Orca Share Media1581302039993

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 53

KABANATA II

ANG FILIPINO BILANG


DISIPLINA AT FILIPINO SA
IBA’T IBANG DISIPLINA

INIHANDA NI:
ELENA G. VICENCIO
LAYUNIN:
 Maisa-isa ang mga suliraning lokal at
nasyonal ng komunidad na
kinabibilangan;

 Makapagmungkahi /Makapagbalangkas ng
mga makabuluhang solusyon sa mga
pangunahing suliraning panglipunan
sa mga komunidad at sa buong bansa
batay sa pananaliksik;
LAYUNIN:
 Maipapaliwanag ang mahigpit na
ugnayan ng pagpapalakas ng
wikang pambansa sa
pagpapatibay ng kolektibong
identidad at pambansang
kaunlaran
LAYUNIN
 Makapagsasaliksik hinggil sa mga
sanhi at bunga ng mga suliraning
lokal at nasyonal gamit ang mga
tradisyonal at mga modernong
sanggunian;
LAYUNIN
 Malilinangang Filipino bilang daluyan
ng inter/multidisiplinaring diskurso at
pananaliksik na nakaugat sa mga
realidad ng lupunang Pilipino; at

 Malilinang ang adhikaing


makibahagi sa pagbabagong
panlipunan.
A. FILIPINO BILANG DISIPLINA
Ayon sa Komisyon sa Lalong Mataas
na Edukasyon o CHED naglabas ng
CHED Memorandum Bilang 20 noong
2013 na naglalaman ng mga bagong
asignaturang dapat kunin ng mga
mag-aaral sa antas kolehiyo bunga na
rin ng pagbabagong dala ng BATAS K-
12 na nilagdaan ni Pangulong Benigno
Aquino III.
 Malinaw sa nasabing memo buhat sa
CHED wala nang asignaturang Filipino
sa antas-kolehiyo sapagkat ang mga
ito ay ibinaba na sa antas SENIOR
HIGH SCHOOL-mas nararapat sa
kalagyan ng Filipino ayon sa mga
bumalangkas ng naturang kurikulum
sa paniniwalang sapat na rin naman
ang asignaturang Filipino at di na
kailangang dagdagan pa.
Batay sa Pambansang Samahan sa
Sikolohiyang Pilipino (PSSP)
Ang wikang Filipino ay wikang pagdudukalan
ng pagkakakilanlang pambansa. Nakapaloob
sa wikang ito ay kabihasnan at kulturang
Pilipino.

Ang wika Filipino ay patuloy sa pagtataguyod


ng mga lokal at rehiyonal na wika na balon
ng mga ideya, damdamin, pagpapahalaga,
pananaw at pag-uugali ng mga mamamayan.
Batay naman sa inilabas na
paninindigan sa Pamantasang
Ateneo de Manila (ATENEO)
 Ang CHED Memo Bilang 20 ay hindi lamang
ito isang midyum sa pagtuturo ng
asignaturang Filipino. Sa katunayan, lumikiha
ito ng sariling larang ng karunungan na
nagtatampok sa pagka-Pilipino ng ano mang
usapin sa loob at labas ng akademya.
Ayon naman sa Kolehiyo ng ARTE at
LITERATURA ng UP-DILIMAN
 Sa pahayag para sa Pagpapatibay ng Wikang
Filipino bilang mga Sabjek sa Kolehiyo,
Departamento ng Filipino at Panitikan ng
Pilipinas, binanggit ang tatlong pangunahing
punto na ngpapatunay na ang Filipino ay higit
pa sa pagiging midyum ng komunikasyon.

 UNA, Ang Wikang Filipino ay itinuturing na


kasaysayan ng bansa
 PANGALAWA, Ang Wikang Filipino ang
pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ito ay
ngbibihis sa pagiging Pilipino ng bawat isa.
Sa katunayan, may pananaw at kamalayan
ang wikang Filipino.

