Gr.3 Worksheet Blg.5

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

3

NIMFA S. GOMEZ
May - akda
0
Aralin 5
Paggamit ng Panlapi at Salitang Ugat
Nakagagamit ng pinagsamang panlapi at salitang ugat bilang tanda
sa pagkuha ng tamang kahulugan ng salita
MT3VCD-Ic-e-1.5

TUKLASIN

1 Pagsubok
Basahin ang maikling kuwento at sagutan ang mga sumusunod na
katanungan. Piliin lamang ang letra ng tamang sagot.
Ang Bata at ang Aso

Si Boyet ay may alagang aso. Ang tawag niya dito ay Tagpi. Puting-
puti ang makapal na balahibo ni Tagpi. Alagang-alaga nya ito kaya lagi
nya itong pinaliliguan.

Isang araw ay may naligaw na aso sa lugar nina Boyet.


Marumi,mabaho at maputik ang kulay Tsokolateng balahibo nito.

Nakita ng ligaw aso si Tagpi. Lumapit ito sa bakod nila at tinahulan ang
kanyang alaga. Hindi nagustuhan ni Boyet na makikipaglaro si Tagpi sa
marungis na aso kaya’t binugaw nya ito.

Ayaw umalis ng aso, panay ang tahol nito kay Tagpi. Nainis si Boyet.
Kumuha siya ng mahabang patpat at hinampas niya ang aso. Nabuwal
ito at nag-iiyak.Hahampasin sana muli ni Boyet ang kulay tsokolateng aso
para tuluyan nang umalis pero dumating ang kanyang tatay, agad
siyang inawat nito.Naawa si Boyet sa aso kaya tinulungan nilang
makatayo ang aso. Pinabayaan na niya itong makipaglaro kay Tagpi.

1
Pag-unawa sa kuwento:

1. Sino ang batang tauhan sa kwento?

A. JunJun

B. Boyet

C. Tagpi

2. Alin sa mga sumusunod ang na hayop ang alaga ni Boyet?

A. Pusa

B. Ibon

C. Aso

3. Ano ang naging suliranin sa kwento?

A. Ayaw ni Boyet na makipaglaro si Tagpi sa asong marungis.

B. Nawawala si Tagpi.

C. Nakipag away si Tagpi sa ibang aso.

4. Ano ang ginawa ni Boyet upang mapaalis ang asong kulay


tsokolate?

A. Binugaw nya ito

B. Hinampas nya ito ng patpat

C. Binato nya ito

2
5. Bakit inawat ng tatay si Boyet?

A. Itatapon nya ang aso

B. Hahampasin nyang muli ito ng patpat

C. Patutuluyin nya ang aso sa loob ng bakuran

2 Pagganyak

Ano ang nakikita mo sa larawan?


Alin ang mas higit na nagbibigay ng liwanag?
Bakit sa palagay mo mas higit ang liwanag na taglay ng araw?
Alamin natin sa kuwentong ating babasahin.

3
3 Alamin

Basahin at unawain ang maikling kwento.


Bakit mas Maliwanag ang Araw sa Buwan?
Noong unang panahon, may dalawang magkapatid na babae.
Maganda ang kalooban ni Araw, ang mas matandang kapatid. Pero, si
Buwan ay malupit at hindi tapat.Isang gabi, nanaog sa lupa ang Diyos
mula sa langit. Nagbigay siya ng brilyante kay Araw. Hindi nagbigay ang
Diyos ng regalo kay Buwan dahil hindi kasing-ganda ang kalooban nito.
Galit na galit si Buwan. Dahil dito, pumunta si Buwan sa langit at
nagnakaw siya ng isang brilyante ng Diyos. Noong bumalik siya sa lupa,
natuklasan niya na ang kanyang brilyante ay hindi kasingliwanag ng
brilyante ni Araw. Mas lalong nagalit si Buwan.

Nang nalaman ng Diyos ang tungkol sa pangyayari, inutusan niya


ang dalawang anghel sa lupa para parusahan ang malupit na babae.
Pero, umabuso ang dalawang anghel at ibinato nila ang dalawang
magkapatid sa dagat. Tapos, ibinato rin nilang paitaas ang dalawang
brilyante sa langit.

Nagdikit sa langit ang dalawang brilyante. Ngayon, ang mas


maliwang ay tinatawag na Araw at ang pangalawang brilyante ay
tinatawag na Buwan.

4
Pag- unawa sa Kuwento:
1. Sino ang dalawang magkapatid sa kuwento?
A. Araw at Bituin
B. Araw at Buwan
C. Bituin at Buwan
2. Ano ang magkaibang katangian ng magkapatid?
A. Maganda si Araw at pangit si Buwan
B. Masipag si Araw at tamad si Buwan
C. Maganda ang kalooban ni Araw at malupit si Buwan
3. Bakit hindi niregaluhan ng Diyos si Buwan?
A. Hindi maganda ang kalooban ni Buwan
B. Masayahin si Buwan
C. Hindi paborito ng Diyos si Buwan
4. Anong bagay ang ninakaw ni Buwan sa Diyos?
A. Korona
B. Singsing
C. Brilyante
5. Ayon sa kuwento, bakit higit na mas maliwanag ang Araw sa buwan?
A. Mas matingkad ang kulay nito
B. Dahil sa pagdidikit ng dalawang brilyante
C. Pinagliwanag ito ng Diyos

5
1. Anu-anong mga salita ang may salungguhit sa kuwento?
2. Natutukoy mo ba ang mga pantig na idinagdag sa bawat salita?
3. Ano ang tawag sa mga pantig o titik na idinagdag sa bawat
salitang ugat?
4. Nagbago ba ang kahulugan ng salita sa pagkakadagdag ng
pantig dito?
5. Saang bahagi ba ng salita natin maaaring idagdag ang mga
panlapi?
6.

TANDAAN

Isang paraan ng pagbuo ng salita ay ang pagdagdag ng isa,


dalawa, o tatlong panlapi sa salitang ugat. Ang panlapi ay isa o ilang
pantig na idinaragdag sa unahan, gitna, o hulihan ng isang salitang-
ugat upang makabuo ng bagong salita.

Uri ng Panlapi
1.Unlapi ang unlapi ay matatagpuan sa unahan ng salitang
ugat.
Halimbawa: Mahusay Palabiro Tag- ulan Makatao
2. Gitlapi ang gitlapi ay matatagpuan sa gitna ng salitang ugat.
Ang karaniwang gitlapi sa Filipino ay –in- at – um-.
Halimbawa: lumakad Pumunta Binasa Sumamba Tinalon
sinagot
3. Hulapi Ang hulapi ay matatagpuan sa hulihan ng salitang-
ugat. Ang karniwang hulapi ay –an, -han, -in, at –hin.
Halimbawa: talaan Batuhan Sulatan Aralin Punahin
habulin

6
PAGSASANAY

Panuto: Ikahon ang salitang maylapi sa bawat bilang.


1. makopa mahal makinis
2. singganda singkamas singkit
3. iglap igib igisa
4. sinulid simbahan sinturon
5. binhi binalak binyag

SUBUKIN

Salungguhitan ang mga salitang maylapi sa bawat pangungusap.


1. Tinahi ni Ate Elsa ang damit ng mga manika ko.
2. Ang mga kaklase mo ba ay mga kaibigan mo din?
3. Alam mo ba kung saan ang tanggapan ng punong guro?
4. Pakisabi kay Mang Ramon na diligan ang mga rosas sa halamanan.
5. Nakabili si Aling Rosita ng mga murang tela sa bangketa.

PAGTATAYA

Bilugan ang angkop na salita sa loob ng panaklong.


1. Nalimutan ko ang aking aklat, kaya (bumalik, binalik) ako ng bahay.
2. Ang sanggol ay (natutulog, tulog)sa kanyang duyan.
3. Si Gng. Santos ay (bumili, ibinili) ng kanyang anak ng bagong damit.

7
4. Masayang (naglalaro, maglalaro) ang mga magkakapatid nang
biglang umulan.

5. Ang ulam sa mesa ay (kumain, kinain) ng pusa.

PAGPAPAYAMAN

Panuto:Pumili angkop ng panlapi sa loob ng kahon upang


mabuo ang pangungusap.

an um nag mag in

1. ____alis ang aking tatay papuntang Saudi


2. Ang kapatid ko ay ____ aaral para sa pagsusulit bukas.
3. ____lalaro kami ng aking mga kaibigan sa park bukas.
4. K______agat ako ng asong ligaw kahapon.
5. Sabay-sabay nating awit______ ang Pambansang Awit ng
Pilipinas.

_____________________ _______________________
Lagda ng Magulang Lagda ng Guro

8
SANGGUNIAN

https://bit.ly/32gyW7g

https://bit.ly/2Oux0jP
https://bit.ly/2DAatjf
https://bit.ly/2DAatjf
https://bit.ly/2DW4vcH
https://binged.it/32u5vyV

You might also like