El Fili Kabanata 9-16

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

FILIPINO 10

Ang Karunungan sa Mapanimdim na Kapalaran


El Filibusterismo Kabanata IX-XVI

Ang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman sa wikang Filipino ay karugtong o


sikwel ng Noli Me Tangere. Ang nobelang ito ay isinulat ni Dr. Jose Rizal noong
Oktubre 1887 habang siya nagpapraktis ng medisina sa Calamba, Laguna.
Ito ay orihinal na nakasulat sa wikang Kastila at inialay niya sa tatlong paring martir na
kilala sa bansag na Gomburza (Padre Gomez, Burgos, at Zamora).
Natapos ni Rizal ang El Filibusterismo noong Marso 29, 1891 na inilathala rin ng taon
ding iyon. Isang kaibigan na nagngangalang Valentin Ventura ang nagpahiram diumano
ng pera kay Rizal upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong
Setyembre 22, 1891.
Sinasabing ang El Filibusterismo ay isang nobelang pampulitika na naglalayong
magmulat sa kaisipan at manggising sa damdamin ng mga mambabasa upang ang
hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan ay makamtan.
Ilan sa mga panganuhaing tauhan dito ay sina Simoun (Juan Crisostomo Ibarra),
Basilio, Padre Salvi, at marami pang iba.

1
SalaysaRunungan: (Ang Pagsasalaysay ng Karunungan) Basahin at
unawain ang bawat mapanimdim na pangitain ng mga pangayayari sa bawat
kabanata. Suriin nang may talion ang magiging daloy sa pamamagitan ng
pagkilala sa mga tauhan at kabuoang kaisipan ng mga kabanata.

El Filibusterismo Buod Kabanata 9: Ang mga Pilato


Naging usap-usapan sa bayan ang mga nangyari kay Tandang Selo.
Karamihan sa mga tao ay walang pakialam samantalang ang iba ay walang
habas kung pagtsismisan ang matanda.
Anang ilan, kung di lamang daw umalis si Kabaesang Tales ay baka hindi
hindi daw nangyayari iyon kay Tandang Selo. Nag-usap-usap din ang mga
ito kung sino ba ang may kasalanan kaya nangyari ang kamalasan kay
Tandang Selo.
Ibinunton naman ni Hermana Penchang ang sisi sa lolo ni Juli. Aniya, parusa
raw ito dahil sa kakulangan ng pagdadasal at hindi pagturo ni Tandang Selo
kay Juli nang maayos.
Nang mabalitaang ng Hermana na tutubusin ni Basilio ang kasintahan ay
sinabi niyang ang binata ay isang demonyong nag-aanyong estudyante na
ibig magpahamak sa kaluluwa ng dalaga.
Samantala, nakauwi na si Kabesang Tales dahil sa tulong ng salaping
napagbilhan ng mga alahas ni Juli at nautang ng dalaga kay Hermana
Penchang.
Nalaman din niyang nagpaupang utusan si Juli, ang kanyang lupa ay
pagmamay-ari na ng iba, at napipi ang amang si Tandang Selo.
Pinapaalis na din siya sa kanyang bahay sa utos na rin ng hukuman at
binigyan lamang ng tatlong araw para maialis ang lahat ng kanilang gamit.
Ito nama’y ikinatuwa ng mga pari at ng bagong may-ari ng kanyang lupa.
Dahil sa mga kaganapang ito ay naupo lamang sa isang tabi ang Kabesa at
nanatiling walang kibo.
Talasalitaan:
• Mabubulid – mahuhulog
• Matutudla – tatamaan
• Nabalisa – nag-alala; hindi mapakali
• Nagkibit – balikat – pinagsawalang-bahala
• Paglusob – pagsalakay
• Pagsanggalang – pagtatanggol
• Sumasalungat – tumututol

