Talumpati

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 35

TALUMPATI

Si Nelson Mandela (1918-2013) ay


naging presidente ng Timog Aprika noong
1994 hanggang 1999. Siya rin ang kauna-
unahang “Black African” na naging
presidente. Noong 1948, pinamahalaan
niya ang mga National Party sa Timog
Africa. Ito ay ang gobyernong binubuo ng
mga polisiyang maghihiwalay sa mga puti
at hindi puti na siya ring tinatawag na
Apartheid. Sa polisiyang ito,
kinakailangang manirahan at gumamit ng
pampublikong lugar ang mga hindi puti.
Naging bawal din sa kanila ang pakikipag-isang
dibdib sa isang puti. Ang ganitong sistema ay
nanatili pa rin kahit marami ang nagprotesta at
lumaban. Sa makatuwid ay namatay o
nakulong ang mga nanguna sa pag-aklas at
lumaban sa polisiyang ito kasama na si Nelson
Mandela na kilala rin bilang isang freedom
fighter.
Nakalabas ng kulungan si Nelson
Mandela at nakipagtulungan kay
President F.W. Klerk para
makapagtatag ng bagong konstitusyon
noong 1990 sa Timog Africa kung saan,
naging hudyat ito ng pagkakawala ng
apartheid.
Ginawaran silang dalawa ng Nobel Prize for
Peace dahil na rin sa kanilang mapayapang
pagkilos at sa kanilang kahanga-hangang
hakbang tungo sa pagbabago at kapayapaan
noong 1993.
Bilang tanda na nawakasan na ang mahabang
panahon ng racial discrimination, nahalal bilang
pangulo ng Timog Africa si Nelson Mandela
noong 1994.
GAWAIN 3: Paglinang ng Talasalitaan
Analohiya: Pansinin ang pagkakabuo ng unang
dalawang salita at ibigay ang katumbas ng
ikatlong salita. Piliin ang iyong sagot sa loob ng
kahon pagkatapos ay ibigay ang kahulugan ng
iyong sagot.
kagubatan puno karagatan
silid-aralan katawan uhaw

