Week 7 SLK in Fil 10 - Q4
Week 7 SLK in Fil 10 - Q4
Week 7 SLK in Fil 10 - Q4
Self-Learning Kit
Filipino
Quarter 4 - Week 7
JEIZEL A. CASAS
Manunulat
1
Filipino – Grade 10
Self-Learning Kit
Quarter 4- Week 7
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Self-Learning Kit na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha
ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa Self-Learning Kit na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.
2
Paalaala sa Mag-aaral
Ang Self-Learning Kit (SLK) na ito ay ginawa para malinang ang iyong kakayahan batay sa
Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Filipino 10, Kwarter 4,Ika-7 Linggo . Ito ay
ginawa sa simpleng paraan para madali mong maunawaan ang aralin sa linggong ito. Ito ay binubuo
ng mga sumusunod na bahagi:
Aking Kasama rito ang mga gawain para mabalikan ang mga
Madugtong nakaraang aralin at mahanda ka sa bago
Aralin o EL FILIBUSTERISMO
3
Nilalaman Kabanata 12: Placido Penitente
Aking Nalalaman
Panuto: Isulat ang numero 1,2,3,4,5,6,7,8,9,10 sa patlang.Pagsusunod-sunurin ito ayon sa wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
_______1. Palaisipan sa mga kababayan ni Placido sa Tanawan, Batangas kung bakit nais na niyang
tumigil sap ag-aaral
_______2. Nasa liwasan ng Magallanes na si Placido nang tapikin siya sa balikat ni Juanito Pelaez.
_______3. Nasa ika-apat na taon na siya ng pag-aaral ngunit pinakiusapan na kahit batsilyer sa artes
ay matapos niya.
_______4. Walang panahon si Placido na basahin ang kasulatan kaya ayaw niya sanang lumagda
_______5. Pinatunog pa niya ang takong ng kanyang sapatos sa pagbabakasakaling ang pagkakahuli
niya ay pagkakataon na upang siya’y mapuna at makilala ng kanyang guro.
_______6. Patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente
________7. Pinagtinginan ng mga estudyante ang isang karwaheng parating kung saan lulan ang
katipan ni Juanito na si Paulita Gomez
________8. Sila’y mahigit isang daan at limampu sa klase
________9. Ang estudyanteng si Tadeo na kaya lamang pumasok sa paaralan ay upang alamin kung
may pasok at kung mayroon ay aalis na at magdadahilang maysakit ngunit nakapapasa, sa anong
himala ay napasunod kay Paulita sa simbahan.
_______10. Nagtanong ng leksyon si Pelaez kay Penitente dahil noon lamang siya papasok
Aking Madudugtong
4
Malaki ang naging impluwensiya ng pananakop ng mga Kastila sa ating bansa.Hindi lamang ang
ating wika maging sa ating kultura at kaugalian.
Ngayon ay kakaibang pangyayari na naman ng nobela ang ating pag-aaralan at alam kong ika’y
handa na at sabik na madagdagan ang iyong mga kaalaman tungkol sa nilalaman ng nobelang El
Filibusterismo.
Aking Malalaman
Basahin at unawaing mabuti ang kabanata XII: Placido Penitente upang magkaroon ng kaalaman at
makapagpahayag ng paliwanag ayon sa sariling pagkaunawa kaugnay sa mga kaisipang mulat sa
akda.
Mga Tauhan:
Donya Victorina – nagpanggap na isang Europea ngunit isang Pilipina at Tiyahin ni Paulita.
Tadeo – pumasok sa paaralan para lang alamin kung may pasok o wala kung mayroon ay aalis at
magdadahilang maysakit ngunit nakapasa dahlil paborito ng mga propesor.
Juanito Pelaez- may kayabangan,mayaman, may pagkakuba, at paborito ng mga guro. Anak siya ng
isang mestisong Kastila.
Buod:
Patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente. Malungkot ang kanyang mukha dahil
ibig na niyang tumigil ng pag-aaral tulad ng nasabi sa dalawang sulat niya sa ina. Nasa ika-apat na
taon na siya ng pag-aaral ngunit pinakiusapan na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya.
Ang paghahangad niyang pagtigil ng pag-aaral ay nagiging palaisipan sa mga kababayan niya sa
Tanawan, Batangas. Siya pa naman ang pinakamatalino sa bantog na paaralan ni Padre Valerio roon.