2
El Filibusterismo Buod Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
Nakipanuluyan si Simoun sa bahay ni Kabesang Tales na nasa pagitan ng
bayan ng San Diego at ng Tiyani. Naghihirap na noon si Kabesang Tales
samantalang dala nang lahat ni Simoun ang pagkain at ibang kailangan at
dalawang kaban ng mga alahas.
Ipinagmalaki rin niya sa Kabesa ang dala niyang rebolber. Maya-maya pa’y
nagdatingan na ang mga mamimili ng alahas.
Doon ay dumating sina Kapitan Basilio, ang anak nitong si Sinang at asawa
nito, at si Hermana Penchang na mamimili ng isang singsing na brilyante
para sa birhen ng Antipolo. Binuksan ni Simoun ang dalawang maleta ng
alahas na may iba’t ibang uri, ayos, at kasaysayan.
Inilabas ni Simoun ang mga bago niyang hiyas at doon namili si Sinang.
Sinabi rin ni Simoun na namimili rin siya ng alahas. Tinanong niya si
Kabesang Tales kung may ipagbibigli itong alahas.
Iminungkahi ni Sinang ang kwintas na agad tinawaran ni Simoun ng
limandaang piso nang makilala niyang kay Maria Clara nga iyon na kanyang
kasintahan na nagmongha.
Ngunit ayon kay Hermana Penchang ay hindi daw dapat iyon ipagbili ni
Kabesang Tales dahil minabitu pa ni Huli ang paalila kaysa ipagbili iyon.
Isangguni raw muna ni Kabesang Tales sa anak ang bagay na iyon na
sinang-ayunan naman ni Simoun.
Nang lumabas ng bahay si Kabesang Tales ay natanawan niya ang prayle
at ang bagong may-ari ng kanyang lupa.
Kinabukasan, wala na si Kabesang Tales sa kanyang tirahan. Nawawala rin
ang rebolber ni Simoun at ang naroroon lamang ay isang sulat at kuwintas
ni Maria Clara.
Humingi ng paumanhin si Kabesang Tales sa pagkuha niya ng baril ng mag-
aalahas dahil kinailangan niyang sumapi sa mga tulisan. Pinagbilinan din
niya si Simoun na mag-ingat sa mga tulisan dahil mapahamak ang mga ito.
Si Tandang Selo ay hinuli ng mga gwardiya sibil. Natuwa naman si Simoun
dahil sa wakas ay natagpuan na niya ang taong kanyang kailangan, isang
pangahas ngunit marunong tumupad sa mga pangako.
Samatala, tatlo ang pinatay ni Kabesang Tales ng gabing iyon: ang prayle,
ang lalaking gumagawa sa lupa, at ang asawa nito na putol ang leeg at puno
ng lupa ang bibig. Sa tabi ng bangkay ng babae ay may papel na may
nakasulat na “Tales” na isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo.
Talasalitaan:
• Indulgencia – utang na loob
• Karalitaan – kahirapan; dalita; sakuna

3
• Kayamanan – pag-aari; mga mahalagang bagay na naipon o naitago;
bagay na mataas ang halaga; pagkaingat- ingatan
• Lantay – tunay
• Lugmok – nakalubog
• Mahalughog – halungkatin; suriin mabuti
• Nagdarahop – naghihirap
• Narahuyong – naakit
• Niyurakan – sinira
• Panggigilalas – pagkagulat
• Umaalipusta – nanglalait

