Filipino 2-Week 5

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

Quarter 2

FILIPINO 2- WE E K
5
Mga Elemento at Bahagi ng
Maikling Kuwento
Ano ang makikita sa larawan?
mga bata
Nasaan ang mga bata?
Sa dagat
Ano ang ginagawa nila?
Naliligo, naglalaro
Kung ikaw ay isa sa mga bata na nasa
larawan, Ano ang mararamdaman
ninyo?
masaya
Bakasyon Na
ni Arceli V. Balmeo

Maganda ang sikat ng araw. Masayang-masaya ang magkapatid na


Myla at Karlo. Espesyal ang araw na iyon para sa kanilang mag-
anak dahil wala ng pasok ang mga bata. Magbabakasyon sila sa
probinsiya ng kanilang magulang sa Baler, Aurora. Malapit iyon sa
dagat at sariwa pa ang hangin. Nagbaon sila ng pagkain, sakaling
gabihin sila sa daan. Nagluto ng adobong baboy at kanin ang
kanilang nanay.
Tanghali na nang makarating sila sa probinsiya ng Baler, Aurora.
Dahil malapit sila sa dagat ay kaagad nagpaalam ang kanilang
mga anak na maliligo sila pagkatapos kumain. “Basta mag-iingat
lang palagi at huwag gagawi sa malalim na bahagi,” paalala ni
Mang Nestor. “Opo,” sagot ng dalawang bata. Inihanda na ng
kanilang nanay ang pagkain at sabay-sabay silang nananghalian.
Masayang nagmamasid ang kanilang tatay at nanay
habang sila ay lumalangoy sa dagat. Nang mapagod ay
bumalik na sila ng bahay at muling kumain. Masayang-
masaya ang magkapatid
Isinakay na nila lahat ang kanilang gamit sa kanilang
sasakyan. Subalit napansin ni Mang Nestor na flat ang
isang gulong nito. Kaya dali-dali niyang kinuha ang reserba
sa likod at pinalitan. Mayamaya pa ay natapos na ito.
Masayang naglakbay ang mag-anak
Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


A. Karlo at Mang Nestor, mga magulang
B. Mang Nestor at ang ama
C. Myla at Karlo, mga magulang
D. Myla at Mang Nestor, mga magulang
2. Ano ang nararamdaman ng magkapatid?
A. mahina C. masarap
B. malungkot D. masaya
3. Paano nasolusyunan ang kanilang suliranin?
A.Kumain ng tanghalian ang magkapatid.
B. Naligo sa tabing dagat ang magkapatid.
C.Pinalitan ni Mang Nestor ang flat na gulong.
D.Umuwi sila sa bahay si Mang Nestor.

4. Ilarawan ang lugar na kanilang pinuntahan?


A. Malapit sa dagat at sariwa ang hangin.
B. Malapit sa ilog at sariwa ang hangin.
C. Malalim ang dagat at sariwang isda.
D. Mayaman sa mga pananim.
5. Anong damdamin ang namamayani sa buong
kuwento?
A. kalungkutan C. kasawian
B. kapayapaan D. kasiyaha
Ang maikling kuwento ay isang anyo ng
panitikan na may layuning magsalaysay ng mga
pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Ito
ay may mga element at bahaging na nakatutulong
upang makapag-iwan ito ng isang mensahe o
kakintalan sa isip ng mambabasa.
Tulad nang nabanggit na, ang maikling kuwento ay
isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay
ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.
Ito ay may mga elemento at bahagi na nakatutulong
upang makapag-iwan ito ng isang mensahe o
kakintalan sa isip ng mambabasa
Narito ang mga elemento ng maikling kuwento.

1. Tauhan- Ito ay tumutukoy sa nagsisiganap sa maikling kuwento.

2. Tagpuan- Ito ay tumutukoy kung anong panahon/oras, at saan naganap ang


maikling kuwento.

3. Banghay-Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa maikling


kuwento.