Hindi naman siya sugarol, walang kasintahang magyayayang pakasal, at laban sa mga aral ng
Tandang Basyong Makunat.
5
Nasa liwasan ng Magallanes na si Placido nang tapikin siya sa balikat ni Juanito Pelaez. May
kayabangan si Juanito, mayaman, may pagkakuba, at paborito ng mga guro. Anak siya ng isang
mestisong Kastila.
Napag-usapan ng dalawa ang tungkol sa bakasyon ni Juanito sa Tiyani. Nangharana raw sila ni Padre
Camorra ng magagandang babae at ipinagyabang na wala raw bahay na hindi nila napanhik.
Dagdag pa ni Juanito, tanga raw si Basilio sa pagkakaroon ng katipang tulad ni Huli dahil susuko rin
daw si Huli kay Padre Camorra.
Nagtanong ng leksyon si Pelaez kay Penitente dahil noon lamang siya papasok. Ani Placido, tungkol
daw sa salamin ang leksyon. Ngunit niyaya ni Juanito si Placido na maglakwatsa, bagay na tinutulan
naman ni Placido.
Natigil lamang ang kanilang pag-uusap nang manghingi ng abuloy si Juanito para sa monumento ng
isang paring Dominikano. Nagbigay naman ito ng abuloy dahil alam niyang makatutulong ito para sa
pagpasa ng estudyante.
Sa unibersidad ay naroon si Isagani na nakikipagtalo tungkol sa aralin. Ang ibang estudyante naman
ay tinitingnan ang mga magagandang dalagang nagsisimba.
Pinagtinginan ng mga estudyante ang isang karwaheng parating kung saan lulan ang katipan ni
Juanito na si Paulita Gomez. Nginitian siya ng tiyahin ni Paulita na si Donya Victorina.
Ang estudyanteng si Tadeo na kaya lamang pumasok sa paaralan ay upang alamin kung may pasok at
kung mayroon ay aalis na at magdadahilang maysakit ngunit nakapapasa, sa anong himala ay
napasunod kay Paulita sa simbahan.
Nagsipasukan na sa paaralan ang mga mag-aaral ngunit may tumawag kay Placido. Pinalalagda siya
sa kasulatang tutol sa balak na paaralan ni Makaraig.
Walang panahon si Placido na basahin ang kasulatan kaya ayaw niya sanang lumagda. Naalala niya
ang kaniyang isang amain na nawalan ng mga ari-arian nang lumagda sa isang kasulatang di
binasa.Ngunit dahil mapilit ang kausap ay napalagda si Placido. Dahilan kaya siya ay nahuli sa klase.
Bagama’t sa huli ay pumasok pa rin sa klase si Placido. Pinatunog pa niya ang takong ng kanyang
sapatos sa pagbabakasakaling ang pagkakahuli niya ay pagkakataon na upang siya’y mapuna at
makilala ng kanyang guro.Siya ay napuna ng guro at lihim na nagbanta “Bastos magbabayad ka sa
akin,”
Sila’y mahigit isang daan at limampu sa klase. Hindi naman siya nagkamali at napansin nga siya ng
kanyang guro.
6
Karagdagang Impormasyon
Aral sa kabanata
Ang pag-aaral ay napakahalaga dahil dito nagmumula ang iba’t ibang kaalaman na maaari nating
magamit patungo sa kaunlaran ng ating sarili,kumunidad at lipunan.
Pahiwatig sa kabanata
Ang hindi pagkakapantay-pantay ng tingin ng mga guro sa mag-aaral ay hindi nararapat sapagkat
ito’y nagiging dahilan ng pagkawala ng kawilihan ng mga mag-aaral na mag-aral at ng di paggalang
ng mga ito sa guro.
Talasalitaan
7
Penitente(penitence) – ay nagdurusa
3.Bakit sinabi ni Pelaez na walang hindi nangyayari sa mga kagustuhan ni Padre Camorra
sa mga babae sa Tiyani(liban kay Juli)?
Tugon
Tinatakot ng prayle ang mga kapatid at magulang ng babae na ibilanggo at ipatapon kung di
susunod sa kanyang kagustuhan.
4.Ano-ano ang puna ni Jose Rizal sa pag-aaral ng karaniwang kabataan noon?
