Aral Pan Grade III - Weeks 6, 7, & 8

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

Ikatlong Baitang
Ikatlong Markahan
(3rd Quarter)

IKAANIM NA LINGGO (Week 6)

I. LAYUNIN:

Nasusuri ang iba’t-ibang paraan ng pakikipagtulungan ng pamahalaang pambarangay at iba


pang tagapaglingkod sa kinabibilangang komunidad.

II. PAKSA:

Iba’t-Ibang Paraan ng Pakikipagtulungan ng Pamahalaang Pambarangay at Iba pang


Tagapaglingkod sa Kinabibilangang Komunidad

Sanggunian:

Masipag na Pilipino Batayang Aklat sa Sibika at Kultura 3


pahina 178-184; 188-194

Mga Kagamitan:

Mga Larawan
Manila paper, pentel pen

III. Pamamaraan/ Gawain:

Unang Araw (Day 1)

Konsepto: Mga paglilingkod sa pamahalaan

A. Preliminaries: Greeting Song

B. Pagganyak:
1. Magpapakita ng larawan ng iba’t-ibang taong naglilingkod sa pamahalaan.
Tanungin ang mga bata kung ano ang nakikita nila at nakilala ba nila ang
mga nasa larawan.

C. Pagatatalakay:

Hatiin sa tatlong pangkat ang buong klase at ilalagay nila ang larawan ng
mga taong tumutulong sa kanila base sa ibinigay na sitwasyon.
1. Tumutulong sa pag-aayos ng daloy ng mga
sasakyan sa lansangan.

2. Inililigtas ang buhay at ari-arian ng mga


nasusunugan

3. Tungkuling pangalagaan ang kaligtasan ng bansa


laban sa panloob at panlabas na panganib

4. Hinuhuli ang lumalabag sa batas.


2. Magpapakita ng larawan na may kinalaman sa paglilingkod na panlipunan na
natatanggap ng mga mamamayan. Pagawain ang mga bata ng K-W-L tungkol
sa mga larawan.
3. Paag usapan ang ginawang tsart na K-W-L.

Ano ang ALAM mo? Ano ang GUSTO mong Ano ang iyong NATUTUHAN?
MALAMAN?
1.
2.
3.
4.
5.
6.
D. Paglalahat:

May mga iba’-ibang taong naglilingkod sa bawat ahensiya ng ating


komunidad na tumutulong sa araw-araw nating ginagawa.

E. Pagtataya:
Kilalanin ang mga Ahensiya sa mga larawan na idikit sa pisara. ( at least 1-5)
F. Gawaing Bahay:
Magsaliksik sa komunidad kung sino ang mga naninilbihan na mga kawani ng gobyerno.

Ikalawang Araw (Day 2)

Konsepto: Kalaman sa mga tumutulong sa pag-ayos ng komunidad

A. Preliminaries:
Balitaan sa mga pangyayari sa komunidad tuwing may pista.

B. Pagganyak:
Magpapakita ng mga larawan tungkol sa mga taong nagserbisyo sa komunidad at
Pamahalaan

C. Tanungin ang mga bata kung ano ang mga nagawa ng mga taong nasa larawan sa kanilang
komunidad

Gawain 1

1. Ipapakitang muli ang mga larawan na ipiniresinta kahapon at tanungin ang mga mag-
aaral ng mga sumusunod:

- Ano ang ipinapakita sa bawat larawan? (isa-isahin ang bawat larawan na ipapakita
sa mga mag-aaral) (kunin ang mga sagot ng bawat mag-aaral na gustong maglahad ng
kanilang sagot)

- Sinu-sino ang gumaganap sa mga trabahong ito? Anu-anong ahensya ng


pamahalaan ang gumagawa ng mga bagay na ito? (ipakitang muli ang bawat larawan)

- Ang bawat larawan ay ilagay at ang pangalan ng ahensya na gumugawa nito.

