GROUP-2 Cognitive Development of Primary Schoolers

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

WIKA AT KULTURA

GROUP 2
WIKA
• Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga
simbolo, tunog at mga kaugnay ng batas upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng
kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsulat at pagsasalita. Isa rin
itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang
lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang
binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at
nagkakaisa ang mga tao.
KULTURA
• Ito ay ang mga nakagawiang paraan sa buhay ng mga tao sa isang lugar.
Ito ay ang kabuuan ng mga kaisipan, kaugalian, paniniwala, tradisyon,
sining, wika at pamumuhay ng isang pangkat ng mga tao na napagsalim-
salin sa ibat-ibang henerasyon.
A. WIKANG FILIPINO BILANG
PANANAW MUNDO
• Sa wikang Ingles kapag ikaw an bumubuo ng pangungusap nararapat na ang paksa ay
nauuna sa panaguri na tinatawag na active voice. Samantalang sa Filipino naman ay
tinitingnan na passive voice ang konstruksyon ay pangungusap dahil nauuna ang
panaguri sa paksa. Dahil sa pagkakaiba ng istruktura ng pangungusap sa wikang Ingles
at Filipino, iba rin ang ipinaparating nilang pananaw sa mundo. Sa pamamagitan ng
Filipino, maiisip mo na parang hinuhusgahan ka na kaagad bago kapa man nila
makilala, dahil nakikita agad nila ang katangian bago pa man ang piang-uusapan.
• Halimbawa : Sa pangungusap na “Maganda siya.” mayroon na kaagad paghuhusga-
maganda. Kabaliltaran naman ang nangyayari kapag ikaw ay bumubuo ng pangungusap
sa ingles dahil pinagtutuonan muna ng pansin ang paksa bago ang panaguri
WIKA AT PAMUMUHAY
• Ang wika ang pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa-
tao. Malaki ang tungkulin ng wika sa pakikipag-unawaan at
pakikisalamuha ng tao sa kaniyang tahanan, paaralan, pamayanan at
lipunan. Ginagamit ang wika upang maipahayag ang mga sarili at saloobin
sa pamamagitan ng pagsulat, paglikha ng tula, kwento at pati na rin ang
paggawa ng kanta. Ginagamit din ito sa pakikipag-transaksiyon sa ibat’-
ibang mga tao. Ito ang naging unang kasangkapan ng tao sa pagpapahayag
ng kaisipan at damdamin.
WIKA AT KALIKASAN
• Ang wika ay buhay ng tao. Ito ang pangunahin mong kasangkapan upang
maipahayag ang iting kaisipan at saloobin. Kung may impormasyon ka
Mang nais sabihin sa iba, o may anomang pagtutol o reklamong nais
ipahayag o may damdaming nais ipagtapat o may pasalita o pasulat na
pahayag na nais suriin, wika ang magsisilbi mong instrumento.
B. WIKA AT KULTURAL NA
DIBERSIDAD
• Ito ay pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at sa
kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa paniniwala,
tradisyon, uri ng pamumuhay at iba pang mga bagay na nag uugnay sa
kanila at nagpapatibay sa bingkis ng pagkakaisa na siyang
nagpapalaganap ng kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian at
adhikain.
UGNAYAN NG WIKA SA KULTURA
Ang ugnayan ng WIKA at KULTURA ay ang mga sumusunod:
• Ang kultura ay hindi maipasa o maipahayag sa ilang henerasyon kung
Wala ang wika.
• Ang isang kultura ay hindi mabibigyan ng anyo o diwa at saloobin kung