1. bulaklak: hardin: pisara: _____________


2. berde: kapaligiran: asul: _____________
3. espiritwal: kaluluwa: pisikal: __________
4. puso: katawan: prutas: _____________
5. tinapay: gutom: tubig: _____________
GAWAIN 5: Pagsusuri sa Akda
Panuto: Sagutin nang maikli ngunit makabuluhan
ang tanong sa ibaba. Sa mga makakakonekta sa
internet maari ninyong tingnan ang video ng Asian
Discrimination sa Estados Unidos:
https://www.youtube.com/watch?v=Vc7y7TQe_Dg.
Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod.
A. Bilang isang kabataan, paano ka magiging
susi ng pinapangarap na kapayapaan,
kalayaan, at katarungan?
B. Sa papaanong paraan maiuugnay ang
kalagayan ng mga Pilipino sa Pilipinas at sa
ibang bansa ang paksa ng binasang
talumpati? Ipaliwanag.
Sanaysay - isang uri ng panitikan na isinusulat sa
anyong tuluyan na karaniwang pumapaksa sa sariling
kaisipan, kuro-kuro, saloobin, at damdamin na
kapupulutan ng aral, at aliw ng mambabasa. Maibibilang
sa uring ito ng panitikan ang mga sulating
pampahayagan gaya ng artikulo, natatanging pitak o
lathalain, at tudling. Kasama sa uring ito ang mga
akdang pandalubhasa gaya ng tesis,disertasyon, at
diskurso; gayundin ang mga panunuring pampanitikan
at mga akdang pampananaliksik. Ito ay ginagamit upang
makapagbigay ng mahahalagang kaisipan tungkol sa
paksang nais nitong talakayin.
Mga Katangian ng Sanaysay
1. Makabuluhan ang paksa nito na maaaring
pang-edukasyon, pangkaugalian,
pangkabuhayan, panlipunan, panrelihiyon,
at iba pang paksa.
2. May kaisahan na nauukol sa isang paksa
lamang ang dapat talakayin at dapat ay
sunod-sunod ang paghahanay ng kaisipan
nito.
3. Tamang pananalita o mga salita ang
ginagamit ayon sa paksang inilalahad
4. Makatawag-pansin ang pamamaraan kung
saan ang paglalahad nito ay sa paraang
masining
Ang mahahalagang kaisipan sa sanaysay ay
tumutukoy sa mahahalagang impormasyong
ibinibigay nito sa mambabasa. Ang mahahalagang
impormasyong ito ay maaaring isulat nang
pabalangkas.
Ang balangkas ay isang lohikal o kaya’y
kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan ng
paksang isusulat. Ito rin ay isang panukalang buod
ng komposisyon.
Ang talumpati ay isang uri ng pampublikong
komunikasyon na tumatalakay o nagpapaliwanag
tungkol sa isang paksa. Ito ay isang halimbawa ng
sanaysay na binibigkas sa harapan ng maraming
tao.
Noong 1580, isinilang si Michel de Montaigne sa
Pransiya at siya ang tinaguriang “Ama ng
Sanaysay.” Ito ay tinawag niyang essai sa wikang
Pranses na nangangahulugang isang pagtatangka,
isang pagtuklas, isang pagsubok sa
anyo ng pagsulat.
Sa Pilipinas naman, ayon kay Alejandro G.
Abadilla, ang sanaysay ay ang “pagsasalaysay
ng isang sanay.”
Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-
pormal o personal. Naririto ang pagkakaiba ng
dalawa:
Pormal – Nagbibigay ito ng impormasyon,
mahahalagang kaisipan o kaalaman sa
pamamagitan ng makaagham at lohikal na
pagsasaayos sa paksang tinatalakay. Maingat
na pinipili ang pananalita sa pagsulat nito at ang
tono ay mapitagan. Ang paraan ng paglalahad
ng sanaysay ay obhetibo o di-kumikiling sa
damdamin ng may-akda.
Di-Pormal o Personal – Nagsisilbing aliwan o
libangan ang ganitong sanaysay. Nagbibigay-
lugod ito sa pamamagitan ng pagtalakay sa
mga paksang karaniwan, pang-araw-araw, at
personal. Ang himig ng pananalita ay parang
nakikipag-usap lamang at ang tono ay parang
kausap ang kaibigan. Subhetibo ang
paglalahad nito sapagkat pumapanig sa
damdamin at paniniwala ng may-akda.
GAWAIN 6: Alin ang Naiba?
Panuto: Basahin ang kasunod na teksto at paghambingin mo
ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang akda gamit
ang Venn diagram.
Ako ay Ikaw
ni Hans Roemar T. Salum
“Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy na isinilang
sa ating bansa. Ako’y ‘di sanay sa wikang mga
banyaga, ako’y Pinoy na mayroong sariling wika.
Wikang Pambansa, ang gamit kong salita…” Hay,
napakasarap sa pandinig ang awiting iyan ni
Florante de Leon. Damang-dama ang pagmamahal
ng mang-aawit sa akin.
Matagal na panahon na rin simula nang ako ay
ipaglaban ni dating Pangulong Mauel L. Quezon. Ang