Gawain 2

Tanungin muli ang mga bata:


- Natatamasa ninyo ba ang paglilingkod na ginagawa ng bawat ahensya?
- Magbigay ng mga halimbawa ng mga serbisyo na ibinibigay ng bawat ahensya
Department of Education o
Kagawaran ng Edukasyon –
paglilingkod na pang-edukasyon –
namamahala sa lahat ng mga
mababa at mataas na paaralan sa
bansa, pampubliko man o pribado.
Department of Health o Kagawaran
ng Kalusugan – paglilingkod na
pangkalusugan – namamahala sa
lahat ng mga pangkalusugan na
programa ng pamahalaan, lalo na sa
bawat Barangay.

National Disaster Coordinating


Council o nangangalaga sa mga
mamamayan sa panahon ng
kalamidad at kaguluhan. Ito rin ang
tagapag-ugnay sa iba pang ahensya
ng pamahalaan o pribado man

Department of Environment and


Natural Resources – ito ang
nangangalaga sa ating mga likas na
yaman. Nagpapatupad ito ng mga
batas para pangalagaan ang mga
gubat, pangingisda at kalinisan ng
kapaligiran.

Department of Public Works and


Highways – ito ang nangangasiwa sa
programang pang imprastraktura
kabilang na ang pag-aayos ng mga
kalsada, tulay at mga transpotasyon
na magpapabilis ng kalakalan.

National Housing Authority –


binibigyan ng disenteng tirahan ang
mga mamamayan lalo na sa mga
taong maliliit ang kita at mga taong
nakatira sa iskwater.
Note: Maghanda ng mga larawan na tungkol sa mga ahensiyang ito kinabukasan.

D. Paglalahat:
Ang DepEd, Dept. of Health, Dept. of Public Works and highways, Dept. of
natural Resources at and National Housing Authority ang mga pangunahing
ahensiya ang tumutulong sa at nagangalaga sa ating pamahalaan at komunidad.

E. Pagtataya:
( Sasabihin ng guro ang mga tanong tungkol sa mga taong naglilingkod sa
pamahalaan at sagutin ng mga bata ang pangalan ng ahensiya) at least 5 items

F. Gawaing Bahay:
Magbasa ng mga talaan o dyaryo at magdala ng mga ginupit gupit na larawan
tungkol sa pangyayari sa araw-araw. pamahalaan.

Ikatlong Araw (Day 3)

Konsepto: Pagkamalikhain sa pamamagitan ng Collage

A. Preliminaries:

Pag-uulat ng mga nababasa sa dyaryo sa bawat pangkat.

B. Pagganyak:
Pagpapakita ng mga larawan ng iba’t-ibang ahensiya at ang kanilang mga binibigay
na serbisyo. Ipaayos sa kanila ang tamang serbisyo na binibigay sa komunidad

C. Mga Tanong:
- Alam na ba ninyo ang mga serbisyong binibigay ng taong nasa larawan?
- May mga tulong ba naibibigay sa inyong komunidad?

Gawain 1

Hahatiin sa anim (6) na pangkat ang buong klase at sa pamamagitan ng kanilang mga
ginupit na mga larawan ay gagawa sila ng isang collage na nagpapakita ng mga serbisyo
ng ahensya na naibigay sa kanila.

Gawain 2

Pagkatapos ng paggawa ng collage ay ilalahad nila ito sa klase sa paggawa ng isang


simpleng kanta na nagpapahiwatig ng kanilang mga serbisyong binibigay sa mga tao.

D. Paglalahat:

May mga serbisyong binibigay ng bawat ahensiya ng pamahalaan sa ating


komunidad na nakatutulong sa pang-araw-araw natin pangangailangan.

E. Pagatatya:
Gagawa ang bawat bata ng sarili nilang collage tungkol sa mga
naglilingkod sa pamahalaan na may label ng ahensiya nito.

F. Takdang Aralin:

Maglista ng mga gawaing naitutulong o mga bagay na pwede nilang


matulungan sa mga tao sa komunidad.

Ikaapat na Araw (Day 4)

Konsepto: Pakikipagtulungan sa sariling komunidad.

