Akt. 17 KAF - ANG WIKA NG KULTURA SA IBA'T IBANG DOMEYN
Akt. 17 KAF - ANG WIKA NG KULTURA SA IBA'T IBANG DOMEYN
Akt. 17 KAF - ANG WIKA NG KULTURA SA IBA'T IBANG DOMEYN
Komunikasyon sa
Akademikong Filipino
Ikalabindalawang Linggo
Materyales
Cellphone, Laptop, SAS,
ANG WIKA NG KULTURA SA Handawts
IBA’T IBANG DOMEYN
PANIMULA
Panimulang Tanong:
Sa iyong sariling palagay, gaano nga ba ka importante ang pagkakaroon ng isang wika?
PROSESO NG PAGTUTURO
Paghahanda (Preparation)
Panuto: Bigyang kasagutan ng buong husay ang mga tanong na nakatala sa ibaba. Bawat
tanong ay bibigyan ng limang pangungusap sa paraang pasalita.
GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO 1
1.) Ano ang kaugnayan/kahalagahan ng wika at kultura sa ating bansa sa larangan ng
pakikipagtalastasan?
Ang wika at kultura ng isang bansa ay sumisimbolo sa pagkakakilanlan nito at sa mga taong
naninirahan sa loob nito. Bilang karagdagan sa mabisang bahagi ng pag-unawa na ito, ito rin ang susi
sa kung ano ang higit nating matututuhan. Kapag ginamit nang tama, makakatulong ito sa
pagpapaunlad ng ating bansa. Hindi mabubuo ang isang bansa kung walang sariling wika at kultura.
Pahalagahan ito upang ang lahat ay maging isang mabuti at produktibong mamamayan.
2.) Sa iyong napapansin, ano ang mga salik sa isang hindi mabisang komunikasyon?
Maraming mga kadahilanan para sa hindi epektibong komunikasyon. Isa na rito ang hindi
pagkakaunawaan sa gustong iparating ng nagsasalita. Ang kabiguang makinig ng maayos ay isa rin
sa mga pinaka-hindi epektibong paraan ng pakikipag-usap. Ang pagsasalita na naiiba sa wikang
ginagamit ay isa ring salik sa hindi epektibong komunikasyon. Ang malabong pagpapahayag ng
saloobin ng nagsasalita ay isa ring salik sa hindi epektibong komunikasyon.
Ano ba ang Wika? Ano ba ang Kultura? Bakit angkop na angkop ang wika sa kultura? At gaano nga
ba kahalaga sa isang bansa ang wika at kultura? Bakit sila magka-ugnay?
WIKA - Ang wika ay isang bahagi ng talastasan. Ito ay ang kalipunan ng mga simbolo at tunog upang
maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
KULTURA - Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at
sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa mga paniniwala, tradisyon, uri ng
pamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-unay sa kanila at nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaisa
na siyang nagpapalaganap sa kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian, at adhikain.
Ang bawat tao ay may kinabibilangang kultura na siyang kinalakhan niya at nagtuturo sa kanya sa
mga papel na dapat niyang gampanan sa lipunan at kung paano niya ito maisagawa sa
pamamaraang maituring na kanais-nais. Higit sa lahat ang kulturang ito ang kanyang sandigan at
gabay sa kanyang paglalakbay tungo sa makabulohang buhay. Ang kulturang ito ay
2
GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO
nabibigyang anyo, naipahayag, at naipasa sa ilang henerasyon sa pamamagitan ng wika. Sa
madaling salita, ang wika at kultura ay magka-ugnay. Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang
kultura. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat.