 PANGATLO, Ang Wikang Filipino ay susi sa


kaalamang bayan dahil nasa wika ang
kaalamang patuloy na hinubog at
humuhubog sa bayan.
NAGPAPATUNAY NA ANG FILIPINO
AY ‘DI LAMANG INSTRUMENTO
NG KOMUNIKASYON, BAGKUS
BUKAL NG KARUNUNGAN
1. Ang Pagsasakatutubo mula sa Loob/Kultural
na Nagpapatibay ng mga Salitang
Pandamdaming Tumutukoy sa “Saya”: Isang
Semantikong Elaborasyon ng Wikang Filipino
sa Larangan ng Sikolohiya ni Jayson Petra ng
UP-Diliman. Makikita ito sa librong inilathala
ng KWF na pinamagatang Babasahin sa
Kultural na Malayuning Komunikasyon (2017)
2. Pang-uri: Istruktura ng Pag-unawa sa
Kultura ng Kaakuhang Filipino nina
Rhoderick V. Nunci at Elizabeth M. Nuncio.
Makikita ito sa librong Sangandiwa: Araling
Filipino bilang Talastasang Pangkalinangan
at Lapit-Pananaliksik na inilathala ng UST
press (2004). Sa artikulong ito, ipinaliwanag
at inilantad ang gamit ng wika na labas sa
estrukturang batayan nito.
3. Pag-unawa sa Sarili bilang Pakikipagtalastasan ni
Edgar Calabia Samar ng Ateneo.
Binabanggit sa nasabing artikulo ang bisa ng mga
salawikaing Pilipino bilang pangunahing
instrumento upang makilala ng isang indibidwal
ang kanyang sarili.
Halimabawa: Sa nasabing artikulo ay binigyan
pansin ang salawikaing “Ang maniwala sa sabi-
sabi, walang bait sa sarili.
4. Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyon ng
Filipino ni Melba P. Maggay ng Ateneo
Tinatalakay sa aklat na ito ang panimulang
panunuri tungkol sa pakikipag ugnayan ng
mga Pilipinong gumagamit in iba’t ibang
pamaraan ng pagpapahiwatig sa kanyang
kapwa.
Di verbal na pagpapahiwatig ng
mga Pilipino gamit ang
kilos/galaw

A. Pagpapahiwatig Tungkol sa


Bahagi ng katawan
B. Pagpapahiwatig ng Galaw ng
Iba’t ibang Bahagi ng Katawan
B. FILIPINO SA SYENSYA,
MATEMATIKA, INHENYERIYA AT IBA
PANG KAUGNAY NA LARANGAN

