Lingguwistika
Lingguwistika
Lingguwistika
1. Ponemang Segmental
Tinatawag din itong ponema. Ito ay mga makabuluhang tunog na inirerepsesenta ng titik at
bantas kapag isinusulat. Bawat wika ay may kani-kanyang tiyak na dami o bilang ng makabuluhang tunog
na tinatawag na ponema. Makabuluhang tunog kapag nagagawa nitong mapag-iba ang kahulugan ng
salita sakaling palitan, baguhin at alisin ito sa isang tiyak na posisyon sa isang salita. Tinatawag na
ponemang segmental ang mga titik na bumubuo sa ating alpabeto na may kinakatawang kani-kaniyang
tunog. Ang ponema sa wikang Filipino ay dalawampu’t isa. Labing-anim ang katinig at lima naman
ang patinig. Ang bawat tunog ay inirerepresenta ng kaukulang titik sa palabaybayan maliban sa impit na
tunog o glottal sound na walang katumbas na letra. Ito ay isinama sa palatuldikan na tinumbasan ng
tuldik na pahilis at ng gitling (-).
2. Ponemang Suprasegmental
Ito ay mga makabuluhang yunit ng tunog na hindi inirerepresenta ng mga titik kapag isinusulat
subalit tiyak na nakapagpapabago ng kahulugan ng isang salita o pahayag.
1. Tono (Tone)
- Ang pag-iiba-iba ng tono ng salita ay nagbibigay ng iba-ibang kahulugan. Ito ang pagtaas at
pagbaba ng tinig sa pagsasalita.
Hal.
2 3
Ka pon
1 = nagbibigay-kahulugan ng nagdududa o nagtatanong
ha
3
ha
2 1 = nagsasalaysay ang kahulugang ibinigay sa
Ka pon nakabasa o nakarinig
2. Haba (Length)
-Tumutukoy sa haba o ikli ng bigkas na iniukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig sa salita.
3. Diin (Stress)
- Tumutukoy sa lakas o hina ng pagbigkas sa pantig ng isang salita.
Sa panulaan, ang Filipino ay higit na syllable –timed. Yaong binibilang natin ang pantig ng salita
sa bawat taludtod ng tula. Sa Ingles ay stress-timed. Yaong stress ng salita ang binibilang at hindi ang
pantig ng salita.
halaman halaman
\haba \diin
4. Antala (Juncture)
1
– Ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa
kausap. Ang antala ay inihuhudyat ng kuwit, tutuldok o ng tuldok-kuwit.
Hal.
Hindi puti. It’s not white.
Hindi, puti. No, it’s white.
2
4. klasmeyt _____ 9. klima _____
5. langay-langayan _____ 10. balingoyngoy _____
Morpolohiya
Ito’y ang siyentipikong pag-aaral at pagsusuri ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama-
sama ng mga ito upang makabuo ng salita. Pag-aaral ito sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng
iba’t ibang morpema. Tinatawag din itong palabuuan. Ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na
nagtataglay ng kahulugan ay tinatawag naming morpema. Ito ang yunit na hindi na maaari pang mahati
nang hindi masisira ang kahulugan. Ito’y maaaring ponema, salitang-ugat o isang panlapi.
Tatlong anyo ng Morpema
1. Ponema- mga makabuluhang tunog na nagpapabago sa kahulugan ng isang salita.
Hal. maestro-maestra
tiyo-tiya
lolo-lola
2. Salitang-ugat-tinatawag ding batayang salita. Ito ay may tiyak na kahulugan sa ganang sarili kahit
nag-iisa. Ito ay payak na salitang hindi na maaaring paikliin pa. Tinatawag ding malayang
morpema.
Hal.
ganda
guro
atis
3. Panlapi-ito ay mga katagang ikinakabit sa salitang-ugat. Hindi ito magagamit nang mag-isa.
Kailangan ng panlapi ang salitang-ugat upang magkaroon ito ng kahulugan. Tinatawag din itong
di-malayang morpema. May limang uri ng panlapi: unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan at laguhan.
