ARP 101 Lesson1
ARP 101 Lesson1
ARP 101 Lesson1
Artipisyal na Pilipino
Pilipino pero hindi by heart.
Naaapektuhan ang pag-iisip at nailito dahil sa mga kinamulatan
Naimpluwensyahan ang pagkatao ng ilipino sa kilos, isip, salita at iba pa.
Oryentasyon at Kasaysayan
Isang napakalaking hamon para sa bawat Pilipino na bigyan ng isang kongkretong
kahulugan ang Araling Pilipino. Tumutukoy ito sa napakalawak na pag-aaral hinggil sa
kultura,
wika, panitikan, at lipunan ng mga Pilipino gamit ang mga paraang interdisiplinarya sa
kasaysayan, antropolohiya, arkitektura, araling sining, lingguwistika,araling islam,
ekonomiya, pilosopiya, musika, panitikan, sosyolohiya at iba pa.
Kaya naman mahalagang maging pundasyon ito ng bawat Pilipino sa kritikal na
pagsusuri sa lipunang ginagalawan. Ito ay sama-samang pagtuklas, pagsubok na
maipaliwanag at mapaunawa ang
esensiya ng Araling Pilipino sa ating lahat. Ngayon at higit kailanman, sa panahon na
kinikitil ang
Filipino at Panitikan sa ilalim ng CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013.
A – Akademikong Disiplina P – Panlipunang Uri at Ekonomiya
I – Indihenisasyon I – Interdisiplinaryo
Kultura
Isang komplikadong konsepto ang kultura na kayang makapag-impluwensya sa bawat aspeto
ng ating pamumuhay, lingid man ito sa ating kaalaman o hindi. Sa biswal na pagtingin ng kultura,
higit na nakikita natin ang dulot nito sa paraan ng pagbati sa isa’t isa; mga tradisyong sinusunod
kapag may pagdiriwang; mga pagkain at marami pang iba. Sa kabilang banda, makikita rin sa ating
mga paniniwala, kaugalian at pananaw ang kulturang namamayani sa atin.
Ang kultura ay binubo ng mga elemento tulad ng kasaysayan, relihiyon, wika, tradisyon,
halaga, paniniwala at kaugalian. Kahit sa murang edad ay naipapasa na ito at patuloy pa sa pag
usbong. Tinutukoy nito kung sino at kung paano tayo dapat kumilos, kahit pa hindi pa ganap ang
pakikipag-usap ay naunawaan na natin ang isa’t isa.
*Diverse culture/Multiculture
Shalom Schwartz
“Ang kultura ay isang paniniwala, kasanayan, simbolo at kaugaliang naganap sa mga tao sa
isang lipunan.”
Halimbawa: festival, pamahiin, po at opo, “eka”
Linguistic Relativity
= Katawagan sa kadalasan na mga nagagawa o nadidinig sa paligid
Saphir and Whorf
= Malaki ang epekto ng kapaligiran sa pagbubuo ng isang wika.
Alfonsus Trompenaars
“ang kultura ay isang buhay na proseso ng paglutas ng mga problema ng tao sa pamamagitan
ng pakikipag-ugnay , oras, at kalikasan ng tao.”
Halimbawa: Bayaniha