Ang wika, tulad ng alinmang wika sa daigdig, ay may sinilangang lugar. Sa ating komunidad,
gumamit ang mga tao ng wikang magbubuklod sa kanila. Ang wikang ito ang nagpapahayag sa
nabuong karunungan, paniniwala, sining, batas, kaugalian, pagpapahalaga, at iba pang kaangkinang
panlipunan. Ang wika at kultura sa kabuuan, ay nagpasalin-salin sa bawat henerasyon dahil. Sa
patuloy na pag-unlad ng wika, sa patuloy na pagyabong nito, bunga ng pakikisalamuha ng mga
katutubo sa mga dayuhan-mananakop o kaibigan na may naiibang kultura - ang wikang ginagamit na
kasangkapan sa pakikipamuhay ay yumaman sa salita. May mga salitang hiram at ligaw na ganap
nang inangkin. Sa paggamit sa mga katawagang ito sa mga pahayag na may kayarian o kaanyuang
katutubo, kasama ang mga likas na katawagan, ang mga inangking salita ay nagkaroon narin ng
katangiang Pilipino, nagkaroon ng kulay at karakter na Pilipino, at naging kasangkapan na sa
pagpapahayag ng kulturang Pilipino.
Ang wika ay dinamiko, ang wika ay nagbabago dahil ito ay buhay. Kung ihahalintulad natin ang
wika sa isang tao, ang wika ay patuloy na yumayabong, nasisira, lumalaban at nagpapakatatag. Ang
wika ay buhay sapagkat ito ay may halaga, ang nagsisilbing hangin sa isang uhaw na damdamin at
gabay sa taong taliwas na sa kan’yang landas. Ang wika minsan ay may ibang kahulugan dahil
magkaiba ang pinagmulan ng isang tao. Ang paggamit ng wika ay naiiba sa antas na kinabibilangan
ng isang tao o kung kaya ay ang kanyang karanasan sa buhay. Ang wika minsan ay may ibang
ipinapahiwatig na nakabatay sa kaugalian ng mga tao mula sa isang pangkat na malayo sa
kinagisnang bayan natin. Bawat tao ay may sukatan sa pagpapahalaga ng kanilang sariling wika.
Kung susuriing mabuti, ang wika ay may iba’t ibang disiplina sa paggamit nito sa pakikipagtalastasan.
Ang iba’t ibang domeyn/katangian ng kultura ang bibiyang pokus natin upang malaman ang antas ng
wika at ang kalagayan nito sa ating bansa.
Kasarian
Ayon sa pag-aaral ni Velez-Lukey, sinasabing ang ‘maprinsipyo’ ay katangian daw ng lalaki; ang
‘magpakimkim’ ay sa babae; ‘maasikaso’ sa babae at ‘mayabang’ sa lalaki. Paliwanag ni Padilla,
“May kaugnayan sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, na kapag natututo tayo ng wika ay hindi lamang
wika ang natututunan natin kundi pati kultura rin dahil ang kultura ay konektado sa wika at ang
kamalayan sa kasarian ay naiimpluwensiyahn ng kultura. Ngunit hindi lang iyon, naiimpluwensiyahan
ng malakas at mapanuring kamalayan ang namamayaning kultura.” Dagdag nito, sinabi niya na ayon
sa mga pagaaral tungkol sa wika, kasarian at pagkakaiba, “Magkaiba raw ang mga lalaki at babae sa
paggamit ng wika. Magkaiba rin silang mag-isip kung paano natututunan ang wika. Magkaiba rin sila
sa paggamit ng mga stratehiya sa pagkatuto ng wika.” Ayon kay Tannen, ang mga babae at lalaki ay
pinapalaki sa magkaibang kultura. Ito ang dahilan kaya ang komunikasyon sa pagitan nila ay nagiging
cross-cultural na komunikasyon. Dahil sila ay tumatanda sa magkaibang mundo, nagbibigay daan ito
sa pagkakaroon ng magkaibang estilo ng pag-uusap sa pagitan ng lalakit at babae. Ito ay kilala sa
tawag na Genderlects.
Ang sumusunod ay ang anim (6) na salik ng Genderlect na sumasangguni sa cross-cultural na
komunikasyon:
Status vs Support
Independence vs Intimacy
GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO 3
Advice vs Understanding
Information vs Feelings
Order vs Proposal
Conflict vs Compromise
Ang mga lalake at babae ay mas gugustuhin na maintindihan ang isa’t isa sa kanilang estilo dahili
iniisip natin na nabubuhay tayo sa parehong mundo ng komunikayon. Ayon kay Tannen, kung pag-
iisipan lang natin ito, karamihan ng hindi pagkakasunduan ay maaaring maiwasan. Ang pag-unawa
sa paraang komunikasyonng magkaibang kasarian ay magiging isang tulay para mas mapabuti ang
pakikipagtalastasan at relasyon ng mga tao.