Limang Uri ng Panlapi
1. Unlapi- panlaping matatagpuan sa UNAHAN ng salitang-ugat.
Hal. Maganda
Mabait
2. Gitlapi- panlaping matatagpuan sa GITNA ng salitang-ugat.
Hal. Sinigang
Kinatay
3. Hulapi- panlaping matatagpuan sa HULIHAN ng salitang-ugat.
Hal. Takbuhin
Tawahan
4. Kabilaan- panlaping matatagpuan saunahan at hulihan ng salitang-ugat.
Hal. Nagtawahan
Nagtakbuhan
5. Laguhan- panlaping matatagpuan sa unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat.
Hal. Nagdinuguan
Nagsinampalukan
Pagbabagong Morpoponemiko
Ang anumang pagbabagong nagaganap sa anyo ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng
kaligiran o katabing ponema ay tinatawag na pagbabagong morpoponemiko.
Mga Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
1. Asimilasyon – ang pagbabagong karaniwang nangyayari sa tunog na /ng/ sa mga panlaping
pang, mang, ning, sing dahilan sa impluwensiya ng kasunod na tunog.
Dalawang uri ng asimilasyon
a. Asimilasyong parsiyal – ito ang pagbabagong nagaganap sa /ng/ sa posisyong pinal ng
isang morpema dahilan sa impluwensiya ng kasunod na tunog. Ang NG ay maaaring
maging M (kung ang kasunod ay nagsisimula sa P o B) o N (kung ang kasunod ay
nagsisimula sa D, L, R, S. T)
Halimbawa
pangbutas pambutas
mangdukot mandukot
pangputol pamputol
singputi simputi
3
mangbola mambola
b. Asimilasyong ganap – dito’y nawawala ang unang tunog ng salitang nilalapian dahil
inaasimila o nasama na sa naunang ponema. Bukod sa ang NG ay nagiging N o M,
kinakaltasan pa ang unang titik ng salitang-ugat.
Halimbawa
pangpalo pampalo pamalo
pangpunas pampunas pamunas
pangtuli pantuli panuli
mangtabas mantabas manabas
2. Pagkakaltas –Ang pagkawala ng isa o ilang titik sa isang salita subalit nananatili ang kahulugan
nito ay tinatawag na pagkakaltas.
hal. dakipin – dakpin
takipan – takpan
tirahan – tirhan
sarahan – sarhan
huwag- ‘wag
hindi- ‘di
hintay ka – teka
tayo na – tena
lamang-lang
mayroon-may
3. Paglilipat-diin – ang dating bigkas ng salita kapag nilapian ay nagbabago dahil sa nagkakaroon
ng hulapi sa salitang-ugat.
hal. iwas – iwasan
sira – sirain
lapat – lapatan
hawak – hawakan
punas-punasan
4. Pagpapalit– magkaibang titik na matatagpuan sa magkaparehong posisyon ngunit hindi
nagpapabago sa kahulugan ng mga salita.
hal. madami – marami
madapat – marapat
tamadin – tamarin
lipadin – liparin
bahay-balay
ulan-uran
baliktad-baligtad
natutunan-natutuhan
5. Reduplikasyon o Pag-uulit – ang pag-uulit ng salitang-ugat sa pagbuo ng mga salita.
hal. sasakyan
mamamayan
mamimitas
maaari
mayayaman
6. Metatesis- pagpapalitan ng posisyon ng mga titik sa salita subalit hindi nagpapabago sa
kahulugan nito.
hal. nilakad-linakad
nilalaman-linalaman
iwinasto-iniwasto
nireyd-rineyd
niyari- yinari
Pagsasanay
Tukuyin kung anong uri ng pagbabagong mopoponemiko ang nangyari sa bawat salita. Isulat sa
patlang ang TITIK:
4
A. Asimilasyong Ganap C. Paglilipat-diin E. Pagkakaltas
B. Asimilasyong Parsiyal D. Pagpapalit F. Reduplikasyon
G. Metatesis
1. mga _____ 6.maaari _____
2. pampanitikan _____ 7.niligawan _____
3. panulsi _____ 8. niyanig _____
4. kabahayan _____ 9. sapagkat _____
5. maramot _____ 10. nanumpa _____
Sintaktika
Ang siyentipikong pag-aaral at pagsusuri kung paano pinagsasama-sama ang mga salita upang
makabuo ng pangungusap ay tinatawag na sintaktika. Tinatawag din itong palaugnayan.
Pangungusap
Lipon ng mga salita na may paksa at panaguri at nagpapahayag ng buong diwa. Ito rin ay isang
sambitla na may panapos himig sa dulo.
Dalawang Bahagi ng Ganap na Pangungusap
1. Paksa
Ang pinag-uusapan sa loob ng pangungusap ay paksa. Ito ay nauuna sa panaguri kung
kabalikan ang pangungusap. Nasa hulihan naman ito kapag karaniwan ang pangungusap.