A. Preliminaries:

Magbalitaan sa mga pangyayari na nakikita sa kanilang sariling barangay

B. Pagganyak:

Gawain 1

Gamit ang kanilang kaalaman sa mapping gagawa ang mga mag-aaral ng concept
web upang mas mapalalim pa ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa kanilang
kaalaman sa iba’t ibang paraan ng pakikipagtulungan ng pamahalaan at
tagapaglingkod sa komunidad.

Sasagutin ang tanong na ito:

Ibigay ang iba’t ibang paraan ng pakikipagtulungan ng ahensya ng


pamahalaan sa komunidad.
Gawain 2

Iuulat ito ng mga mag-aaral sa parehong grupo nila sa harap ng klase.

D. Paglalahat:

Marami ang paraan sa pagtutulungan sa ating komunidad at sa tulong ng iba’t-

ibang ahensiya ng pamahalaan.

E. Kasunduan:

Pag aralan ang leksyon mula lunes hanggang Huwebes para sa isang lingguhang

pagsusulit.

Ikalimang Araw (Day 5)

Lingguhang Pagsusulit

Test 1. Isulat sa patlang ang tamang sagot ng bawat tanong:

_________ 1. Anong ahensya ang nagtuturo sa mga magsasaka ng wastong pangangalaga ng lupa?

_________ 2. Tinitiyak ng ahensyang ito ang pagpapatupad ng libreng pag-aaral ng mga bata sa

pampublikong paaralan.

_________ 3. Anong ahensya ang nangangasiwa sa pagkakaroon ng mga kalsada at tulay sa bawat

lugar na nangangailangan nito.

_________ 4. Pinangangalagaan nito ang kapaligiran ang kalinisan nito at ang kaligtasan ng

kalikasan.

_________ 5. Pagbibigay ng panibagong bahay sa mga taong iskwater na inalis ang bahay sa

kinatitirikan nito.

Test 2. Isulat ang inyong sagot sa tanong na ito. 5 pts.

Paano nagtutulungan ang mga ahensya upang mapabuti ang pamumuhay ng isang

komunidad?

Test 3: Magbibigay ng Iba’t-ibang paraan ng pakikipagtulungan sa komunidad. At least 5

IKAPITONG LINGGO (Week 7)


I. Layunin:

Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga pinuno at kasapi ng

komunidad.
II. Paksang-Aralin:

A. Paksa: Ang Kahalagahan


ng pagtutulungan ng mgaPinuno at Kasapi ng Komunidad
B. Sanggunian: Masipag na Pilipino Manwal ng Guro pp. 47 -51, Masipag na Pilipino
Batayang Aklat pahina. 149
C. Kagamitan: Mga larawan na nagpapakita ng pagtutulungan ng pamayanan, marking
pen, manila paper. Scotch tape

III. Pamaraan:

Unang Araw (Day 1)

Konsepto: Pagpapaunlad ng pamahalaan

A. Preliminaries:
Magkaroon ng pagbabalik-aral sa nakaraang leksyon ang tungkol sa paglinang ng
kakayahan ng sarili at kapwa.

B. Pangganyak
Pag-aawit ng mga bata ng awiting; “Ako Isang Pamayanan”
(Tune: It’s I Who Build Community”)
Ako Isang Pamayanan
Ako (3x) isang pamayanan
Ako (3x) isang pamayanan
Ako (3x) isang pamayanan
Ako isang pamayanan
Sumasayaw-sayaw at Oh! Umiindak-indak
Sumasataw-sayaw katulad ng dagat
Sumasayaw-sayaw at Oh! Umiindak-indak
Sumasayaw-sayaw katulad ng dagat.
- Ikaw
- Tayo

Tanong: Sinu-sino ang mga kasapi ng pamayanan?

C. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Pangkatin ang mga bata sa apat na grupo. Ipasaayos ang naka scramble na salita
pabuuin ng maraming salita na nakpaloob dito.
MAYPAANAN
Paghahatid ng kanilang mga nabuong salita. Ang grupo na may pinakamaraming
nabuo ang panalo.
Linangin ang mga salitang ito; pamayanan, pamahalaan, pinuno, komunidad

2. Pagtatalakay:
- Pagpapakita ng mga larawan ng pagtutulungan ng mga kasapi ng pamayanan. -
-- Magkaroon ng roundtable discussion tungkol sa larawan.
- Pagtatalakay ng bawat grupo ng kanilang mga hinuha tungkol sa gawain ng mga
tao sa kanilang pamayanan.
D. Paglalahat:

Bilang isang kabataan, tayo ay magtulong tulong sa ikauunlad ng ating


pamayanan.

E. Pagtataya:

Pangkatin ang mga bata at isasadula kung paano

magtulongtulungan sa pamahalaan sa panahon ng bagyo.

IV. Takdang-Aralin:

Magtala ng limang gawaing nakabubuti sa inyong komunidad/ barangay.

Ikalawang Araw (Day 2)

Konsepto: Pagpapahalaga sa Agrikultura

A. Preliminaries:

Balitaan sa mga hanapbuhay ng mga tao sa kanilang


komunidad/barangay.

B. Pagganyak:
Ilagay sa concept web na ito ang mga salitang kaugnay ng salitang nasa gitna.
Komuni-
dad

B. Pagtatalakay

Pangkatin ang klase sa 4. Papiliin ng lider at rekorder. Bigyan ang bawat


pangkat ng mga tanong na sasagutin.

Mga tanong:
a. Isang bansang agricultural ba ang Pilipinas?
b. Sino ang lumilinang sa mga bukirin ng pamayanang sakahan?
c. Bakit lumalaki ang produksyong agricultural sa Barangay Gugo?
d. Paano tumutulong ang pamahalaan sa mga magsasaka? (Batayang Aklat,
pahina 149-151)

Sa presentasyon ng mga ulat, maaring gamitin ang alinman sa sumusunod;

 Panel discussion
 Panayam(interview)
 Role – playing
 Debate

C. Pagsusuri:

Suriin ang mga naiulat ng bawat pangkat sa kanilang presentasyon.

D. Paglalahat:
- Mahalaga ang pagtutulungan ng pamayanan at pamahalaan sa pang-agrikultural
upang lumaki ang produksyon ng pagkain at kita ng mamamayan.
- Produktibo ang mga komunidad kung saan ang lahat ay nagtutulungan.

E. Pagtataya:

( Ipasagot sa mga bata ang tanong)


Ano ang kahalahagan para sa inyo at sa ating pamumuhay ng Agrikultura?

IV. Takdang-Gawain/Kasunduan:

Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng pagtutulungan ng komunidad at

pamahalaan sa inyong barangay lalo na sa larangan ng agrikultura.

Ikatlong Araw (Day 3)

Paksa: Kahalagahan ng Pagtutulungan

A. Preliminaries:

Tingnan ang larawan. Tanungin ang mga bata :


- Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
- Nakaranas na ba kayo ng ganito?
- Ano sa palagay ninyo ang naaapektohan ng nasa larawan?

B. Pangganyak:

Lagyan ng ekis ang salita na hindi nabibilang sa grupo ng mga salita:


a. Paghahangad pagpapaubaya pagnanais
b. Pamahalaan gobyerno pamayanan
c. Pamumuhay pangingisda pambansa
d. Pambansa internasyunal nasyonal

Pagpapakita ng mapa ng Pilipinas at ipaturo ang pangisdaan ng mga Pilipino.


C. Panlinang na Gawain:

1. Paglalahad:
Pangkatin ang mga bata sa apat na grupo. Pahandain ang bawat pangkat ng
ulat na ibabahagi sa klase. Gumamit ng mga learning organizer sa pagsagot sa
mga tanong.
Mga Tanong:
1. Likas bang pangisdaan ang Pilipinas?
2. Saan karaniwang nanininrahan ang mga magingisda? Paano sila
nangingisda?
3. Paano napaunlad ang pamumuhay ng mga mangingisda sa Navotas at
Malabon?
4. Bakit nagpatayo ang pamahalaan ng sentro ng pamilihan ng isda?