1. Filipino sa Syensya. Sa katunayan, isa si Dr. Fortunato


Sevilla ng Kolehiyo ng Agham ng UST. Ayon sa kanya,
sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ay mas
mabilis na nauunawaan ng mga mag-aaral ang lalim at
lawak ng mga konseptong pang-agham, mas nagiging
buhay ang talakayan sa klase dahil ganap na nakikiisa
ang mga mag-aaral.
2. Filipino sa Matematika. Matibay naman ang
paniniwala ni Atty. James Domingo ng
Kolehiyo ng Akawntansi ng UST. Ayon sa
kanya, sa loob ng ilang taon din ng paggamit
ng wikang Filipino sa pagtuturo, lubos na
nauunawaan ng mga mag-aaral niya ang iba’t
ibang konseptong pang-Akawntansi.
Naglathala na rin siya ng mga dalawang libro
na kapwa nakasulat sa wikang Filipino.
Nabanggit nga nina Broadway at Zamora
(2018) na napakahalaga ng Matematika sa
buhay ng tao kaya’t mahalagang ikintal sa
isipan ng mga mag-aaral ang aral na
maiibibigay nito sa kanila. Sa katunayan
magmula sa simpleng pagbibilang hanggang
sa pagkokompyut ng income tax return at ng
mga bayarin sa kuryente at tubig.
Sa panayam na ibinigay ni Dr. Maxima Acelajado
noong Linggo ng Wika sa DLSU Manila noong 1993
na pinamagatang “Ang Pagtuturo ng Matematika sa
Wikang Filipino” na nalathala sa Malay, Tomo 12,
Bilang 1 (1994), binanggit niya na bagama’t
nasiyahan siya sa pagtuturo ng Matematika gamit
ang wikang Filipino, hindi nman niya maitatanggi
ang kakaibang karanasan niya sa pagtuturo ng
asignaturang ito gamit ang wikang ito.
 Ayon sa pag-aaral naman nina Myra SD. Broadway
at Nina Christina L. Zamora na pinamagatang “Ang
Filipino Bilang Wika sa Matematika: Isang
Palarawang Pagsusuri sa kaso ng isang Pribadong
Paaralan”na inilathala sa The Normal Lights, Tomo
12, Bilang 1 (2018) napatunayan nilang malaki
ang papel na ginagampanan ng wikang Filipino
bilang wikang pantulong sa pagtuturo ng
Matematika sa mga Pilipinong mag-aaral.
3. Filipino sa Inhenyeriya. Ayon kay Carlito M.
Salazar (1995) ng DLSU-Manila isang pundasyon
at patunay ang ginawang eksperimentasyon sa
kakanyahan ng Filipino bilang wika ng karungan
nagn gamitin niya ito bilang midyum sa pagtuturo
ng mga asignatura sa Inhenyeriya gaya ng Process
Design in Chemical Engineering Heat Transfer.
4. Filipino sa Medisina. Sa katunayan, ito ang
ngsilbing pangunahing instrumento ng mga
doktor sa kanilang panggagamot sa mga
mamamayang Pilipino na nasa
marhinalisadong sitwasyon o maging mga
nasa gitnang uri man. Dahil sa wikang ito
mas napapabilis ang ugnayan ng pasyente sa
doktor.
Samantala, isa si Dr. Luis P. Gatmaitan (kilala

bilang Tito Dok sa larangan ng Panitikan) na

nagtataguyod ng wikang Filipino sa larangan

ng Medisina sa pamamagitan ng kanyang

mga kwentong pambata na nasusulat sa

wikang Filipino.
ILAN SA MGA PAMAGAT NG MGA
NILIKHA NIYANG KUWENTO:
A. May mga Lihim Kami ni Ingkong
B. Waaah! Nakagat ako ng Aso
C. Ayan na si Bolet Bulate
D. Ngiii! Ang Kati-Kati ng Ulo Ko
E. Naku, ang Pula ng Mata Ko
F. Aray, Nasugatan Ako!
G. Ay! May Bukbok ang ngipin ni Ani
H. KRAAAK! Nabali ang Buto ni Ferdie
Ayon sa Pahayag ni Dr. Florentino
Hornedo na nabanggit ni Timbreza
(1999)
 “Walang nakikitang problema
sa paggamit ng wikang
Filipino sa mga disiplina
tulad ng siyensiya,
teknolohiya at humanidades
sapagkat ang wikang ito ay
mapag-ampon.
Ayon pa nga kay SEVILLA III (2018)