El Filibusterismo Buod Kabanata 11: Los Baños


Nangaso ang Kapitan Heneral sa Boso-Boso ngunit wala siyang nahuli dahil
natatakot ang mga hayop sa dala niyang musiko. Ikinatuwa naman ito ng
Heneral dahil ayaw niyang malaman ng mga kasama na wala siyang alam
sa pangangaso. Kaya naman sila ay umuwi na lamang sa bahay ng Kapitan
Heneral.
Sa isang bahay-aliwan sa Los Baños ay naglaro ng baraha sina Padre Irene,
Padre Sybila at ang Kapitan. Naiinis naman si Padre Camora dahil lagi
siyang talo. Hindi nagtagal ay pinalitan siya ni Simoun sa paglalaro.
Pumayag si Simoun na itaya ang kanyang mga alahas sa kondisyong
ipupusta ng mga prayle ang pangakong magpapakasama sa loob ng limang
araw. Sa Kapitan Heneral naman ay ang pagbibigay ng kapangyarihan kay
Simoun na magpakulong at magpatapon ng kahit na sinong kanyang
nanaisin.
Dahil sa mga kakaibang kundisyong ito ng pagsusugal ay napalapit sina Don
Custodio, Padre Fernandez at ang Mataas na Kawani. Ang Mataas na
Kawani ay nagtanong kung ano ang mapapala ni Simoun sa kanyang mga
hiling.
Tinugon ito ni Simoun na para daw luminis ang bayan at maalis na lahat ang
masasamang damo.
Iniisip ng mga nakarinig na kaya ganun na lamang ang kaisipan ni Simoun
ay dahil sa pagkakaharang sa kanya ng mga tulisan.
Ayon naman kay Simoun, walang kinuha sa kanya kundi ang dalawa niyang
rebolber at mga bala. Kinamusta pa nga daw ng mga ito ang Kapitan Heneral
at sinabing marami raw baril ang mga tulisan.
Tumugon naman ang Heneral at sinabing ipagbabawal niya ang mga
sandata.
Katwiran naman ni Simoun ay marangal daw ang mga tulisan. Sila lamang
raw ang tanging marangal na kumikita ng ikabubuhay nila.
4
Dagdag pa ni Simoun, “Halimbawa, pawawalan ba ninyo ako nang ‘di man
lang kukunin ang aking mga alahas? Ang kasamaan ay wala sa mga tulisan
sa bundok, nasa mga tulisan sa bayan at siyudad.”
“Gaya ninyo”, ani Padre Sibylang nakatawa.
“Gaya natin”, ganti ni Simoun, “Tayo nga lamang ay mga di-hayagang
tulisan.”
Kalahating oras na lamang at magtatanghalian na kaya tinigil na ng Kapitan
Heneral ang laro. Maraming suliranin pa silang pinag-usapan.
Isa na dito ang pagbabawal ng Heneral sa armas de salon. Tutol man ang
Mataas na Kawani dito ngunit wala naman siyang nagawa. Nagbigay pa ng
payo si Simoun na huwag ipagbawal ang armas de salon sa halip ay
magkaroon na lamang ng iisang sukat na kasalukuyang nabibili noon. At ito
ang nasunod.
Sumunod na pinag-usapan ay ang paaralan sa Tiyani. Iminungkahi ni Don
Custodio na gawing paaralan ang sabungan kahit sa loob ng isang araw sa
isang linggo na tinutulan kaagad ng Kapitan Heneral.
Ang ilang mga sa pari ay tutol sa pagpapatayo ng Akademya dahil sa ito’y
makakaepekto sa karapatan, isang paghihimagsikan at dapat raw ay hindi
nag-aaral ang mga Indiyo.
Sumang-ayon dito si Simoun at sinabi na ito’y kahina-hinala. Kaya naman
pinutol na ng Heneral ang usapin at sinabing pag-iisipan niya ang mga bagay
na iyon.
Pamaya-maya pa’y dumating ang kura ng Los Baños na nagsabing handa
na ang pagkain.
Ang kawani naman ay bumulong sa Kapitan Heneral na si Juli ay tatlong
araw na pabalik-balik at nagmamakaawa na palayain ang kanyang nuno.
Sinang-ayunan naman ito ni Padre Camorra kaya pumayag rin ang Heneral.
Talasalitaan:
• Apyan – opyo
• Armas de salon – sandatang pambulgaw o pandekorasyon
• Dumagok – suntukin
• Kagyat – kaagad-agad
• Katigan – sang-ayunan
• Masinsinan – seryosong pag-uusap
• Masusugpo – mapipigil
• Mulato – tao na may isang magulang na puti at isang magulang na
negro; biracial
• Nakayungyong – nagbibigay lilim
• Pag-aalipusta – paghamak
• Pag-aalsa – paghihimagsik

5
• Pangangamkam – pagkuha
• Punglo – bala
• Rebolber – uri ng baril
• Tresilyo – sugal na baraha
• Tulisan – rebelde; magnanakaw