Hal. Ako ang simula.
Panaguri Paksa
5
Hal. Si Lito ay tapat at si Boboy ay maaalalahanin.
Si Lito ay tapat habang si Boboy ay maaalalahanin.
Si Lito ay tapat samantalang si Boboy ay maaalalahanin.
Si Lito ay tapat ngunit si Boboy ay maaalalahanin.
3. Hugnayan-binubuo ng isang kompletong kaisipan (sugnay na makapag-iisa)at isa o higit pang di-
kompletong kaisipan (sugnay na di-makapag-iisa). Ginagamitan din ng mga pangatnig na di-
magkatimbang ang yunit gaya ng kung, kapag, ‘pag, sapagkat, dahil at iba pa.
Hal. Tapat si Litokung siya ay kasama ni Boboy.
Kompleto di-kompleto
Tapat si Litokapag siya ay kasama ni Boboy.
Kompleto di-kompleto
Tapat si Litosapagkat siya ay kasama ni Boboy.
Kompleto di-kompleto
4. Langkapan- ito ay pangungusap na binubuo ng dalawang kompletong kaisipan (dalawang sugnay na
makapag-iisa) at isa o higit pang di-kompletong kaisipan (sugnay na di-makapag-iisa). Pinagsama itong
tambalan at hugnayan.
Tambalan
Si Lito ay tapat at si Boboy ay maaalalahanin.
Hugnayan
Tapat si Litokung siya ay kasama ni Boboy.
Hal.
Si Lito ay tapat at si Boboy ay maaalalahaninkung sila ay magkasama!
Sugnay
Lipon ng mga salita na may paksa at panaguri na maaaring buo o di-buo ang diwang
ipinapahayag ang tawag sa sugnay.
6
Mga Bahagi ng Pananalita (parts of speech)
A. Mga Salitang Pangnilalaman (Content words)
1) Mga Nominal
a) Pangngalan (noun)
b) Panghalip (pronoun)
2) Pandiwa (verb)
3) Mga Panuring (panlarawan)
a) Pang-uri (adjective)
b) Pang-abay(adverb)
B. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)
1) Mga Pag-ugnay
a) Pangatnig (conjunction)
b) Pang-angkop (ligature)
c) Pang-ukol (preposition)
2) Mga Pananda
a) Pantukoy (article)
b) Pangawing
Pangngalan (Noun)
Ito ay mga salitang tumutukoy sa ngalan ng:
Pantangi Pambalana
7
1. Tahas (concrete noun) – tumutukoy sa bagay na materyal, nahahawakan, naamoy,
nalalasahan, naririnig, nakikita o nadarama.
Uri ng Tahas
a. Palansak (mass noun)– tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay.
hal.
buwig hukbo tumpok
kumpol lahi kaguruan
b. Di-palansak – tumutukoy sa mga bagay na isinasaalang-alang nang isa-isa.
Hal.
saging sundalo kamatis
bulaklak tao guro
2. Basal (abstract noun)– tumutukoy sa pangngalang hindi puwedeng hawakan o amuyin
pero nararamdaman.
Hal. Pag-ibig
Katalinuhan
Katapangan
Kabayanihan
Kayarian ng Pangngalan
1. Payak – isang salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit at walang katambal na salita.
Tinatawag ding batayang salita.
Hal. bahay aso bunga sanaysay
2. Maylapi – ang salitang pangangalan ay binubuo ng panlapi at salitang-ugat.
Hal. paaralan pagbasa kabuhayan kaklase
3. Inuulit – mga salitang dinodoble na maaaring buo o ganap at parsiyal.
Hal. Ganap
araw-araw gabi-gabi piso-piso
bahay-bahayan kanta-kantahan kuwento-kuwentuhan
Parsiyal
bali-balita tau-tauhan segu-segundo
minu-minuto paa-paaralan ani-anino
4. Tambalan – dalawang salitang magkaiba na pinagsama at maaaring nananatili ang kahulugan
(parsiyal)o nagkaroon ng pangatlong kahulugan (ganap).