Tugon
Karamihan noon ang mga kabataan ay walang natutunan dahil liban sa Ateneo,ang mga
estudyante ay di nagdadala ng aklat,lalo na sa UST.Napakalaki ng mga bilang ng mga estudyante
kaya di kontrolado ng guro ang kanilang pagkatuto at madalas magkasunod ang araw na mga
walang pasok.
Maraming humahanga sa mga taong matatalino. Ngunit hindi lamang talino ang dapat taglayin
ng isang tao, kapag dinagdagan pa ng sipag at tiyaga ay lalong kahanga-hanga. Ang taong
nagtataglay nito sa kabila ng pagiging mahirap ay madalas na nagtatagumpay sa kanyang
buhay. Sa bahaging ito,basahin ang isang dokumentaryo tungkol sa mga batana nakaranas ng
paghihirap sa pag-aaral at sa paghanapbuhay. Maaari itong mapanood sa Youtube kung mayroon
kayong internet sa bahay. I-click lamang ang link na ito- https://www.youtube.com/watch?
v=l_RKfi359W8
Sa mga hindi nakapanood basahin ang nilalaman ng dokumentaryo sa ibabang bahagi.
Dokumentaryo ni Sandara Aguinaldo
Paaralan ni Juan
Ito ay patungkol sa mga piling mag-aaral na nagsusumikap sa pag-aaral.Pangalawang beses itong
dinalaw ng kasamahan ni Sandra Aguinaldo ang mga kabataang ito at binalikan niya ito
makalipas ang maraming taon.Una si Maris Legania na nakatira sa Kalyungan, Dalagete, Cebu.
Binisita naming muli ng I Witness ang lugar na kung saan ay sinalubong kami ng mga mukha ng
mga kabataang may masasayang mukha.Tumatak sa aking isipan ang imahe ng kanilang maliliit
at maduduming paa,ilan sa kanila noon ay walang tsinelas dati si Maris kakaiba dahil isa lang
tsinelas niya,sira pa ang isa.Labing isang taong gulang siya noon pero parang matandang kausap.
Hindi nakapagtataka na ang bibong si Maris ay dalawampu’t isang taong gulang na ngayon at
nakatapos na ng pag-aaral ng kursong Bachelor in Elementery Education major in Special
Education. Nakatutuwang makita muli ang kaniyang ngiti .Hindi rin mawala ang pagiging
masayahin at positibo sa buhay.Noong tinanong ko si Maris kung gaano kahirap ang ginawa
niyang pagsasakripisyo para makatapos ng pag-aaral sinabi niya na “ sobrang hirap po ng buhay
namin pero simula po nang naipalabas ang I Witness marami pong mga mabubuting tao mula sa
ibang bansa ang nagpadala sa amin ng tulong.Pinadalhan po kami ng mga pagkain,bigas,mga
kagamitan sa paaralan,tsinelas at sinusuportahan po nila ang aking pag-aaral pati na po ang
aming pamilya.Halos isang beses lang kami makakain sa isang araw.”
Dati nagsasaka ang ama ni Maris at nagpapasan ng mabigat na mga gulay papunta sa
palengke.Nagkasakit ang kaniyang ama sa bato kaya kailangan maghinayhinay sa trabaho.Kaya
nagtatanim nalang ang kanyang mga magulang ng kamote malapit sa kanilang bahay.Bagama’t
nakatulong sa kanila ang Pantawid Pampamilyang Pilipino Program (4 Ps) ng gobyerno
8
kinakapos pa rin daw kaya muntik na hindi makapasok sa kolehiyo si Maris.Sa State University
pinag-aral si Maris noong 2007 naipasa ang Batas para sa free College education sa mga State
Univerties at Colleges,2018 naman ito naipatupad kaya hindi na ito napakinabangan ni
Maris.Dahil sa Cebu siya nag-aaral kailangan niyang mangupahan,gumastos sa
pamasahe,pagkain at iba pang pangangailangan sa paaralan.Tumutulong siya sa pamilya,kaya
naging working student siya at iskolar ng CHED.Kaya nakapagtapos siya ng pag-aaral.Habang
nag-aaral si Maris mayroon din siyang pinag-aaral na nakababata niyang kapatid.