El Filibusterismo Buod Kabanata 12: Placido Penitente


Patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente. Malungkot
ang kanyang mukha dahil ibig na niyang tumigil ng pag-aaral tulad ng nasabi
sa dalawang sulat niya sa ina. Nasa ika-apat na taon na siya ng pag-aaral
ngunit pinakiusapan na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya.
Palaisipan sa mga kababayan ni Placido sa Tanawan, Batangas kung bakit
nais na niyang tumigil sap ag-aaral. Siya pa naman ang pinakamatalino sa
bantog na paaralan ni Padre Valerio roon. Hindi naman siya sugarol, walang
kasintahang magyayayang pakasal, at laban sa mga aral ng Tandang
Basyong Makunat.
Nasa liwasan ng Magallanes na si Placido nang tapikin siya sa balikat ni
Juanito Pelaez. May kayabangan si Juanito, mayaman, may pagkakuba, at
paborito ng mga guro. Anak siya ng isang mestisong Kastila.
Napag-usapan ng dalawa ang tungkol sa bakasyon ni Juanito sa Tiyani.
Nangharana raw sila ni Padre Camorra ng magagandang babae at
ipinagyabang na wala raw bahay na hindi nila napanhik.
Dagdag pa ni Juanito, tanga raw si Basilio sa pagkakaroon ng katipang tulad
ni Juli dahil susuko rin daw si Juli kay Padre Camorra.
Nagtanong ng leksyon si Pelaez kay Penitente dahil noon lamang siya
papasok. Ani Placido, tungkol daw sa salamin ang leksyon. Ngunit niyaya ni
Juanito si Placido na maglakwatsa, bagay na tinutulan naman ng huli.
Natigil lamang ang kanilang pag-uusap ng manghingi ng abuloy si Juanito
para sa monumento ng isang paring Dominikano. Nagbigay naman ito ng
abuloy dahil alam niyang makatutulong ito para sa pagpasa ng estudyante.
Sa unibersidad ay naroon si Isagani na nakikipagtalo tungkol sa aralin. Ang
ibang estudyante naman ay tinitingnan ang mga magagandang dalagang
nagsisimba.
Pinagtinginan ng mga estudyante ang isang karwaheng parating kung saan
lulan ang katipan ni Juanito na si Paulita Gomez. Nginitian siya ng tiyahin ni
Paulita na si Donya Victorina.
Ang estudyanteng si Tadeo na kaya lamang pumasok sa paaralan ay upang
alamin kung may pasok at kung mayroon ay aalis na at magdadahilang
maysakit ngunit nakapapasa, sa anong himala ay napasunod kay Paulita sa
simbahan.
6
Nagpasukan na sa paaralan ang mga mag-aaral ngunit may tumawag kay
Placido. Pinalalagda siya sa kasulatang tutol sa balak na paaralan ni
Makaraig.
Walang panahon si Placido na basahin ang kasulatan kaya ayaw niya
sanang lumagda. Ngunit dahil mapilit ang kausap ay napalagda si Placido.
Dahilan kaya siya ay nahuli sa klase.
Bagama’t huli ay pumasok pa rin sa klase si Placido. Pinatunog pa niya ang
takong ng kanyang sapatos sa pagbabakasakaling ang pagkakahuli niya ay
pagkakataon na upang siya’y mapuna at makilala ng kanyang guro.
Sila’y mahigit isang daan at limampu sa klase. Hindi naman siya nagkamali
at napansin nga siya ng kanyang guro. Ngunit nabastusan ito kay Placido at
nasabing magbabayad daw ito sa kanya.
Talasalitaan:
• Bulastog – mayabang
• Dia-pichido – ipit na araw na hindi na pinapasukan ng ibang mga
estudyante
• Loob ng Maynila na namoogan – Intramuros o Walled City
• Mangilak – manghingi
• Panghihinawa – pagkasawa
• Penitente – nagdurusa
• Placido – kalmante o mapayapa
• Puerta – pinto
• Tandang Basiong Macunat – isang aklat na naglalaman ng mga
payo ng kura at mga salaysay tungkol sa kasamaang dulot ng
pagpapaaral ng mga anak
• Umiibis – bumababa