Hal. Ganap
balikbayan bahaghari hampaslupa
Parsiyal
Alay-kapwa bahay-kalapati kulay-dugo
Kasarian ng Pangngalan
8
Kailanan ng Pangngalan
1. Isahan (singular noun)- tumutukoy sa bilang na isa.
Hal.kapatid, asawa, anak
2. Dalawahan- tumutukoy sa dalawang bilang ng pangngalan.
Hal. Mag-asawa, magkapatid, magpinsan
3. Maramihan (plural noun)- tumutukoy sa maramihang anyo ng pangngalan.
Hal.magkakapatid, magkakapitbahay, magpipinsan
Gamit ng Pangngalan
1. Paksa/Simuno
- Kung ang pangngalan ang pinag-uusapan sa loob ng pangungusap.
Hal.Si Darna ay si Narda.
2. Kaganapang Pamaksa/Pansimuno
- Kapag ang pangngalan ay panaguri sa karaniwang ayos ng pangungusap.
Hal.Si Darna ang tumalo kay Valentina.
3. Pamuno
- Kung ang pangngalan ay lalong nagbibigay-linaw o diin sa paksa ng pangungusap.
Hal. Si Narda, na walang iba si Darna ay ang tumalo kay Valentina.
4. Panawag
- kung ang pangngalan ay siyang panguha ng pansin sa pahayag.
Hal.Darna. Lipad! Lipad.
5. Layon ng pang-ukol
- Kung ang pangngalan ay pinangungunahan ng pang-ukol.
Hal.Tungkol kay Darna ang laman ng balita.
6. Layon ng Pandiwa
-kung ang pangngalan ay siyang layon ng pandiwa.
Hal.Inilipad ni Darna ang Babaeng Impakta.
Panghalip (Pronoun)
-Mga salitang panghalili o pamalit sa pangngalan. Ginagamit sa halip na pangngalan upang ‘di na
paulit-ulit na binabanggit sa akda.
Posisyon ng Panghalip
1. Anapora- kapag ang panghalip ay nasa hulihan ng pangungusap.
Hal. Lagi akong nanonood ng Hunter X Hunter. Ito ang paborito.
2. Katapora- kapag ang panghalip ay nasa unahan ng pangungusap.
Hal. Ito ang paborito. Kaya lagi akong nanonood ng Hunter X Hunter.
Panauhan ng Panghalip
1. Unang Panauhan (first person)– ang taong nagsasalita
Hal. ako, ko, kami, tayo, kami
2. Pangalawang Panauhan (second person)–ang taong kausap
Hal. ikaw, ka, kayo
3. Ikatlong Panauhan (third person)– ang taong pinag-uusapan
Hal. siya, sila, kanila
Uri ng Panghalip
9
Saanman ako makarating, ikaw pa rin ang aking mamahalin.
Ang iba sa inyo ay palaging liban!
Kailanan ng Panghalip
1. Isahan (singular)- tumutukoy sa bilang na isa.
Hal.ako, siya
2. Dalawahan- tumutukoy sa dalawang bilang ng panghalip.
Hal. kami, tayo
3. Maramihan (plural)- tumutukoy sa maramihang anyo ng panghalip.
Hal. sila, kanila, natin
Kaukulan ng Panghalip
1. Palagyo- kung ginagamit ang panghalip bilang paksa ng pangungusap.
Hal. Sila ay nagtulong-tulong upang mabuo ang proyekto.
Ang isa sa inyo ay nadala na sa mga pangyayari.
Ito ay pamalo sa batang makulit.
2. Paari (possisive pronoun)- kung ang panghalip ay nagpapahayag ng pag-aangkin.
Hal. Sa iyo ba ito?
Kinuha namin ang mga naiwang basura.
Sa kaniya ang huling baraha!
3. Palayon- kung ang panghalip ay ginagamit bilang layon ng pandiwa at ng pang-ukol.
Hal. Nilundag niya ang sapa.
Tungkol sa kaniya ang usap-usapan!
Pandiwa (Verb)
– mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw. Ito ay nababanghay sa tatlong aspekto.
Aspekto ng Pandiwa:
a. Perpektibo – nakaraan o nakalipas na ang pangyayari. Tinatawag din itong pangnagdaan. (
Past Tense)
Hal. lumakad, namasyal, binalibag
b. Imperpektibo – kasalukuyang ginagawa ang pangyayari. Tinatawag din itong
pangkasalukuyan. (Present Tense)
Hal. lumalakad, namamasyal, binabalibag
c. Kontemplatibo – gagawin pa lamang ang aksiyon ng pandiwa. Tinatawag din itong
panghinaharap. (Future Tense)
Hal. lalakad, mamamasyal, babalibagin
Pawatas
- mga pandiwang walang aspekto o banghay. Ito ang batayan ng pandiwa. Ito ay nag-uutos.