Edad
Ang pagkatuto ng wika ay nagsisimula sa iyong pagkabata. Sinasabi na ang pag-iisip at ang wika ay
magkalapit ang kanyang debelopment. Ang mga batang matagumpay na nakasusunod o
nakagagawa ng mga gawaing kaugnay sa pag-iisip dahil sa kanilang yugto ng paglaki, ang edad.
May mga yugto ng pagkatuto ng wika kung saan nabibigkas ang unang natutunan na salita at ang
paraan ng pagbigkas ng salita . Ang wika ay nananatiling dinamiko sa oras na natutunan ito ng isang
bata hanggang sa kanyang paglaki. Sa ating tradisyon, ang mga matatanda ay sumasabay sa paraan
ng pagsasalita ng mga bata at ito ay lantarang naiintindihan. Hanggang sa patuloy nitong paglaki ay
ang pagbabago ng wika at ang pagbabago na rin ng mga salitang binibitawan ng taong nasa paligid
niya. Ang modelong ilalahad sa ibaba ay isang paglalarawan sa proseso ng pagkatuto ng wika.
4
GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO
MODELO NG MGA YUGTO SA PAG-UNLAD NG WIKA
(Halaw sa E. Brooks Smith, Kenneth S. Goodmen, at Robert Merideth , Language ang Thinking in
School)
Bilang kongklusyon, ang paggamit ng pormalidad at antas ng wika ay magkaiba dahil sa mga taong
gumagamit nito. Batay sa gulang, anyos at tanda, tumutukoy rin sa bilang ng taon. Isa sa domeyn na
ito ay ang edad ng tao.
Etniko
Ang iba't ibang mga pangkat-etniko sa Pilipinas ay kinikilala ang kanilang sarili sa isa o higit pa na
mga salik katulad ng lipi, wika, relihiyon o sa isang magkatulad na kasaysayan. Mula hilaga
hanggang timog, ang pinakamarami sa mga pangkat na ito ay mga Ilokano, mga Pangasinense, mga
Tagalog, mga Kapampangan, mga Bikolano, at mga Bisaya. Sinasabi minsan na bahagi ang mga
pangkat na ito sa lahing Austranesyano at/o lahing Malay; bagaman, kadalasang tinuturing ng
marami na walang batayang pang-agham ang guhit-balangkas na nakabatay sa lahi, lalo na dahil sa
tinuturing na Pilipino ang mga Negrito sa Pilipinas.
Itinampok din ang mga wikang katutubo at ang kahalagahan ng pagpapaunlad, pagpapalaganap, at
pangangalaga sa mga ito. yon sa Ethnologue: Languages of the World, may 186 wika sa Pilipinas,
ngunit 182 na lang rito ang buhay. Upang maiwasan ang tuluyang pagkamatay ng mga wika, iginiit ni
Quintayo ang kahalagahan hindi lang ng paggamit ng wikang katutubo bilang paraan ng
komunikasyon, ngunit pati rin ng patuloy na pananaliksik at pagdodokumento ng mga wikang ito.
Iminungkahi rin niyang ituro ang wikang katutubo bilang mother tongue sa mababang paaralan, at
gawin itong asignatura o elective sa kolehiyo bago matutunan ang ikalawang wika na siyang tutulong
sa makabuluhang pagkatuto. Wika pa ng isang kilalang dalubwika, “Ang wika ng mga katutubo ay
pagkakilanlan o identity…. Ang mga wikang katutubo rin ay yaman ng ating kultura at kaluluwa ng
mga katutubong Pilipino at ng lahing Pilipino…. Ang paglaho ng mga wikang katutubo ay pagkawala
ng isang malaking bahagi ng kultura.”
