Kabanata 20 El Filibusterismo

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

MGA TAUHAN

• Don Custudio
Si Don Costudio de Salazar y Sanchez de Monteredondo siya ay nag
mula sa alta sociedad, ayon kay Ben Zayb ay wala daw tatalo kay Do
Costudio sa kahusayan at kabilisan sa paghatol , siya tinagurian din
Buena Tinta, haligi ng karangalan, Simbolo ng katalinuhan at sagisag
ng katapatan iyan ang mga katagang isinusunod sa pangalan ni Don
Custodio ayin sa pag pupuri ni Ben Zayb.
MGA TAUHAN
• Ben Zayb
Ang manunulat na may mataas na pag pupuri sa tagahatol tuwina sa
kanyang pahayagan ang pinupuri niya si Don Custodio sapagakat si
Don Custudio ang tumulong sa kanya upang malusutan ang maramig
katanungan ng maraming mambabasa sa pahayagang kanyang sinulat.
MGA TAUHAN
• Pepay
Isang mananayaw na kinahuhumalingan ni Don Custodio sa bawat pag
ikot ng balakang ni Pepay ay beinte singko pesos ang sinisingil nito
kay don Custodio , lagi nitong sinasabi kay Don Custodio na siya ay
may pumanaw na kakila at kailangan niyang mag bigay ng tulong sa
madaling sabi ginagawa niyang pala bigasan ang matanda.dahil
nahuhumaling ito sa kanya.
SULIRANIN
Sa Ika-20 Kabanata ng El Filibusterismo, ang isyung panlipunan na
ipinapakita dito ay ang mababang pagtingin sa mga tao na walang
gaaonong pinag-aralan o mas masaklap pa nga ay kung walang pinag-
aralan. Minamaliit ang kanilang kakayahan dahil sa kakulangan ng
kaalaman. Iniisip ni Don Custodio na ganyan ang kapalaran ng mga
Pilipino. Ang mga Pilipino ay itinakdang mgaing mga tagapaglingkod.
Isa pang isyu ay ang ugali kung minsan ng mga tao na paghingi muna
ng kapalit para sa isang bagay na itutulong o ibibigay.
Noong si Don Custodio ay magpunta sa Espanya, bagama’t
masipag at mahusay humawak ng negosyo, wala pa ring
pumansin sa kaniya roon. Iyon ay dahil sa kakulangan niya
ng kasanayan at kaalaman, o kakulangan niya ng pinag-
aralan. Kaya dahil doon, nagbalik din siya agad sa Pilipinas.
Wala mang nangyaring maganda sa Espanya, ikinukwento pa
din niya sa iba na mayroon siyang magagandang karanasan,
kabaligtaran ng katotohanan.
Sa isang pagkakataon, noong si Don Custodio ay humihingi
ng mungkahi para sa isang mahalagang bagay sa kaniyang
kaibigan na si Pepay, na isang babaeng mananayaw, hindi
siya natulungan nito. Sa halip siya ay hiningan lang ng pera
at sinayawan.
Makikita ang mga negatibong katangian na maging hanggang sa
ngayon ay isyu pa din sa lipunan ng tao. Ang mapanghamak na
pagtingin o pagtrato sa iba, may pinag-aralan man o wala. Kung
minsan maging ang kapwa nasa mababang kalagayan ay nagiging
mapanghamak din sa kapuwa nasa mababang kalagayan. Parang
hindi na maaalis din ang katangian na paghingi ng isang bagay
bilang kapalit ng isa pang bagay. Na karaniwan nang dahilan
kung bakit laganap ang katiwalian sa lipunan ng tao.
ISYUNG PANLIPUNAN
Sa Ika-20 Kabanata ng El Filibusterismo, ang isyung panlipunan na
ipinapakita dito ay ang mababang pagtingin sa mga tao na walang
gaaonong pinag-aralan o mas masaklap pa nga ay kung walang pinag-
aralan. Minamaliit ang kanilang kakayahan dahil sa kakulangan ng
kaalaman. Iniisip ni Don Custodio na ganyan ang kapalaran ng mga
Pilipino. Ang mga Pilipino ay itinakdang mgaing mga tagapaglingkod.
Isa pang isyu ay ang ugali kung minsan ng mga tao na paghingi muna
ng kapalit para sa isang bagay na itutulong o ibibigay.
GINTONG ARAL
• Bawat tao ay may kahinaan.at kalimitang kahinaan ng mga
lalaki ay ang isang magandang babae,Si Don Custodio ay
kilalang mahusay na tagahatol at iginagalang pero lingid sa
kaalaman ng lahat na siya ay may kinahuhumalingan na isang
mananayaw na walang iba kundi si Pepay na ginagamit din
naman ang utak para hingan ng pera at maraming pabor si Don
Costudi.
• Ang isa pang aral sa kabanatang ito ay ang pagtanaw ng
utang na loob, sa kabanatang ito ay tumatanaw ng utang
na loob si Ben Zayb kay Don Costudio kaya naman
panay ang magagandang papuri nito sa Don sa kanyang
mga pahayagan dahil tumatanaw siya ng utang na loob sa
mga kabutihang nagawa sa kanya ng ni Don Costudio.
• Sa kabantang ito ay ipinakita rin ang palakasan, si don
Costudio kahit walang tinapos na kurso at kahit wala
naman talagang kinalaman sa usaping medical ay
nahirang siya sa ibat-ibang matataas na katungkulan
dahil malakas siya sa pamahalaan sapagkat meron
siyang dugong kastila.
• Huwag nating maliitin an gating kapuwa dahil si Don
Costudio ay mayroong maliit na pagtingin sa mga
Pilipino dahil para sa kanya ang mga Pilipino ay
mahuhusay lamang sa larangan ng musika,pintura at
eskultura pero hinding hindi magtatagumpay sa
pilosopiya, sa kimika at medisina ganun kababa ang bilid
ni doc Custodio sa mga Pilipino.

You might also like