Ang Batang May Malasakit

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Batang May Malasakit

Lunes ng umaga, maagang pumasok si Rodel sa paaralan. Masaya siyang naglalakad papunta sa terminal
ng sasakyan. Pagdating niya doon ay nakita niya si Juan, ang batang may kapansanan.

"Magandang umaga

sa iyo Rodel" ang bati ni Juan. "Magandang umaga rin naman" ang tugon ni Rodel.

Nang dumating na ang dyip na kanilang sasakyan patungong paaralan ay inalalayan ni Rodel si Juan sa
pagsakay hanggang sa pag-upo sa loob ng sasakyan. "Maraming salamat sa iyo Rodel", sabay sabi ni
Juan.

"Walang anuman". tugon naman ni Rodel.

Nang dumating na sila sa tapat ng kanilang paaralan, inalalayan pa rin niya si Juan sa pagbaba ng dyip, sa
pagpasok sa loob ng paaralan at maging sa pagpasok sa silid-aralan. Lubos na nagpasalamat si Juan kay
Rodel dahil sa ipinakitang malasakit at kabaitan sa kanya.

1. Paano nagpakita ng malasakit si Rodel sa kaniyang kapwa?

2. Tama ba ang kaniyang ginawang pagmamalasakit? Bakit?

3. Kaya mo rin bang magmalasakit gaya ng ginawa ni Rodel sa isang taong may kapansanan? Paano mo
ito gagawin?

You might also like