Lahat ng kanilang paghihirap ay napalitan ng tuwa noong oras na nasa entablado si Maris hawak-
hawak ang diploma.Marami pa rin ang paghihirap ng pamilya sa lugar na ang pangunahing
kabuhayan ay pagtatanim ng gulay.Pero kung nakayanan ni Maris hindi imposibleng sa mga
kabataan ngayon ang makasusunod sa yapak ni Maris.Habang naghihintay si Maris sa resulta ng
LET (Licensure Examination for Teachers) nagtuturo na siya sa pribadong paaralan sa Cebu
City.Dito niya ibinubuhos ang lahat ng kanyang natutunan at ang kasiyahan sa katuparan ng
isang pangarap.Ang paslit na dati’y nakayapak ngayon ay isa ng gurong nakaakay sa mga batang
nagsisimula pa lang sa kanilang paglalakbay .
Halimbawa:
Ang Singapore ay dating kabilang sa Malaysia.
Halimbawa:
Magkamukha lamang ng kultura ang India at Singapore.
sing-(sin- /sim) gaya rin ng ka-, nagagamit ito sa lahat ng uri ng pagtutulad.
Halimbawa:
Magkasingganda ang India at Singapore.
Halimbawa:
Kasimbilis ng kidlat ang pagsulong ng bayang ito sapagkat sila ang sentro ng teknolohiya.
9
Magsing -(magkasing-/magkasim) ang pinagtutulad ay napipisan sa paksa ng pangungusap.
Halimbawa:
Ang dalawang bansa ay magkasingyaman.
Halimbawa:
Gamundo ang pagpapahalaga nila sa kalayaan sa wika at relihiyon upang magkaroon ng
pagkakaisa.
Halimbawa:
Lalong maunlad ang isa kaysa sa isa. Higit/mas…kaysa/kaysa sa/kay: sa sarili ay nagsasaad
ng kalamangan kung ginagamit ito sa paghahambing.
Halimbawa:
Higit na malinis ang isa sa isa.
Labis-tulad din ng higit o mas
Halimbawa:
Labis ang kanilang pagmamahal sa bayan.
Di-hamak-kung ginagamit ay karaniwang isinusunod sa pang-uri
Halimbawa:
Di-hamak na mapuputi ang Singaporean sa nga Hindu.
3. Modernisasyon/Katamtaman – ito ay moernong paraang ng pagkukumpara sa
tao,gabay,ideya,pangyayari at iba pa.
Ginagamit ang panlapi na ma,medyo,may + -ka at -an.
10
Halimbawa:
Aking Masusubukan
Matapos mong mapag-aralan ang mga aralin sa loob ng kit na ito alam kong sabik ka na sa susunod
na gawain.Bago ka magpatuloy sagutin mo muna ang gawain.
Panuto: Suriin ang bawat pahayag at punan ng angkop na salitang paghahambing. Piliin ang
mga salita sa loob ng kahon at isulat ito sa patlang ng bawat pahayag.
Aking Tatayahin
A.Panuto: Basahing mabuti ang pahayag at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.
B.Panuto: Sumulat ng isang paghahambing ng dalawang binasang akda gamit ang angkop na mga
salitang naghahambing. Gawing gabay sa pagsusulat ang rubrik sa pagmamarka.Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Rubrik sa Pagmamarka
4 indikitor
1.Di bababa sa 1 talata na may 4-6 na pangungusap ang sagot.
2. Mahusay at malinaw ang pagkalalahad ng paghahambing ng dalawang akda gamit ang angkop na
mga salitang naghahambing
12
3.Walang mali sa gramatika at baybay ng mga salita
4.Nagtataglay ng orihinalidad
1.____________________________________________________
.
2.____________________________________________________
.
3.____________________________________________________
.
4.____________________________________________________
.
5.____________________________________________________
.
13
Susi sa Pagwawasto
14
Aking
Aking Karagdagang
Aking Masusubukan
Nalaman
1. 3
Magagawa
2.Posibleng
4 1. Tulad
sagot:
3. 2 2. Lalo
4. 8 3. Di-gaano
1.Lalong maunlad ang
5. 10
taong 4. sa
nagsisikap Labis
6. 1
6 walang 5.
7.taong magkasing
pangarap.
8. 9
9.2. 7Sintindi ng apoy ang
10.sakripisyong
5 ginawa ni
Maris sa kanyang
pagpupursige sa buhay.
4. Ang pagmamahal
niya sa pamilya ay
tulad ng ilog na
walang katapusan.
5. Di-hamak na
mayaman ang mga
bansang Europa sa
bansang Pilipinas.
15
Sanggunian
16