2. Pag-uulat ng bawat grupo gamit ang iba’t ibang presentasyon gamit ng mga
learning organizer.
.
D. Pagsusuri:
Pagtatalakay /pagpoproseso ng guro sa mga ulat ng bawat pangkat.

E. Paglalahat:
Pagbubuo ng paglalahat ng mga bata.

- Produktibo ang mga gawain na bunga ng pagtutulungan ng pamayanan at

pamahalaan.

F. Pagtataya:
Paano tumutulong ang pamahalaan sa mga pamayanang pangisdaan?
Bilang isang mamamayan paano ka makakatulong sa mga tao sa inyong
komunidad/barangay.

IV. Takdang-Aralin:

Gumawa ng isang likhang sining na nagpapakita ng pagtutulungan ng

mamamayan at pamahalaan. Gumamit ng kahit anong patapong bagay sa paggawa nito.

Ikaapat na Araw (Day 4)

Paksa: Pakikipagtulungan

A. Preliminaries:
Greeting Song

B. Pagganyak:
Magkaroon ng Balitaan sa mga naganap na pagtutulungan sa kanilang komunidad.
C. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Hatiin ang mga bata sa apat o nais na grupo. Ipahinuha sa mga bata ang mga
kanais-nais na kaugalian sa kaunlaran ng pamayanan.

Ipatala ang mga ito sa pisara:

Halimbawa:
-Pag-uugnayan
-Pagkakaisa
-Pagmamalasakit
-Pagtutulungan
At iba pa…….

2. Pagsasagawa ng mga bata ng iba’t ibang presentasyon gaya ng mga


sumusunod na gawain:
-Socio-drama
-Role -playing
- Broadcasting
-Roundtable discussion

C. Pagsusuri

- Bakit mahalaga ang pagtutulungan sa isang pamayanan?


- Dapat bang papurihan ang mga taong nagtutulungan para makamit ang
kanilang mithiin sa buhay at ng pamayanan?

D. Paglalapat:

Bumuo ng isang jingle tungkol sa kahalagahan ng pagtutulungan ng mga

kasapi ng komunidad.

E. Pagtataya:

( Sagutin ang tanong)


Ano ang kahuliugan ng pagtutulungan at bakit mahalaga ang
pagtutulungan sa isang pamayanan.

IV. Takdang-Aralin:
Mag-interbyu ng ilang indibidwal sa pamayanan na hindi kanais-nais ang
saloobin at pagpapahalaga sa pagtutulungan ng pamayanan at pamahalaan. Tanungin
kung ano ang kinahinatnan ng kaniy/kanilang buhay. Ibahagi ito sa klase.

Ikalimang Araw (Day 5)

Lingguhang Pagsusulit:

Test I. 1-5 Gumawa ng concept map at isulat ang ilang gawain na nagpapakita ng

pagtutulungan ng komunidad at pamahalaan.

Test II. Sagutin ang bawat tanong:

6.Ano ang karaniwang ginagamit ng tao para makamit ang kanilang

pangangailangan?
A. Pinagkukunang-yaman ng pamayanan
B. Transportasyon sa pamayanan
C. Paaralan sa pamayanan
D. Irigasyon

7. Bakit kinailangan ng tao na palakihin ang produksyon ng mga


A. dahil sa kahirapan
B. dahil sa lumalaking utang
C. dahil sa dumaraming kaaway
D. dahil sa lumalaking populasyon
8.Paano nagtutulungan ang mga magsasaka sa ating bansa?
A. Sa pagbibili ng produkto
B. Sa pagpapalitan ng produkto
C. Sa pagluluwas ng produkto
D. Sa pagtatanim at pag-aani ng mga produkto

9.Saan karaniwang nagaganap ang malaking pangisdaan sa ating bansa?


