sama at nagkakaisa rin sila sa pagdiriwang ng okasyong
ito. Mahalagang pagdiriwang ito sa kanila. Idinaraos ang kaugalian at tradisyong ito ng
mga tagasunod ng Islam sa buong mundo. Nagsusuot ng mahabang belo sa kanilang
mukha ang mga babaing Muslim kapag nagtutungo sila sa kanilang mosque.
Nangingilin or nag-aayuno ang lahat ng mga Muslim sa mga pagdiriwang na tulad nito.
Nagdarasal sila kay Allah na kanilang Panginoon. Ginugunita nila ang pakakahayag o
rebelasyon ng Koran kay Mohammmed, ang propeta ng Islam. Nagbabasa pa sila ng
Koran. Ang Koran ay banal na aklat ng mga Muslim.
Gaya ng depinisyon ng wika, mahigpit ding nakatali sa tao ang ating pagbibigay-
halaga sa kultura. Sa isang klasikal na pananaw–yaong nanggaling sa sinaunang
Gresya at Roma–ay mas malapit sa pandiwa ang kahulugan nito; “Cultura animi”, ayon
kay Cicero, o ang paglilinang sa kaluluwa.
Bilang kultura, ilan sa mahahalagang palagay na maaaring gawin tungkol sa wika ay:
• Ang wika ay gawa ng tao at may kabuluhan lamang dahil sa pagbibigay-
kahulugan ng tao;
• Ang wika ay hinubog at patuloy na hinuhubog ng gawain ng tao;
• Ang wika ay humuhubog rin sa ibang aspeto ng kultura ng tao;
Walang malaking kaiba ang wika sa ibang aspeto ng kultura ng tao. Ito ay may
kahulugan lamang dahil sa pagpapataw ng tao ng kahulugan dito. Ang bokabularyo,
balarila, at istraktura ng bawat wika ay hindi nakatali sa anumang natural na batas.
Bagkus, ito ay nakadepende sa grupo ng mga taong nagnanais ng wika upang punan
ang isang partikular na pangangailangan.
Ang salitang ‘trono’ ay masasabing kathang-isip lang natin. Hindi gaya ng kuryente
o tubig o pag-iisa, ang kahulugan ng mga titik na bumubuo sa ‘trono’ ay nakadepende
sa pag-iisip ng tao na ito ay upuan ng isang hari o lider. Ang mga pantig at tunog na
bumuo sa salitang ‘trono’ ay iilan lamang sa di-mabilang na serye ng mga tunog na
walang kahulugan sa labas ng ating species—sa labas ng lipunan.
Sa seryeng Discworld ni Sir Terry Pratchett ay malimit din siyang gumamit ng isang
elementong hindi palagiang pinapansin sa mga diskurso sa paaralan. Ito ay ang typeface
o fontstyle na malimit paglaruan ni Pratchett at ng mga gumagawa ng komiks. Sa akda
ni Pratchett, halimbawa, ang karakter ni Kamatayan ay nagsasalita sa MALALAKING
TITIK. Ang kombinasyon ng paglalarawan sa teksto at ang typeface na ginagamit ay
nakabubuo ng mas konkretong imahe ng karakter. Kung ang mga titik naman ay paliit
nang paliit ay naiiisip (sa tulong din muli ng konteksto sa binabasa) ang HUMIHINANG
TUNOG. Sinasalamin naman nito ang pagkokonekta ng ating isip sa mahinang tunog
sa maliit na bagay, o sa matibay na bagay at pagiging uniform.
At bilang ganoong uri ng kagamitan, ang wika ay tulad din ng ibang kultura. Nabuo
at nalilinang ito upang punan ang partikular na pangangailangan. Sa ganitong paraan
ng pag-iisip, sana’y ma-internalize natin ang pundamental na uganayan sa pagitan ng
gumawa at ng ginawa—ng tao at ng wika; na walang wikang natural na nakatataas sa
iba, bagkus ay ebidensya lamang ang pagkakaiba sa wika sa pagkakaiba sa kultura at
kasaysayan ng gumagamit nito.
Pagsasanay 6
Pangalan: ______________________________________ Kurso/Taon: ___________
Iskedyul: _______________________________________ Marka: _________________
Gawain 1:
1. Magsasagawa ng isang saliksik hinggil sa kultura ng mga Pilipino at
paano nito pinalalawak ang ating kabihasnan at paniniwala.
2. I- rekord ang sarili habang itong tinatalakay o ipinapaliwanag.
Gawain 2:
Sumulat ng isang Talumpati hinggil sa paniniwala sa Pamahalaan.
Gawain 3:
Magsasadula ng isang pangyayari na kung saan ang paksa ay ang
“Pagpapahalaga sa karapatan ng mga kababaihan.”
MODYUL 7
WIKA SA PANAHON NG GLOBALISASYON AT INTERNASYUNALISASYON
MODYUL 8
PAGSASALIN NG MGA PILING TEKSTO
Pagpapahalagang Moral:
“Alin mang wika, magkakaiba ang kahulugan at gamit, iisa naman ang diwa.”
