Kabanata 11 El Filibusterismo

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

KABANATA 11:

LOS BAÑOS 
TALASALITAAN:
• Tresilyo – sugal na ginagamitan ng baraha

• Bahay-Aliwan – maikukumpara sa bar ng kasalukuyang panahon; lug


kung saan nag-iinom at nag-aaliw

• Filibustero – rebeldeng gusto ng himagsikan

• Armas De Salon – sandatang pang-dekorasyon

• Panukala – mungkahi

• Indio – Pilipino

• Pag-aalsa – paghihimagsik

• Kalihim - secretary
MGA TAUHAN:
• KAPITAN HENERAL
-pinapagawa ang sarili niyang gawain sa iba habang
siya ay naglalaro
-hindi pinagtutuunan ang trabaho
-hindi pinag-iisipan ang desisyon
-madaling masuyo sa suhestiyon ng iba

• PADRE CAMORRA
-manyak at mainitin ang ulo
-hindi nagpapatalo

• PADRE SIBYLA
-kasama ni Padre Irene sa paglalaro ng Tresilyo kasama si Kapitan
Heneral

• PADRE IRENE
-kasama ni Padre Sibyla sa paglalaro ng Tresilyo kasama si Kapitan
Heneral
-nagpapatalo upang payagan ni Kapitan Heneral ng pagpapatayo ng Akade-
miya
-gahaman sa pera at kayamanan
• SIMOUN
-nakikipaglaro ng billiards kasama si Ben-Zayb
-sumali sa Tresilyo upang isuhestiyon sa Kapitan Heneral ang ideyang
agarang pagpapapatay sa nagkasala
-nais lamang ipalabas ang kabuktutan ng kanyang mga kalaro
-malapit sa Kapitan Heneral

• PADRE FERNANDEZ
-Pilipinong Prayle na matalino at iniisip ang ikabubuti ng marami
-boses ng rason

• DON CUSTODIO
-ipinayo ang pagpapalipat ng eskewalahan sa sabungan

• KALIHIM
-sa kaniya ibinibilin ang dapat pagdesisyunan ng Kapitan Heneral

• BEN-ZAYB
-nakikipaglaro ng billiards kasama si Simoun
TAGPUAN:
DISYEMBRE 31

• LOS BAÑOS , LAGUNA

• BOSO-BOSO

• BAHAY NI KAPITAN HENERAL


BUOD:
Nangangaso ang Kapitan Heneral sa Boso-Boso kasama ang isang
muskong banda, mga prayle, mayayaman at mga militar. WALA
silang nahuli sapagkat ang ingay ng banda

Bumalik ang ilan sa bahay ni Kapitan Heneral

Sa Bahay-Aliwan ay naglalaro ng Tresilyo sina Kapitan Heneral,


Padre Irene, Padre Sibyla at Padre Camorra

Nagpapatalo ng sadya sina Padre Irene at Sibyla dahil gusto nilang


pag-usapan ang tungkol sa Akademiya; subalit nagagalit naman si
Padre Camorra dahil sa pagpapatalo ng dalawa
Sa sobrang inis ni P. Camorra ay inihagis niya ang kanyang baraha
at sinabihang mangmang si Padre Irene

Inimbitahan ni P. Sibyla si P. Fernandez para maglaro pero


tumanggi siya

Inimbitahan naman ng Kapitan Heneral si Simoun (na noo’y


nakikipaglaro ng billiards kasama si Ben-Zayb) upang humalili kay P.
Camorra
Pumayag ang alehero kung papayagan ng Kapitan Heneral ang
pagsasatupad ng batas ng agarang pagpapatay o pag-dedeport sa mga
taong nahatulang nagkasala

Tinanong ng Kapitan si Simoun kung ano ang gagawin niya dito

Tinanong ng Kalihim si Kapitan kung ano ang gagawin ukol sa


mga baril

Pumayag si Kapitan na hindi ipagbenta ang anumang baril na


mayroong 6mm na bala (maliban na lang kung ito ay Armas de
Salon)
Tinanong naman ng Kalihim kung ano ang gagawin sa Guro ng
Tiani

Kapitan: “Hindi maaaring sapawan ng isang Paaralang Pilipino ang


Paaralang Kastila!”

Inihain naman ni Don Custodio ang kaniyang planong paggamit ng


mga ibang gusali bilang paaralan

Tinanong naman ng Kalihim kung ano ang gagagawin ukol sa


haing papatayo ng Akademiya sa Wikang Kastila
 MGA SANG-AYON:
• Kalihim
• P. Irene
• P. Fernandez
• Don Custodio

 MGA HINDI SANG-AYON:


• Simoun
• P. Sibyla
• P. Camorra
 P. Sibyla: “Kapag pinayagan natin ang mga estudyanteng ‘yan,
ipapakita natin na kaya tayong talunin ng mga Indio; na
tayong alipin sa kanila!”

 P. Fernandez: “Mas tatatag ang ating nasasakupan; tayo din ay


iidolohin dahil binigyan natin sila ng hustisya at
pagkakapantay-pantay –ang dalawang ugaling nasa dugong
Pilipino.”

 Kapitan Heneral: “ Ipagpabukas na ito dahil tayo’y


magtatanghalian na.”
 Tinanong naman ng Kalihim kung paano na ba ang
mangyayari kay Tandang Selo sapagkat ang anak nitong babae
ay dumulong na.

 P. Camorra: “Palayain na.”

 Kapitan Heneral: “Magpadala ng mensahe sa mga guardia


sibil. Oras na para palayain ang matandang iyan para
ipakitang may puso ang Pamamahalang Kastila.”
SIMBOLISMO:
• Pangangaso ng Kapitan Heneral:
Inilalarawan nito ang paglalangis sa kapangyarihan. Gagawin ng isang
Taong makapangyarihan ang lahat upang siya ay hindi mapahiya at hangaan ng
Kanyang naapakan.

• Pagpapatalo nina P. Sibyla at P. Irene


Inilalarawan nito na ang likas na ang pagkasipsip at handa ang isang
taong ilagay sa kaligayahan ang hihingan ng pabor upang sunudin lamang gus-
to niya.

• Paglalagay ng Eskwelahan sa Sabungan


Madaming tao ang pumupunta sa mga sabungan at handang isugal ka-
hit sariling ari-arian bilang pamusta, subalit hindi nila kayang pag-aralin ang
kanilang sariling mga anak; sumimsimbolo din ito na mas marami pa ang intere-
sado sa sabungan kaysa sa paaralan.
ARAL:
• Ang panunuyo sa mas may kapangyarihan ay likas na sa’ting mga Pilipino

• Gagawin ng tao ang lahat ng bagay upang magustuhan siya ng isang maka-
pangyarihang personalidad.

• Ang pagsusugal ay hindi matatanggal sa kultura ng lipunan.

• Kahit na anong mungkahi o suhestiyon ay kakaharap ng pagpuna mula sa


mga taong walang alam sa nilalaman ng mungkahing iyon.
TANONG:
Paano mo ipaglalaban ang suhestiyon mo sa iba kung
alam mong tataliwasin
nila ito?
MARAMING
SALAMAT
-BERNARDINO, JUDE IVAN P.
10-FORTITUDE

You might also like