Kabanata 25 27
Kabanata 25 27
Kabanata 25 27
Tauhan:
Basilio – isang matalinong mag – aaral ng Medisina, siya ang nais ng mga mag – aaral na makasama sa
pagpupulong. Marahil ay nais nilang marinig ang talumpati nito ukol sa akademiya na kanilang
nilalayong magkaroon.
Don Custodio - kilala bilang si Buena Tinta. Sa kabanatang ito mababatid na sa mga kamay niya
nakasalalay ang pagpapasya ukol sa akademiya ng wikang kastila.
Isagani - ang mag – aaral na pamangkin ni Padre Florentino. Isa siya sa mga mag – aaral na naghahangad
na magkaroon ng akademiya ng wikang kastila. Sa kabanatang ito si Isagani ang namuno sa paglalabas ng
sama ng loob ukol sa naging pasya ni Don Custodio ukol sa usapin.
Makaraig - ang pinuno ng kilusan ng mga mag – aaral na nais magkaroon ng akademiya ng wikang
kastila. Siya ay mayaman at maimpluwensya rin ang kanyang pamilya.
Padre Irene - ang butihing pari na nag asikaso ng huling pati – ukol ni kapitan Tiyago. Gayun pa man,
naging sakim ito. Ngunit, sa kabanatang ito siya ay tila naging padrino ng mga kabataang mag – aaral sa
kanilang hangarin.
Padre Sibyla - ang paring mahilig magsugal. Sa kabanatang ito sinabi na siya ang biserektor ng
unibersidad.
Pecson - ang mag – aaral na laging taliwas sa kagustuhan ng kanyang mga kamag – aral. Sa kabanatang
ito si Pecson ang nagbigay ng talumpati ukol sa pabor na ginagawa ng mga prayle para sa mga
mayayaman.
Pelaez - ang mag – aaral na mahilig maglakwatsa. Ang tanging kontribusyon niya sa kilusan ng mga mag
– aaral ay ang donasyong kanyang ibinibigay.
Quiroga - ang negosyanteng Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas. Sa kabanatang ito si
Quiroga ay inihalintulad sa pansit na pwedeng ihain sa lahat ng okasyon. Sapagkat si Quiroga ay laging
naroon kung saan may okasyon.
Sandoval - ang kawaning kastila at mag – aaral na ang sentimyento ay nasa panig ng mga mag – aaral. Sa
kabanatang ito siya ay nagsisilbing kakampi ng mga mag – aaral sa kabila ng pagiging isa niyang kastila
na dapat ay hindi pumayag na matuto ang mga Pilipino na matuto ng wikang kastila.
Simoun - ang bida ng nobelang El Filibusterismo na mayaman at mapaghimagsik. Sa kabanatang ito siya
ay isa sa mga bida sa talumpati ng mga mag – aaral sapagkat siya ang magmamay – ari ng akademiyang
ipatatayo.
Tadeo - ang bagong salta sa San Roque na nagpupumilit na makibagay sa mga taga - Maynila. Sa
kabanatang ito si Tadeo ang bukod – tanging hindi nakapagbigay ng maayos na talumpati. Patunay na
hindi niya lubos na nauunawaan ang usapin.
BUOD:
Ang simpleng piging ng mga mag-aaral ang magiging mitsa upang sila ay usigin ng pamahalaan.
Hindi pa man lumalabas ang pasya ni Don Custodio tungkol sa usapin ng pagtututro ng wikang Kastila ay
batid na ng grupo nina Sandoval ang kahihinatnan nito.
Ayaw ng mga prayle at ng pamahalaan na matuto ng wikang Kastila ang mga Indiyo. Wala daw karapatan
ang mga ito na gamitin ang kanilang wika. Dahil dito ay tiyak na ang magiging kapasyahan ni Don
Custudio. Papanig siya sa kagustuhan ng mga kinauukulan.
Kagaya ng kanilang napagkasunduan ang labing-apat ay nagtipon sa isang pansiterya upang ipagdiwang
ang kahihinatnan ng pasya. Tanging si Basilio at si Juanito ang hindi nakarating sa nasabing pagtitipon.
Masayang nagbibiruan ang mga mag-aaral at maingay na tinutuligsa ang mga prayle. Iniugnay pa ang mga
ito sa bawat pagkain na kanilang pinili.