4. Kaisipan- Ito ang mensahe o ang kakintalang maiiwan sa isip ng mambabasa.

5. Wakas- Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang maikling kuwento
Magandang Balita
ni Arceli V. Balmeo
Sa Bayan ng San Fernando,
Pampanga sa Rehiyon III
nagsimula ang paggawa ng
malahiganteng parol. Linggo ng
umaga. Malamig ang panahon sa
pagawaan ng parol ni Mang
Pedring habang kinakausap niya
ang ilang tauhan dito.
“Huwag na po sanang mauulit ang nangyari noong isang taon. Nalugi
ang pagawaan at naapektuhan ang lahat ng mangagawa dahil sa
bagyo,” dugtong naman ni Crispin. “Nakalulungkot man pong isipin
ay marami talaga ang napinsalang ari-arian,” dagdag pa ni Pinang.
“Huwag kayong mag-alala. Babawi tayo ngayon upang ang lahat ay
maging masaya sa Pasko. Siya nga pala, may maganda akong balita.
Nakausap ko ang pamahalaang lokal na kung sakaling mangyari uli
ang ganoong sakuna ay magbibigay na sila ng suporta sa pagawaan at
sa bawat pamilyang apektado,” masayang pagbabalita ni Mang
Pedring.
“Magandang umaga sa inyo. Malapit na bang matapos ang order na
mga parol ni Gng. Dela Cruz?” tanong ni Mang Pedring. “Mayayari
po bago matapos ang buwang ito,” wika ni Tomas. Mainam naman po
at maraming umoorder sa atin ngayon lalo na at papalapit ang Pasko.
Malaking tulong na rin po ito sa pamilya namin”, lahad naman ni
Pinang.” Iyon ay dahil sa sipag at tiyaga n’yo. Wala rin kayong
sinasayang na oras.” papuring wika ni Mang Pedring. Umasa po kayo
na lalo pa naming pagbubutihin ang aming ginagawa,” sagot naman ni
Tomas.
“Naku! maraming salamat po sa magandang balita,” sabay-sabay na
sagot ng mga manggagawa. “Kami po ay babalik nasa trabaho.
Maraming salamat po uli sa magandang balita,” sabi muli ni Crispin.
“Maraming salamat po Panginoon at dininig mo ang aming
kahilingan,” naisaloob ni Mang Pedring habang papalabas ng
pagawaan.

II. Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat


ang sagot sa sagutang papel.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


Mang Pedring
2. Paano nagsimula ang kanilang suliranin?
Nang magkaroon ng bagyo

3. Ano ang katangian ng mga manggagawa ni Mang Pedring?


masipag at matiyaga malungkot
4. Ano ang naramdaman nila ng manalanta ang bagyo?
malungkot
5. Ilarawan ang naging damdamin ng mga tauhan sa wakas ng
kuwento?
masaya
Si Ninay
ni Arceli V. Balmeo
Sa malawak na bakuran ginanap ang
ikapitong kaarawan ni Rodel. Inimbitahan
niya ang kaibigang si Ninay. Napakaraming
inihandang pagkain ng magulang ni Rodel.
Hindi mapigilan ni Ninay ang pagkuha ng
iba’t ibang pagkain. Kaya naman,
nakalimutan niyang maghugas ng mga
kamay.
Sobrang sarap at paborito ni Ninay ang mga kinuha niyang
pagkain. Punong-puno ang kaniyang plato. Kasama niyang
kumakain ang kaniyang mga kaibigan. Naubos na niya ang
pagkain sa plato. Kumuha pa siya ng isang barbecue,
dalawang hotdog, isang platong spaghetti, isang hiwa ng
cake, at isang basong juice.
Napatingin na lamang si Aling Grace, ang nanay ni Rodel
kay Ninay. Mayamaya ay nasamid si Ninay.
Natakot ni Aling Grace. Agad -agad itong kumuha ng isang basong tubig at
ibinigay kay Ninay. Nakatapos ng kumain ang lahat. Humingi pa ng gelatin
at ice cream si Ninay. Uwian na. Nabusog ang lahat. Nakakailang hakbang
pa lamang palabas ng bahay nina Rodel, ay biglang sumakit ang tiyan ni
Ninay. Subalit hindi siya nagpahalata. Dahan-dahan siya sa kaniyang
paglalakad hanggang sa makauwi ng kanilang bahay. Hindi niya
maintindihan ang sakit na kaniyang nararamdaman. Hinihilot na n’ya ang
kaniyang tiyan subalit ayaw pa ring tumigil ang pagsakit.
1. Ilarawan si Ninay.
A.Maingay C. masayahin
B. malakas kumain D. matapat

2. Ano ang naging suliranin ng pangunahing tauhan sa


kuwento?
A. sumakit ang katawan C. sumakit ang tiyan
B. sumakit ang paa D. sumakit ang ulo
3. Saan naganap ang kuwento?