Paniniwala
Ang kultura ay salamin ng ating paniniwala kung kaya't sa bawat kultura na ating ginawa ay
mapapansin ang bawat butil o katiting na guhit sa ating bansa. Alam niyo pa ba kung ano ang mga
paniniwala na may kaugnayan sa ating wika? Mula sa mga pinapaniwalaan o pmahiin ng mga Pilipino
ay may kaabat na pahayag na binibitawan. Gaya na lamang ng pahayag na, “Tabi tabi po. Dadaan
kami.” Sa dahilang naniniwala tayo sa mga nilalalang na hindi nakikita.Bawat isa ay may kanya
kayang pinaniniwalaan. Kahit na ba wala itong basehan ay paniniwalan pa din. Ang kultura ng
Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga
kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang pananakop ng mga Kastila sa
Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay may malaking kontribusyon
sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming
hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong
Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan
sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng
mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa
katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay
ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na
karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian. Ang
ating bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan o nakagawiang gawain na ipinamana ng kani-
kanilang mga ninuno. Ang Pilipinas ay tinaguriang mayaman sa iba’t ibang larangan sa kultura
5
GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO
at wika. Naimpluwensyahan tayo ng ating mga ninuno kaya ito’y ating ginagamit sa pang-araw-araw
na pamumuhay.
Pagpapahalaga
“Wika, ating pagyamanin at mahalin!”
Ang wika ang may pinakamahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ay susi na ginagamit ng lahat ng
antas ng tao sa lipunang kinatatayuan. Samakatuwid, ang wika ay nagbibigay diin sa kapaligiran at
kultura ng isang bansa. Ang paglinang ng wika ay siyang nagbibigay buhay sa ating sibilisasyon. Sa
pagkakaroon nito ay lubusang naipapahayag ng karamihang mamamayan ang kanilang kaisipan sa
pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan. Ngunit dala ng globalisasyon, napakarami ring
mamamayan ang nakakalimot sa kahalagahan ng wika. Sa kabila nito nananaig pa rin ang wikang
Filipino sa puso’t diwa ng bawat mamamayang Pilipino. ‘Ika nga ng dalubwika, “Walang tatamis pa
sa kanyang sariling wika.”At ating sariwain ang kataga ni Rizal na Sa Aking mga Kababata:
“Ang hindi magmahal sa kanyang wika
Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Ng tulad sa inang tunay na nagpala.”
Ngunit kung ating iisipin, ang wika sa panahon ng pag-usbong ng teknolohiya ay unti-unting
kinakalimutan at napapabayaan. Dahil na rin sa mga kulturang naging popular. Kung ano ang nauuso
ay siyang tianatangkilik at dito nagsisimula ang pagbitaw sa sariling wikang kinabibilangan. Si Manuel
L. Quezon ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Siya ang nangunang maghubog ng Wikang
Pammbansa na Wikang Filipino. Marami tayong wika dito sa bansa katulad ng Cebuano, Boholano,
Ilocano ,Tagalog, at iba pa. Marami tayong iba’t-ibang wika dahil sa archepilagong hugis ng ating
bansa . Malayo man ang mga lugar at isla na bumubuo nito . Hindi madali kay Mannuel L. Quezon at
iba tagapamahala ng gobyerno na pumili at magtalaga ng hinaing sa sariling Wika dahil maraming
hindi
desidido at hindi sang-ayon nito. Hanggang nakapagdesisyon na ang madla na ang magiging Wikang
Pambansa ay ang Wikang Filipino.
