Mito Pokus

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

SIMULAN

NATIN!

Filipino 10: Pinagyamang Pluma


Mga Paalala:
1. Panatilihing laging bukas ang mga camera habang nagaganap
ang klase.
2. Dapat naka-off ang mga microphone. Bubuksan lamang ito
kapag tinatanong ng guro.
3. Iwasan ang pagpunta sa palikuran. Dapat nagawa nang umihi
bago pa magsimula ang klase.
4. Iwasang kumain habang nagaganap ang talakayan.
5. Iwasan ang MULTI TASKING.
MGA
LAYUNIN
Naihahambing ang mitolohiya mula sa
bansang kanluranin sa mitolohiyang
Pilipino
Natutukoy ang kahulugan ng
mitolohiya
Nakikilala ang mga pokus ng pandiwa
Balik-aral
• Saan nagmula ang akdang “Si Pele, Ang Diyosa ng Apoy at
Bulkan? Paano nabuo ang bansang ito ayon sa mito?
• Sino-sino ang mga tauhan sa akda? Anong katangian meron si
Pele na di dapat taglayin ng isang tao o babae?
• Paano ipinakita ni Pele ang pagsisisi sa ginawang kasalanan sa
bunsong kapatid na si Hi’aka?
Ang salitang MITO kung saan hinango
sa salitang MITOLOHIYA ay mula sa
salitang Griyegong MYTHOS na unang
nangahulugang “talumpati” subalit sa
katagalan ay nangahulugang “pabula” o
“alamat.” Ang MITOLOHIYA ay mga
sinaunang kuwentong may kaugnayan sa
paniniwala o pananampalataya ng tauhang
karaniwang diyos o diyosa na may
kapangyarihang hindi taglay ng
pangkaraniwang mortal.
Ang mitolohiya ay naglalayong mabigay paliwanag sa mga bagay
na mahirap ipaliwanag dahil sa mga ito ay hindi pangkaraniwang
nangyayari sa mundo at sa lipunan. Sa mitolohiya, kitang-kita ang
pagiging likhang-isip lamang ng mga kababalaghang taglay nito
subalit marami pa rin ang naniniwalang tunay na nangyari ito lalo na
sa lugar na nagging tagpuan ng nasabing mito.
Dahil dito’y naging mahirap nang mahiwalay ang katotohanan sa
likhang-isip lamang lalo pa’t ang karamihan sa mitolohiya ay
nagpasalin-salin lamang sa bibig ng iba’t ibang henerasyon kaya
naman madaling mabwasan o madagdagan ang mga pangyayari
depende sa layunin o katauhan ng nagkukuwento.
Kapag binanggit ang salitang mitolohiya ay agad pumapasok sa
isipan ng tao ang Mitolohiyang Griyego dahil sa pagiging tanyag ng
mga ito sa buong mundo. Gayunpama’y marapat maipabatid at
mabigyang-diing mayroon ding mitolohiya at koleksiyon ng
mitolohiya ang iba’t ibang lahi sa mundo.
Ang atin mang bansang Pilipinas ay mayroon ding
mitolohiyang taglay. Tulad ng mga diyos at diyosa ng mga ibang lahi,
ang ating sariling mitolohiya ay may mga diyos at diyosa rin tulad ni
Bathala, ang pinakamakapangyarihan; si Idionale, diyos ng mabuting
pagsasaka; si Apolaki, diyos ng digmaan, paglalakbay, at
pangangalakal; si Mayari, ang diyosa ng buwan; si Agawe, ang diyos
ng tubig; si Hanan, diyos ng mabuting pag-aani; si Tala, diyosa ng
pang-umagang bituin; at marami pang iba.
Taglay din ng atin mitolohiya ang iba’t ibang mitikal at
mahiwagang tauhan tulad na lamang ng tiyanak, diwata, aswang,
duwende, engkanto, mambabarang, mangkukulam, nuno, kapre,
tikbalang, tiktik, mananaggal, at marami pang iba. Bukod dito ay
may ilan ding mga kilalang tauhan tulad nina Malakas at Maganda,
Mariang Makiling, at iba pa.
Ang MITOLOHIYA ay nilikha nang dahil sa iba’t ibang
kadahilanan subalit ang ilan sa pinakamagandang dahilan sa
pagbabasa sa mga ito ay:
1. Upang tayo’y maaliw sa magandang kuwento,
2. Mamangha sa mga taglay nitong hiwaga,
3. Matuto sa mga taglay na mabubuting aral sa buhay, at
4. Mapalawig pa ang imahinasyon sa mga pangyayaring kakaiba
kaysa sa pangkaraniwan.
Pamprosesong Tanong

Ano-ano ang mga magagandang dahilan upang basahin


natin ang mitolohiya?
Mahalagang KAisipan
Mahalaga ang isang mito bilang akdang pampanitikan upang makilala ang
kalinangang pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at
taglay na katalinuhan ng lahing ating pinagmulan. Maaaring mabatid natin ang
mga kapintasan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga
ito. At upang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at
mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad at o gaano tayo kagaling sa
larangang ito.
POKUS NG
PANDIWA
Pokus ang tawag sa relasyong
pansemantika ng pandiwa o salitang
kilos sa simuno o paksa ng
pangungusap.
Narito ang dalawa sa iba’t ibang pokus ng pandiwa:

 TAGAGANAP O AKTOR POKUS


- Tagaganap ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o simuno ng
pangungusap ang tagaganap ng kilos ng pandiwa.
- Ito ay sumasagot sa tanong na “SINO”

HALIMBAWA: PANDIWA SINO ang


Si Namaka ay nagalit nang labis kay Pele. nagalit nang
SIMUNO labis kay Pele?
 LAYON O GOL POKUS
- Layon ang pokus ng pandiwa kung ang layon ay
siyang paksa o binibigyang-diin sa pangungusap.
- Ito ay sumasagot sa tanong na “ANO”

HALIMBAWA: PANDIWA
Ang mitolohiya ay pinag-uusapan ng mga mag-aaral.
SIMUNO
ANO ang pinag-
uusapan ng mga mag-
aaral?
HALIMBAWA:
1. Nagmamadaling umalis sa isla sina Pele at kanyang pamilya.
Pandiwa: Nagmamadaling umalis

Paksa: Sina Pele at kanyang pamilya

Pokus: Tagagnap o Aktor pokus

2. Ginamit ni Pele ang apoy laban sa kapatid.


Pandiwa: Ginamit

Paksa: Ang apoy


Pokus: Layon o Gol pokus
Pamprosesong Tanong

Paano nagkakaiba sa gamit ang pokus na tagaganap at


pokus na layon?
Tanong 101:
Kakayanin nga kayang mapagtagumpayan ng tunay na pag-
ibig ang anumang hadlang?

You might also like