A. sa malawak na bakuran
B. sa malawak na bukirin
D. sa malawak na gym
C. sa malawak na daan

4. Ano ang naramdaman ni aling Grace ng masamid si Ninay?


A. nagalit B. nalungkot C. natakot D. natuwa
5. Ano ang naging wakas ng kuwento? A.Guminhawa ang
pakiramdamdam ni Ninay.
B. Kumain pa ulit si Ninay pagdating sa kanilang bahay.
C. Nakatulog sa sakit ng tiyan si Ninay.
D. Sumasakit pa rin ang tiyan ni Ninay.
Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga patlang. Piliin sa loob ng kahon
ang sagot at isulat sa sagutang papel.
Banghay Kaisipan Tagpuan Tauhan Wakas
Tauhan
________ 1).Ito ay tumutukoy sa nagsisiganap sa kuwento.
Tagpuan
________ 2) Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kuwento.
________ 3) Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
Banghay
ng kuwento.
________ 4) Ito ang mensaheng naiiwan sa isipan ng mambabasa.
Kaisipan
________ 5) Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang
maikling kuwento.
Wakas
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang kasunod na maikling kuwento. Sagutin
ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ang Mag-anak na Langgam
ni Arceli V. Balmeo
Tag-ulan na naman. Ang mag-anak na langgam ay abala sa paghahakot ng
pagkain at hinahakot nila ito papunta sa kanilang lungga. “Huwag kayong mag-
iiba ng daan patungo sa ating lungga, dahil sa may gawing kaliwa ay may
kanal,” sabi ni Amang Langgam.
“Hindi po kami lalayo,” sabi ni Munting Langgam. Abala sa paghahakot ng
pagkain ang bawat isa, kaya hindi nila napansing ang Bunsong Langgam
ay untiunting humiwalay sa pila.
“Nakapapagod naman ang paghahakot ng pagkain. Hindi pa naman
umuulan ay naghahanda na kami,” sabi sa sarili ng Bunsong
Langgam. “Buti pa’y maghanap ako ng mas masarap na pagkain.”
Mayamaya ay nakakita siya ng isang kendi na malapit na malapit
sa kanal na ipinagbabawal na puntahan ng kaniyang ama. “Siguro
naman ay hindi ako mahuhulog sa kanal kung dahan-dahan kong
kukunin ang kendi.”
Sa kasabikan niyang makuha ang kendi ay hindi niya
napansin ang sinulid kaya sumabit ang kaniyang paa.
Nawalan siya ng panimbang at nahulog sa kanal

Sa takot na matangay ng agos ang anak ay agad-agad niya


itong tinulungan. Pagkatapos ay niyakap ng manigpit si
Bunsong Langgam sabay bulong na, “anak palagi kang
mag-iingat para hindi ka mapahamak”.
Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


A.Ang mag-anak na langgam.
B. Si Amang Langgam.
C.Si Bunsong Langgam.
D.Si Munting Langgam.

2. Anong panahon naganap ang kuwento?


A. Tag-araw C.Tagtuyot
B. Taglamig D.Tag-ulan
3. Ano ang unang pangyayari sa kuwento?
A.Ang mag-anak na langgam ay abala sa paghahakot ng pagkain
at hinahakot nila ito papunta sa kanilang lungga.
B. Hindi nila napansing ang Bunsong Langgam ay unti-unting
humiwalay sa pila.
C.Nakakita siya ng isang kendi na malapit na malapit sa kanal.
D.Nawalan siya ng panimbang at tuloy-tuloy na nahulog sa kanal.
4. Aling bahagi ng kuwento ang nagpapakita ng kasukdulan?
A.Ang Bunsong Langgam ay unti-unting humiwalay sa pila.
B. Bulong ni Amang Langgam na, “palaging magingat para hindi
mapahamak”
C.Iniligtas pa rin ng Amang Langgam si Bunsong langgam.
D.Nawalan siya ng panimbang at tuloy-tuloy na nahulog sa kanal.
5. Anong bahagi ng kuwento ang nagpapakita ng wakas?
A.Ang Bunsong Langgam ay unti-unting humiwalay sa pila.
B. Bulong ni Amang Langgam na “palaging magingat para hindi
mapahamak”
C.Iniligtas pa rin ng Amang Langgam si Bunsong langgam.
D.Nawalan siya ng panimbang at tuloy-tuloy na nahulog sa kanal.
Karagdagang Gawain
Bumasa ng isang alamat. Pagkatapos, sagutin ang
sumusunod na tanong sa sagutang papel.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


2. Ano ang unang nangyari sa kuwento?
3. Ano ang naging problema sa kuwento?
4. Saan naganap ang kuwento?
5. Ilarawan ang damdamin ng tauhan sa kuwento?
Thank You

You might also like