A. Sa mga talon
B. Sa mga karagatan
C. Sa mlaot at dagat
D. Sa mga ilog at tributaryo nito

10.Sa paanong paraan gumagawa at nagiging produktibo ang mga gawain sa


pagsasaka?
A. Pag-aaway
B. Pagkakaibigan
C. Pagtutulungan
D. Pagmamalasakit
Test 3. Ano ang kahalagahan ng pagtutulungan sa isang komunidad. Ipaliwanang.

5 puntos

IKAWALONG LINGGO – Week 8)

I. Layunin:

Nakalalahok sa mga gawaing nakakatulong sa pagkakaisa, kaayusan at kaunlaran ng

kinabibilangang komunidad.

II. Paksa: Ang Pakikipagtulungan sa Pamahalaan Tungo sa Pag-unlad ng Aking Kinabibilangang


Komunidad.
Ref. : Masipag na Pilipino

Materials:
- CD/Player ( Magkaisa)
- larawan ng isang bata
- tsart nasa web ladder
- strips ng mga salita

III. Pamaraan:

Unang Araw (Day 1)

Konsepto: Pagkakaisa

A. Prelimaries:

A. Pagganyak:
Lahat tayo ay may mithiin o pinapangarap na nais makamit.
Pakinggan ang isang awit tungkul sa pagkakaisa “ Magkaisa”

B. Paglalahad:
1. Ano ang ipinahihiwatig ng awit?
2. Magpakita ng larawan ng dalawang bata na nag- uusap ( Dialogo).

Pag-usapan ang mga nais ng bawat bata na magkaroon ng maunlad na buhay sa bawat aspeto
ng kanilang :

 sarili
 pamilya
 Pamayanan
C.Pagalalahat:

Ang pagkakaisa ay pinakamimithi ng bawat Pilipino upang umunlad ng isang

pamayanan.

D. Pagtataya:

Ano ang mithiin mo para sa iyong sarili?sa pamilya? At sa iyong pamayanan?

( Isulat ang sagot sa papel)

E. Takdang Aralin:

Gumupit ng larawan na nagpakikita ng pagkakaisa at idikit sa isang bond paper.

Ikalawang Araw (Day 2)

Konsepto: Ang Pakikipagtulungan sa kapwa

A. Preliminaries:

Maglaro Tayo:Tumayo kung ang ipinapakita na salita ay nagpapahiwatig ng pagkakaisa,


kaayusan at pagpapaunlad sa isang komunidad: Idikit ang mga salitang pinili ng mga
mag-aaral sa pisara:

1. tumulong
2. magkalat
3. sumunod
4. makiisa
5. makipag-away
6. mag-aral
7. magsikap
8. magbigay
9. katamaran
10. pagtitiwala

B.Pagaganyak:

Pumili ng isang salita na nasa pisara at isulat ito sa isang malinis na papel.

Idikit ito sa inyong mga damit.

C.Paglalahad:

- Ipaliwanag ang salita na iyong napili at idinikit ninyo sa inyong damit:


- Ano ang mga hadlang sa pagkamit ng pagkakaisa, kaayusan at kaunlaran sa
isang komunidad?Isulat ang sagot sa loob ng ladder web:Gawin ito sa
pisara.
D.Paglalahat:

Ang magandang saloobin sa paggawa ay nakatutulong sa kaunlaran ng sarili,


pamilya at komunidad.

E. Pagtataya:

Paano makamit ng isang komunidad na inyong kinabibilangan ang


pagkakaisa? ( Isulat sa sagutang papel)

F. Takdang Aralin:
Magtala ng mga pangyayaring pakikipagtulungan na nagawa mo sa
inyong komunidad/barangay.

Ikatlong Araw (Day 3)

Konsepto : Pagkakaisa

A. Preliminaries:

Pagbubuo ng Puzzle: Pagkatapus mabuo ang mga pangungusap tungkol sa gawaing


makatutulong sa pamayanan, basahin ang mga ito at pag-usapan.

ng Ang sa Pilipino ay
kaunlaran naghahangad
.bawat buhay

B. Paggaganyak:

Awitin ang “ Magkaisa”

C.Paglalahad:
1. Hatiin sa limang grupo ang klase. Pumili ng lider at humanda sa presentasyon gamit
ang awiting “Magkaisa”.Bawat grupo ay dapat magbigay ng aral mula sa awitin.