El Filibusterismo Buod Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika


Isang mahaba at rektangular na bulwagan ang silid ng klase sa Pisika,
maluluwang ang bintana nito at narerehasan ng bakal. Sa magkabilang tabi
ng silid ay may tatlong baitang na batong natatapakan ng kahoy. Doon
nakaupo ang mga estudyanteng nakaayos ayon sa pagkakasunud-sunod ng
letra ng kanilang mga apelyido.
Walang palamuti ang dingding ng silid. May mga kasangkapan nga sa pisika
ngunit ito ay nakasusi sa isang aparador na may salamin at kung gamitin
man ay ipinakikita lamang sa klase mula sa malayo tulad ng Santisimo ng
Pari.
Samantala, ang batang Dominikong pari na si Padre Millon ang guro sa klase
ng Pisika. Siya’y napabantog sa pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan de

7
Letran. Katapat ng pintuan, sa ilalim ng larawan ni Santo Tomas de Aquino
ay doon nakaupo ang propesor.
Tinawag ng propesor ang antuking estudyante na may buhok na parang
iskoba. Parang ponograpo itong tumugon ng isang isinaulong leksiyon na
ukol sa salamin, bahagi nito, kauriang bubog o kalaing. Pinatigil ng guro ang
estudyante at sunod na tinawag si Pelaez.
Sumenyas ito kay Placido na tila ba sinasabing, “Makinig ka’t diktahan mo
ako.” Sa katatapak sa paa ni Placido ay napasigaw ito sa sakit. Sa kanya
tuloy nabaling ang galit ng propesor.
Siya ang tinatanong ng propesor matapos na siya’y murahin at sabihang
“espiritu sastre”. Nasabihan din siyang “pakialamero” at dahil dito ay pinaupo
na si Juanito at siya na ang tinanong.
Nagkandautal si Placido sa pagsagot sa mga tanong ng propesor. Tinawag
pa siya nitong Placidong Tagadikta. Wala siyang nabigkas sa mga leksyon
kaya naglagay ang propesor ng guhit kay Placido. Tumutol dito si Placido at
nagpaliwanag.
Inihagis ni Placido ang hawak niyang aklat, tumindig, hinarap ang propesor
at walang-galang na umalis sa klase.
Natigilan ang klase. ‘Di nila lahat akalain na magagawa iyon ni Placido.
Nagsermon at nagmura si Padre Millon hanggang sa tumugtog ang
kampanilya, hudyat na tapos na ang klase.
Talasalitaan:
• Ampliacion – mataas na kurso
• Asoge – Mercury o Merkurio
• Dominus Vobiscum – sumaiyo ang Panginoon
• Eskaparate – salaming dibisyon
• Espiritu Sastre – pauyam na termino ni Padre Millon sa Espiritu Santo
• Hinuha – palagay
• Iskoba – brush
• Kamagong – Mahogany; kahoy na kulay itim
• Lavvoiser, Secchi, Tyndall – mga banyagang siyentipiko
• Pag-aglahi – pang-iinsulto
• Pagupak – patunog na yari sa kahoy na ginagamit sa misa kung
Biyernes Santo sa halip na kampanilyang metal
• Pilosopastro – pauyam na tawag sa pilosopo
• Ponograpo – pangkaraniwang aparatong pampatugtog
• Requiescat in pace – sumalangit nawa
• Salamin – isang matigas, babasagin at nakaaaninag na materyal
• Santisimo – banal na sakramento
• Ultimatum – pinakahuling pahayag