Tinatawag itong base form of the verbsa wikang Ingles.
Hal. Maglaba, maglakad, mamasyal, balibagin
Pangngalang-diwa
- ito ay mga pandiwang gumaganap sa tungkulin ng pangngalan. Nakikilala ito sa anyo ng PA,
PANG o PAG at pagsasama nito sa salitang-ugat. Tinatawag itong gerund sa Ingles.
Hal. Paaapi, pang-aalipusa, pananakop, pag-aalburuto
Pandiwari
-mga pandiwang gumaganap sa tungkulin ng pangngalan, kung minsan ng pang-uri at kung
minsan naman ay pang-abay. Tinatawag itong participlesa Ingles.
Mga Anyo ng Pandiwari
1. Mga salitang-ugat na malapandiwa
10
Hal.alam, lundag, tayo, isip
2. Mga salitang pinangunguhan ng naka
Hal.nakangiti, nakaalam, nakalundag, nakatayo, nakaisip
3. Mga pandiwang pinangungunahan ng ang sa pangungusap sa kahit anong aspekto.
Hal.Ang tumayo ay pinalakpakan ng balana.
Pokus ng Pandiwa
Ito ang tawag sa relasyon ng paksa at ng pandiwa sa loob ng pangungusap.
1. Pokus sa aktor o tagaganap- kapag ang paksa ng pangungusap ang gumagawa sa kilos na
isinasaad ng pandiwa. Sumasagot sa tanong na sino ang gumawa ng kilos ng pandiwa.
Hal. Kumuha ang bata ng laruan.
2. Pokus sa layon o gol – kung ang paksa ang layon ng pandiwa.
Hal. Iniluto ng nanay ang tinola.
3. Pokus na benepaktibo o pinaglalaanan – kung ang paksa ang makikinabang sa kilos na
isinasaad ng pandiwa.
Hal. Ipinagluto ni nanay ng tinola ang mga bisita.
4. Pokus sa lokatib o ganapan – kapag ang paksa ay lugar na ginanapan sa kilos na isinasaad ng
pandiwa. Sumasagot sa tanong na saan nangyari ang kilos ng pandiwa.
Hal. Pinaglutuan ng nanay ng sinigang ang kaldero.
5. Pokus sa instrumento o kagamitan –kapag ang paksa ay gamit na kinasangkapan upang
maganap ang kilos ng pandiwa.
Hal. Ipinanlinis niya ng kasangkapan ang malinis na basahan.
6. Pokus sa sanhi/ kawsatib- kung ang paksa ay dahilan upang maganap ang kilos ng pandiwa.
Hal. Ikinalungkot niya ang pagkawala ng kuwintas.
7. Pokus direksiyonal – kung ang paksa ay ang tinungo ng kilos ng pandiwa.
Hal. Pinasyalan ko ang Albay.
8. Pokus reperensiyal – kung ang paksa ay ang pinag-uusapan o tinutukoy sa kilos ng pandiwa.
Hal. Pinag-usapan nila ang (tungkol sa) kasalan.
9. Pokus resiprokal- kung ang paksa ay parehong gumawa sa kilos na isinasaad ng pandiwa.
Hal. Kami ay tumalon sa ilog.
Kaganapan ng Pandiwa
Tumutukoy ito sa bahagi ng panaguri kasama ang pandiwa.
1. Kaganapang Aktor/ tagaganap- ang gumawa sa kilos ng pandiwa ay nasa panaguri ng pangungusap.
Hal. Sinulat ni Rosa ang tula.
2. Kaganapang Layon o gol – ang layon ng pandiwa ay nasa bahaging panaguri ng pangungusap.
Hal.Nagluto ng tinola ang nanay.
3. Kaganapang benepaktibo / tagatanggap –kung ang makikinabang sa kilos na isinasaad ng pandiwa ay
nasa panaguri ng pangungusap.
Hal. Nagluto ng pansit ang nanay para sa mga bisita.
4. Kaganapang ganapan/ lokatib – kung ang lugar na ginanapan sa kilos ng pandiwa ay nasa panaguri.
Hal. Nagluto ng sinigang sa kaldero ang nanay.
5. Kaganapang kagamitan/ instrumento- kapag ang gamit na kinasangkapan sa kilos ng pandiwa ay nasa
panaguring bahagi ng pangungusap.