D. Paglalahat:
Ang bawat Pilipino ay naghahangad na mapaunlad ang kanilang pamayanan.

E. Pagtataya:
(pangkatin ang mga bata)
Pagsasadula ng isang maunlad na barangay kung paano ito uunlad.
F. Takdang Aralin:
Gumupit ng larawan ng isang maunlad na barangay at idikit sa malinis na papel.

Ikaapat na Araw (Day 4)

Konsepto: Pgpaunlad ng pamahalaan.

A. Preliminaries/Balik-Aral:

Kaya mo ba to? Isulat ang saliatang Kaya Ko o Di ko Kaya sa bawat mga gawain:

________________1. Magsisikap akong makapagtapus ng pag-aaral.

________________2. Makikipagtulungan ako sa pamahalaan araw-araw.

________________3.Magmamahalan kami ng aking pamilya.

________________4. Susunod ako sa mga batas ng ating pamahalaan.

B. Pagganyak:

Awitin ang “ Magkaisa”

C.Paglalahad:

1. Magpakita ng larawan ng isang pamayanan. Ipalarawan ang mga kaganapan sa loob ng


komunidad.

Hal. 1.Ang mga bata ay nasa paaralan at nag-aaral.


2. Nagtutulungan ang mga tao sa loob ng pamayanan.
3. Sumusunod sa batas ang mga Pilipino.
4.Nagpapakita ng respeto sa bawat kasapi ng komunidad.

Tanong: Maari ba nating makamit ang mga gawaing nasa larawan? Paano?Pakinggan ang
kanilang mga sagot at iproseso ito.

D. Paglalahat:
Maaring makamit ang kaunlaran kung tayong lahat ay magtutulungan.

E. Pagtataya:
Role play kung paano makamit ang kaunlaran ng isang komunidad.

F. Takdang Aralin:
Pag-aralan ang mga leksyon sa buong linggo para sa lingguhang pagsusulit.

Ikalimang Araw (Day 5)

A.Lingguhang Pagsusulit:
Isulat sa sagutang papel:

I. Sagutin ang tanong at isulat sa loob ng ladder web:( 2 points each)

1. Ano ang mga hadlang sa pagkamit ng kaunlaran sa pamayanan?

a.

b.

II. Isulat sa patlang ang Tama o Mali kung ang mga pangungusap ay nagpapakita ng
pagkakaisa, kaayusan at kaunlaran sa komunidad:

_________1. Makipag-away sa bawat kasapi ng pamayanan.

_________2.Sumunod sa mga batas dahil ito ay nararapat lamang.

_________3. Makipagtulungan sa lahat ng mga gawain.

_________4. Maki-isa sa kaganapan sa pamayanan.

_________5. Sundin lamang ang nais mo.

III. Bilugan ang mga salita na nagpapakita ng magandang ugali upang makamit ang
kaunlaran sa komunidad:

tumulong magkalat sumunod makiisa

makipag-away mag-aral magsikap

magbigay katamaran pagtitiwala


IV. Pag-ugnayin ang mga maaring gawin upang maisakatuparan ang pagkakaisa,
kaayusan at maunlad na kominidad sa larawan ng bata na nasa kaliwa:

*Mag- aral nang mabuti.

*Tumulong sa mga magulang.

*Iwasan ang mga magandang ugali.

*Sumunod sa batas.
* Makipag-tulungan sa pamahalaan.

V. Kulayan ang kahon na nagpapakita ng pagkakaisa at kaayusan sa pamayanan:

1. Paggawa, tiyaga at pagpapakasakit

2. Pakikipag-agawan at pagtatago ng mga bagay-bagay.

3. Pakikipagtulungan sa bawat kasapi ng pamayanan.

4. Sumunod sa patakaran ng bawat kasapi ng pamayanan.

Prepared by:

JANETE B. ESTEBAN
Education Program Supervisor
Division of Davao City
Region XI

You might also like