8
El Filibusterismo Buod Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Mag-aaral
Ang tinitirahang bahay ni Makaraig ay malaki. Maluwag ito at puro binata
ang mga nakatira na pawang nangangasera.
Mayaman si Makaraig at kumukuha ng kursong abogasya. Siya ang pinuno
ng kilusan para sa Akademya ng wikang Kastila. Inimbitahan ni Makaraig
ang mga pangunahing mag-aaral na sina Isagani, Sandoval, Pecson at
Pelaez upang pag-usapan ang kanilang pakay.
Si Isagani at Sandoval ay naniniwala na maaaprubahan ang pagbukas ng
paaralang samantalang si Pecson ay nag-aalinlangan. Nagkaroon sila ng
debate sa maaring maging aksiyon sa kanilang paaralan. Si Sandoval ay
larawan ng mga kastilang may malasakit at pagpapahalaga sa mga Pilipino.
Isang magandang balita ang ibinahagi ni Makaraig. Si Padre Irene umano
ang nagtatanggol sa kanila laban sa mga sumalungat sa kanilang adhikain.
Dagdag pa niya, kailangan ng kanilang grupo ang pagpanig ni Don Custodio,
isa sa mga kataas-taasang lipon ng paaralan sa kanilang panig.
Dalawang tao ang maari umano nilang lapitan upang kumbinsihin si Don
Custodio na pumanig sa kanila. Ito raw ay si Ginoong Pasta na isang
manananggol at ang mananayaw na si Pepay.
Napagkasunduan nila na kay Ginoong Pasta lumapit upang maging
marangal ang kapamaraanan.
Talasalitaan:
• Abuloy – kontribusyon
• Aktibidades – gawain
• Facultad – nag-aaral ng kursong pampropesyunal o pang-akademiko
• Hangarin – pangarap
• Kasigabuhan – silakbo
• Magpalikaw-likaw – magpaligoy-ligoy
• Mapakiling – pumanig; mapapayag; mapasang-ayon
• Nagpapasimuno – nagsimula
• Nagpipingkian – nag-iiskrima
• Nang-uulot – nang-uudyok
• Nobya – kasintahan

El Filibusterismo Buod Kabanata 15: Si Senyor Pasta


Sinadya ni Isagani ang opisina ng manananggol na si Senyor Pasta, isa sa
mga may pinakamatalas na pag-iisip sa Maynila na sinasangguni ng mga
pari kung ang mga ito’y nasa gipit na kalagayan.
Pinakiusapan niya ang Senyor na kung maari ay mamagitan upang kanilang
mapasang-ayon kung sakaling sumangguni na sila kay Don Custodio.
9
Ikinuwento ni Isagani kay Senyor Pasta ang tungkol sa balaking kilusan.
Nakinig ng mabuti ang Senyor na tila walang alam at kunwari’y wala siyang
pakialam sa gawain ng mga kabataan. Pinakikiramdaman naman ni Isagani
ang naging bisa ng kanyang mga salita sa abogado.
Nais sana ni Isagani na maaprubahan ng manananggol ang nais nilang
akademya ng Wikang Kastila ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ng abogado
na huwag makialam dahil maselan ang usapan at mas mabuting hayaan
daw na ang gobyerno ang kumilos.
Talasalitaan:
• Anasan – pag-uusap sa mahinang boses; bulung-bulungan
• Kilatisin – uriin
• Kondesa – tawag sa asawa ng konde
• Nagmamaang-maangan – nagkukunwang walang alam
• Pabulalas – pasambulat
• Pagsasapantaha – panghihinala
• Pahat – kaunti; munti
• Palikaw-likaw – pahipit-hipit, pasikot-sikot
• Pangangayupapa – pagpapakumbaba, pagyukod, pagluhod,
pagpapatirapa, o iba pang kilos na tanda ng pagpapasakop o
pagbibigay-galang
• Pasaliwa – pabaliktad
• Rector – punong pari
• Silyon – isang upuang may patungan ng mga kamay
• Sumuong – lumusob
• Upaw – kalbo