Hal. Nililinisan niya ang kasangkapan sa pamamagitan ng malinis na basahan.
6. Kaganapang sanhi / kawsatib – kung ang dahilan sa kilos ng pandiwa ay nasa panaguri.
Hal. Nalungkot siya dahil sa pagkawala ng kaniyang kuwintas.
7. Kaganapang direksiyonal- kung ang tinutungo ng kilos ng pandiwa ay nasa bahaging panaguri ng
pangungusap.
Hal. Pumasyal ako sa Bikol.
8. Kaganapang reperensiyal-kung ang pinag-uusapan ng kilos ng pandiwa ay nasa bahaging panaguri.
Hal. Nag-usap sila tungkol sa kasalan.
9. Kaganapang Resiprokal- kapag ang dalawang gumawa sa kilos ng pandiwa ay nasa bahaging
panaguri.
11
Hal. Tumalon kami sa ilog.
Pang-uri (Adjective)
- ito ay mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip.
Hal.
Pang-uri Pangngalan
Mabuting tao
Maliit na bagay
Maogmang lugar
Kahindik-hindikna Pangyayari
Matalinong Kaisipan
Mabangisna hayop
Pang-uri Panghalip
Mabait ako
Malawak doon
Mabuti ito
Pang-uri Pangngalan
Maraming tao
Murang bagay
Kaunting lugar
Milyong Pangyayari
Isang Kaisipan
Sangkaterbang hayop
Pang-uri Panghalip
Dalawa tayo
Isang-kapat dito
Sampung peso ito
Kaantasan ng Pang-uri
1. Lantay- isa lamang ang inilalarawan. (Declarative)
Hal. Masipag siya.
2. Pahambing- dalawa ang inilalarawan na maaaring magkatulad o di-magkatulad. (Comparative)
Uri ng Pahambing
a. Magkatulad- paghahambing na patas sa katangian
Ka, magka, sing/sin, gaya, tulad
Parehong masipag ang mag-asawa.
b. Di- magkatulad-paghahambing na nagbibigay ng diwa ng pagkakait, pagtatanggi o
pagsalungat
Mas masipag ang lalaki sa babae.
Uri ng Di-Magkatulad
a. Palamang- may positibong katangian ang inihahambing (lalo, higit, di-hamak, mas)
b. Pasahol- may higit na negatibong katangian ang pinaghahambingan (di-gaano, di-gasino, di-
masyado)
12
3. Pasukdol- paghahambing sa karamihan na ginagamitan ng ubod ng, lubhang, saksakan, hari ng, pag-
uulit ng pang-uri at iba pa. (Superlative)
Hal. Ubod ng sipag
Lubhang masipag
Hari ng sipag
Pagkasipag-sipag
4. Katamtaman- ito ay mga pang-uri na hindi maituturing na lantay, pahambing at pasukdol bagkus
nagpapahayag ng gitnang uri o average na katangian ng isang bagay. (Modetare)
Hal. Mamula-mula
Masipag-sipag
Medyo masipag
Pang-abay (Adverb)
Mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapuwa pang-abay.
Hal. Matuling lumakad ang lalaking ito.
Totoong maganda siyang umawit.
Talaganghindi ko alam.
Pandiwa Pang-ab ay
Lumakad Matulinglumakad
Pang-uri Pang-abay
Maganda Lubhang maganda
13
Mga Pang-ugnay (Connectives)
1. Pangatnig (Conjunction)
- nagdurugtong ng dalawang kaisipan.
Hal. Siya’y maganda subalit napakasuplada naman
Matulungin siya ngunit ugali niyang ipangalandakan ito.
Kung siya si Joan samakatwid siya yaong batang nilalaro ko noon.
2. Pang-angkop (Ligature)
- nagsisilbing pampadulas ng pangungusap na maaaring na at ng.
Hal. Pagkaing masarap lalaking magalang
Tapayang puno binatang matipuno
Masipag na katulong
Mabait na ina
3. Pang-ukol (Preposition)
- mga salitang nagsasabi ng kinalalagyan o patutunguhan at sinusundan agad ng pangngalan o
panghalip
4. Pantukoy ( Article)
- mga katagang tumutukoy sa pangngalan
5. Pananda/Pangawing
Nagbibigay-hudyat kung nasaan ang paksa at panaguri ng pangungusap.
Ang ay ang nagsisilbing kawing o kadena ng paksa at panaguri.
14
15