wala ang wika.
• Ang nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura ay ang wika dahil dito ang
kultura ay madaling maintindihan maging sa mga taong hindi napaloob sa
tinutukoy na kultura.
PAGKAKAISA SA WIKA
• Tunay na mahalaga ang pagkakaisa para sa Pilipino na kilala sa pagiging
malapit sa isat-isa. Ngunit hindi ito makakamit kung hindi
nagkakaunawaan ang bawat miyembro ng pamilya. Sa pamamagitan ng
wika, naipapasa ng mga magulang sa kanilang mga anak ang kulturang
minana pa nila mula sa kanilang mga ninuno. Gamit ang wika inihahanda
ang mga magulang ang kanilang mga supling sa pakikisalamuha sa
pamayanan sa pamamagitan ng pagtuturo ng mabubuting asal at kaaya-
ayang gawi.
C. WIKA, IDENTIDAD AT BANSA
1. URI
- Ang wikang pambansa ng mundo ay nahahati sa tatlong uri.
• INTELLECTUALIZED LANGUAGE OF WIDER COMMUNICATION (ILWC)
-intelektwalisadong wika ng higit na malawak na komunikasyon. Ito ay kadalasang tinatawag
na international language o pandaigdigang wika tulad ng Ingles, pranses, espanyol, aleman at
iba pa. Ang ILWC bilang pambansang wika ay ginagamit sa larangan ng edukasyon, sensya
at teknolohiya, kalakalan, komersyo, industriya, mass media, mga literatura at pandaigdigang
pakikipag-ugnayan. Nangangahulugan ito na ang mga tao ay nagkakaroon mula sa
elementarya hanggang unibersidad sa pamamagitan ng ILWC. Ito ang lenggwahe ng
propesyon.
• CONFINED, INDEPENDENT ANG INTELLECTUALIZED
NATIONAL LANGUAGE (CIINL)
- Ito ang mga ganap na intelektwalisadong wika na hindi lumalagpas sa
hangganan ng isang bansa (National Borders). Ito ay sapat na nagagamit sa
ibat-ibang domeyn ng wika.
• DEVELOPING NATIONAL LANGUAGE (DNL)
- ito ay wikang pambansa na patungo sa intelektwalisadong wika (ILWC).
Kadalasan ang wika ang sumasakop sa isang nasyom na gumagamit bilang
pantulong o di kaya ay pangunahing wika. Ito ang kasalukuyang estado ng
wikang Filipino.
2. KASARIAN
- wika at kasarian: kaibahan ng wika para sa lalaki at babae
A. Ayon kat Tannen, ang mga lalaki at babae ay pinalaki sa magkaibang kultura
Ito ang dahilan kaya ang komunikasyon sa pagitan nila ay nagiging cross-cultural na
komunikasyon. Dahil sila ay tumatanda sa magkaibang mundo, nagbibigay daan ito sa
pagkakaroon ng magkaibang estilo ng pag-uusap sa pagitan nila at ito ay kilala bilang
genderlects.
B. Sa kanyang libro ma You just don’t Understand, iprinisenta ni Tannen ang pagkakaiba sa
paggamit ng wika ng mga lalaki at babae sa pamamagitan ng lima na kaibahan:
1. STATUS VS. SUPPORT
- ang mga lalaki ay nabubuhay sa isang mundo na kompetibo ang kombersasyon
Sinusubukan nilang makuha ang upper hand upang mapigilan ang iba na dominahin sila. Para
sa babae naman, ang pakikipag-usap ay paraan para makuha ang apirmasyom at suporta sa
kanilang mga ideya.
• INDEPENDENCE VS. INTIMACY
- Ang mga babae ay karaniwang nagbibigay importansya sa kalapitan at
pagsuporta upang mapanatili ang intimacy. Ang lalaki na nag-aalala tungkol
sa kanyang katayuan o istado ay mas nagbibigay importansya sa hindi pag-
asa sa iba. Ang mga katangian na ito ay maaring maging dahilan ng tunay na
magkaibang opinion ng babae o lalaki sa parehong sitwasyon.