El Filibusterismo Buod Kabanata 16: Ang Kasawian ng Isang Intsik


Ang negosyanteng Intsik na si Quiroga ay naghahangad magkaroon ng
konsulado ang kanyang bansa kaya siya ay naghandog ng isang hapunan.
Dumalo ang mga tanyag na panauhin kabilang na ang mga kilalang
mangangalakal, mga pari, mga militar, mga kawani ng pamahalaan pati na
din ang kanilang mga suki.
Nang dumating si Simoun ay sinigil niya si Quiroga sa kanyang utang na
nagkakahalaga ng siyam na libong piso. Nalulugi daw ang Intsik kaya hindi
makakabayad sa mag-aalahas.
Inalok siya ni Simoun na babawasan ng dalawang libong piso ang utang
kung papayag umano si Quiroga na itago sa kanilang bodega ang mga
armas na dumating.
Wala daw dapat ipangamba ang Intsik dahil ang mga baril ay unti-unting
ililipat sa ibang bahay na pagkatapos ay gagawan ng pagsisiyasat at marami
10
ang mabibilango. Siya ay lalakad sa mga mapipiit upang kumita. Napilitan
namang sumang-ayon si Quiroga.
Samantala, ang pangkat ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa
komisyong ipapadala sa India para pag-aralan ang paggawa ng sapatos
para sa mga sundalo.
Ang grupo naman ng mga prayle ay pinag-uusapan ang tungkol sa ulong
nagsasalita sa may perya sa Quiapo na pinamamahalaan ni Mr. Leeds.
Talasalitaan:
• Bulalas – pahayag
• Consulado – ukol sa gawain ng konsul
• Kapighatian – kahirapan, kalungkutan
• Konsul – isang tao na ipinag-utos ng pamahalaan na naninirahan sa
ibang bansa para maging kinatawan ng kanyang bansa.
• Kopa – goblet
• Nakahuhughog – nakasasaid
• Nanduduwit – nangunguha
• Paghahamok – labanan, away
• Piging – handaan, kainan
• Pulseras – bracelet
• Sikolo – 25 sentimo
• Tsampan – kumikislap na alak (Champagne)
• Walang kapangi-pangimi – malakas ang loob

GAWAIN 1
Hanap-Salita: Pumili ng kabanata na kinatagpuan ng matatalinghalagang
salita. Itala ang pangungusap na may matatalinghagang pahayag. Ibigay
ang kasalungat na salita at gamitin sa pahayag.

Pamagat ng Pangungusap
Kabanata na natagpuan
sa Kabanata

Matatalinghagang
Pahayag

Kasalungat
GAWAIN 2 Pamagat ng
Kabanata
11
Ugnay-Diwa: ISIP, PUSO at KAMAY: Ilahad ang iyong natutunan,
nararamdaman at bagay na isasagawa matapos mabasa ang mga kabanata
sa aralin. Isulat sa loob ng kahon ang iyong sagot.

NATUTUHAN

Ang Karunungan sa NARARAMDAMAN


Mapanimdim na
Pangitain

GAGAWIN

PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem, piliin mula titik A-D
ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel ang napiling titik.
1. Upang maligtas sa kasalanan si Huli ano ang ipinagawa ni Hermana
Penchang sa kaniya?
I. Pinabasa ng banal na aklat
II. Pinabasa ng aklat na may pamagat na Tandang Basyong
Makunat
III. Pinapunta lagi sa kumbento upang makipagkita sa kura
IV. Pinapunta lagi sa simbahan upang magdasal
V. Palagiang pinagsisismba lalo na tuwing lingo

A. I & II
B. II & III
C. III & IV
D. IV & V

12
2. Kung ikaw ay magawan ng pagkakamali ng iyong kapwa na hindi nito
pinaninindigan, ano ang iyong madarama?
A. Wala lang
B. Masasaktan dahil hindi maiwasto ang pagkakamali
C. Magkibit balikat lamang, wala naming mawawala sa akin
D. Bahala na ang Panginoon sa kaniyang ginawa sa akin
3. Ang mag-aalahas na si Simoun ay sa bahay ni Kabesang Tales
tumuloy, ano ang kaniyang layunin rito?
A. Namimili ng alahas si Kabesang Tales
B. Hikayatin si Kabesang Tales na gumamit sa kaniyang baril
C. Tutubusin niya si Huli mula sa kamay ni Hermana Penchang
D. Sasamahan niya si Kabesang Tales na mamundok upang
makalaya sa mga prayle.
4. Sino-sino ang napatay ni Kabesang Tales sa gabing iyon?
I. Padre Camorra
II. Padre Clemente
III. Tagapangasiwa sa Asyenda
IV. Bagong magsasaka sa lupa ni Tales
V. Kapitan Basilyo at Gurdia Civil
A. II, III, IV
B. I, II, III
C. III, IV, V
D. I, III, IV
5. Makatuwiran bang ilagay ni Kabesang Tales ang batas sa kaniyang
mga kamay? Bakit?
A. Hindi dahil tao lamang siya
B. Sa kaniyang naranasan mula sa pang-aapi ng mga prayle
marapat lamang
C. Siguro, baka maunahan pa siya
D. Maaaring oo, maaaring hindi.