pakikipaglaban niyang ito ay daan upang ako ay
umusbong, gamitin at tangkilikin. Ako ang simbolo ng
pagkakakilanlan ng ating bansa, ang Pilipinas. Sa
totoo lang, ako ay ginagamit sa maraming sitwasyon
at pagkakataon. Ah, tunay ngang malayo na ang
aking narating bilang isang instrumento ng
komunikasyon. Patunay nito, sa paglipas ng panahon
ay mabilis na naging moderno na ang ating bansa.
Modernong kagamitan, pamumuhay, moderno na rin
pati kabataan. Talagang ang mga Pinoy ay hindi
nagpapahuli. Subalit, kasabay ng pagbabago at
pagiging modernong ito ay ginawa na rin akong
moderno. Pakiramdam ko ay binihisan ako upang
sumabay sa makabagong panahon. Sa katunayan,
ang wika ng kabataan ngayon, Taglish, mga jejemon
wika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra, ang
tatay ay pudra.
May magsasabi ring I wanna make bili that
sapatos! Hay, kailangan bang kasabay ng
pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na
ang ipinaglabang wika? Mga kabataan, ang
totoo, ako ay ikaw na sasalamin sa ating
bansa. Hindi masama ang pag-unlad at ang
pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para
sa ikabubuti at ikaaayos ng komunikasyon.
Sa makabagong panahon, gamitin mo ako
kung sa paraan ng iyong wika ang ibig mo,
piliin lamang sa tamang panahon at tamang
sitwasyon, tiyak na ang aking patuloy na pag-
unlad.
Salum, Hans Roemar T., Ako ay Ikaw, o Department of Education. Filipino
Ikasampung Baitang: Modyul para sa Mag-aaral. DepEd IMCS, Pasig. First
Edition, 2015.
Ang tuwiran at di-tuwirang pahayag ay
nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang
diskurso. Nagiging mas malinaw ang isang sanaysay
o talumpati dahil dito. Madaling matukoy sa mga ito
ang katotohanan o opinyon.
May mga pang-ugnay na nagpapatibay o
nagpapatotoo sa isang argumento upang
makahikayat. Ang mga halimbawa nito ay sa
katunayan, ang totoo, bilang patunay, at iba pa.
Halimbawa:
1. Sa totoo lang, hindi mo mababakas sa mukha ng mga
Pilipino ang kalungkutan dahil sa kanilang palangiting
karakter.
2. Si Zephanie Dimaranan ang siyang kauna-unahang
nagwagi sa Idol Philippines, bilang patunay, narito ang
kanyang bidyo.
3. “Ang totoo, hindi ako mapakali dahil sa kinakaharap na
suliranin ng ating bansa” pahayag ng pangulo.
4. “Sa katunayan, parami nang parami ang tinatamaan ng
COVID-19 lalo na sa NCR,” dagdag pa niya.
Ang tuwirang pahayag ay may pinagbatayan
at may ebidensiya kaya’t kapani-paniwala ito.
Ito ay naglalahad ng eksaktong mensahe o
impormasyong ipinahahayag ng isang tao.
Gumagamit ito ng mga panipi upang ipakita
ang buong sinabi ng mamamahayag.
Samantalang ang di-tuwirang pahayag ay
binabanggit lamang muli kung ano ang tinuran
o sinabi ng isang tao. Hindi ito ginagamitan ng
mga panipi. Madalas din ay ginagamitan ito ng
mga pang-ukol tulad ng alinsunod sa/kay, batay
sa/kay, ayon sa/kay, atbp. Bagama’t ito ay
batay sa sariling opinyon ay nakahihikayat
naman sa mga tagapakinig o mambabasa.
GAWAIN 3: Suriin at Tukuyin Mo!
A. Panuto: Suriin ang mga pangungusap na
ginamit sa akdang binasa kanina na “Ako ay
Ikaw” at tukuyin kung tuwiran o di-tuwiran ang
pahayag na ginamit.
1. Sa totoo lang, ako ay ginagamit sa maraming
sitwasyon at pagkakataon. Ah, tunay ngang
malayo na ang aking narating bilang isang
instrumento ng komunikasyon.
2. Ayon kay Florante de Leon, na siya ay isang
Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy na isinilang sa ating
bansa. Siya’y ‘di sanay sa wikang mga banyaga,
siya’y Pinoy na mayroong sariling wika. Wikang
Pambansa, ang gamit niyang salita…”
3. Talagang ang mga Pinoy ay hindi nagpapahuli.
Subalit, kasabay ng pagbabago at pagiging
modernong ito ay ginawa na rin akong moderno.
Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa
makabagong panahon.
4. Ayon sa tagapagsalaysay sa “Ako ay Ikaw”
na ang ako ay ikaw na sasalamin sa ating
bansa. Hindi masama ang pag-unlad at ang
pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para
sa ikabubuti at ikaaayos ng komunikasyon.
5. Sa katunayan, ang wika ng kabataan
ngayon, Taglish, mga jejemon wika nga. Ang
salitang nanay sasabihing mudra, ang tatay ay
pudra.

You might also like