Tuwing Agosto ipinagdiriwang ang Wikang Filipino, ang buwan ng wika. Bilang isang mamamayang
Pilipino isa tayo sa mga taong nagdiriwang nito. Bumabalik tanaw tayo sa ating kasaysayan kung
paano nabuo ang Wikang Filipino. Maraming mga gawain ang bawat paaralan sa pagdiriwang. May
iba’tibang patimpalak isa isa na rito anng tula, paggawa ng sanaysay, mga sayaw at iba pa. Sa
buwang ito maas naiintindihan nating mga Pilipino ang kahalagahan ng Wikang Filipino. Hindi lamang
sa buwan ng Agosto natin ito dapat ipagdiwang kundi dapat araw-araw dahil ginagami natin ang ating
wika bawat segundo, minuto at araw sa ating buhay. “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa
hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Ito ang
tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay
kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. Isang inspirasyonal na kataga at kapupulutan ng aral
tungkol sa pagpapahalaga ng wika. Kahit maraming wikang banyaga ang alam na sabihin ni Rizal,
hindi niya tinalikuran ang kanyang bansa at pinalagahan ang wikang Tagalog na isa sa mga parating
ginagamit ng mga Pilipino noon.
Ang Filipino ay higit pa nating palawakin at pausbungin tungo sa intelekwalisasyon upang patuloy
nating maging kaagapay sa pag-unlad ng bansa at maging sangkap sa pagkakaunawaan ng bawat
Pilipino. Isulong ang kampanya sa paggamit ng wikang Filipino. Ang pagkakaroon ng iisang wika ay
nangangahulugang nagkakaisa ang mga mamamayan at nagkakaintindihan ang lahat para sa iisang
hangarin.
6
GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO
Kaugalian at Kilos ng Grupo
Pagsasanay (Practice)
7
GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO
Panuto: Basahin at unawain ang inilahad sitwasyon. Magbigay reaksiyon at ipaliwanag sa limang
pangungusap lamang. (5 puntos bawat bilang)
Ibig sabihin, "Ang wika ay sumasalamin sa kultura ng lahi." Laging tandaan na ang wika ay
nagmumula sa mga kultura at kaugalian ng isang lahi. Ang mga tao ay maaaring bumuo ng mga
salita batay sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Masasabi rin natin na sa bansa ang wika o
diyalektong kanilang sinasalita ay itinuturing na brainchild ng kultura. Ang nag-uugnay sa mga tao sa
isang kultura ay ang wika dahil dito ang kultura ay madaling naiintindihan maging sa mga taong hindi
napaloob sa tinutukoy na kultura.
Palawakin o paunlarin ang unawa tungkol sa wikang Filipino. Ito’y magagawa sa pamamagitan ng
mga sumusunod: Kailangan may sarili kang diksiyonaryong Filipino. Sa panahon natin ngayon,
pwede ka ring magsaliksik at magpaunlad ng paggamit ng wikang Filipino sa pamamagitan ng
internet. Magbasa ng mga libro, mga babasahin, lalo na ng mga “research papers” na gumagamit ng
wikang Filipino. Mapanuring pakikipagtalakayan sa mga bihasa sa wikang Filipino. Makilahok sa mga
aktibidad at proyekto ng pamahalaan na may kinalaman sa pagpapahalaga ng wikang pambansa.
3. Bakit binansagang, wika ay kaluluwa ng kultura at ang kultura ay nagbabago dahil sa wika?
Ang wika ang kaluluwa ng kultura, dahil ang wika ang paraan upang maunawaan ang kulturang
panlipunan. Para bang ang wika ang nagbigay buhay sa isang kultura. Ito ay nag-uugnay sa bawat
tao sa isang partikular na bansa. Parang ang kaluluwa ng tao ang nagbibigay sa atin ng buhay, ito ay
nasa bayan. Ang wika ay isang paraan ng pamumuhay ng magkaunawaan na nag-uugnay sa mga
indibidwal.
Pagganap/Performans (Performance)
8
GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO
Paalala: Kinakailangan na maipakita ang salik sa pagkakaugnay ng wika at kultura gamit ang isang
malikhaing grapikong paglalarawan.
TAKDANG GAWAIN
Bisitahin ang YouTube Channel ng TVUP | University of the Philippines' Internet Television Network
at UNTV News and Rescue at panoorin ang sumusunod na talastasan ng kilalang dalubhasa sa
larangan ng Edukasyon.
Link:
https://www.youtube.com/watch?v=dj6R04h3lq4&t=9s
4.) https://www.youtube.com/watch?v=E2PoVD1lBJs
9
GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO