EPIKO

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

SIMULAN

NATIN!

Filipino 10: Pinagyamang Pluma


Mga Paalala:
1. Panatilihing laging bukas ang mga camera habang nagaganap
ang klase.
2. Dapat naka-off ang mga microphone. Bubuksan lamang ito
kapag tinatanong ng guro.
3. Iwasan ang pagpunta sa palikuran. Dapat nagawa nang umihi
bago pa magsimula ang klase.
4. Iwasang kumain habang nagaganap ang talakayan.
5. Iwasan ang MULTI TASKING.
MGA
LAYUNIN
 Naisusulat nang wasto ang pananaw tungkol
sa pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng mga
epikong pandaigdig; ang paliwanag tungkol sa
isyung pandaigdig na iniuugnay sa buhay ng
mga Pilipino; sariling damdamin at saloobin
tungkol sa sariling kultura kung ihahahambing
sa kultura ng ibang bansa; suring-basa ng
nobelang nabasa o napanood
Balik-aral
• Sino-sino ang mga tauhan sa epikong “Ang
Pagbibinyag sa Savica”?
• Ano ang nangyari sa pangunahing tuahan batay sa
kanyang pakikipagsapalaran?
Ano ang
EPIKO?
Ang EPIKO ay isang mahabang tulang
pasalaysay ng mahahalagang pangyayari at
pakikipagsapalaran sa buhay ng isang tauhang
lubos na malakas at may taglay na hindi
pangkaraniwang kapangyarihan at kinikilalang
bayani ng lugar o bansang kanyang pinagmulan.
Ang mga salitang ginamit sa isang epiko ay
karaniwang pormal, makaluma, at nagtataglay ng
maraming tayutay at matatalinghangang
pananalita. Masasalamin sa kabuoan ng akda ang
mga tradisyon, kultura, at iba’t ibang pan iniwala
ng lahi, bansa, o maging relihiyong kung saan ito
nagmula. Ang tagpuan ay karaniwang sa
malayong nakalipas.
ILIAD ni Homer
Ang epikong ito itinuturing na kauna-unahan at pinakatanyag na
panitikang Griyego na isinulat ni Homer. Nagkaroon ito ng malaking
impluwensiya hindi lamang sa mga Griyego kundi maging sa panitikan ng
boung mundo.
Isinalaysay sa epikong ito ang pagsakop ng mga Griyego sa lungsod ng
Troy at tampok ang pangunahing tauhang si ACHILLEUS – ang
pinakamahusay na mandirigma ng mga Achaian. Nagtanim siya ng galit
kay Agamemnon nang agawin nito ang babaeng pinakamamahal niya na
si Briseis kapalit ng pagpapalaya sa batang babaeng anak ni Chryses na
bihag nina Agamemnon. Bagama’t nagbigay ay patuloy ang padaramdam
ni Achilleus sa pag-agaw sa kanyang kasintahan kaya minabuti niyang
huwag nang lumaban.
Pinakausapan din niya ang inang si Thetis, isang diyosa na
gumawa ng makakaya upang matalo ang mga Achaian at nang
maramdaman nila ang kanyang kawalan. Gayunpama’y nagdulot pa
rin ng kasawian kay Achilleus ang ginawa niyang ito nang matalo ng
mga Trojan sa pamumuno ni Hector ang mga Achaian at mapatay
ang matalik niyang kaibigan na si Patroclus. Muli siyang lumaban at
nakapatay ng maraming Trojan kasama ang pinuno nilang si Hector.
Sagalit ay hindi ibinigya ang bangkay ni Hector maliban na lang
nang mismong si Haring Priam ang pumunta sa kanaya at nakiusap
na ibalik ang bangkay sa kaharian ng Troy. Dito rin nagkaroon ng
pansamantalang pagtigil ng digmaan upang mabigyan ng marangal
na libing si Hector.
ACHILLEU
S
HEEL
TROJAN
HORSE
Odyssey ni Homer
Ito’y isang epikong isinulat ni Homer at nagging bantog din sa
mga Griyego at sa buong mundo. Ang epikong ito ay masasabing
karugtong ng Iliad dahil maraming tauhan sa Iliad ang nabanggit at
nagpatuloy pa rin sa epikong ito.

Ito’y tumatalakay sa mahabang panahon ng pagkawala at muling


pagbabalik sa Ithaca ng pangunahing tauhan na si Odyssues
pagkatapos ng pagbagsak ng kahariang Troy.
Inabot siya ng sampung taon at maraming pakikipagsapalaran
bago siya muling nakabalik sa Ithaca kung saan siya nagpanggap
muna bilangisang pulubi upang malaman kung ano-ano na ang
nagyari at kalagayan ng kanyang tahanan.
Naging tampok din ang mga pangyayari sa buhay ng kanyang
asawang si Penelope at sa kanilang anak na si Telemachus at kung
paano nagtulungan ang dalawa upang maiiwas si Penelope sa mga
manliligaw na nag-aakalang patay na si Odysseus.
METAMORPHOSIS ni Ovid
Ito’y isang tulang pasalaysay tungkol sa paglikha at kasaysayan ng
mundo.
Isinalaysay rito ang paglikha sa tao, ang apat na panahon ng
sinaunang kabihanan, ang malawakang pagbaha na kumitil sa lahat
ng nilikha maliban sa isang Griyegong nagngangalang Deucalion at
sa kanyang asawang si Pyrrha. Sa kanila nagmula ang muling
pagdami ng tao sa mundo. Maraming nabanggit na hindi
pangkaraniwang pangyayaring kinasasangkutan ng mga diyos,
diyosa, at mga mortal.
Beowulf
Hindi matukoy kung sino ang manunulat ng epikong ito na
pinaniniwalaang nasulat sa pagitan ng ikawalo hanggang ikalabing-isang
siglo sa tagpuang maaaring nasa bahagi ng Denmark at Sweden.
Tinalakay ng epikong ito ang buhay at pakikipagsapalaran ni Beowulf,
ang bayani ng m ga Geat at tumalo sa tatlong malalaking kalaban: una,
kay Grendel, ang halimaw na nagpahirap sa mga nasasakupan ni Haring
Hrothgar; pangalawa, sa ina ni Grendel na naghiganti dahil sa pagkamatay
ng kanyang anak; at panagtlo, sa dragon na kanyang nakalaban nang
maging hari na siya. Sa huling labang ito, natalo niya ang dragon subalit si
Beowulf man ay malubha ring nasugatan na nging sanhi ng kayang
kamatayan.
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang Epiko? Paano ito naiiba sa iba pang akdang pampanitikan?
2. Sa pangkalahatan, sa anong panahon naisulat o nabuo ang mga epiko?
3. Bakit maituturing na mahalagang akdang pandaigdig ang epiko? Bakit
kailangang pag-aralan ang mga ito maging sa makabago o modernong
panahon?
4. Ano-anong mga bagay ang masasalamin sa mga epiko patungkol sa
pinagmulan nitong lahi, bansa, o relihiyon?
Mahalagang KAisipan
Bawat bansa ay may panitikan at sariling kulturang sasalamin sa bawat
henerasyon. Ang ibat’t ibang uri ng panitikan gaya ng epeiko ay
ipinagmamalaki ng bawat bansa o lugar sapagkat sumisimbolo ito sa kultura,
tradisyon, paniniwala, at pamumuhay ng nasabing lugar o bansa. Kaya’t
mainam na pagyamin at ingatan ang iba’t ibang uri ng panitikan sapagkat dahil
dito, nabubuhay ang nakaraan.
Bakit mahalagang pairalin ang kapayapaan sa
mundo? Bakit hindi ang digmaan ang sagot sa
anumang hnid pagkakaunawaan sa pagitan ng
mga tao, lahi, o bansa?

You might also like