• ADVICE VS. UNDERSTANDING


- Sinasabi ni Tennan na para sa karamihan ng mga lalaki, ang isang reklamo
o daing ay hamon upang makahanap ng solusyon.
• INFORMATION VS. FEELINGS
- Ayon daw sa kasaysayan, ang mga alalahanin ng mga lalaki ay itinuturing
na mas mahalaga kaysa sa mg alalahanin ng mga babae. Ngayon ay
maaaring ibaliktad ang sitwasyon na ito.

• ORDERS VS. PROPOSALS


- Ang mga babae ay kadalasan nagpapahiwatig ng payo sa hindi direktang
paraan habang ang mga lalaki naman ay mas gumagamit ng mga direktang
pahiwatig o mga utos.
3. ETNISIDAD
• Sinasabing maaari na kasapi ng isang partikular na grupong
etnolinggwistiko
ang mga tao kung sila ay kabilang sa isang kabuuan.

4. RELIHIYON
• Wika ang puhunan ng mga pari at ministro ng alinmang sekta ng relihiyon
sa kanilang pananampalataya. Nakasalalay sa kanilang malinaw at
makarismatikong tinig ang tagumpay ng kanilang misyon.
5. SIKOLOHIYANG PILIPINO
- isang alternatibong perspektibo kung paano ipapaliwanag ng pag-iisip,
pagkilos at damdaming Pilipino na malaki ang kaibahan sa mga pananaw ng
iba pang anyo ng sikolohiya sa Pilipinas.
D. WIKA, AGHAM AT TEKNOLOHIYA
1. WIKANG BILANG TEKNOLOHIYA
• Ang wika at teknolohiya ay lubhang konektado sa isa’t-isa. Sa ating pang
araw-araw na gawain, hindi maiiwasan ang madalas nating pag-depende
sa teknolohiya. Nariyan ang cellphone, kompyuter o laptop, ipad at iba pa.
Ito ang nagsisilbing tulay ng komunikasyon para sa bawal na tao. Kung
susuriin, napakalaking naitutulong ng teknolohiya sa ating lahat na
gumagamit nito. Ngunit hindi maikakaila ang mga pangyayari at
pagbabago dahil sa maling paggamit at ang malaking epekto nito sa wika
at pamumuhay.
2. BISA NG TEKNOLOHIYA SA WIKA
• MEDIA – ito ang nagpapalawak ng mga kaalaman sa mga mamamayan o
tao sa isang lipunan. Nagbibigay ito ng mga impormasyon tungkol sa mga
nangyayari sa kapaligiran, sa isang lipunan at sa buong bansa.
• SOCIAL MEDIA – ito ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa
mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan
ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga
network.
• NEW MEDIA – ang mga bagong media ay isang anyo ng komunikasyon
sa masa tulad ng paggagamit internet sa kabilang banda ang tradisyonal na
media ay may kasamang pahayagan, telebisyon, radyo at iba pa. Ang mga
benepisyo ng bagong media ay kasama ang katotohanan na ito ay isang
dalawang paraan ng komunikasyon platform na hindi katulad ng
tradisyonal na media.
• PARTICIPATORY CULTURE – ito ay isang bagong ideya na
pinagbabatayan mismo ng pagbabahagi at pakikipagtulongan sa pagitan
ng mga akda ng bawat uri. Ito ang ideya na ang ibat ibang mga tao,
lipunan at kultura upang makipag-ugnay sa bagong media sa isang paraan
na pinapayagan silang pareho ba magdagdag at mag-alis ng impormasyon
mula sa medium na ito.
3. IBAT-IBANG URI NG AGHAM TULAD
NG MEDISINA, AGRIKULTURA AT IBA PA.
• Ang kaugnayan ng wika at kultura sa medisina ay sangayng agham
pangkalusugan ang tungkol sa panunumbalik at pagpapatuloy ng
kalusugan at kagalingan, Ang agrikultura ay isang agham at sining na may
kinalaman sa pagpaparami ng mga hayop at tanimno halaman. Ito ay may
kaugnayan sa lahat ng gawain na sangkot ang mga hayop at halaman.

You might also like