13
6. Sino-sino ang naglalaro ng tresilyo?
I. Kapitan Heneral
II. Padre Sibyla at Padre Camorra
III. Don Costudio
IV. Simoun
V. Ben Zayb
A. I, II
B. III, IV
C. IV, V
D. I, IV
7. Makatuwiran bang maski sa pagsusugal ay pinag-uusapan ang
mahalaganag usapin? Bakit?
A. Oo, dahil kahit saan ay pwedeng pag-usapan ang usapin
B. Hindi, dahil hindi maging makabuluhan ang pag-uusap
C. Oo, upang matalo sa sugal ang wala nang masasabi
D. Hindi, dahil makakalimutan nila ang layunin ng usapan
8. Nang magtungo si Placido sa paaralan ay kasalukuyan nang binasa
ng propesor ang talaan ng mag-aaral. Ano ang ginawa ni Placido?
A. Sinigawan niya ang kanyang propesor
B. Pinatunog niya ang taking ng kaniyang sapatos
C. Binati niya ang kaniyang propesor bago siya tuluyang pumasok
D. Wala sa nabanggit
9. Bakit kaya bigla nalang nawalan ng ganang mag-aral si Placido
gayong maituturing siyang pinakamatalinong mag-aaral?
A. Hindi niya nagustuhan ang insal ng mga kamag-aral
B. Dahil pinahiya ng husto si Placido ng kaniyang propesor.
C. Dahil bumaba lahat ng grado ni Placido
D. Dahil pinahinto siya ng kaniyang ina
10. Para kanino ang mga kagamitang naka display sa laboratoryo
ng kanilang paaralan?
A. Para sap ag-aaral ng mag-aaral
B. Para sa magulang ng mag-aaral
C. Para sa mga dumadalaw na panauhing may mataas na
katungkulan sa lipunan
D. Para sa mag-aaral at magulang na malaki ang ibinabayad

14
11. Ano ang layunin ni Isagani sa kaniyang pagpunta kay Senyor
Pasta?
A. Nais niyang sumang ayon ito sa kanilang itinatag na kilusan.
B. Nais niyang sumang ayon ito sa kanilang itinatag na Akademya
ng Wikang Kastila.
C. Nais niyang sumang ayon ito sa kanilang itinatag na
Akademiya ng Wikang Tagalog.
D. Nais niyang sumang ayon ito sa kanilang itinatag na
Akademiya ng Wikang Insek
12. Sumangang-ayon ba si Senyor Pasta sa panukala ni Isagani?
A. Hindi, sapagkat takot siyang madamay
B. Oo,sapagkat naniniwala siya sa kakayahan ng mag-aaral na
katulad ni Isagani
C. Hindi, sapagkat binalaan na siya ng kaniyang asawa na huwag
makilaalam
D. Oo, sapagkat nais niyang iligtas ang bayan
13. Ano ang layunin ni Quiroga sa paghahandog ng hapunan?
A. Magtayo ng konsolado ng kaniyang bansa sa Pilipinas
B. Makapangalakal nang Malaya sa bansang Pilipinas
C. Magkaroon ng mga kaibigang kabilang sa matataas na antas
ng lipunan
D. Makapangasawa ng isang maganda, mayumi at mahinhin na
dalagang Pilipina.
14. Ano ang layunin ni Simoun nang binawasan niya ang utang ni
Quiroga?
A. Sa tindahan ni Quiroga idaos ang piging
B. Sa tindahan ni Quiroga itago ang mga armas
C. Sa bahay ni Quiroga maninirahan si Simoun
D. Sa tindahan ni Quiroga ibebenta ang mga alahas
15. Sino-sino ang nag-uusap hinggil sa magnetismo, espiritismo at
mahika?
A. Ben Zayb at Juanito
B. Padre Salvi at Padre Camorra
C. Simoun at mga pari
D. Lahat ng nabanggit

15
16

You might also like