Kabanata 12 EL FILI
Kabanata 12 EL FILI
Kabanata 12 EL FILI
Placido Penitente
Pagpapakilala sa Tauhan
Placido Penitente
• Mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas
ngunit nais ng huminto
• Nasa ika-apat na taon ng “Bachiller en Artes”
• Isa sa mga pinakamagaling sa iskolar sa Latin
at lohistiko sa kanyang bayan sa Batangas
• Itinuturing na mapanghimagsik ng mga
prayle sa kanilang parokya
Juanito Pelaez
• Mapaglangis at bolero kaya’t
paborito ng mga guro sa kabila ng
pagiging bulastog at maloko sa mga
kamag-aral na madalas pagmulan
ng gulo
• Nag-iisang anak ito ng
negosyanteng mestiso
• May pagkakuba ang katawan
Isagani
• Isa sa mga nagtitipong mag aaral sa
simbahan
• Kasintahan ni Paulita
Paulita Gomez
• Kasintahan ni Isagani
• Ang babaeng bumaba sa karwahe
Donya Victorina
Ang tiyahin ni Paulita
Tadeo
• Isang mag-aaral na pumapasok lamang
sa paaralan upang magtanong kung may
pasok. Kung mayroon ay aalis na at
magdadahilang may sakit. Sa kabila
nito’y nakakapasa ito dahil kinagigiliwan
ng mga guro.
Tadeo
• Isang mag aaral na pumapasok
lamang sa paaralan upang
magtanong kung may pasok. Kung
mayroon aalis na at
magdadahilang may sakit. Sa
kabila nito’y nakapapasa ito dahil
kinagigiliwan ng mga guro.
Talasalitaan
Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng
nakasalungguhit na salita.
HANAY A HANAY B
1. Nagkamustahan sila ni A. Monumento
Juanito Pelaez. Niyaya siya nito
na magdia-pichido. B.
2.Pinagusapan nila ang
pangingilok ng pera para sa C. Tawag sa araw na
bantayog . napapagitnaan ng
3. Ang paglagda ng carabineros dalawang araw na
celestiales ay sapat na upang walang pasok
pagkatiwalaan sapagkat sila’y
kapisanang itinatag upang
tumulong sa Diyos sa digmaan.
BUOD
• Malungkot na patungo sa
Unibersidad ng Santo Tomas si
Placido Penitente sapagkat ibig na
niyang tumigil ng pag-aaral tulad
ng nasabi na niya sa 2 sulat niya sa
ina. Pinakiusapan lamang siya ng
ina na kahit batsilyer sa artes ay
matapos niya dahil nasa ikaapat na
taon na siya.
• Ang paghahangad ni Placido na
magtigil ng pag-aaral ay palaisipan sa
kanyang mga kababayang taga
Tanauan. Siya ang pinakamatalino sa
bantog na paaralan ni Padre Valerio
roon. Hindi naman siya sugarol,
walang kasintahang magyayayang
magpakasal, at laban sa mga aral ng
Tandang Basyong Makunat, masalapi.
• Nagulat pa si Placido nang
makapasok na siya sa Magallanes
(dating Sto. Domingo) at siya’y
tapikin ni Juanito Pelaez sa balikat.
Kinumusta ni Juanito ang bakasyon
ni Placido. Pagkatapos ay ibinalita
ang pagbabakasyon niya sa Tiyani,
kasama si Padre Camorra.
• Nangharana raw sila ng
magagandang babae. Wala raw
bahay na hindi nila napanhik. At
may ibinulong kay Placido na
ikinamangha tila ng huli. Tanga
raw si Basilio sa pagkakaroon ng
katipang tulad ni Huli. Pero
susuko rin daw si Huli kay Padre
Camorra.
• Nagtanong ng leksyon si Pelaez kay
Penitente sapagkat noon lamang
papasok ang kuba. Pulos walang
pasok noong nakaraang mga araw.
May kaarawan ng guro, may pista
ng santo, at umambon.
• Ang leksyon daw nila ay ukol sa mga
salamin. Niyaya ni Pelaez si Penitente na
maglakwatsa. Tumutol ang huli. Nagpatuloy
sila ng paglakad. May naalala si Pelaez.
Nanghingi ng abuloy para sa monumento
ng isang paring Dominiko. Nagbigay si
Placido para magtigil na si Pelaez at alam
din ng Batangueno na nakatutulong ang
gayong mga abuloy sa pagpasa ng
estudyante. Malapit na sila sa Unibersidad.
Naroon si Isagani na nakikipagtalo ukol sa
aralin.
• Ang ibang estudyante ay naniningin
ng magagandang dalagang
nagsisimba. Namutla at namula sa
lugod si Isagani nang magkulusan
ang mga mag-aaral at magtinginan
sa isang bagong dating na victoria o
karuwahe. Nakita niya si Paulita
Gomez, ang kanyang katipan, na
kasama si Donya Victorina. Si
Donya Victorina ay ngumiti kay
Juanito Pelaez.
• Si Tadeo na kaya lamang pumasok sa
paaralan ay upang alamin kung may
pasok at kung mayroon ay aalis at
magdadahilang maysakit ngunit
nakapapasa, sa anong himala ay
napasunod kay Paulita sa simbahan.
Nagpasukan na sa paaralan ang mga
estudyante. Nguni’t may tumawag kay
Placido.
• Pinalagda si Placido sa kasulatang tutol sa
balak na paaralan ni Macaraig. Hindi
lumagda si Placido. Walang panahong
basahin ang kasulatan. Nalaala niya ang isang
amain na nawalan ng mga pag-aari nang
lumagda sa isang kasulatang hindi binasa.
Ngunit sa matagal na pagpipilitan ay nahuli
sa klase si Placido Petinente. Pumasok parin
si Placido. Hindi na patiyad. Pinatunog pa
ang takong ng sapatos.
• Inakala niyang ang pagkakahuli niya
ay pagkakataon na upang siya’y
mapuna at makilala ng kanyang guro.
Sila’y may mahigit na 150 sa klase. At
siya nga’y napuna ng guro na lihim na
nagbanta. Bastos magbabayad ka sa
akin.
ARAL
• Ang pag aaral ay mahalaga dahil dito
nagmumula ang ibang kaalaman
• Huwag susuko sa anomang hamon sa
buhay.
• Basahin ang dokumento bago lagdaan.
PAHIWATIG
• Paglalakad ng takong ng sapatos ni Placido
Penitente
• Ang di pantay pantay na pagtingin ng guro sa mga
mag aaral.
• Karamihan noo’y walang natutuhan dahil:
a. Liban sa Ateneo, ang mga estudyante ay di
nagdadala ng aklat, lalo na sa UST.
b. Napakalalaki ng bilang ng mga estudyante.
c. May mahabang pagpapalagay ang mga guro sa
estudyante.
d. Madalas ang araw na walang pasok.
PAMAGAT
PLACIDO PENITENTE
Ang ibig sabihin ng Placido ay kalmante o
mapayapa, ang Penitente nama’y nagdurusa.
Ipinakita sa kabanatang ito na kahit madami
ang humadlang sa kanyang pagpasok, hindi niya
ito tinanggihan. Nakikita rin na napakakalmado
niya harapin ang mga problema o balakid sa
buhay.