-malaki ang pangangailangan ng pagagamit ng

wikang Filipino sa agham at teknolohiya lalo na sa


larangan ng Agrikultura na siyang kailangan ng
lipunang ito at kailangan itong simulan sa antas
primarya pa lamang dahil naniniwala siya na ang
pagtuturo ng Agham at Matematika sa wikang
Ingles sa batayang edukasyon ang nangngunang
dahilan sa paggamit ng wikang Filipino.
C. FILIPINO SA HUMANIDADES, AGAHAM
PANLIPUNAN AT IBA PANG KAUGNAY NA
LARANGAN
Sa katunayan, ayon kay Kgg. Virgilio Almario,
Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, sa
panayam ng Rappler Philippines (2014) ang
wikang ito ay ginagamit na sa buong kapulaan
ng Pilipinas magmula Batanes hanggang Tawi-
tawi. Marami nang mga nasusulat na
pananaliksik at testimonya magpapatunay na
nagagamit ang wikang Filipino.
Estado ng wikang Filipino sa mga
nabanggit na disiplina
1. Filipino sa Humanidades. Binigyan
kahulugan ng College of Arts and Sciences
ng University of South Florida (2015) ang
Humanidades bilang isang disiplina
nakatuon sa pag-aaral sa sangkatauhan.

Ayon naman kay Tolentino (2010),


Humanidades ang substansya ng pagkatao
ang bumubuo at bumubuhay sa tao, lampas
sa batayang pangangailangan.
Estado ng wikang Filipino sa mga
nabanggit na disiplina
2. Filipino sa Agham-Panlipunan.
Taliwas sa larangang teknikal, hindi
maikakailang malyo na ang narating
ng wikang Filipino sa Agham-
Panlipunan. Sa katunayan, buhay na
buhay ito sa pag-aaral ng Kasaysayan,
Antropolohiya, Ekonomiks,
Sosyolohiya, Sikolohiya, Pilosopiya at
maging sa Politika.
Sa DLSU-Manila, pinangunahan ni Dr.
Emerlita S. Quito ang pagsasa-Filipino
ng pagtuturo ng Pilosopiya. Bunga ito
ng kanyang kaliwanagan nang
minsang magtungo sa Vienna noong
1962 at napuna ng mga nakadaupang
palad na mga banyagang iskolar sa
paggamit ng wikang Ingles sa sistema
ng edukasyon sa Pilipinas gayong
malaya na ito sa kamay ng mananakop
na Amerikano.
Samantala, nakilala rin si Dr. Florentino
T. Timbreza bilang isang iskolar na
nagtataguyod at naniwala sa yaman at
kakayahan ng wikang Filipino bilang
wika ng Pilosopiya. Sa katunayan,
isinulat niya sa Filipino ang kanyang
disertasyon sa UST noong 1981.
Nakapaglabas din siya ng libro at mga
artikulo gaya ng librong pinamagatang
Pilosopiyang Pilipino noong 1981.
Sa kabilang banda, si Fr. Roque Ferriols
SJ. Pinangunahan ang paggamit ng
Filipino sa pagtuturo sa pagtuturo ng
Pilosopiya sa Ateneo noong 1969.
Nakapaglathala siya ng babasahin sa
Pilosopiya na nasusulat sa wikang
Pilipino gaya ng Paano Magpakatao?
(1989), at Pambungad na Pilosopiya
ng mga Sinaunang Griyego (1983)
Nariyan din si Fr. Albert E. Alejo na
nakapaglathala ng mga librong
pampilosopiya na nasusulat din sa
wikang Pilipino gaya ng Tao po! Tuloy!
Isang Landas sa Pag-unawa sa Loob
ng Tao noong 1990. Malinaw niyang
ipinaliwanag ang konsepto ng salitang
loob gaya ng kusang-loob, utang na
loob at lakas ng loob.
Ayon naman kina Panopio at
Santico-Rolda (1992), tumutukoy
ang Sosyolohiya bilang isang
syentipikong pag-aaral ng tao at
ng kanyang interaksyong
panlipunan sa iba pang mga tao
sa mga grupong panlipunan at sa
lipunang kanyang kinabibilangan.
Buhay na halimbawa and karanasang
ibinahagi ni Prop. B.R. Rodil ng Mindanao
State University sa 1st Philippine
Conference-Workshop on Mother Tongue-
Based Multi-Lingual Education sa Capitol
University, Cagayan de Oro City noong 2010
ng Pebrero nang basahin niya ang kanyang
papel na pinamagatang Ang Filipino Bilang
Wikang Panturo ng Kasaysayan ng Pilipinas
o Alinmang Bahagi Nito.
Ayon sa kanya, sa tatlumpu’t siyam na
taong pagtuturo ng kasaysayan gamit
ang wikang Tagalog (Filipino) at Bisaya
ay natutunan niya ang anim na bagay
sa karanasang ito. Aniya:

UNA, napatunayan ko ns hindi kapos sa


bokabularyo ang ating wika sa
larangan ng diskursong intelektuwal.
PANGALAWA, mas madaling ituro ang
kasaysayan lalo ang kasaysayan ng Pilipinas
at Mindanao sa sariling wika, mas madarama,
tumatalab, interactive at buhay, ika nga.

PANGATLO, higit na matalino ang mga


estudyante kung sariling wika ang ginagamit.

PANG-APAT, kapansin-pansin na habang


nagiging mataas ang mga estudyante sa
pagpapahayg ng kanilang damdamin at pag-
iisip, lalong tumataas ang kanilang
pagtitiwala sa sarili
PANGLIMA,hindi sagwil ang paggamit ni iba’t
ibang sariling wika sa klasrum, nagiging
tulay pa nga ito para ma-appreciate ng mga
kabataan ang yaman ni iba’t ibang kultura.

PANGHULI,sa paggamit ng ating sariling wika


sa paaralan, at sa ating mga transaksyon sa
labas tulad ng pamahalaan at komersyo
maipagpapatuloy natin ang pinasimulang
pakkikibaka ng ating mga ninuno laban sa
puwersa ng kolonyalismo
Patunay rito ang Iba’t ibang
respetadong journal sa Filipino gaya ng:
1. Diwa E-Journal ng pambansang Samahan
sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP). Ito ay isang
refereed e-journal na naglalyong
maglathala ng mga makabuluhan at
makatuturang pag-aaral sa Sikolohiyang
Pilipino na nagsusuri at umuunawa sa diwa
at pagkataong Pilipino mula sa oryentasyon
at perspektibong Pilipino tungo sa
pagpapalawak bg pambansang kamalayan
at kamulatan ng sambayanang Pilipino
2. Hasaan Journal, ang Opisyal na Journal sa
Filipino ng UST. Ito ay isang
interdisiplinaryong refereed journal sa
Filipino ng UST sa pangangasiwa ng
Departamento ng Filipino.

3. Malay ng DLSU-Manila, Ito ay isang


national refereed journal na multi-
disiplinari sa Filipino. Bilang journal na
multi-disiplinari, nagtatampok ang Malay
ng mga papel, pananaliksik at artikulong
nglalahad ng mga kaisipan at kaalaman
4. Daluyan: Journal sa Wikang Filipino. Ito ay
isang monolinggwal sa journal at may
layuning paunlarin ang pag-aaral at
pananalisik tungkol sa wika, panitikan at
kulturang Filipino at pagyamanin ang
diskurso sa iba’t ibang disiplina gamit ang
wikang Filipino.

5.Dalumat E-Journal ng Numina Publications,


at

6. Social Science Diliman ng UP-Diliman.


Estado ng wikang Filipino sa mga
nabanggit na disiplina

3. Filipino sa Pamahayagan. Sa
kasalukuyang panahon, hindi
makakailang malki ang
ginagampanan ng pamahayagan
(pahayagan, telebisyon,
telebisyon, radyo) sa bansa.
Saklaw nito ang tatlong gawaing gaya ng:

1. pagsulat sa pahayagan at magazine

2. pagsasalita na karaniwang nagaganap sa


radyo sa pammagitan ng pagbabalita; at

3.pampaningin na tumutukoy sa
pagbabalita sa telebisyon,
pagkokomersyo, pag-aanunsiyo at iba pa.
Del Superior Gobierno- ang
itinuturing na unang pahayagang
lumabas nang palagian/regular sa
bansa. Unang lumabas na sipi nito
noong Agosto 8, 1811 na
pinamatnugutan ni Gobernador-
Heneral Manuel Fernandez de
Folgueras.
La Esperanza- naman ang itinuturing na
pahayagang naglalathala araw-araw. Ito ay
unang lumabas noong Disyembre 1, 1846
na ang kalimitang isyung tinatalakay ay
tungkol sa Pilosopiya, relihiyon at
kasaysayan.