Input:
ANG PAGSASALIN AT PAGPAPAUNLAD SA WIKANG PAMBANSA
Virgilio S. AlmArio
May mga pagkakataóng naghahanap ng ibang tuntunin. Wika nga ng isa sa amin,
kung ang pinakagamitín ang susundin ay hindi “pero” kundi “but” ang dapat naming
isulat sa pagsasalin. Higit nga namang mabilis ngayong ginagamit ang Ingles na “but”
ng mga estudyante at silá ang target namin noong mambabasá. [Ano nga kayâ’t “but”
ang aming ginamit sa pagsasalin? Na siguradong magdudulot naman ng isang bagong
problema sa amin. Isusulat kayâ namin ito sa orihinal o isasa-Filipino? “But” o “bat”?]
Ano kayâ ang itsura ni Mao Tsetung kapag nagsalita na may “pero” at “but”? Dahil
naniniwala kaming pormal na pormal ang wika ng aming nais isaling mga akda ay
ginamit namin ang “ngunit” at paminsan-minsan ang “subalit.” Problema ito ng pag-
aagawan sa ating dila’t diwa ng katutubong wika natin at ng dalawang itinuro sa atin
na banyagang wika. Ang Tagalog/Bisaya/Ilokano versus Español/Ingles. Kung minsan,
Español versus Ingles. At malimit kong makaengkuwentro ang ganitong problema
PAGSASALING-WIKA
▪ Ang pamamaraan kung saan ang diwa ng isang salitang dayunhan ay inililipat
sa wika ng ibang bansa. Isinasagawa ito sa mga salitang teknikal o pang-agham
na magagandang tumbasan ng bokabularyo ng isang wika.
1. Literal na Pagsasalin
Iniiba lamang ang baybay alinsunod sa ortograpiya ng wikang pinagsamahan.
Halimbawa
Diplomacy-Diplomasya
Archipelago - Arkipelago
Allocation - Alokasyon
Equilibrium - Ekwilibriyum
Deflation – Deflasyon
2. Binagong Literal
Naiiba ang pagkakasalin subalit naroon pa rin ang diwa.
Halimbawa
Democratic Leadership - Pamunuang Demokratiko
3. Idyomatikong Salin
ang mga pahiwatig ay buong naisalin nang di nawawala ang kahulugan
Halimbawa
If I were in your shoes - Kung ako ikaw
4. Lubhang Malaya
Dinadagdagan ng pampalinaw ang salita upang lubusang maunawaan.
Halimbawa
Feedback - Bumabalik Na Ingay
Oryentasyon:
Magkakaroon ng isang seminar o wokshop sa pagsasagawa ng pagsasaling-wika.
Pagsasanay:
Bumuo ng isang sanaysay para sa pagpapaunlad ng pagdadalumat sa
kontekstong Filipino.
MODYUL 9
PAGBASA AT PAGSULAT SA DALUMAT FILIPINO
Pagpapahalagang Moral:
“Be more, Read More.” –Lord Chesterfield
“Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumitigil na rin siya sa pag-iisip.” –
unknown
Input:
Mga babasahin sa kontekstong Filipino bilang batayang pandalumat:
-Bigwas Sa Neoliberalismo,Alternatibo Sa Kapitalismo:Adbokasing PangwikaAt
Sosyalistang Programa Sa Nobelang Mga IbongMandaragit Ni Amado V.
Hernandez (David Micheal M. San Jaun)
-Edukasyon Bilang Tagpuan Ng KatwirangLungsod At Katwirang Lalawigan
(Noel L. Clemente)
- Ang Pilosopiya ni Pierre Bourdieu BilangBatayang Teoretikal Sa Araling
Pilipino (F.P.A. Demeterio III and Leslie Anne L. Liwanag)
- “PRISON NOTEBOOKS” ni A. Gramsci
-“THE WRETCHED OF THE EARTH” ni F. Fano
-“THE LANGUAGE OF GLOBALIZATION” ni Peter Marcuse
Gawain:
Bumuo ng isang artikulo na naglalahad ng iyong sariling kaisipan at pag-unawa
base sa napili mong babasahin. Maaaring salungat o kampi ang iyong kaisipan at
gumamit ng mga dagdag na referensya upang maging mas mapatibay pa ang iyong
isasagawang pagsulat ng artikulo.
F. Fanon. 1963.The Wretched of the Earth. Grove Weidenfeld A division of Grove Press,
Inc. 841 Broadway New York, NY 10003-4793.http://abahlali.org/wp-
content/uploads/2011/ 04/Frantz-Fanon-The-Wretched-of-the-Earth-1965.pdf
C. Hanguang Elektroniko
Mendiola, et. al. 2017. “Makabagong Salita” mula sahttps://mendiolah
umprey.wordpress.com/2017/10/13/mga-makabagong-salita/
Molate, Nica. 2017. "Mga Patok at nauusong salita ng mga Millennials" mula sa
https://marketersview.wixsite.com/group2/single-post/2017/02/17/Mga-Patok-at-
nauusong-salita-ng-mga-Millennials