Bago sila natapos ay napansin ni Isagani ang isang binata na nagmamasid at tila sibubaybayan ang
kanilang ginagawa. Nang makita siya ay mabilis ito na umalis lulan ng sasakyan ni Simoun.
ARAL:
Ang aral sa kabanatang ito ay ang pagiging mapusok ay walang mabuting maidudulot lalo na sa mga
kabataan. Lagi nating tandaan na ang pagsisisi ay laging nasa huli.
TAUHAN:
Juanito – takot na takot, at namumutla. Noong wala pang kaguluhan, siya ang pangunahing
tagpagtaguyod ng kapisanan. Kinuha si Basilio bilang saksi na wala syang kinalaman sa paskin.
Nang nalaman ni Basilio ang tungkol sa pagkakadiskubre ng mga paskil sa Unibersidad at sinabing ang
Asosasyon ang may kagagawan nito. Natakot si Basilio dahil akala niyang si Simoun ay kasangkot rin.
Nang Makita niya si Sandoval ay tinawag niya ito ngunit parang walang narinig, si Tadeo naman ay
masayang masaya nang kanyang makausap dahil walang klase, si Isagani ay nagsabi na wala siyang alam
at walang pakialam, parang naghuhugas kamay.
Sa paghahanap niya kay Makaraig ay nakasalubong niya ang mga guwardiya sibil. Pinigilan siya sa
pagpasok at pinaghintay sa labas ng bahay ng kanyang kaibigan.
Paglipas ng ilang sandali ay dumating ang kabo at pati siya ay inimbistigahan. Hinuli siya ng mga ito
kasama na si Makaraig na tila hindi nag-aalala sa pagkakadakip sa kanya.
ARAL:
Ang tadhana ay mapagbiro. Kung minsan ang itinuturing mong kaibigan ay siya pa pala ang
maghahatid sa iyo ng tiyak na kapahamakan.
TAUHAN :
Isagani - siya ang estudyante na magaling na manalumpati,hinahangaan siya ni Padre Fernandez dahil sa
kanyang mga paninindigan, larawan si Isagani ng tunay na karangalan at kagitingan ngunit pinangangambahan
ni Padre Fernandez ang maaring kahantungan ng estudyanteng kanyang hinahangan dahil sa lantaran nitong
pagpapahayag ng mga salita na laban sa pamahalaan at sa simbahan.
Padre Fernandez- siya ang bukod tanging kura na modelo sa mabuting pag-uugali. Siya ang nagpatawag kay
Isagani upang kausapin ang binata sa kanilang pag-uusap ay labis siyang humanga sa mga pahayag ng binata,
ipinagdidiinan ng estudyante na dapat ang mga kura at alagad ng simbahan ang nagtuturo ng magandang
kaugalian sa mga kabataan at humuhubog sa mga ito ngunit kabaligtaran ang lahat ng nangyayari sapagkat sila
pa ang nagpapabagsak sa mga mag-aaral, marahil ay natatakot umano sila na matuto ang mga kabataan.
BUOD:
Nasa tanggapan ng katedratikong si Padre Fernandez ang kaniyang mag-aaral na si Isagani. Inusig ng pari si
Isagani sa pagtatalumpati nito sa harap ng mga mag-aaral at kung kasama ba ito sa hapunan.
Tinatapat siya ng binata na hinangaan naman ng pari dahil karaniwan daw sa mga ganoon ay tumatanggi.
Sumagot si Isagani na kung ano raw ang mga mag-aaral ay dahil iyon sa mga pari.
Nagpalitan ng papuri ang dalawa sa kabila ng palitan ng argumento. Gayunman, naisa-isa ni Isagani ang
mga sakit ng mga pari sa pagiging guro. Sinabi naman ng pari na malabis na ang sinasabi ni Isagani.
Nagpatuloy si Isagani at sinabing ang kalayaan at karunungan ay kasama sa pagkatao ng mga nilalang.
Nagwika din si Isagani tungkol sa gawain ng mga pari na pandaraya at panlalamang sa mga Pilipino
upang maging maginhawa lamang.
Hindi nakapagsalita ang pari at ngayon lamang niya naranasang magipit sa pakikipagtalo sa isang
estudyanteng Filipino.
ARAL:
Wala sa edad o katayuan sa buhay ang pagiging tama o nasa katuwiran. Hindi naibibigay ng
edad ang pagkamulat bagkus ang mga karanasan at pinaniniwalaan ang siyang ugat ng
pagiging matuwid.