La Opinion- ito ay pinamumunuan nins Julian


de Poso at Jesus Polanco na maituturing na
may tapang at bangis ang pahayagang ito.
Diaryong Tagalog- Nakilala rin ito noong
panahon ng Espanyol na itinatag ni Marcelo
H. Del Pilar na ang mga paksa ay tungkol sa
pag-ibig sa bayan at kasawiang
nararanasan ng Pilipinas sa kamay ng mga
Espanyol.

La Solidaridad- ang itinuturing na


pinakatanyag na pahayagan ng mga Pilipino
sa Espanya sa unang pinamutnugutan ni
Graciano Lopez Jaena.
 Sa kabilang banda, bagama’t hindi
nagtagal ang pahayagang kalayaan ng
Katipunan (bunga ng kakulangan sa
pondo at paghihinala ng mga Espanyol
sa masamang balak sa kanilang
pamahalaan).mas tumagos naman ito
sa masang Pilipino dahil sa nasusulat
ito sa wikang Tagalog.
Marami ring mga pahayagan na
nasusulat sa wikang Filipino gaya ng:
 Malaya. Samantala kabilang naman ang:
 Abante
 Pilipino Star Ngayon
 Remate
 Taliba
 Hataw
 Tanod at
 Bulgar
Pahayagang pampaaralan na
gumagamit din ng wikang Filipino:
 The Varsitarian ng UST
 Matanglawin ng ATENEO
 The Catalyst ng PUP
 The Torch ng PNU
 Pahayagang Plaridel ng DLSU
◦ Nariyan ng pahayagang panghayskul na nasusulat ng
wikang Filipino:
◦ Ang Banyuhay ng QC Science HS
◦ Tanglaw ng Ramon Magsaysay HS
◦ Wika ng Sergio Osmena HS
◦ Rizalian ng Rizal HS Pasig at
◦ Kalasag ng Raja Soliman HS
Buhay na Buhay rin ang wikang Filipino
sa telebisyon sa aspekto ng pagbabalita

 TV Patrol ng ABS-CBN 2
 24 Oras ng GMA 7
 Aksyon Ngayon ng TV5

◦ Lantaran din ang paggamit ng wikang Filipino sa


mga teleseryeng Pilipino bilang midyum ng
palabas.
◦ Nakatulong din ang dayuhang palabas upang
maunlad at makita ang kakanyahan ng wikang
Filipino bilang wika ng karunungan at opisyal na
wika.
Mga halimbawa ng programang dayuhan
magmula sa teleserye hanggang sa pelikula:

 Jewel in the Palace ng Timog Korea


 Meteor Garden ng Taiwan
 Marimar ng Mexico

◦ Ayon kay Correa sa artikulong “Ang Pagsasa-


Filipino ng mga Panoorin sa Daigdig ng Telebisyon,
Pagda-dub ng Anime at Paglaganap ng Wikang
Filipino sa Bawat Sulok ng Mundo: Mga Patunay na
‘Moog’ ng Pagka-Pilipino.
Ilan sa mga ito ay ang mga
sumusunod
a. Kaganapan sa halip na pangyayari
b. Aspeto sa halim na aspekto
c. Daloy ng trapiko sa halip na trapiko
d. Maari sa halip na maaari
e. Mananakay imbes na pasahero
f. Tubig-baha sa halip na baha lamang
g. Dalawang magkaibigan/mag-asawa kahit na
dalawang tao lamang ang tinutukoy.

You might also like